Chapter 31
Aftermath
When I die... how will people remember me?
How will they think of the name Tori?
How will they see me?
Will they... finally hear me?
Kulay puting kisame at ang nakasisilaw na liwanag ang unang bumati sa akin sa pagdilat ko ng aking mga mata. Tahimik din ang paligid at tanging ang mahinang tunog ng aircon lang ang nagbibigay buhay sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan ko.
Sa banayad na tibok ng puso ko, nasisiguro kong ligtas na ako. Palagay na ang puso ko na malayo na ako sa kapahamakan. Patay na rin ang kaba roon at wala ng bakas ng matinding takot. Mayroon pa ring kaunti pero hindi na tulad kanina na iyon lang ang kinikilalang emosyon ng puso ko.
Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan... may kung anong emosyon na pumupuno sa puso ko na hindi ko magawang mapangalanan. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na iyon. Parang... may mali. Like a hollow feeling of losing a part of yourself. Like a void feeling you can't even explain in the most basic words.
Hindi ko rin alam. Parang ang hirap huminga kahit na sa reyalidad ay napakadali ko iyong nagagawa.
"Tori! Oh, God! You're awake!"
Bago ko pa man maiproseso sa isip ko ang nangyayari ay sinugod na agad ako ng mahigpit na yakap ni Señorito.
Sa sobrang higpit no'n ay malinaw ko nang naririnig ang maingay na tibok ng puso niya. Maybe it's the relief of seeing me finally wake up. Maybe it's the same kind of relief that I felt when I finally tasted security in his embrace.
"Señorito," I uttered weakly.
Humiwalay siya sa akin at maingat na sinapo ang mukha ko at pinakatitigan ako ng maigi. "How are you feeling? May masakit ba? Are you feeling dizzy? Thirsty? Nagugutom ka ba?" maingat niyang tanong.
Pinilit ko ang sarili ko na ngitian siya. Pagkatapos ay mahina akong umiling sa kaniya. "Ayos lang ako."
"Hold on. Let me just call the doctor," he hurriedly said.
Maagap kong nahawakan ang kamay niya nang lalabas na sana siya. "Stay with me, Señorito," I pleaded... desperately.
Mataman ko siyang tiningnan na agad naman niyang sinuklian ng isang malalim na buntonghininga. Bumalik siya sa pagkakaupo sa upuan sa tabi nang kinahihigaan ko at mahigpit na lang na humawak sa kamay ko.
In physical terms, okay ako. Hindi ako nakararamdam ng kahit na anong sakit sa katawan maliban sa kirot sa ulo ko. Maybe I have rested enough. The same goes for my calm heart.
But my mind, everything's in chaos.
"Anong oras na?" mahina kong tanong.
"It's ten."
"Ng gabi?"
"Ng umaga."
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Gano'n katagal akong nawalan ng malay?
"You were out for two days," he informed me.
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ko. "Two days?"
Señorito leaned forward and gave me a light peck on my forehead. "I was worried sick."
Mataman kong tinitigan si Señorito. Buhay ang pag-aalala sa kaniyang mga mata pero mababakas mo rin ang kapanatagan doon.
I let seconds and minutes passed staring at the trouble written all over his face, wondering how he must be seeing things from his point of view. I wonder what's going on inside of his mind. Is it as complicated as mine?
Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari. Gusto kong malaman kung nasaan na ba si Sir Claude. Kung talaga bang ligtas na ako mula sa kaniya.
As if he read my mind, he said, "Claude was captured and detained. But he was released since we haven't filed a formal complaint. He's a fucking free man now." Marahas siyang nagbuntonghininga. "What happened, Tori?" he asked bravely.
Siguro iyon ang bumabagabag sa kaniya. Kung magtatanong ba siya o hihintayin niya ako na magkusa.
And it's such a relief that he asked. Dahil kung ako lang... mananatili lang akong takot na magsabi sa kaniya. I wouldn't have the courage to tell him everything that had happened. I would be too scared to even open my mouth to speak.
Humugot ako ng malalim na hininga. Nag-iwas din ako nang tingin at ibinaling na lang sa malaking bintana ng private room ko ang aking mga mata. "Ilang minuto pagkatapos mong umalis, nagpunta siya sa hotel room natin. I didn't let him in, wala namang rason para pumunta siya doon. But he pushed me away and forced himself in. That's when he started doing things to me."
My forehead creased as the corners of my eyes started heating up for tears. At dahil doon ay nararamdaman ko ang kirot ng sugat na iniwan ni Sir Claude.
"He told me... the reason behind your anger towards him. He told me how he started imagining doing nasty things with me." I cleared my throat when I felt like a huge lump formed inside it. "And he forcefully made me hold his private part, kissed me on places he shouldn't have, and left a lingering memory in my mind by whispering weird noises in my ears."
