Chapter 35
Balloon Flowers
"Bibili lang ako ng bulaklak."
Tatlong pares ng mga mata ang dumapo sa akin dahil sa sinabi kong 'yon. Una ang kay Don Emmanuel na may maliit na ngiti sa mga labi. Sunod ay ang sa kambal na kapwa naguguluhang nakatingin sa akin. Ang huli ay ang kay Señorito na mababakasan mo nang pagtutol na hindi niya magawang masabi.
I faked a smile so as not to worry any of them. Paalis na kami ng bahay para dalawin si Donya Margarita. Kuya Rhett and Kuya Seth will be accompanying us to the cemetery.
Honestly speaking, I'm having mixed feelings about this. There's this great feeling of nostalgia of having to meet a comrade whom I haven't met for a long time. But a bigger part of my heart feels embarrassed to be meeting her in a state where nothing seems right. Idagdag pa na sobra akong nahihiya dahil sa gulong naidulot ko sa pamilya niya.
"We can pick one up on the way," Señorito offered.
May tipid na ngiti sa mga labi na umiling ako sa kaniya. "It might take time. You know your Mom, Señorito, she likes a specific kind of arrangement," I replied.
"Let's go together, then," he said with finality.
"Ako na lang," tanggi ko.
His forehead creased in disagreement. "Tori, I don't think it's a bright idea to let you go alone."
Nanghihingi ng tulong na humarap ako kay Don Emmanuel. Agad naman niyang nakuha ang gusto kong ipahiwatig. He walked close to his son and placed his arm over Señorito's shoulder.
"Tobias, let Tori go. I'll have Rhett accompany her," he compromised.
Mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya dahil doon. "Eh, 'di ako na lang."
"Tobias," mahinang sambit ko sa pangalan niya. Nagbaba naman siya nang tingin sa akin habang salubong pa rin ang mga kilay. "Kami na lang ni Kuya Rhett. Para kung sakali mang matagalan kami, at least makakadiretso na kayo doon."
Palihim kong nilumukos ang laylayan ng itim na A-line dress na suot ko. Unti-unti nang lukalakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. I don't want to be caught in my own trap of lies as I don't want to complicate things further when things are bound to reach its end.
"Sige na, Señorito," paalam ko. "Magkikita pa naman tayo doon."
I couldn't help but gulp at my own lie. Totoong magkikita pa kami. Pero hindi ko alam kung kailan ang susunod.
I walked to him for a hug. Awtomatiko namang ibinaba niya ang katawan niya para yakapin ako. Umukit ang isang malukot na ngiti sa mga labi ko sa mahigpit na yakap na iginawad niya sa akin.
Dahil sa likod niya nakatayo si Don Emmanuel ay hindi sinasaiyang nagtama ang aming mga mata. There was an understanding in his eyes but at the same time, his lips is formed in a sad smile. At dahil din doon ay mabilis na napuno ng luha ang mga mata ko. I mouthed the words thank you to him in which he nodded as a response.
Ipinikit ko ang mga mata ko at kasabay no'n ay ang pagtulo ng mainit na likido sa magkabilang pisngi ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko kay Señorito na para bang huling pagkakataon na ito. I made sure to make the most of each second of our hug, remembering its warmth... memorizing the feeling of it for I know that this might be the last.
"I love you, Tobias, endlessly. I'll love you till my last breath," bulong ko sa tainga niya.
Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak niya sa akin para siguro ay silipin ang mukha ko pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakapulupot ng mga braso ko sa leeg niya. Pasimple kong pinunasan ang mga mata ko para itago ang bakas ng luha roon.
Sa paglinaw ng paningin ko ay siya namang paglinaw ng imahe ni Kuya Seth na katabi ni Don Emmanuel. Halata ang bahagyang pagsasalubong ng kilay niya habang nakatingin sa akin.
For sure, he can already grasp what's happening.
"Why do I feel like you're hiding something from me?" makahulugan niyang tanong.
Muli na naman akong napalunok dala ng tensyon. Minsan ko pang pinunasan ang mga mata ko bago tuluyabg humiwalay sa kaniya.
"Mauna na ako, Señorito," paalam ko.
I solemnly touch his jaw and trace a part of his cheek with my thumb while I look at him straight in his eyes. Minemorya ko ang bawat anggulo ng mukha niya at itinatak ko sa isip ko ang emosyong sumusigaw sa mga mata niya.
Pagmamahal.
"I'll see you, Señorito." I promise.
Sa kabila ng kaunting hiyang nararamdaman ay nilakasan ko ang loob ko at hinalikan siya sa kaniyang labi. And that instant, with the simple touch of our lips, I felt home.
