Chapter 24
A Piece of Her Past
"Malandi din kasi, eh. Bumubukaka din para sa trn."
Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang paghapdi at pag-iinit ng magkabilang sulok no'n. Ni hindi ko nga alam kung dahil ba sa pag-alingawngaw ng mga salitang iyon sa isip ko ang dahilan o dahil sa masama kong pakiramdam.
But I couldn't even move a muscle to dry my tears. Dahil bago ko pa man magawang makakilos ay muli na namang bumaliktad ang sikmura ko. A watery vomit gushed out of my mouth for the third time this morning. Kasabay no'n ay tila ba may pumupukpok sa ulo ko sa sobrang sakit no'n.
This has been the sixth day, if I'm not mistaken, that I woke up to this kind of feeling. Nauseous, tired body, headache, and sleepy. Buong araw akong pagod at inaantok. Madalas din ang pagsusuka ko at pagkahilo ko. Dala siguro ng walang tigil kong pag-iisip sa mga bagay-bagay na hindi ko magawang mahanapan ng lunas.
"Tori?"
Dinig kong malayong boses ni Señorito na tumatawag sa akin mula sa labas ng kwarto ko.
"Are you okay?" He knocked on the door.
Of courses, he's worried. Nasa gitna kami ng almusal nang bigla ko na lang siyang iwan sa lamesa para tumakbo sa kwarto ko at sumuka. Dinalhan niya kasi ako ng almusal na sopas galing sa main house dahil hindi ako nakapunta sa sama ng pakiramdam ko. Balak ko na nga lang sana na matulog kung hindi siya dumating.
"Papasok ako ha?" paalam niya.
Hindi ko na siya nagawang sagutin pa. I cleaned myself and flushed the toilet. Diniretso ko na rin sa paghihilamos para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Are you okay in there?" he asked, his voice reflecting obvious worry.
Nang mahimasmasan ay lumabas na ako ng banyo. I smiled at him weakly. "Okay lang ako, Señorito," I assured him.
"You don't look fine to me, Tori. Ilang araw ka nang ganyan," puna niya.
"Baka tinatrangkaso lang ako," saad ko.
Ilang araw na rin kasi akong walang maayos na tulog. I've been bothered by a lot of things. Lalo na kay Kristoff.
"You look so pale."
Natigilan ako sa paglapit niya. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagkabog ng puso ko dahil sa pinaliit na distansya sa pagitan namin.
A fast cheetah running free in the wild, that's the case of how my heart could perfectly be described. It is beating so rapidly... so surreal. And it all happened with one simple gesture that Señorito did.
One effortless act he has been unconsciously doing since.
Señorito lowered his body to meet my eyes in a way that I wouldn't need to look up.
Isang bagay na madalas niyang ginagawa tuwing kaharap ako. Na siyang ring nagbibigay sa akin ng pakiramdam na kapantay lang din nila ako. Na hindi ako kakaiba. Na hindi ako dapat na nakakulong lang sa kahong nagbibigay ng kategoryang ibinigay sa akin ng mga tao.
Na hindi ako simpleng maliit na tao lang.
Pero bakit tila mas maraming kayang manghusga at magsabi ng mga masasakit na salita kaysa sa mga taong tulad niya, ni Señorito, na handang umintindi sa kapwa?
I mentally shook my head to wake myself up from my conflicted emotions. I promised myself not to remember that conversation Kristoff's friends shared unfiltered and carelessly. Baka sakaling sa gano'ng paraan ay magawa ko pang maisalba ang natitira sa sarili ko.
"Hey... are you alright?" he worriedly asked.
Tuluyan nang lumuhod sa aking harapan si Señoriyo. Maingat niyang binalot ng init ang pisngi ko gamit ang palad niya. Pilitik ko mang ikubli ang aking mukha ay hindi ko magawa.
Señorito gently lifted my face for him to see me better. At hindi na ako nagulat nang marahan niyang paglandasin ang hinlalaki niya sa aking pisngi.
Of course, I am crying once again.
Because there's no better language than tears when it comes to speaking up your mind for your unsaid pain.
Tinuyo ko ang sarili kong luha at pilit siyang nginitian. I composed myself and acted as if I wasn't on the verge of breaking down just now. "Okay lang ako," kumbisi ko sa kaniya... at sa sarili ko.
