Chapter 29

Trouble

The afternoon breeze of Baguio was cold but it was  comforting in a way. It offers peace and it feels like a warm embrace of comfort that heals my heart and soul. This place has always been my land of comfort. Kahit na tatlong taon na mula nang huling tumapak ako sa lugar na ito. Hindi pa rin nagbabago ang kapayapaang dala niya sa puso ko.

I have decided to settle on the outside table of Foam Coffee with my Iced Pink Choco drink while I wait for Señorito to pick me up after he runs his quick errands. Gusto niya pa nga ako isama kaso tumanggi na ako.

For the past few days, Señorito convinced me to accompany him here. Kahit na hindi na ako sumama sa mismong event. Kahit hanggang mismong Baguio lang. After long conversations after another, hindi na rin ako tumanggi.

"Hi, pwedeng makiupo?"

I blinked twice to wake myself up. Pinilit ko ang sarili ko na ngitian siya. "Sure po."

She smiled at me weakly. "Pasensya na, gusto ko kasi ng sariwang hangin kaso wala ng ibang bakante."

Ginantihan ko ang ngiting ibinigay niya sa akin. "Okay lang. Malapit na din naman akong umalis."

Imbes na sumagot pa, ngiti ang kaniyang naging tugon. Ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. She looks rather sad. Kahit ang ilang beses niyang pagbuntonghininga ay hindi rin nakatakas sa aking paningin.

I stole a quick glance at her and that's when I realized the reason why. Natigilan ako nang makita ang kulay itim at maliit na pin na nakalagay sa may kaliwang dibdib niya.

"I'm sorry for your loss," I sympathize in a small voice.

She smiled weakly once again. "It's my son. He passed away a week ago." Mahina siyang tumawa.

Pero iyon ang klase ng tawa na walang halong saya. Her laughter sounded heartbreaking. Like she's only forcing herself to be okay when in reality, she's not. She obviously lacks sleep with his dark under eye. And she looks pale.

"Nakakatawa nga, eh. Akala kasi namin okay siya," pagpapatuloy niya. "But from the moment we knew about his condition, we already anticipated for this day to come. Alam namin na limitado lang ang buhay niya. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na umasa na baka may posibilidad pang madagdagan ng kahit na isang araw lang ang buhay niya."

My heart constricted in pain hearing a story that is close to how my motherhood story was written. It sounded closely identical that I could totally relate to her pain. It was as if my heart was ruthlessly torn and ripped into fine pieces with no possible cure or restoration. It felt like someone took a big part of your life, leaving a hole, a void, that no one would ever fill.

Dahil minsan sa buhay ko ay gumising din ako ng punong-puno ng pag-asa na baka may himalang mangyayari para mabigyan ako ng bagong pag-asa. But praying for miracles doesn't always work when what's bound to happen is clearer than a sunny day. Katulad nang nangyari sa anak ko.

And it's even more painful knowing that my child's vivid memory brings nothing but millions of grains of pain in my heart. Iyon bang, imbes na ngiti ng saya ang umukit sa mga labi ko ay isang malungkot na ngiwi na ang nais ipahiwatig ay pighati.

"If you don't mind me asking, what happened to him?" I carefully asked.

"He was diagnosed with progeria," she answered in a sad tone.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang hindi mapanilyaran sa salitang narinig. I haven't heard of such a condition before. But the way she let that word slip her mouth sounded so sad and regretful. It was as if that word chokes her breathlessly and squeezes her heart hard until it numbs out of so much pain.

"It's a progressive genetic disorder. Unlike normal kids, my son aged rapidly." A lone tear escaped her eyes that she didn't bother herself to dry. "Ang sabi ng mga doctor hanggang 10 years old lang siya. Pero nilaban namin kasi akala namin hanggang dulo kaya. But a day before he turned 18, he passed away. He left us. He left Mada."

With her white handkerchief, she covered her mouth and bawled her eyes out silently. Which sounded even more painful to me knowing how hard it must've been for her.  Before I could even stop myself, I reached for her hand and gave it a light squeeze.

