Chapter 32
On The Other Side of the Rainbow
Like an isolated city washed away by a disastrous typhoon, the living area of our new hotel room was as messy as the streets filled with broken branches of trees. Ang kaibahan lang ay puro bubog ang nakakalat sa sahig ngayon. Halos wala ka nang aapakan sa sobrang dami ng bubog na nakakalat sa sahig. The pillows were scattered on the floor with the center table flipped over.
Just how hard it must've been for him to turn this serene place into one that reflects how he feels as of the moment.
Devastating.
"Nasaan si Señorito?" maingat kong tanong kay Kuya Rhett.
Nakatayo siya sa gilid ng kama habang nakapamulsa sa maong niyang pantalon. Samantalang nanatili lang akong nakaupo sa kama, yakap-yakap ang nakatiklop kong tuhod.
I haven't seen him since I woke up from another round of deep sleep earlier. Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak dahil sa naririnig kong kaguluhan kanina. And when I woke up, there were no signs of him. Not even his shadow.
Ang sabi lang sa akin ni Kuya ay biglang umalis, galit na galit. Hindi niya hinayaan na magawa siyang pigilan ng kahit na sino. Not even Don Emmanuel
Kuya Rhett let out a frustrated sigh. Mas lalo din nangunot ang noo niya. "Hindi ko alam. Bigla na lang siyang umalis. Sinundan na siya ni Seth."
Mas lalo akong binalot nang pag-aalala at binundol ang puso ko ng kaba. "Kanina pa umalis?"
Marahan siyang tumango sa akin. Mas lalo akong kinain ng kaba. I started biting my nails out of anxiety. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, punung-puno ng kaba ang puso ko. This isn't actually the best time to be apart from him. Lalo na't nasa kataasan pa ang emosyon niya. His emotions are unstable right now and it's terrifying to think that his judgments might be clouded too.
Pigilan ko man ang sarili ko na isipin, hindi ko maalis ang posibilidad na baka may gawin siya na ikapapahamak niya. At malakas ang kutob kong tama ako. Kaya hindi ako mapalagay.
I've been seeing the hate he feels towards Sir Claude ever since Don Emmanuel's birthday party. And ever since that day he's been anxious about him being near me. And I now understand why.
"May balita na raw ba? Baka kung napa'no na siya," pag-aalala ko.
Muli, umiling siya. "Wala pa. I'm trying to reach out to Seth but he's still not answering, too. Ang huling usap ko sa kaniya ay kanina pang alas dos. He's out of reach after that."
"Si Don emmanuel? Nasaan siya?" tanong kong muli.
"He's outside, trying to call Señorito." Nagbuntonghininga siya. "H'wag kang masyadong mag-alala. Alam niya ang ginagawa niya."
Hindi ako nakaimik. Ang isip ko ay puno nang pagkontra sa tinuran niya pero wala na akong lakas na isaboses 'yon.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bedside table at agad na tinawagan si Tobias. Kabadong hinintay ko na sagutin niya ang tawag, pero ilang ring na ang lumipas ay hindi pa rin siya sumasagot. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lang nadadagdagan ang kaba ko.
"Ano bang sinabi bago umalis?" tanong kong muli kay Kuya.
"Bigla na lang umalis. walang sabi-sabi," sagot niya.
Mas lalong umingay ang pag-aalala sa sistema ko. Lalo na nang mamatay ang tawag at hindi pa rin siya sumasagot.
Sunod-sunod na pumasok ang kung ano-anong ideya sa isip ko patungkol sa posibleng kinaroroonan ni Señorito. At hindi ko nagugustuhan ang mga 'yon.
"Relax ka lang. Hindi niya ipapahamak ang sarili niya," pagpapakalma niya sa akin.
"I can't Kuya. Baka mamaya anong mangyari sa kaniya." Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang jacket ko na nakalagay sa ibabaw ng kama at sinuot iyon.
Hinawakan ako ni Kuya Rhett sa balikat upang pigilan ako sa tuluyang paglabas ng kwarto. "Saan ka pupunta?"
