Chapter 34

Alternative

Parang may mahigpit na lubid na nakagapos at sumasakal sa leeg ko at pinipigilan akong makahinga ng maayos. It's more than just the feeling of being suffocated. But the feeling of being locked up, chained, and left alone in an endless battle with foes.

My demons disguised as vivid memories... haunting me in my sleep... forbidding me to get even a wink of sleep.

Parang hangin na lumipas ang mga araw. Ngunit ang gabi ay 'di hamak na mas mas mahaba at mas naging madilim na tila bang walang liwanag na tumatanglaw. Ilang araw ang mabilis na lumipas samantalang ang mga gabing nagdaan ay tila ba walang wakas.

Nakakapagod.

Nakakalito.

Lalo na't walang ibang makapagbibigay ng sagot sa kaguluhang nararamdaman ko kundi ako.

"Don Emmanuel, pinatawag niyo raw po ako?" bati ko sa kaniya nang makapasok sa study niya.

Nakaupo siya sa mahabang sofa. Mahina niyang tinapik ang bakanteng espasyo sa tabi niya. "Upo ka," nakangiting aniya.

Kabado man dahil hindi ko ito inaasahan, pinilit ko ang sarili kong humakbang at tabihan siya. I haven't had the chance to talk to him deeply about what happened. Dahil palagi akong iwas sa kaniya. Even with Señorito, I tried avoiding having to talk about that topic. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Kung hindi kasi paghingi ng tawad ay sa paninisi sa aking sarili nauuwi ang lahat.

I've been walking on eggshells, unsure about what I should do. They no longer ask me what I wanted to do. They were patient with me like they have always been.

"Tori," he called softly.

"Yes po, Don Emmanuel?" My heart skipped a beat out of nervousness.

Kahit kasi may ngiti sa mga labi niya ay mababakas mong seryoso siya. "Have you packed your things for tomorrow?"

Tuluyan na akong nawalan ng imik.

Tomorrow, we are scheduled to travel back to Baguio to pay a visit to the RTC to finally file a case to Sir Claude. But up until this point, the bigger part of me still doesn't want to do this.

It's more than just not wanting to cause this family more trouble. But to relive that day again for another day by telling what exactly happened might leave me completely breathless. I don't think I would still have the confidence and the courage for my day to get by peacefully.

My mind has been filled with noise. Sobrang ingay. At hindi ko gusto kung saan ako dinadala ng mga bagay na naglalaro sa isip ko.

Dahil sa mga nakalipas na araw... halos hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Tori," he called again, in a softer voice this time.

Pinanatili kong nakayuko ang ulo ko upang iwasan ang kaniyang tingin. I don't have the confidence of not crying in front of him.

"I'm sorry."

Natulala ako. Parang may matinis na tunog na umalingawngaw sa isip ko.

"I'm sorry for what my family did to you." He reaches for my hand. "I'm sorry because I know they will never acknowledge what they did wrong."

Napayuko ako at sa gano'ng posisyon ay itinatago ko ang sarili ko. Sa simple niyang mga salita, gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang pagdamay na kahit ako ay hindi ko magawang ibigay sa sarili ko.

"W-Wala po kayong kasalanan," utal kong sabi.

He tapped my shoulder. "Isa lang naman ang gusto ko. Ang mapabuti ang lagay mo." Mahina niyang pinisil ang kamay ko dahilan para mag-angat ako nang tingin sa kaniya. "I heard about your story from Margarita. And I felt the same as her. We wanted to give you a peaceful life, far from the noise on the streets that has been your home for quite some time. You brought colors to the dull colors of our lives. Especially to Tobias. And you are our family. Kaso, ang pagkupkop pa pala namin sa iyo ang maglalapit sa iyo sa kapahamakan."

Marahan siyang napailing. "I don't want to force my decision upon you. But I also want you to know that I will fight for you. I am ready to fight for you." Hinuli niya ang mailap kong mga mata. "Wala kang dapat na ikatakot. Hindi mo kami kailangang intindihin dahil walang kaso sa amin. I want you to do what's right for you."

Hindi ako nakapagsalita. Bawat salita niya ay tumatagos hindi lang sa isip kundi sa puso ko.

"Don Emmanuel..." Humugot ako ng malalim na hininga. "P-Parang hindi ko po kaya," hirap kong pag-amin.

"Will things be hard for you?" he gently asked.

Sa kabila nang kakulangan ng konteksto ng kaniyang tanong ay malinaw kong siyang naintindihan. He's seeing my heart. He knows my fear and recognizes the reason behind my hesitations.

Hinayaan kong lumipas ang ilang segundo bago marahang tumango sa kaniya. At bago ko pa mapigilan ay muli na namang naglandas ang pamilyar na init ng likido sa magkabilang pisngi ko.

Marahan akong kinabig ni Don Emmanule palapit sa kaniya upang gawaran ng isang mahigpit na yakap. "Naiintindihan ko. Naiintindihan ko na."