I want to applaud myself for not losing my voice while recollecting that memory. I want to clap out loud for remembering that moment with a brave heart.
But as soon as I finish my words... my defenses crumbled down. The braveness in my heart shattered. And the fear that I thought I had already won over started crawling in my heart again.
Unti-unting lumalim ang paghinga ko kasabay nang tuluyang pagtulo na ng mga luha ko. Mas lalo kong itinago ang mukha ko mula sa kaniya at dinama ng tuluyan ang init ng mga luha ko. But despite its warmth, comfort felt so far away like a distance never crossed by any man.
And it's starting to scare me even more... knowing that at some point... I might never really find comfort again.
"I-I'm sorry, Señorito," I mumbled in a trembling voice.
Hindi ko alam kung bakit ko binitawan ang salitang iyon. Hindi ko magawang ipaliwanag ang nararamdaman ko. It just felt like saying those words to him in this kind of event between us is the right thing to do.
I just feel sorry for causing them trouble yet again. Nakakakonsensya lang na puro problema lang ang dala ko sa pamilya nila.
Siguro tama nga si Mama. Wala akong ibang dala kundi kamalasan sa iba. Siguro nga ay tama siya na perwisyo lang ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Siguro nga ay totoong malas ako.
Baka nga salot talaga ako.
Noon, hindi ko siya lubos na maintindihan. Labis-labis din ang pagtanggi ko sa mga salita niya. Hanggang ngayon ay tanda ko pa kung paano nasugatan ang puso ko dahil hindi ko matanggap na galing pa sa magulang ko ang gano'ng mga salita.
Pero ngayon... walang ibang laman ang isip ko kundi pagsang-ayon dahil baka tama nga siya. Baka ipinanganak talaga ako para maging pabigat sa iba.
"What are you apologizing for, Tori?" Señorito rubbed the back of my hand with his thumb. "You are not at fault, baby. You will never be."
His reassuring words and gentle voice triggered my tears again as they started to fall immediately once again. Dinama ko ang init ng bawat pagguhit no'n sa pisngi ko. Para niya akong niyakap gamit lang ang mahika mga salita niya. Ngunit ang kumbinsihin ang sarili ko na tama siya ay hindi ko magawa.
Maybe it's a curse that I was born with while having this condition. Baka masyado akong umasa sa posibilidad ng isang normal na buhay gayong ako mismo ang hindi normal.
Baka nga... kasalanan ko ang lahat.
Mahina akong umiling at hindi na napigilan pa ang sarili na mapahikbi. "K-Kasalanan ko, Señorito. Kasalanan ko kasi ganito ako. Lapitin ako ng problema. At pati ikaw, kayo ni Don Emmanuel, nadadamay sa kamalasan ko."
"Shh, Tori. Never blame yourself, alright?" He placed his one hand over my head and gently brushed my hair, soothing and calming me. "It's not your fault that evils exist in this world. And I am sorry that the world isn't kind and understanding enough to accept you with its warmth, Tori. I'm sorry that we are not enough to safeguard you from them. I'm sorry that we failed to protect you. I'm sorry that you met them." Señorito caged me in between his gentle embrace.
At dahil sa ginawa niyang iyon ay mas lalong naging masagana ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na rin nagawang pigilan pa ang paglakas ng bawat paghikbi ko.
Kung p'wede lang sana... na mabuhay sa isang mundong puno lang ng saya. Kung mayroon lang sanang mundo na hindi mo na dapat pang maranasan ang paghihirap mula sa kamay ng iba. Kung mayroon lang sanang mundo... na handang tumanggap ng isang tulad ko.
Kung pwede lang sanang humiling ng isang mundo ng puno lang ng mabubuting tao katulad nina Don Emmanuel at Señorito. Kaso napakaimposible dahil kahit ang simpleng pagtanggap lang sa mga taong may espesyal na kondisyon ay kanila pang ipinagdadamot.
Hindi ko rin naman ginusto 'to, eh. Wala namang taong hihilingin na ipanganak ng mayroong espesyal na kundisyon. At kung magiging tapat lang ako sa sarili ko ay ilang beses ko na ring hiniling na sana hindi ako pinanganak bilang isang unano.
Kasi putangina ang hirap pala! Ang hirap lumugar kung ang tingin sa 'yo ng mga tao ay mas masahol pa sa basura na walang halaga!
"It's not your fault, Tori. It's not your fault," he soothed me.
Hindi nga ba? Bakit parang ang hirap namang maniwala?
I continued to cry, feeling so small against the giants of the world.
"We will file a case. We will take this to court. Or even deeper than what's beneath hell. Sisiguraduhin kong magbabayad ang hayop na 'yon," nangangakong aniya.
Mabilis na nabuhay ang takot sa dibdib ko. Hindi para sa akin kundi para kay Señorito at Don Emmanuel.