Sinubukan kong maglakad para lampasan siya. Pero isang hakbang pa lang ay muntik na agad akong matumba. Maagap na nadaluhan ako ni Señorito at naalalayan.
"This won't do. Baka kung ano na 'yan. Change your clothes, dadalhin kita sa ospital," deklara niya.
"Hindi na, Señorito. Okay lang naman ako," pilit ko.
"Hindi ka okay," mariing aniya. "Ang please, Tori, don't argue with me. Baka maya-maya himatayin ka na lang bigla d'yan."
Hindi ko na nagawang makipag-argumento po. He went towards my built-in closet and chose a more decent shirt than the big shirt I am wearing right now as my sleepwear.
Inabot niya sa akin ang isang kulay cream na polo. "Change into this."
Sinubukan kong kuhanin mula sa kamay niya ang damit. Ngunit bago ko pa man magawang makuha iyon mula sa kaniya ay muli akong nawalan ng balanse hanggang sa tuluyang dumilim na ang aking paningin.
***
I woke up to the sound of the door opening. Marahang nagdilat ako ng mga mata at nabungaran ang papasok na si Doc Trinidad. Ang maganda niyang ngiti ang unang bumati sa akin na para bang magandang balita ang kaniyang hatid.
"Glad you're awake, Miss Diamsay," she greeted with a sigh of relief.
Mabilis ko siyang nakilala. Si Doc Trinidad, family friend ng pamilya ni Señorito at family doctor din nila. Ilang beses na rin kaming nagkikita dahil madalas siyang imbitado sa mga gatherings ng pamilya ng mga Ramiscal.
"Ano pong nangyari, Doc?" Dahan-dahan akong umupo para kausapin siya ng maayos.
"Din,ala ka ni Zach, alalang-alala. He told me that you've been unwell the past weeks. Madalas daw ang pagsusuka mo at palagi kang nahihilo." Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti. "It's normal. You're experiencing morning sickness, Miss Diamsay."
Oh, God...
No. Please, no.
"You're 5 weeks and 3 days pregnant," she announced.
Sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha mula sa mga mata ko. Kasunod no'n ay tila ba paulit-ulit na minartilyo ang puso ko. I heard this thin and deafening sound in my ears, a signal of my mind blocking out of everything.
Habang unti-unting lumilinaw sa isip ko ang sinabi niya ay siya ring pagguho ng mundo ko. This isn't part of the plan. In fact, this was never a plan! Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko? I brought this to myself. Kasalanan ko dahil hinayaan ko ang sarili kong magpalamon sa apoy.
But I should be happy, right? Dapat maligaya ang puso ko sa balitang 'to. Pero bakit... bakit ako nasasaktan? Bakit hindi ko magawang ma-excite man lang?
"Here. Your lab result. Ire-recommend kita sa OB-Gyne dito rin sa ospital. You need to take vitamins for you and your baby-"
"Alam na po ba ni Tobias?" putol ko sa kaniya.
Umiling siya. Doon ako nakahinga ako ng maluwag at nakaramdam ng kapanatagan. I'm scared to see his reaction kung malalaman niya. I'm afraid to see the disappointment in his eyes, most especially to Don Emmanuel. Paano ko ipapaliwanag sa kanila?
Hindi ko inaasahan 'to. Mas lalong hindi sa ganitong sitwasyon na magulo ang utak ko.
"Hindi ko sinabi kahit na nangungulit na siya kanina pa. I figured you need to know about it first. And it's your call to tell them about this news." Doc Trinidad gave me a meaningful smile. "I'll get you through Doc Beltran to help you with your pregnancy."
"Thank you po, Doc," sinserong saad ko.
"Tori?" she called in a questioning voice. Nag-angat ako nang tingin sa kaniya. "It won't be easy. Pero sigurado akong matutulungan ka ni Doc Beltran."
Tumango akong muli. "Thank you po, Doc. And please don't tell Señorito or Doc Emmanuel about it," I pleaded.
She gave me a light tap on my shoulder. "Makakaasa ka."
Bunigyan niya pa ako ng isang magaang ngiti bago tulu,yang lumabas ng kwarto.
Silence ate me completely. Pero dinadaig iyon ng ingay ng whisper,o. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang puting envelop na naglalaman ng lab results ko. Pero ang buksan iyon ay hindi ko magawa dahil masyado akong naduduwag sa makikita ko. I can't even think properly because of anxiety but I must endure through this process alone.