Walang lakas na hinayaan ko ang sarili kong lumuha sa mga bisig niya. Linggo na ang lumipas pero hindi pa rin maubos-ubos ang luha sa mga mata ko. Balde na yata ang niluha ko pero hindi pa rin ako tapos umiyak. I've been spending my days and nights crying and convincing myself that I'm fine. Forcing myself to believe my own lies.

Perhaps, this is the only thing I do best... to cry and be weak.

I don't know how to recover. Kahit ilang beses akong kausapin ni Señorito ay hindi ko pa rin magawang ituwid ang takbo ng utak ko. Parang nandoon pa rin ako sa tagpong 'yon... paulit-ulit na nagmamakaawa at humihingi ng tulong. Sa bawat pagpikit ko ay ang boses at mga salita ni Sir Claude ang naririnig ko. Kaya maging ang pagtulog ay kinakatakutan ko na ngayon.

I don't want to fall asleep with fear in my heart that I might have another nightmare about that day.

I don't want to hear him in my head anymore.

Ayoko na ring maalala ang nangyari.

Ayaw ko nang balikan.

Pero hindi ko alam kung paano ko kakalimutan.

Mas lalo akong napaluha nang hagurin ni Don Emmanule ang likod ko upang tahanin ako. Pero mas lalo lang nagmalibis ang luha sa mga mga ko.

I just want everything to stop.

Rinding-rindi na ako.

Pagod na ako.

Gusto ko na lang mamatay.

Baka sa paraang 'yon... hinding-hindi na nila ako masasaktan.

"I-I'm sorry po..."

Walang imik na hinigpitan lang niya ang pagkakayakap niya sa akin.

"I-I'm sorry po dahil naging ganito kagulo. P-Pasensya na po kung pati kayo ni Ma'am Cynthia ay nag-away na rin. Pasensya na po kung puro kamalasan lang ang dala ko sa inyo. Sorry po, Don Emmanuel. S-Sorry po," sunod-sunod kong sabi sa pagitan nang bawat paghikbi.

Hinayaan ko ang sarili ko na ubusin ang aking luha sa bisig ni Don Emmanuel. Walang reklamong hinayaan lang naman niya akong ibuhos sa kaniya ang lahat ng nararamdaman ko.

We stayed like that for a few more minutes before I completely calmed down. Only then did Don Emmanuel pull away. Nagtungo siya sa lamesa niya at may kinuhang envelop. Habang ako naman ay tahimik na tinuyo ang mga luha ko.

Bumalik siya sa tabi ko at muling naupo roon. Don Emmanuel gave me the envelope with a warm yet sad smile on his lips. "This is your alternative."

Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi maintindihan ang nais niyang iparating. He smiled at me as an encouragement to open the envelope.

Dala nang pinaghalong kuryosidad at kaba ay hindi na ako nagpalipas pa ng mahabang oras at agad na binuksan iyon. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang mga papel na nasa loob no'n.

The envelope was filled with a bunch of paperwork. Mula sa plane ticket hanggang sa admission papers sa isang ospital na madalas nang nababanggit sa akin ni Don Emmanuel noon.

"Ano pong ibig sabihin nito?" nagtataka kong tanong.

"Nakausap ko si Zachary. Nasabi niya sa akin ang mga agam-agam mo. He asked me to convince you but I figured that by doing so... it might actually put you in a longer torture."

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit iyon. Hinuli rin niya ang mga mata ko at pinakatitigan ito. Years had passed since I became a part of this family but his eyes never changed. They still carry the same gentleness that first greeted me on the first day we met.

He brushed my hair and wiped my tears away. "I already had everything mapped out for you. You can start anew." Tumikhim siya. "I rented a house for you to stay in the US. Kahit gaano pa katagal. And while you're there, I want you to think about your surgery. I already talked to my Doctor friend for you to have a consultation. I am not forcing you, alright? Just give it a try to attend that consultation."

Masunuring tumango ako sa kaniya. And like a rehearsed and familiar reaction, tears pooled in my eyes once again. "Your flight is scheduled a week from now. Pwede mong sundin ang lahat ng nakalatag kong plano para sa iyo pero nasa sa iyo ang huling desisyon. Do everything in your comfort. At kung handa ka na, bumalik ka. Kung sakali mang magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako at itutuloy natin ang kaso."

Mataman akong nakinig sa kaniya habang iniintindi ang bawat salita niya. At sa buong durasyon nang pagsaslaita niya ay isang tao lang ang naging laman ng isip ko.

Si Señorito.

Maiintindihan kaya niya?

"If you're thinking of Tobias, I can assure you that he will understand," he assured me, as if reading my mind. "Sigurado ako sa bagay na 'yan."

Hindi ako nakapagsalita. Puno nang pagdududa ang isip ko at maingay ang takot sa puso ko. Although the way Señorito had expressed his love for me screams for security and assurance, I still can't help but think of the possibilities of him falling out of love for me.

At isa pa... makakaya ko bang iwan siya?

Maisip pa lang iyon ay para nang hinhati sa milyong piraso ang puso ko. Para nang may marahas na kamay na pumipiga ro'n. Puno ng takot ang puso ko sa dalawang rason.