Umiling ako. Inabot ko ang mukha niya gamit ang nakaswero kong kamay. "P-Please, Señorito... l-let's just let this pass..."
Kasabay nang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi ko, ay ang pagyakap naman sa akin ng malamig na tingin ni Señorito. Mababasa ang pagtutol doon. Ngunit mas nangingibabaw ang hindi maipintang galit dahil sa taong dahilan nang paghihirap ko.
"Come again?" he asked, unhappy with what I just said.
Kahit gustong-gusto ko na mag-iwas nang tingin, nilabanan ko iyon at sinalubong ang mga mata niyang walang kasing talim kung tumingin. "Let's just move on, Señorito. Ayaw kong pati kayo ng pamilya mo ang magkagulo dahil sa akin," kumbinsi ko sa kaniya kahit na alam kong taliwas iyon sa nais niyang marinig.
Kahit parang dinurog at inapak-apakan ang puso ko sa sarili kong mga salita, naniniwala akong iyon ang pinakatamang gawin sa sitwasyon ngayon. Gusto kong protektahan si Tobias at Don Emmanuel kahit pa ang kapalit no'n ay ang kalimutan na lang ang nangyari.
I don't want to be the one ruining the family who made me feel home. Even if I have to suffer alone so as not to cause more trouble. Okay lang sa akin. I can live with it. Huwag lang silang magkasira dahil sa akin.
Siguro hindi nila maiintindihan... pero umaasa akong magagawa nila akong pakinggan. I can live a life carrying the trauma till the last day I breathe. But it would be like swallowing a suicide pill to live a life full of guilt knowing that I ruined the family who saved me.
It would break me more.
Okay lang naman ako.
"Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi mo?" Señorito cupped my face again. He sat on the empty space of the bed and looked at me intently. "We need to make that scumbag pay for what he did to you, Tori," he helplessly said.
"Okay lang ako, Señorito," pilit ang ngiti na pangako ko sa kaniya kahit na basang-basa na ang pisngi ko ng luha. "Justice is too much of a luxury for me. especially if it concerns you and your family."
Umiling siya, hindi kumbinsido sa naging rason ko. "Walang pamilya-pamilya sa hustisya. Kung may nagawa siyang kagaguhan, hindi ba't mas tama lang na panagutin siya?" Tobias tucked the strands of my hair behind my ears and gently started to wipe my tears. "I know where you are coming from. At naiintindihan ko. Kaya sana maintindihan mo rin ako. Naiintindihan kong takot ka. Pero sana maintindihan mo rin ako na nanito ako para ipaglaban ka. Kung hindi mo kaya, ako ang magtatanggol sa iyo. Ako ang lalaban para sa 'yo."
Another batch of tears wet my cheeks. Ngunit wala na akong lakas pa para punasan iyon. At sa kawalan ng lakas, tanging ang pumaloob lang sa yakap ni Señorito ang aking naging tugon sa kaniya.
***
I never knew that the sound of a shattered glass would sound extremely excruciating in my ears. I have never imagined that it would shatter my heart the same way.
Nagtakip ako ng tainga at mas lalo pang isiniksik ang sarili ko sa dulo ng aking kama. Tila ba kasabay nang malakas na pagkabasag ng kung ano sa labas ng kwartong kinaroroonan ko ay siya ring pagbaon ng pino at maliliit na piraso ng bubog sa puso ko.
"Tobias! Calm down, son!" Don Emmanuel's voice reflects both worry and desperation.
And in my heart, I feel the same way. Everything feels heavy in the hotel room we moved into. Damang-dama ko ang bigat sa dibdib ko dahil sa aking mga naririnig. Ngunit wala akong ibang magawa kundi matuod sa pwesto ko at patuloy na makinig.
From the dark aura of Señorito that I woke up to earlier, everyone would know that the rough waves have turned everything upside down for us.
"Kismet might hear you, Sir. Please calm down." It was Kuya Seth.
Tulad ni Don Emmanuel, bakas din sa boses niya hindi lang ang pag-aalala kundi maging ang simpatiya.
"I have already contacted Attorney Serrano," Seth's twin, Rhett, informed. "He's on an out of town business trip as of the moment but he'll call Don Emmanuel back as soon as he gets back."
"Fuck," Señorito frustratingly blurted out. "Tori doesn't want to file a case," he said, dropping a bomb for the three men.
"Ano?" Pinaghalong gulat at galit ang maririnig sa boses ni Don Emmanuel.
"She just wants to move forward and forget what happened," Tobias replied. "I'm assuming she's doing it since that scumbag is a part of our family."
Rinig na rinig ko ang galit sa matigas na pagkakasabi ni Señorito sa huling mga salita niya. He undoubtedly sounded menacing, like every word he speak is a warning.