It's sad to think that I am saying goodbye to the man that I dearly love casually. But it's even sadder to think that I am subtly saying my farewell, with him not knowing that I will be leaving.
Sana lang maintindihan niya.
All my things have been packed and loaded in Don Emmanuel's car. But up until this point, I haven't told Señorito yet. I just settled on writing a letter for him. Alam kong nagiging unfair ako sa kaniya sa paglilihim ng bagay na ito. Pero malinaw sa akin na tama nag naging desisyon ko."
Masyado akong natakot sa magiging reaksyon niya. Natatakot akong maduwag kapag narinig ko ang kaniyang pagtutol.
Malalim na nagbuntonghininga si Señorito nang humiwalay ako. He planted another kiss on my forehead before he met my eyes. "I'll walk you to the front porch."
Hindi na ako umangal at ako na rin ang nagkusa na humawak sa kamay niya. "Don Emmanuel," sambit ko nang harapin siya at ngitian. "Thank you po."
He reciprocated my smile more warmly than mine. Hindi siya sumagot at tumango lang sa akin.
I took that as my cue to finally walk towards the door. Hawak ng mahigpit ang kamay ni Señorito na sabay naming tinahak ang napakaiksing distansya na iyon. And each second passing by felt like there was a string wrapped around my neck and choking me up. My eyes started heating up again but I forced myself not to cry.
"I'll see you later," paalam niya nang tuluyan kaming makalabas ng bahay.
Ngumiti lang ako at tumalikod na. But even before I could walk further, Señorito gently pulled me into another hug.
"I love you, Tori. Remember that my heart is yours," he whispered in my ears.
Tumingala ako upang pigilan ang tuluyang pagtulo ng mga luha ko. I just hugged him back, much tighter in a way that he will remember me.
Isang halik pa sa aking pisngi ang ibinibigay niya bago ako tuluyang pinakawalan. Mabilis na akong tumalikod para itago ang tuluyang pagtulo ng mga luha ko. I didn't let him stop me this time. Tuluyan na akong naglakad palabas ng main house.
Without looking back.
I immediately entered the car parked in front of the porch. Ilang segundo lang ay sumunod na din nang sakay si Kuya Rhett. But my eyes remained fixed on Señorito who was looking at my direksyon. Sa layo ng distansya ay hindi ko buong mabasa ang emosyon sa kaniyang mga mata. Ngunit sapat na ang distansyang iyon para agad akong mangilila sa kaniya.
Kahit sa dahan-dahang pag-usad ng sasakyan ay nanatiling nakapako ang mga mata ko sa kaniya... sa huling pagkakataon. Kahit sa paliit nang paliit niyang pigura sa paningin ko ay hindi pa rin ako nag-iwas nang tingin.
I looked at him... already missing him.
Hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng Casa ay nakatanaw pa rin ako sa bintana habang ang mga luha ko ay tuloy-tuloy lang sa pagtulo ng masagana.
"Saan tayo?" tanong ni Kuya Rhett.
Inabot niya sa akin ang isang kulay puti na panyo. "Sa flower shop na paborito ni Donya Margarita," sagot ko. Tumango siya at minaniobra na ang sasakyan.
Parang may kumurot sa puso ko habang unti-unti kaming lumalayo. My heart was left at Casa Ramiscal. Everyone that I love is in there but I know that staying with them will only break me even more as of this moment.
Kaya kahit mahirap, kailangan.
Kahit pa ang kapalit ay iwan siya ng panandalian.
Goodbye, Señorito.
Saglit lang 'to, babalik din ako.
Siguro...
***
"Ang ganda naman po ng mga choices niyo, Ma'am," puri ng florist sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. I looked at the flower arrangement fondly, remembering how Donya Margarita liked it. The bouquet consists of ten white lilies decorated with lavender dandelions in between each stem of flower. Nakabalot iyon sa kulay brown na wrapper na pinatungan pa sa labas ng kulay puti. There's also a brown ribbon to hold the arrangement steady.
Kuntentong ibinaba ko iyon pansamantala sa ibabaw ng estante. Pagkatapos ay kinuha ko ang isang maliit na card na may ginto na boarder. There I wrote a short letter for the late Donya Margarita.
To the one who saved me,
I'm sorry if I'm breaking my promise of staying with him until the end. I'm sorry po, Donya Margarita, if I am being selfish and choosing myself. Babalik din naman po ako, aayusin ko lang po muna ang sarili ko.
I'm sorry, Tita, mahal po kita.
A lone tear escaped my eye reading that word in my mind. Tita.