Alam ko na kahit na ano pang salita ang bitawan ko ay walang sasapat para pagaanin ang loob niya. Lalo na at sariwa pa.

It's just... hard. 

The pain is indescribable.

Para kang binigyan ng isang milyong piyesa ng isang jigsaw puzzle at hindi mo alam kung paano at saan sisimulan. I've been there. I was once the one crying for grief for a loss that cost half of my life.

I was once her... a mother grieving for my lost child... for my Miracle.

It's the kind of pain you don't get to move on with. You'll just slowly learn how to live bearing the pain and continue living life with it buried in your heart for as long as you breathe.

"I'm sorry. I must've disturbed your peace. Mauna na ako. Thank you for listening." She gave me another smile before leaving.

Hinabol ko nang tingin ang papalayong pigura niya. Only if I can tell her all the comforting words that I could. But that might only cause more pain in her already scarred heart.

"Tori," calls the familiar voice of Señorito. Nginitian ko siya at tumayo na bitbit ang order ko. "Sino 'yon?" tanong niya nang makalapit ako.

"Hindi ko natanong ang pangalan," simpleng tugon ko. "Ano 'yan?" baling ko sa bitbit niyang plastic bags.

"Pasalubong para sa bahay. Nagpaalam na magbabakasyon si Aunt Lydia kaya bumili ako ng pwede niyang ipasalubong sa kanila," paliwanag niya.

Tinipon niya sa isang kamay ang lahat ng plastic at inilahad sa akin ang nabakante niyang kamay. Malugod at may ngiti sa mga labi na akin iyong tinanggap.

He assisted me on walking down the stairs. Maging sa paglalakad namin papunta sa gilid ng kalsada para pumara ng taxi ay maingat din ang pag-alalay niya. Despite having his hand loaded with lots of stuff, he would still use it as a guard in front of me in case I fall.

Hindi ko tuloy mapigilan ang lalo pang mapangiti sa ginagawa niya. Wala nang mapaglagyan ang pagmamahal ko para sa kaniya pero ito siya't araw-araw akong binibigyan pa ng rason na mas mahalin siya.

Pinanood ko siyang pumara ng taxi gamit ang kamay niyang puno ng plastic bag. Sa itsura no'n ay nasisiguro kong mabigat iyon. Mabuti na lang at agad din namang may huminto sa harapan namin. 

Maagap kong inabot ang handle ng pintuan sa backseat para hindi na siya mahirapan pa. Sinuklian lang niya iyon ng isang ngiti bago ipinasok sa loob ang mga bibit.

"After you, my love. Careful." He held my hand even tighter and lightly pulled me upwards to help me lift myself up to enter the ride.

May kataasan kasi ang taxi na napara niya. At sa liit ko ay hindi ko iyon maaabot ng ako lang. Which often happens when I am taking public transportation. Kahit sa jeepney, hindi ko magawang makasakay ng ako lang dahil hindi ko abot. My legs just won't allow me to. Hindi ko kasi magawang iangat iyon ng buo.

"Thank you, Señorito," sinserong saad ko.

"I'm happy to serve you, mi amor." He smiled then took the vacant seat beside me..

I felt my heart getting tickled by a feather at his sweet words. Kahit kailan talaga ay walang palya ang tamis ng mga salita niya.

Mataman ko siyang pinakatitigan habang abala siyang inaayos palapit sa kaniya ang mga pinamili niya. From my point of view, I saw bullets of sweat from the side of his face down to his neck. Laking aircon kasi at madaling pagpawisan kaya kaunting oras lang sa arawan ay pinagpapawisan na.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko. At hindi ko na pinigilan pa ang sarii ko na punasan ang pawis niya.

"Saan ka ba nagpunta at pawis na pawis ka?" tanong ko habang patuloy na pinupunasan ang pawis niya.

Pero hindi niya ako nagawang sagutin. Natigilan lang siya at pansamantalang hindi nakakilos dahil sa ginawa ko. Ilang sandali lang ay umukit ang isang maaliwalas na ngiti sa kaniyang mga labi.

Umayos siya nang upo paharap sa akin upang magawa kong punasan ang pawis niya ng mas maayos. "Dito pa." Nakangising tinuro niya leeg niya.

