Chapter 22

Now A Stranger

To sit in an open area of a restaurant to dine with the love of my life is something I never thought I would do in my entire life. The serene ambiance of The Farmer's Table here in Tagaytay creates this romantic and chill vibe between Señorito and me.

Siguro dahil na rin nasa labas kami at katabi lang ang berdeng paligid kaya hindi gano'n kaingay. Wala kasi kaming katabi at 'di pa gano'n karami ang tao sa loob ng restaurant.

"Mukha talaga tayong couple, Señorito," mahina kong bulong sa kaniya. I even leaned forward for him to hear my voice clearly.

Señorito let out a soft chuckle. "Because we are, Torianna."

Napahagikhik ako ng 'di sinasadiya. "Siguro sinadiya mo mag-blue rin para terno tayo." Nanunuri ko siyang tiningnan.

A sly smile formed on his lips. "Halata ba?" Napakamot siya sa batok niya.

Napangiti na lang ako. Nakasuot kasi siya light blue na cardigan na may kulay itim na butones. Sa loob ay may suot siyang puting shirt. Khaki na cargo pants naman ang suot niyang pangbaba. Ternong-terno iyon sa suot kong light blue na dress.

"We should get a picture together mamaya," nakangiti aniya.

Tumango ako. "Definitely, Señorito," I instantly agreed.

Mataman niya akong tiningnan habang suot pa rin ang isang magandang ngiti sa kaniyang mga labi. "Smile, mi amor."

Itinutok niya sa akin ang camera ng telepono niya upang kuhanan ako ng litrato. I cupped the side of my face and smiled at the camera. Nakapatong ang siko ko sa lamesa. Nanatili ako sa gano'ng posisyon habang patuloy sa pagkuha ng litrato si Señorito.

"You're beautiful, Tori," Señorito complimented.

Hinarap niya sa akin ang screen ng phone para ipakita ang kuha niyang litrato. A satisfied smile crept on my lips. "Magaling ka lang kumuha ng litrato," balik kong papuri sa kaniya.

Mataman kong pinagmasdan ang sarili kong larawan. The green background made me stand out and it complemented the color of my dress.

I can't help but to feel fascination towards it. Dati kasi hindi ko makuhang magpalitrato dahil ang awkward makita ang sarili ko.

Sumisigaw kasi ang diperensya ko kahit sa simpleng litrato lang. Being born with dwarfism comes with a lot of physical differences that... robbed my confidence ever since. Especially my bow-shaped legs which are not a beautiful sight to see for me. Nakaka-insecure kasi.

But as I get to embrace who I am as years pass like a brush of the wind that remains unnoticed, my disorder now turns to be my own kind of trophy.

A symbol of my victory.

"Do you want more?" Señorito asked.

Umiling ako sa kaniya. "Masyado nang marami 'to, baka hindi na natin mubos."

"Just tell me if you want more. I'll order for us." He smiled.

Isang beses ko siyang tinanguhan. We continued eating while enjoying the breeze.

"Come closer," Tobias ordered in a hushed voice after a few minutes.

"Hmm?" Tiningnan ko siya.

"Come closer," ulit niya.

Nagtatakang sinunod ko si Tobias. "Bakit?"

Kumuha siya ng tissue sa holder at pinunas 'yon sa gilid ng kanang labi ko. Dahilan para agad na maramdaman ko ang pag-iinit ng dalawang pisngi ko dahil sa ginawa niya. I'm still not used to this kind of treatment. Moreso coming from him.

Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa loob ng restaurant na napili niyang kainan namin. Hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam nang pag-aalangan. Mas pinipili ko na lang na burahin iyon sa sistema ko at i-enjoy ang araw na 'to na kasama ko si Señorito.

"You know what, Tori?" He smiled.

"Hmm?" I looked at him with confusion.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Marahan niyang inangat ang kamay ko at ginawaran ng magaang halik sa likod. "I like taking care of you." Señorito let out a good laugh. "I don't know. I just love it everytime I am doing things for you. It makes me feel like I am needed."

Hindi ko napigilan ang mapangiti sa mga napili niyang salita. Siguro isa ito sa mga resulta ng madalas niyang pagbabasa ng libro. Masyado matamis ang mga salita niya para sa isang lalaking hindi pa kailanman nagkipagrelasyon.

In exchange for him feeling that he is needed I, on the other hand, feel wanted. Each action of Señorito makes me feel like I am no different.

Kakaiba talaga ang dala niyang saya sa puso ko. Kakaibang ligaya at tuwa lalo na't ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.

"And I feel wanted," I voiced out. "You never once looked at me with judgments nor once made me second-guess the sincerity of your heart. Para kasing panaginip. Never in my wildest dream did I imagine I would be in this kind of relationship with you. Hanggang ngayon, napapatanong pa rin ako kung totoo."

"Everything is real, Tori," he promised.

My heart smiled the same way as his lips did. Ang sarap niyang pagmasdan nang nakangiti. Parang kahit na batuhin mo pa siya ng walang katapusang problema, hindi siya matitinag. Gano'n ang uri nang ngiti niya sa akin.