Tandang-tanda ko pa kung paano niya paulit-ulit na hiniling iyon sa akin noong nabubuhay pa siya. She's been wanting to hear that word from me instead of how I addressed her as Donya Margarita. Pero ni minsan hindi ko nagawang sambitin sa kaniya dahil nahihiya ako ng sobra. It just didn't feel right to do so.
But now that she's gone... all that I could feel was a great amount of regret for not fulfilling her simple wish.
"Ito po, Ma'am? Anong arrangement po ang gusto niyo?" tanong ni Ateng florist sa akin.
Pinagmasdan ko ang hawak niyang purple at blue balloon flowers. May hawak din siyang puting maliliit na cosmos pangdagdag dekorasyon sa arrangement.
"Ikaw na bahala, Ate. Basta simple lang po," tipid ang ngiting sagot ko. Sinuklian niya ang ngiti ko bago sinimulang mag-ayos ng bulaklak.
I picked balloon flowers amongst the dozens of choices I have as it best represents my desire to come back to him.
To Señorito.
Aside from the beauty of its form, which is like a bell shape with five lobes, the meaning of it is what convinced me to buy it. Not just to indirectly tell him that I am coming back but also to let him know that I love him endlessly. I will. And I will forever do.
Kinuha ko ang card na ilalagay ko sa bulaklak na iyon. I already had my own letter ready. But I still wrote him simple words that I have been practicing to tell him for a long time.
Te amaré por siempre, Mi Señorito.
"Here you go, Ma'am." Nakangiting inabot sa akin ni Ate ang bugkos ng bulaklak.
"Salamat po," nakangiting saad ko.
Taking my request into consideration, she indeed kept the arrangement simple. Binalot lang niya in layered style ang bulaklak gamit ang parang kulay puting plastic na pambalot na may gold border.
Maingat na kinipkip ko ang dalawang bulaklak pagkatapos magbayad. Kahit sa paglalakad ay binagalan ko lang huwag lang iyon malukot o masira. Halos malunod na nga ako sa laki nang pagkaka-arrange niya. Natatabunan na rin ang paningin ko kaya kalkulado ang bawat paghakbang na ginagawa ko.
Maagap naman ang naging pagsalubong sa akin ni Kuya Rhett na pinaghintay ko na lang sa labas ng shop. "Bakit dalawa?" pagtataka niya.
Inabot ko sa kaniya ang bugkos ng lilies. "Para kay Donya Magrarita 'yan."
"Iyong isa?" tanong niya.
Hindi ko muna siya sinagot agad. Binuksan ko passenger's seat ng sasakyan para kuhanin ang maliit na bag na dala ko. Ibinaba ko sa upuan ang bulaklak para kalkalin ang pakay ko roon.
Niyakap ko ang unti-unting paglakas at pagbilis nang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong nilabas ang maliit na kulay puting envelop mula sa bag. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti nang ilagay ko iyon sa pinakalikod na bahagi ng bouquet.
"This is for Señorito," mahinang sabi ko.
Mariin akong pumikit sa muling paghapdi ng magkabilang sulok ng aking mga mata dahil sa nagbabadiyang mga luha. Ilang ulit din akong humugot ng malalim na hininga para tulungan ang sarili ko na kumalma.
I promised myself not to cry. Kahit ngayong araw lang.
"You're leaving, aren't you?" he confronted me.
"Hmm, mamaya flight ko," sagot ko.
There's no point in denying it when I won't be riding back with him anymore. Kuya Rhett doesn't know. So did the majority of the people in Casa Ramiscal. Kami lang nga yata ang may alam ni Don Emmanuel.
I asked him not to tell anyone. Ayaw ko kasing makarating kay Señorito lalo na kung sa bulungan lang niya maririnig ang lahat. Even until last night, I was contemplating a lot on whether to tell him or not. Pero mas lumalamang ang kaba sa puso ko kaya pinanghinaan ako ng loob.
Hanggang sa... tuluyang naduwag ako.
"Sinabi mo ba na aalis ka?" tanong niya.
"Kay Señorito?" Tumango siya. Malungkot akong napangiti. "Hindi," tapat kong sagot.
"Bakit?"
"Natakot akong masaktan kapag nakita kong nasasaktan na naman siya ng dahil sa akin." Mabigat ang puso na pinagmasdan ko ang bulaklak sa passenger's seat. Mas lalo kong naramdaman ang lungkot sa puso ko.
"Babalik ka pa naman 'di ba?" makahulugang tanong ni Kuya.