Natatakot akong umalis at iwan siya.

Pero mas natatakot akong umalis ng wala nang babalikaan pa.

But I can also understand the reason behind the proposition of Don Emmanuel. At malaking bahagi ng isip ko ay sumasang-ayon sa kaniya. To live in a new place, miles and miles away from this heart-shattering event would surely heal me.

Hindi katulad noon na tinakbuhan ko ang nangyari. Hindi katulad noong una na ibinaon ko lang sa pinakalikod na bahagi ng isip ko. Kasi akala ko na kapag hindi ko inalala ay tuluyang makakalimutan ko ang nangyari. 'Yon pala ay pansamantala lang na solusyon lang pala iyon at ibabalik pa rin ako sa puntong iyon ng buhay ko.

"Pero sobra-sobra na po ang bagay na ito para sa akin, Don Emmanuel." Napayuko ako dala ng hiya.

"Walang kaso ang mga 'yan," mahinang aniya.

Pinalipas ko ang isang minuto bago muling nagsalita. "Can I be the one to tell him about this, Don Emmanuel?" I hid my face from him by bowing my head when I felt the corner of my eyes heating up again.

"You're going?" he asked, surprise reflected in his voice. Marahan akong tumango. "Kung gano'n ay pwede ba akong humiling sa'yo? Sa huling pagkakataon?"

"Anong hiling po Don Emmanuel?"

"Pwede mo bang ipangakong babalik ka sa anak ko? Na babalikan mo ang Señorito mo?" umaasang hiling niya.

Walang pagdadalawang-isip na tumango ako sa kaniya. "Nangangako po ako, Don Emmanuel." Marahan din akong nag-angat nang tingin sa kaniya. I let him witness how a new batch of tears streamed from my eyes. "I w-want to l-live, Don Emmanuel. I w-want to s-survive," I uttered in a shaky voice. I pointed at my temple with my trembling hand. "I pictured it in my head, Don Emmanuel. My body... drowning breathlessly. I imagined how liberating it would feel... to finally stop breathing."

Worry filled his eyes but my tears immediately blocked my eyesight. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga kamay at doon ipinagpatuloy ang aking pag-iyak.

Nitong mga nakaraang araw na sobrang ingay ng isip ko, hindi iisang beses ba natagpuan ko ang sarili kong nagtatanong... paano kung mamatay na lang ako. At sa pagitan ng mga tahimik na oras ng bawat araw ko... hindi iisang beses na pumasok sa aking isip ang ideya na lunurin ang sarili ko.

It even came to an extent of sequencing how I should do it.

And what's worse is... I attempted to do it.

Kaya natatakot ako ng sobra.

At hindi ko alam kung paanong pahuhupain ang mga gano'ng bagay mula sa isip ko.

Kaya kahit masakit sa parte ko na umalis... kung iyon ang paraan para mailigtas ko ang sarili ko mula sa sarili ko ay gagawin ko.

"When did it start?" he carefully asked.

Tanging pag-iling ang naging tugon ko sa tanong niya. Nagpatuloy lang ako sa walang kapagurang pag-iyak.

"I want it to stop... but I don't know how, Don Emmanuel. I'm trying not to think about what happened but everytime I closed my eyes, all that I could see is how he looked at me with those devilish eyes." I shut my eyes tightly. "I want it to stop... help me make it stop..."

"Tori," he uttered worriedly.

"What's happening?"

Kusang kumilos ang ulo ko para harapin ang pinanggalingan ng boses na 'yon. I was too busy crying that I failed to notice the presence of Señorito who is now standing a few feet near me.

Puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang tinitingnan ko. But he didn't approach me. Nanatili lang siya roon habang nakatingin sa akin.

"Take her to your room, son. She needs some rest," utos ni Don Emmanuel.

"Sabihin mo muna kung anong nangyari? Why is Tori crying?" matigas niyang tanong.

"Son." Don Emmanuel heaved another deep sigh. "I'll talk to you later."

Narinig ko ang buntonghinga ni Señorito. At sa mabibigat na hakbang ay tinungo niya ang kinaroroonan ko. He crouched down in front of me and cupped my face dearly.

Magaan ang lapat ng mga mata niya sa akin ngunit mababakas mo pa rin ang pag-aalala. Marahan niyang tinuyo ang patuloy pa rin na naglalandas na mga luha mula sa mga mata ko. "Everything will be fine, Tori. I promise."

Pinangko niya ako't maingat na inilabas sa study. Walang salita na dinala niya ako sa kwarto niya at inihiga sa kaniyang kama.

He tucked me in with comforter fragranced by his scent. Even his pillow smelled the same kind of clean natural scent of him.

"I'll do everything for you, Tori," he promised.

Naupo siya sa bakanteng espasyo sa tabi ko pagkatapos ay walang salita na muling tinuyo ang pisngi ko. I tried to stop my tears, too. But they were so hard to control anymore.

I just cried.

And cried once more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top