Sobrang layo na niya sa Señorito na kilala ko noon na halos hindi na mamansin ng tao. Iyong Señorito na makakita lang ng tao ay magtatago na. O iyong Señorito na bilang lang ang pagkakataon na lalabas ng kwarto niya.

We have grown so much. And we did it together.

"Grabe, 'no? Halos buong buhay natin magkasama na tayo," nangangarap kong sabi. "Akala ko nga hindi na tayo magkakasundo."

"Why is that?" he asked.

"Masyado ka kasing mailap sa mga tao. Ang sungit mo pa. Palaging isang salita lang," pagsasalarawan ko sa kaniya.

Señorito chuckled. "I had a meaningful teenage life, though. Well, at least that's how I membered it."

Bahagyang nagsalubong an kilay ko. "Paano? Eh, wala ka nga halos pinapansin."

"Watching you from a distance was, hmm..."

His pork barbeque skewers hang midair as he scrambles through his mind, seeking the right words to say. All the while, hindi naalis ang ngiti sa mga labi niya.

Pasensyoso kong hinintay ang sunod niyang sasabihin. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain hawaiian na pizza na nasa plato ko.

"Hmm?" I picked my ear to hear more of his words.

"Should I say one of a kind?" he replied, unsure of his choice of words.

"Bakit naman?"

"Only if you can see yourself through my eyes." A smile formed on his lips. "Para makita mo kung gaanong nakamamangha ang pagmasdan ka araw-araw."

Agad na umakyat ang init sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko rin napigilan ang makaramdam ng hiya na sinabayan ng kilig dahil sa kaniyang mga salita.

"Kung p'wede ko nga lang i-play sa 'yo ang memoryang meron ako." Mahina siyang natawa. "As much as it pains me to see you cry over small things, I always end up being in awe. Palagi kang umiiyak sa bawat materyal na bagay na bigay ni Mom and Dad. Even anything you see that touches your heart, you'll cry. You were and always have been appreciative of every little thing. Kaya ang luha mo, ang babaw rin." Señorito gently stroked my cheeks with the back of his forefinger. "At ikaw lang din ang bukod tanging nakakapagpatawa nang malakas kay Mama."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa pagbanggit niya kay Donya Margarita. Marami na rin ang nakapagsabi sa akin ng bagay na 'yon.

Matapang kasi ang dating ni Donya Margarita. At tulad ng anak niyang si Señorito Tobias, hindi rin siya palangiti. Kaya mas mahirap na lapitan siya.

But contrary to my fear of her when I first saw her, we instantly clicked. Ang dami kasi naming napagkakasunduan.

"It's as if magtropa lang kayo," dugtong niya. "Witnessing such beauty before my eyes is always a sight to see. Two women that I love getting along well with each other."

I smiled meaningfully at him. "You know what's more fascinating, Señorito?"

"Hmm?"

"Iyong nagsasalita ka ng mahaba ngayon." Mahina akong natawa.

Bahagya namang nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Pinagpatuloy ko ang paghiwa sa grilled beef cheeseburger na order ko para magkasya sa bibig ko. Masyado kasi iyong malaki.

After a bite, I sliced a bigger piece for Señorito. Hindi naman siya nagreklamo nang ilagay ko ang slice ng burger sa plato niya. Mas inilapit niya pa ang plato niya sa akin

"Was I that quiet?" His voice reflected surprise at my revelation.

"Hmm," I agreed. "Almost wordless as a matter of fact. I can't even approach you. Takot ako sa 'yo, eh."

Nakita ko ang biglaang pamumula ng pisngi niya. Bahagya pa siyang yumuko para itago ang kaniyang mukha. "I'm shy," Señorito confessed.

Nalaglag ang panga ko sa pag-amin niya. Pero tila balewala lang sa kaniya. He continued eating the burger I gave him while I am left speechless at his confession.

Unlike how secretive and aloof he was before, Señorito's like a wide open book now. Balewala na lang sa kaniya ang pag-amin sa mga saloobin niya. Walang kahirap-hirap niyang inihahayag ang sarili niya.

Posible pa bang mas mahulog sa kaniya?

Señorito clears his throat. "I would choose to live this lifetime over and over again. Dahil alam kong ikaw ang makakasama ko. Ang sarap kasing balik-balikan lalo na't ang babaeng mahal ko ang kasama ko. There's no better life than with you beside me," nakangiting aniya.

I never asked God for anything. Just a normal life far from what I had in my childhood. Iyon bang simple lang. Pero sobra pa ang ibinigay niya sa akin.

"Hinay-hinay lang, Señorito." Humugot ako ng isang malalim na hininga. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na mapahawak sa dibdib ko dahil sa biglaang pagtambol ng puso ko.

Mas lalo kitang minamahal.

Only if I am brave enough to voice those words out. I just hope that he'll feel the honesty of my heart.

Señorito smiles. Nilagyan niya ulit ng isang slice ng hawaiian pizza ang plato ko. Even until we finished our lunch, Señorito never stopped taking care of me. Kahit sa maliliit na bagay tulad nang paglalagay ng hot sacuce sa pizza ko ay siya na ang gumawa.