Parang tangang nakatitig lang ako doon, umaasang hindi iyon totoo. Pero paano ko pa maitatanggi ang katotohanang nasa harapan ko na at malinaw kong nakikita?
"Tori?" Señorito's familiar voice called as he walked inside the room.
Mabilis na itinago ko ang envelop sa ilalim ng kumot na nagtatakip sa kalahati ng katawan ko. "Señorito." Mahina ko siyang nginitian.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na hindi niya napansin ang itinago kong papel o ang mas lalo pang makonsensya at mainis sa sarili dahil sa ginagawa kong paglilihim sa kaniya.
Hindi ko kasi alam kung saan at paano sisimulan. I feel so lost. Masyadong biglaan ang lahat nang nangyayari ngayon. I don't want to disappoint him and Don Emmanuel in any way. Pero ako pa itong nagdadala ng disappointment sa kanila.
Ang tanga mo kasi, Torianna!
"Anong nararamdaman mo? Okay ka na ba? Anong sabi ni Doc?" sunud-sunod niyang tanong.
Nakatulala lang ako sa kaniya at hindi agad na nakapagsalita. Bukod kasi sa naninibago ako sa kaniya ay ngayon ko lang siya nakitang ganito na sobrang nag-aalala. He looks so stressed and disorganized. Kung saan-saan din dumadapo ang mga mata niya sa katawan ko na akala mo nasangkot ako sa isang disgrasya.
Disgrasya.
Nadisgrasya nga, sa maling tao pa.
Mas lalo tuloy akong pinamahayan ng konsensya. "O-Okay lang ako, Señorito," pagpakalma ko sa kaniya. Napalunok ako nang mas lalo pang makaramdam ng tensyon.
"You just passed out in front of me, there's no way in hell that you're fine." He sat on the chair beside the bed. "Tell me what's wrong," he urged me. "Hindi ko na nahintay si Doc. Tinawagan ko kasi si Dad para ipaalam sa kaniya ang nangyari sa 'yo."
"Nothing's wrong," tanggi ko. Nag-iwas ako nang tingin sa takot na umamin. I fixed my eyes on the white wall, hoping that it would help me come up with a better answer other than another lie.
"Alam mong hindi ako maniniwala sa ganiyan mo. You've been like that for two weeks now, lady," he pointed out. "Nag-aalala na ako sa 'yo."
Dalawang linggo na ang lumipas? Gano'n kabilis? Parang kahapon lang nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa mga kaibigan ni Kristoff. Sobrang klaro ko pa ring naririnig sa isip ko ang nga tawanan nila sa bawat insultong binibitawan nila dahil sa kundisyon ko.
In what aspect did I possibly fall short that I deserved the kind of treatment they gave me? The jjudgments The insults. The laughter.
Ano bang mali sa akin?
Sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi ko pa nagagawang kausapin si Kristoff. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naliliwanagan. Nakakatko ako sa maririnig ko. Natatakot ako na baka panigan lang niya ang mga kaibigan niya.
Iniiwasan ko siya. Hindi ko sinasagot alinman sa mga mensaha at tawag na galing sa kaniya. Paano? Eh, hindi ko alam kung paano siya haharapin nang hindi naaalala ang katahimikan niya habang abala ang barkada niyang pag-usapan ang pagtatalik namin.
Señorito snapped his fingers in front of my eyes. "You're spacing out again."
He was about to say something when the door sprang open. Iniluwa no'n si Don Emmanuel na puno nang pag-aalala ang mga mata na nakatingin sa akin.
Dumoble pa ang kaba sa puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Don Emmanuel. Binibingi na rin ako nang tibok ng sarili kong puso dahil sa pagtaas ng tensyon na nararamdaman ko.
"Kianna!" Inilang hakbang niya ang pagitan namin. Naupo siya sa may paanan ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
Suot niya pa ang nakasanayan ko ng suit and tie na madalas niyang attire tuwing nasa opisina siya. Mukhang sinadiya pang iwan nag trabaho para lang mapuntahan ako.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa envelope mula sa ilalim ng kumot. Bakit kasi ganito?
This was never part of the plan. At dapat una pa lang hindi ko na hinayaan na mangyari! Ang tang-tanga ko kasi!
"Tori?" Señorito called once more.
Pero hindi ko na siya nagawang pansinin. Nakapako lang ang nanlalabo kong mga mata kay Don Emmanuel na nakatingin din sa akin.