Nag-init ang pisngi ko at pasimpleng binalingan ang driver. At gano'n na lang ang paglukob sa akin ng hiya nang makita ang pasimple niyang pagsulyap sa amin.

Napanguso ako sa mahinang pagtawa ni Señorito. "Niloloko mo na lang talaga ako," akusa ko sa kaniya.

"Of course not." Señorito chuckled and stole a kiss on my cheek. He then leaned forward to reach my ear and whispered, "I just like it when you're babying me. It makes me feel special."

My heart jumped out of pure bliss. And even before I could stop myself, my lips formed into a wide grin. Malawak ang ngisi na pinagpatuloy ko ang pagpunas ng pawis niya at hindi na ininda pa ang hiya.

 Maybe this is what love does to me. To go beyond my fear and anxiety of public judgements and openly express my love for him.

Maybe this is the magic love brings. You'll see life in a different perspective. You'll see your difference not as an insecurity but a trait your loved ones accept wholeheartedly. That you'll no longer feel afraid to stand beside them in a public place. That you'll never feel insecure being with them.

That with the right people in your life... you'll never feel ugly.

***

"Should I just stay here? I'd rather be beside you the whole day."

Mahina akong natawa sa tinuran ni Tobias. Pinagpatuloy ko ang pagpapatuyo ng buhok niya gamit ang dryer. He just got off the shower and is already dressed up in simple maong pants and plain white polo, posturing a semi-formal attire.

"Hindi ba't hinahanap ka na ng Daddy mo?" pag-aalala ko sa kaniya.

Tinawagan na kasi siya isang oras ang nakararaan kaya napilitan siyang maligo't maghanda. He's been dragging the time for long hours now. Alas tres ang event at mag-a-alas singko na. Kung hindi pa siya tinawagan ay hindi talaga siya kikilos at all.

"Wala rin naman akong gagawin do'n. They'll probably be having another round of wealth battle there. I just want to spare my ears."

"Señorito, sila naman ang rason kung bakit tayo nandito sa Baguio. They are still your family," I pointed out.

"But you're my girlfriend. I don't like the idea of leaving you here alone." Sinandal niya ang batok niya sa sofa na kinauupuan ko para tingalain ako. "Pakasal na kaya tayo? Para mas may karapatan ka na sa buhay ko."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi napigilan ang sarili na tampalin ang kaniyang noo. "Señorito!" nahihinatatakutang saad ko.

"Bakit? Eh, sigurado naman akong ikaw ang dadalhin ko sa altar. Paagahin lang natin ng slight. Tingin mo? Isn't that a bright idea?" He laughed heartily while holding his tummy.

Napailing na lang ako sa mga lumalabas sa bibig niya. He sounded serious but at the same time mischievous. Kaya hindi ko talaga mawari kung dapat bang seryosohin ko siya o hindi.

Napapangusong tinapos ko na lang ang pagtutuyo at pag-aayos ng buhok niya. His hair grew a lot in the past months. Hindi pa rin kasi siya nagpapagupit. Mas naging halata tuloy ang kulot ng buhok niya. I styled his hair in a simple middle part letting the waves of his hair add onto the overall look.

Marahan kong tinapik ang ibabaw ng ulo niya nang matapos. "Oh, ayan. Okay na. Pwede ka nang umalis."

Tumayo siya at pinagpag ang pantalong suot. Sa sahig kas siya direktang nakaupo. Habang ako naman ay nakaupo sa sofa para maabot ng maayos ang buhok niya.

"How do I look?" Umikot siya sa harapan ko at naglagay ng check sign sa baba niya.

"Bakit? May papagandahan ka doon?" Pinataasan ko siya ng isang kilay.

"What? Of course not!" Lumuhod siya sa harapan ko upang pagpantayin ang mga mata namin. "I only need to look good in your eyes. You're all that matters."

Kinulong ni Tobias ang mukha ko sa pagitan ng palad niya kaya kusang umusli ang nguso ko. He grinned at me wildly before planting a kiss on my lips.