I smiled at him. It was a genuine one this time around. "Of course, Kuya. Babalik pa naman ako... kung may babalikan pa ako." Muling namasa ang mga mata ko per maagap kong pinigilan ang pagtulo no'n. "Can you help me with my things?"
He sighed first before he nodded his head. "Handang-handa ka na talagang umalis ano?"
Siguro tama siya sa part na handa na akong umalis. In physical terms, mentally as well. But my heart? It will never be ready to leave Señorito.
"It is scheduled," palusot ko.
"How about your case? Wala kang balak ituloy?" puno ng ingat na tanong niya.
Pansamantala akong natigilan bago naglakas ng loob na umiling sa kaniya. "I don't want to be the reason for things to turn ugly for their family."
"Trust me, their relationship had long soured even before shit happened." Kuya Rhett patted the top of my head. "But it's still your call. If it would make you remember the horror of that day by giving out testimony, then spare yourself for another batch of trauma."
"Thank you, Kuya." Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Thank you for everything, Kuya."
Ibinaba niya ang tangkad niya sa pamamagitan nang pagluhod gamit ang kaniyang isang tuhod na humahalik sa sahig ngayon. Ginantihan niya ako nang yakap sa ganoong posisyon.
I have always felt his brotherly love, together with Kuya Seth. Kahit hindi kami magkadugo, ramdam kong pinoprotektahan at iniingatan nila ako. They are always there for me, lalo na si Kuya Rhett na napagsasabihan ko pa ng mga problema ko. Even with my plans before of moving out, nandoon siya para suportahan ako.
That's why I always feel thankful for having them as my brothers in my life. The brothers I never had.
"My bags are on the trunk. Pasuyo na lang," bulong ko kabuntot ang mahinang tawa.
"I'll take you to the airport," he offered.
"Hindi na." Marahan kong tinapik ang likod niya at humiwalay na sa kaniya. "Magta-taxi na lang ako. Bumalik ka na sa kanila dahil baka naghihintay na sila."
"Naghihintay naman talaga sila. Lalo na Señorito. Hinihintay ka." Naiiling na nagtungo siya sa trunk ng sasakyan.
Ako naman ay minsan pang binigyan nang tingin ang bulaklak bago tuluyang isinara ang pintuan.
Ibinaba ni Kuya Rhett ang malaking maleta na halos kasing laki ko na. Don Emmanuel was suppose to give me a lift to the airport today. But I opted to go by myself. Mas mainam na kasama niya si Señorito.
Si Kuya Rhett na rin ang nagpara ng taxi para sa akin. Mabuti na lang ay agad na may huminto sa tapat namin. He loaded my things on the trunk of the cab. Kinausap din niya ang driver at may sinabi na kung ano.
After doing all of that, he faced me once again. "He'll unload your stuff for you later."
"Thank you, Kuya. The best ka talaga," pabirong sabi ko.
He gave me anothing light hug and a goodbye kiss on my cheek. "Take care of yourself, Tori. Be back soon, alright?"
Instead of answering him with words, I just smiled at him. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat. Agad naman na akong sumakay doon. Sumaludo pa siya sa akin bago sumakay na rin sa sasakyang dala niya.
"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng driver.
"Sa NAIA po kuya, Terminal 3. Salamat po," tugon ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana habang pinanonood ang kalsada. He maneuvered the car to turn into the opposite direction as the road Kuya Rhett will take. Hindi pa rin siya umaalis hanggang ngayon. Nang magsimula nang umandar ang taxi sa taliwas na direksyon ay doon lang niya tuluyang binuhay ang sa makina ng sakyan.
He honked at us, as a means of goodbye as his car started moving towards the opposite direction as mine.
Mula sa rear view mirror ay nakita ko ang papalayong sasakyan ni Kuya Rhett. At kasabay nang paglaki ng distansya sa pagitan namin ay siya namang muling pagbalong ng luha sa aking mga mata.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo pero sobrang sakit na. Hindi pa man ako nakakalabas ng bansa pero sobra na akong nangungulila.
I never imagined this is how things will end.
But I also know that this is what's best not just for me but also for everyone.
Muli akong nagbaba nang tingin sa bag ko at kinuha ang kapirasong papel doon. I traced the glossy texture of the paper I was holding as my tears stained the print on it, leaving traces of sorrow for this day as a memory.
Agad na kumalat ang tinta sa paligid nang nabasang parte. Pero patuloy ko pa rin iyong pinagmasdan ng maigi.
"We'll be fine, I promise," I uttered with a smile.
I placed my ultrasound near my heart to feel my own heartbeat and to feel the presence of life in that piece of paper.
My baby.
We will be fine.
We will be.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top