"Sabihin mo sa akin ang problema, Kianna. Makikinig ako," masuyong aniya.
Don Emmanuel has always been a father figure to me. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam nang panliliit. I am already disappointed at myself dahil buntis ako. What more siya na nagpapaaral sa akin ngayon?
"D-Don Emmanuel..." puno ng takot na sambit ko.
Masuyong inilapat niya sa binti ko ang kamay niya, nagpapaalala na handa siyang dumamay at makinig sa akin kahit na gaano pa kalaki ang aking problema. "Yes, Kianna? P'wede kang magsabi sa akin," suyo niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang hindi na magawang pigilan pa ang luha sa mga mata ko. Parang bukal na naging masagana ang pag-agos no'n sa magkabilang pisngi ko. Ramdam ko na rin ang panginginig ng aking mga labi.
Lord... please help me.
Mas dumoble ang pag-aalala niya. Gano'n din si Señorito na narinig ko pang mahinang nagmura.
Kasalanan ko.
Masyado na akong naging pabigat sa kanila. Tapos ngayon... nagdagdag pa ako ng isa.
Paano ko aaminin sa kanila na buntis ako? Paano ko ipaaalam kay Don Emmanuel na magkakaanak na ako gayong ang tanging hiling niya lang naman ay makatapos muna ako ng kolehiyo bago magpamilya?
Siguro tama nga sila.
Tama sila nang sabihin nila na malandi ako dahil hinayaan ko ang sarili kong magpalunod sa apoy at makipag-sex nang hindi inaalala ang taong bumubuhay sa akin ngayon.
***
"My love..."
A light pat on my cheek woke me up from my dream. Pero imbes na buksan ang mga mata ko ay pinanatili ko lang ang aking pagkakapikit. Itinago ko rin ang mukha ko sa ilalim ng coat ni Señorito na kinumot niya sa akin kanina nang makatulog ako.
My God! It's been years but I can still remember everything so vividly. Every bit of memory from those moments still lives in my mind rent free. At dahil sa pagkikita namin ni Kristoff kahapon ay muling bumabalik sa akin ang lahat nang nangyari.
Nakokonsensya ako't nababagabag. My mind has been filled with Kristoff since yesterday, even with me sharing the same space as Tobias. At hanggang sa panaginip siya pa rin ang laman ng isip ko.
"How are you feeling?" he asked carefully.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Nakahiga kasi ako sa sofa ng opisina niya dahil masama ang pakiramdam ko. Kahapon pa, actually. Pinilit ko lang na puntahan si Kristoff dahil hindi ako patutulugin nang pag-o-overthink ko kung kung hindi ko siya sisipatin.
But since I went home, I don't have the energy anymore. I don't even have the strength to look at the clock to know what time it is now. Pinatulog na kasi ako ni Señorito dahil muntik akong matumba kanina sa sobrang hilo. I was going to give him papers when I felt lightheaded. Sa kaunting kilos lang ay para na akong matutumba. Na nangyari na nga.
Ang gusto pa nga ni Señorito ay dalhin ako sa ospital, pero tumanggi na ako dahil tulog lang naman ang kailangan ko.
"What happened, Tori? I'm getting worried." He lightly tapped the top of my head covered with his coat. Umiling ako, nakatago pa rin ang ulo. Nagbuntonghininga siya. "Anong nararamdaman mo?" nag-aalala niyang tanong.
"Nahihilo lang ako," tapat kong sagot.
Siguro sa sobrang dami lang talagang laman ng isip ko kaya sumama ang pakiramdam ko. Seeing Kristoff after long years of his absence made me feel a lot of emotions. Sa sobrang halo-halo nang nararamdaman ko ay hindi ko na magawa pang pangalanan maski isa.
All I know is... as of this moment, I don't feel fine at all.
"Is there anything you want, Tori?" he asked tenderly. Señorito's voice was sweet and soft, almost like a whisper and as warm as the wind during the highest peak of the sun. "You hungry? Or craving for something? Porridge, perhaps? For you to feel better," he offered.
Hindi ko napigilan ang mapangiti. Tunay ngang kakaiba sa pakiramdam ang mahalin din ng lalaking noon ay pangarap mo lang.
Ngunit sa isang banda hindi ko mapigilan ang mangamba. Hindi ko kasi alam kung ano ang aanihin kong reaksyon mula sa kaniya kapag nalaman niyang nakipagkita ako kay Kristoff kahapon.