"Hahanapin ko siya," desididong saad ko.
I just can't sit around waiting for something to happen. Kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Kaya dapat lang na may gawin ako. I haven't talked to him yet. And the last time we spoke was back in the hospital. Kaya hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
But I can't also exclude the possibility of him not harming Sir Claude. Lalo na't bakas na bakas sa boses niya ang galit noong huling mag-usa kami. Kilala ko siya. Hindi siya iyong tipo na nananakit ng kapwa. Pero sa ganitong sitwasyon na pinanlalamangan siya ng galit at matinding emosyon, hindi malabong totoo ang laman ng isip ko.
"No. You're not going anywhere," he stopped me. "He wouldn't like to see you go searching for him. Mas magugulo lang ang takbo ng utak niya."
"Pero, Kuya..."
Napuno ng luha ang mga mata ko sa pagtindi ng mga emosyong sabay-sabay kong nararamdaman. Puno ako ng pag-aalala pero ramdam ko rin ang pag-usig sa akin ng aking konsensya. If it wasn't for me... hindi magugulo ang lahat. Kung wala lang sana ako, hindi magiging komplikado ang mga bagay-bagay.
"We'll find him, Tori. Don't worry too much." Mahina niyang tinapik ang balikat ko. "Sa sala ka na lang muna para hindi ka nakakulong dito."
Laylay ang balikat na sinunod ko siya. Gusto ko sanang maging mapilit kaso ayaw ko nang mas maging pabigat pa.
Naabutan ko ang mga naglilinis na staff ng hotel. Lima sila roon na tulong-tulong na nililigpit ang naging kalat ni Señorito. Ang iba ay winawalis ang mga malalaking bubog sa sahig. Ang isa naman ay vina-vacuum ang sofa para alisin ang posibleng bubog na nakarating doon. Sa may bandang pintuan nakatayo si Don Emmanuel na kinakausap ang sa tingin ko ay manager ng hotel.
Kusang napahinto ang aking mga paa sa paglalakad. At gano'n kabilis na kinain ako ng takot at pag–aalala nang madaanan ang malaking biraso ng basag na kulay puting vase. Ipapasok na sana iyon ng staff sa malaking trash bag na kulay itim. Pero bago pa tuluyang mawala iyon sa paningin ko ay nakita ko ang bakas ng dugo sa malaking parte no'n.
And what's worse is... there was so much blood that it was already dripping.
"He smashed it with his fist. He was so livid," Kuya Rhett, who's now standing behind me, shared.
Parang may kamay na sumakal sa leeg ko dahil sa aking narinig. Brutal na pares ng mga kamay na mas lalong humihigpit ang pagkakasakal sa akin sa bawat segundong lumilipas.
Even my breathing started to deepen with the sudden surge of emotion this has brought me.
"What did I do, Kuya?" I helplessly asked.
Tears automatically pooled in my eyes. What have I done?
Kuya Rhett tapped my shoulder twice, comforting me. But it wasn't near enough to comfort me and ease my conscience. "Wala kang kasalanan. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo."
Humarap ako sa kaniya at tumingala. Tears started to stream on both of my cheeks. While my heart endlessly feels heavy for everything that is happening.
All because of me.
Wala namang ibang dapat sisihin kundi ako lang. I brought this mess upon this peaceful family.
"Tori," maingat niyang sambit sa pangalan ko.
"Kuya...ayoko na..."
Mas lalo pang lumabo ang imahe niya sa paningin ko. Pero sa kabila no'n ay nakita ko pa rin ang simpatiya sa mga mata niya. "Don't say that."
Gustuhin ko nang maghanap ng ibang taong sisisihin para sa lahat nang nangyayari, hindi ko magawa. Dahil ako at ako lang naman ang puno't dulo ng lahat.
Kasalanan ko dahil mahina ako. Hindi ko nagawang anihin ang kanilang respeto. Ako ang dapat sisihin dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi rin naman nila gagagawin ang mga ginawa nila sa akin.