Kusang napapiikt ako nang ang simpleng halik na inaasahan ko ay pinalalim niya pa. Tuloy ay kinailangan ko pang kumapit sa balikat niya bilang suporta. His kisses lasted longer than I thought it would. Kaya hindi na ako nagulat pa nang sa pagbitaw niya sa mga labi ko ay pareho kaming kinakapos at naghahabol ng hininga.

"I should really leave." I nodded my head in agreement. "Baka saan pa makataring 'to."

Bahagya ko siyang tinulak para makatayo na rin ako. "Enjoy yourself, Señorito."

He cleared his throat and awkwardly pretended to fix the sleeves of his polo. "Call me if you need anything. Or if you're bored and want to hear my voice."

"I'll keep myself busy admiring the beauty of this city. H'wag mo ako masyadong alalahanin," paniniguro ko sa kaniya.

"Saglit lang ako. Babalik din agad ako sa 'yo," nangangakong aniya.

"Call me if you're going out to take a stroll. I'll tell Rhett to accompany you." Masunuring tumango ako sa kaniya. "And call for room service or order some food outside if you ever feel hungy. You know my bank details, use it."

"May pera naman ako," nakangusong saad ko.

"I know, mi amor. But I like spoiling you." He leaned forward to capture my eyes. "I love you that's why. I like doing things for you. Kaya hayaan mo akong ubusin ang lahat ng natutuhan ko sa pagbabasa ng mga romance novel para lang magkaroon ng idea kung paano ba maging tama ang pagtrato ko sa 'yo. I liked thriller and mystery novels but I enjoyed reading romance thinking that I'll be able to apply my learnings to you. I've waited long enough to hold myself back longer."

I was sure that our conversation wasn't as deep as how things are ending now. But each of his words pierced my heart in  a remarkable way.

In the end, a soft smile formed on my lips. And this time, I leaned forward and gave him a peck on the lips.

"I love you, Tobias. I'll love you till my last breath,"I vowed.

Without stopping myself, I encircled my small arms around his neck for an embrace. Hindi rin naman niya ako pinaghintay at malugod niyang ginantihan ang aking yakap. Agad kong naramdaman ang kakuntentuhan at kapayapaan sa yakap niya.

Letting those words out of my lips felt like a sweet little confession of my younger self that I held back for a really long time. It's like giving my heart the liberty to be heard by the first man I love after only whispering how it feels through the sound of the winds. It felt like I'm finally allowing myself to be free from holding myself back from loving him secretly.  

It feels so liberating to finally love him openly,

Tobias caressed my back in an up and down motion. "I love you endlessly, mi amor."

With one final stroke on my back, we let go of each other. Hinatid ko siya pintuan ng hotel room namin. I waved goodbye to him in which he reciprocated with a flying kiss.

Kuntentong pinanood ko ang papalayong pigura niya suot ang pamilyar na ngiti sa aking mga labi.Nang makasakay na siya sa elevator ay saka lang ako pumasok sa loob. Agad kong pinuntahan ang mga pinamili ni Señorito sa kusina at inayos ang pagkakabalot. Babalik na rin naman kami sa Casa Ramiscal bukas dahil maraming kailangan asikasuhin para sa darating na team building ng Ramiscal's.

Pero hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa upuan nang makarinig na ako mg katok sa pintuan. Sa isiping si Señorito iyon ay agad akong nagtungo sa pinto at ngiting-ngiti na binuksan iyon.

Ngunit gano'n na lang ang biglaang pagkabog ng puso ko nang hindi siya ang mapagbuksan ko nang pinto.

My whole system went on defense mode and I felt alarmed at the sight of smirking Claude in front me. Bigla ay gusto kong isarado ang pinto pero alam kong kabastusan iyon kaya pigil na pigil akong gawin iyon.

"S-Sir Claude," I stammered out of nervousness.

Ni hindi ko nga alam kung ano ang pinanggagalingan ng takot ko. Kung ang tinging ibinibigay ba niya na parang ang daming gustong sabihin. O ang ngisi niya na iisa lang ang mensaheng nais na iparating.

He's here for trouble.

Sigurado ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top