It was his attentiveness that's making it hard for me to contemplate things. Giyera ang pinasok ko magmula nang hayaan ko ang sarili ko na magpaalipin sa pag-aalaga sa akin ni Señorito.
But here I am again, stuck in a situation where either of the choices I make will only cause harm. I can't even dare wish to walk out of this battlefield unharmed. Dahil alam kong simula nang muling magkrus ang landas namin ni Kristoff halos dalawang linggo na ang nakararaan ay sobrang nagulo na ang takbo ng isip ko.
"Okay lang ako," paniniguro ko sa kaniya.
"Sure?" I nodded my head. "Let me see your face," he pleaded sweetly.
Muli na namang natunaw ang puso ko. Nakarinig ako ng kaluskos sa pwesto niya. At dala ng kuryosidad ay unti-unti kong inalis ang pagkakatalukbong ng coat niya sa mukha ko.
I was expecting to see his smiling face like I used to see, but I was greeted by a bouquet of red roses. Mula sa likod ng malaking bouquet ng bulaklak ay sinilip niya ang mukha ko. "For you, my love."
Sa mabagal na kilos ay dahan-dahan akong umupo habang nakapako pa rin ang paningin sa bulaklak. Nakabalot iyon sa kulay itim na makintab na papel na may touch of gold ang gilid. May ribbon din iyong kulay gold sa gitna na nagbubugkos sa bulaklak.
"I know you've been feeling blue since." He sighed "Since that day. So, here's a bunch of beautiful flowers to cheer you up for the rest of the day," he uttered sincerely.
Pero ako, natuod na sa kinauupuan ko. Hindi ko na rin magawang makabuo ng maayos na salita bilang tugon sa kaniya dahil napipipe ako ng sobra.
I am the biggest enemy of myself.
Everything positive that people do to me, I always hold myself back from believing. Naniniwala kasi ako na at the end of the day, lalabas ay lalabas din ang tunay nilang ugali at tatalikuran din ako sa huli.
What can I do, though? To doubt people's intentions has been the most effective and most successful antidote I have invented to stop myself from the pain. But with him, nothing seems to be effective.
Dahil sa bawat isang duda ko, isang libong katiyakan ang binibigay niya.
I picked up the gold card placed at the center of the bouquet.
I love you yesterday, today, tomorrow, and for the rest of eternity. You look more beautiful when you smile. :)
Not stopping myself, I rushed in between his arms. Maagap naman niya akong nasalo at mahigpit na niyakap. "I'm sorry, Señorito."
"What are you apologizing for?" he asked while stroking my back carefully.
Para saan nga ba? Para pakikipagkita ko kay Kristoff na hindi niya alam? O dahil sa mga nakalipas na araw ay ibang lalaki ang laman ng isip ko at hindi siya?
I contemplated on whether to tell him about the conversation I shared with Kristoff or not. But how would he feeling after that? It's not like kaibigan ko ang kinita ko. Kristoff is someone who left a big part of my heart scarred big time before. At alam din niya ang bagay na 'yon. Baka mamaya ito pa ang pagmulan ng away namin.
Sa huli, muling pag-iling lang ang naging tugon ko sa kaniya. Buntonghininga ang naging sagot niya. "It's okay. Just tell me whenever you're ready," he assured me. He planted a soft kiss on top of my head.
He didn't give me the chance to lower my head to hide. Señorito cupped the left side of my cheek and began to gently caress it. The immediate want to lean into it suddenly urged within me. And I didn't even dare to stop myself.
He doesn't seem to mind. He's making me feel that it's okay to lean on him... because he is he.
My Señorito.
"If you ever feel overwhelmed, I am here, okay? Hinid mo kailangang ipunin. Makikinig ako," pangakot niya.
Muling napuno ng luha ang mga mata ko.
Tinunaw ako ng mga salita niyang iyon na ni minsan ay hindi ko narinig sa mga taong akala ko ay mahal ako. Pero siya... walang palyang naipararamdam ang importansyang mayroon pala ako.
For the longest time, I was doubting my existence. And here he is proving me otherwise. Making me believe that the world could also be a place for me to live in. And that I could still be treated the same.
*********************************************************************
A/N: Thank you for reading this chapter!
- with endless love and appreciation,
aerasyne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top