It's my fault for having dwarfism.
It's my fault for being weak that they could easily do whatever they want from me.
Sasagot na sana si Kuya Rhett para tahanin ako nang mag-ingay ang cellphone niya. Dali-dali niyang sinagot ang tawag habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Seth," he greeted.
Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan. Pero hindi pa rin iyon sapat upang pagaanin ang bigat na nararamdman ko sa dibdib ko.
I feel helpless.
I feel so lost.
Matiyaga akong naghintay sa palitan nila ng mga salita kahit na hindi ko naman rinig ang kabilang linya. I waited... and waited for Kuya Rhett to relay the message of his twin brother. At sa paghihintay na iyon ay walang humpay ang malakas na tibok ng puso ko dala nang pinaghalong kaba at pag-aalala.
Tinuyo ko ang luha sa mga mata at pisngi ko habang nakapako pa rin ang paningin sa kaniya. Malakas ang kutob ko na si Señorito ang dahilan nang pagtawag niyang ngayon
Ngunit kasabay nang paglinaw ng mga mata ko ay siya namang malinaw na pagrehistro nang pagkakakunot ng noo ni Kuya Rhett. Dahil doon ay mas lalo pang lumala ang kaba sa puso ko. At gano'n kabilis na napuno ng maraming tanong ang isip ko. Kung okay lang ba siya. Kung napahamak ba. O kung may nangyari bang hindi maganda.
I clasped my hands when I started feeling it tremble in fear. Sa paraang iyon ay umasa akong maiibsan ang panginginig ngunit sa paglipas ng mga segundong walang imik si Kuya ay mas lumalala lang ang aking kaba. Bumibigat na ang bawat paghinga ko dahil sa tulin nang tibok ng puso ko.
"Bakit?" salubong ang kilay na tanong niya. "Anong nangyari?"
I felt a familiar presence beside me. Nang tingalain ko kung sino 'yon ay hindi na ako nagulat nang mabungaran si Don Emmanuel.
Tulad ko, mababakas mo ang pag-aalala sa mga mata niya. Bagaman hindi niya iyon ipinapahalata, bakas sa pagkakakunot ng kaniyang noo ang pag-aalala para sa anak.
Without stopping myself, I reached for Don Emmanuel's hand and held onto it. Agad niya iyong ginantihan sa pamamagitan nang magaang pagpisil sa kamay ko. At sa ginawa kong paghawak sa kamay niya ay nalaman ko ang rason kung bakit kanina pa 'yon nakatago sa loob ng kaniyang bulsa.
His hand was shaking. His palms are wet with cold sweat. And it was a spitting image of mine as we both feel the same kind of nervousness for his son. Subalit alam ko, na doble ang kaba sa puso niya dahil nag-iisang anak niya si Tobias.
"Fuck, Seth! Why didn't you stop him?!" he angrily asked. "Kahit pa! Tangina! You should've stopped him!"
"Rhett," Don Emmanuel calls nervously, calming Kuya Rhett's high emotion.
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Kuya para siya na ang kumausap. Bumakas pang lalo ang panginginig no'n na hindi na niya nagawang itago pa.
"Kakausapin ka ni Don Emmanuel." Kuya handed over his phone to the worried father of Señorito. Ang boses niya ay repleksyon ng pinaghalong galit at pag-aalala.
Don Emmanuel first cleared his throat before putting the phone to his ear. "Seth, tell me what happened."
Naramdaman kong humigpit ng bahagya ang pagkakahawak ni Don Emmanuel sa kamay ko. Nanatili lang akong tahimik na nakatingala sa kaniya habang matiyagang naghihintay ng balita mula sa kaniya.
"Send me the address. We'll be there immediately." Don Emmanuel ended the line. "Ready the car, Rhett. Now."
Mabilis at walang imik na tumalima si Kuya Rhett sa kaniya. Naglakad si Kuya at tuloy-tuloy na lumabas. Nakakuyom pa ang dalawa niyang kamay at salubong ang mga kilay.