"We'll figure things out, Tobias. You have to calm down first. Unahin muna natin si Tori. She's more important than anything else," Don Emmanuel pleaded.
Kasalanan ko.
Lahat ay kasalanan ko.
Kung hindi dahil sa akin ay hindi magiging ganito kagulo ang lahat. I should've just stayed in Cass Ramiscal. Or maybe I shouldn't have entered their life in the first place.
Baka sakaling mananatiling tahimik ang buhay nila kung wala ako.
"Paano ako kakalma, Pa?! That bastard almost raped Tori! She already suffered from her ex! Dadagdagan pa ng putanginang 'yon!"
"What do you mean, Tobias?" Don Emmanuel asked.
"She was molested before, Dad! By her ex-boyfriend. She cried, Dad! She cried in front of me! Three years had passed since she was molested by Kristoff! And God knows how she's still hurting from that!" his voice cracked. "She barely got over her trauma. She barely started forgetting what happened... Tapos ganito na naman..." his voice started fading.
Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang aking sarili na humikbi ng malakas nang marinig ang paghikbi niya. Muling nasundan nang nakabibingin ingay ng mga nababasag na gamit ang mga salita niya. I don't even want to imagine how messy things are outside.
The only thing that is clear to me right now is how devastated Señorito is for me.
Nagising ako kanina sa mainit nilang diskusyon, sa matataas nilang boses, at sa sumisigaw nilang emosyon. Señorito's emotion is high. As high as I have never seen him before. Kanina pa rin ako nakaririnig nang pagkabasag ng kung ano-anong gamit sa labas. He was venting out his anger on the things he laid his hand on.
And every shattered glass sounded devastating and painful.
My heart breaks for him. The same way that it crushes my heart knowing that he's hurting for me.
Ito pa lang ang unang beses na nakita kong ganito siya. He's always the silent one. The less expressive. The distant. And to hear him scream on top of his lungs out of lividness is like the sharpest knife scarring through my heart, causing a huge cut of wound that would never heal even with time..
Ang sakit naman pala marinig ng ganito kalakas ang boses niya. Nakakasugat pala sa puso ng katotohanang naririnig ko siya ng ganito kalakas dahil galit at nasasaktan na naman siya.
And knowing that I am the reason behind his pain is even more earth-shattering on my part.
"Tapos ngayon dumagdag pa! Paano, Pa? Paano siya?" Pahina nang pahina ang boses niya habang nagsasalita. Ngunit kapalit no'n ay unti-unti namang lumalakas ang pag-iyak niya. "How would she lives each of her days not remembering what those demons did to her? How is she going to live a normal life?"
"Tobias..." Don Emmanuel's voice turned hushed and uncertain.
"Wala naman akong ibang gusto, Dad. Wala naman akong ibang gusto kundi magkaroon ng normal na buhay si Tori. Why is everyone so hard on her?"
Hindi ko na napigilan ang muling pagtulo ng luha ko. Maging ang mahihinang hikbi ko ay unti-unti na lang umamalpas sa bibig ko.
I clutched my chest hardly while feeling the loud and hard beating of my heart. Kahit ang paghinga ko ay lumalalim na rin dahil sa pagpipigil ng emosyon.
I've been asking for the same thing. Why is the world so hard to please? Why is everyone so hard on me? Buong buhay ko iyon din ang gusto ko. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang sagot. Bagkus ay mas lalo lang nadadagdagan ang pahirap na ibinabato sa akin.
And to hear the same thing from the man I love who wishes for the same thing for me is utterly heartbreaking. It's like a gentle pat on my shoulder that I am not alone. That in this fight against all the demons, I have someone who will hold my hand and walk this darkness with me.
Pero paano?
Paano kung sa bawat masasayang ala-alang binubuo mo ay siya namang paghagupit ng reyalidad na walang lugar ang buhay na normal para sa mga taong katulad ko.
"Son, we'll figure things out," pagpapakalma ni Don Emmanuel sa anak niya.
"I don't know what to do anymore, Dad. I feel sorry for her. I feel sorry for her living in this harsh world."
Mas lalo akong napaluha nang marinig ko ang paghikbi niya. Sobrang sakit ng bawat paghikbi niya. At maging ang sarili ko paghikbi ay kusa na ring kumakawala.
Our cries sounded like the saddest symphony of a sad movie with a tragic ending. But what hurt me most is the fact that his cries are for the pain he feels for my pain.
Umiiyak siya dahil sa akin.
Umiiyak siya para sa akin.
"Just love her, son. The way you do. Like you always do. Show her the kind of world these people deprived her of. I trust you, Tobias. I know you can," Don Emmanuel calmed him.
"I don't trust myself, Dad. Ayoko nang masaktan siya," he sobbed... and sobbed again and again until everything left in the living room were his cries.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top