Hesitation dawned on Don Emmanuel's face when he looked at me. Ibinaba niya ang sarili niya at pinahpantay ang mga mata namin. "I want you to stay here, Tori. Hintayin mo kami. Ibabalik ko si Tobias sa iyo."
Awtomatiko akong umiling bilang pagtanggi. Nagpatong-patong pang lalo ang kaba, takot, at pag-aalala sa puso mo para kay Señorito. At hindi ako mapapalagay kung mananatili lang ako rito.
I can't.
I just can't.
Gusto kong masiguro na nasa maayos na lagay si Señorito. Gusto ko na ako mismo ang makakakita na walang masamang nangyari sa kaniya.
Dahil kung meron... hindi ko na alam.
Baka hindi ko na kayanin pa.
"No, Don Emmanuel. Sasama po ako. Gusto ko pong sumama," pagpipilit ko.
He shook his head, too. "I'm sure Tobias won't want you to see him in his current state. Dito ka na lang muna, ha? Babalik din ako... kami."
"Don Emmanuel..."
Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makaram ng desperasyon. I don't want to stay here and wait for long hours for them to be back. Hindi ko kakayanin ang pag-aalala.
Pinilit ko ang sarili ko na huwag nang umiyak kahit pa ang kapalit no'n ay sobrang kirot sa mga mata ko dahil sa sobrang pagpipigil na huwag lumuha.
"Tori." He sighed deeply.
"P-Please po, Don Emmanuel. Gusto kong makita si Señorito," pakiusap ko sa nanginginig na boses.
I am almost stomping on my feet, pleading him desperately to take me. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya. Pero hindi matatahimik ang kalooban ko kung hindi ko siya makikita agad.
Bulag ako sa mga nangyayari. At hindi ko gusto kung saan ako dinadala ng ideyang nabubuo sa isip ko. It's starting to scare me.
Malalim na nagbuntonghininga si Don Emmanuel. "Alright, Tori. But please... don't let yourself get stress too much. Makakasama sa kalagayan mo."
Tila isang masunuring bata na tumango ako sa kaniya. "Yes, Don Emmanuel."
He tapped my head lightly before tilting his head towards the direction of the door. Pinangunahan niya ang paglalakad palabas. Dali-dali naman akong sumunod sa kaniya.
I was racing against my own fast heartbeat, trying to win against the nervousness it was feeling. Pero kahit anong pagpapakalma pa ang gawin ko sa sarili ko ay hindi ko magawa dahil kinakabahan ako ng sobra. Only they knew what happened. And I don't have the heart to ask.
Natatakot ako.
Sa likod ko napiling sumakay. At sa buong durasyon na iyon ay tahimik lang ako. With my clasped hands, I was praying to the Lord for Tobias to be safe. Kahit iyon lang ang ibigay ng Diyos sa akin, okay na ako.
Kahit iyon na lang.
Pagkatapos ay handa na akong iwan ang buhay na binigay nila sa akin para bumalik na ang katahimikan sa kanila. Baka sakaling kapag nawala na ako ay babalik na sa normal ang lahat. Wala na silang aalalahaning tulad ko. Wala na silang iintindihin at ipagtatanggol. At wala na silang isasakripisyo para sa akin.
Maybe it has been long overdue... for me to go to the place where I should be.
On the other side of the rainbow... where no one could hurt me.
The whole ride along the unfamiliar road of Baguio felt like an eternity of silence. None of us were speaking. And I didn't mind. Dahil masyado nang maingay ang isip ko ngayon. My tears are not helping, too. Patuloy lang sila sa walang katapusang pag-agos.
Hindi ko alam kung saan kami patungo maliban sa katotohanang si Señorito ang aming destinasyon.
Lumipas ang mahabang minuto at saka ko naramdaman ang unti-unting pagbagal ng sasakyan. At mas lalo ko pang naramdaman ang kabog ng puso ko nang makita ang hinintuan naming lugar.
We arrived at a police station.
"Seth!" Kuya Rhett called loudly when we spotted him outside of the station as soon as we got out of the car.
Patakbong lumapit naman sa amin ang kambal niya, humahangos pa. "Don Emmanuel... Tori..." alangang bati niya.
Una kong napansin sa kaniyang mukha ang putok niyang labi. Bakas ang bahagyang pamamaga no'n na may bahid pa ng kaunting dugo.
"What happened?" Don Emmanul asked.
Tahimik na nakatingala lang ako sa kanilang tatlo, papalit-palit ang tingin sa bawat nagsasalita, habang naghihintay na mabigyan ako ng kaliwanagan.
"He searched for Sir Claude. Sinubukan ko siyang pigilan pero sarado na ang isip niya. He was determined to come after Sir Claude." He shook his head and lightly bowed as a means of apology. "I'm sorry, Don Emmanuel. Dapat pinigilan ko siya. Pero hindi na siya nakikinig. Lalo na nang makita niya sa restaurant si Sir."
"What did he do?" Don took a step closer to Kuya Seth.
"Binugbog niya si Sir Claude," sagot nito. "He was so livid that people had to call for the police to stop him. Sir Claude was unrecognizable. He was rushed to the hospital."
My jaw fell open with the shock his answer gave me. Never in my life did I imagine for this scenario to happen. Dahil si Señorito ang taong alam kung paano kontrolin ang kanyang emosyon.
He hates violence.
But maybe, for the people he love... his willing to put dirt on his hand to get even.
"Sinubukan ko siyang awatin kaya pati ako nasapak niya rin." Ngumiwi siya. "He was unstoppable. He was fuming mad. Bugbog sarado si Sir Claude. Naitawag agad ng mga tao kaya dinampot siya ng mga pulis."
While listening to his story, I couldn't help but blame myself even more. I am mad at myself. I blame myself. Kung hindi dahil sa akin ay hindi mangyayari 'to.
Humapdi ang mga mata ko sa muling panunubig ng luhang walang kapagurang pumupuno roon. Umiiyak na naman ako. Sa hindi ka mabilang na pagkakataon... umiiyak na naman ako.
Bakit ba kasi ang hina-hina ko?!
"S-Si Señorito? Okay naman siya?" utal kong tanong nang sa wakas ay mahanap na ang boses.
"He's fine. Nasa loob siya."
Bago pa ako mapigilan ng isa sa kanila ay tinakbo ko na ang distansya sa pagitan ng pwesto namin at ng presinto. Ngunit nang marating ko ang entrada ay agad din akong napahinto.
Because in front of me, while sitting on the long plastic chair in front of the police desk, sits Señorito with handcuffs locked on both of his hands. His elbows rest on his knees with his head bowed down, hiding his face with his knuckles covered with blood.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na makikita ko siya sa ganitong sitwasyon. He has never caused the family any trouble nor involved himself in any kind of negative situation. He's always alone. He always enjoys solitude with the kind of world he owns.
Ang kaso dumating ako.
Nilagay ko siya sa sitwasyong hindi naman niya dapat nararanasan in the first place. I made people look at him by merely standing beside him. Unlike how he enjoys hiding, I put him in a situation where people would look and talk about him. And unlike how he has always been at peace, I entered his life and turned everything chaotic.
Not stopping myself, I ran towards him and hugged him tight. Mukhang hindi niya inaasahan ang presensya ko dahil naramdaman ko pang natigilan siya
"Tori... what are you doing here?" he trailed off.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya, umaasang sa paraang iyon ay mararamdmaan niyang mahal ko siya. "Let's go home, Señorito. Let's go home."
==============================================================================
My 11:11,
Happy 3rd anniversary to this story, A Four Feet Conqueror!
Although I am not able to finish writing this story on this day like what I desired, I am still happy with the fact that we are almost at the finish line. Kaunti na lang po. And I dearly hope that you'll stick with Tobias and Tori until the end.
Maraming salamat po.
Please know that you are appreciated from the bottom of my heart.♡
with endless love and gratitude,
aerasyne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top