Mahigit trenta minuto pa ang dumaan sa pagkain namin bago namin naubos ang lahat ng order niya.

"If you're done eating, let's hit the road," anyaya niya.

I stopped wiping the side of my lips. "May pupuntahan pa tayo?" tanong ko, nababahiran ng gulat ang boses.

"Of course, my love." He chuckled. "Susulitin natin ang araw natin."

Napangiti na naman ako. Na mas lalo pang lumawak nang tumayo siya sa likod ko para alalayan ako.

It makes me wonder sometimes. Para kasing binubuhos niya lahat nang naipon niyang sweetness sa katawan niya ng isang bagsakan. It's as if he's letting himself lose and allowing me to witness all of his sides.

Señorito just doesn't hold back on his actions. Kung pwede nga lang na h'wag na niya among paglakarin ginawa na niya. That was the kind of impression he's giving me. And I can't help but melt each time he's being extra sweet with me.

"Wait," he stopped me. Nasa may entrance na kami ng restaurant.

Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa habang lumilinga-linga sa paligid. Mukhang naghahanap ng kukuha sa amin ng litrato. Sakto namang may papasok na babaeng staff.

"Can you take a picture of us?" he politely asked.

Nakangiting kinuha naman ng staff ang phone niya. Ilang hakbang siyang umatras para magwa kaming kuhanan sa malayong anggulo.

Señorito took my hand when the staff started counting. Agad na inihanda ko rin ang aking ngiti.

"Isa pa po," sabi ng staff.

Mas lumapit siya sa akin at bahagya pang yumuko para bumaba ang kaniyang tangkad. Mas lalo tuloy natuwa ang puso ko sa ginawa niya. Hindi ko rin nagawang pigilan pa ang aking sarili na kiligin dahil sa kaniya.

I am not even surprised to feel the butterflies in my stomach. And I won't be surprised kung namumula na naman ang pisngi ko ngayon dahil sa kaniya.

"I love you," he whispered before planting a soft kiss on top of my head.

"Mahal din kita, Señorito," ganting bulong ko.

"Last po," saad ng staff.

Señorito lightly caged both of my cheeks with his forefinger and thumb as he lowered his body even more. Sa ganoong pwesto ay muli niyang akong binigyan ng halik, sa pisngi naman sa pagkakataon na iyon.

My eyes closed and my nose wrinkled a bit as the smile on my lips grew wider with his heart-melting gesture. All the while, my heart didn't stop from beating extremely fast.

Nakangiting naglakad palapit sa amin ang staff sabay balik ng phone ni Señorito. "Ang cute niyo po," papuri niya habang nakangiti.

Bahagya akong napayuko upang itago ang ngiti sa aking mga labi. Ilang beses ba akong kikiligin sa araw na 'to?

Señorito nudged my shoulder. "Cute daw tayo, mi amor. Sabi ko na, eh, bagay talaga tayo." Humalakhak siya matapos sabihin iyon.

Nahihiyang binalingan ko si Ateng nag-picture sa amin. "Thank you," nahihiyang sabi ko.

Señorito grabbed my hand. "Thank you, Miss. You just proved me something," he meaningfully said.

Hindi na nagtanong pa ang babae at umalis na nang nakangiti. Hindi na binitawan pa ni Señorito ang kamay ko at pinangunahan ang paglalakad patungo sa kaniyang sasakyan.

"Ano 'yon, Señorito?" tanong ko bago ko pa man magawang pigilan ang sarili ko.

"Ang alin?" Nagbaba siya nang tingin sa akin.

"Iyong sinabi mo doon sa babae," paghingi ko ng linaw.

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya ngunit agad ding napapikit dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mga mata. Kaya hindi ko nagawang makita ang ginawang pagtanggal ni Señorito sa shades niyang nakalaga sa tuktok ng kaniyang ulo para lamang ilagay sa mga mata ko bilang proteksyon.

"Ah." Tumawa siya. "Her words. Pinatunayan lang no'n na tama ang desisyon kong labanan ang takot ko at ipaglaban ang pagmamahal ko sa 'yo."

Napipe ako sa kaniyang mga salita. Ngunit ang ingay nang bawat tibok ng puso ko ang nagsasabi kung gaano ako naapektuhan dahil sa kaniya.

For how many times would I end up repeatedly falling in love with this man? Para bang walang hangganan ang tamis ng kaniyang mga salita. At para bang hindi siya napapagod iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at inalalayan sa pagsakay. Niyuko rin niya ang ulo niya at siya na ang nagkabit ng seatbelt ko.

"I love you." He smiled. Señorito planted a soft peck on my lips before pulling away.

"Nasasanay ka na, ha," pigil ang ngiti na saad ko, tinutukoy ang paghalik niya sa akin.

"Masanay ka na, ha?" ngisi niya.

Bago paman ako makahuma ay nagawa na niya akong bigyan muli ng isa pang magaan na halik bago tumayo ng maayos. Ngiting-ngiti na isinarado niya ang pinto at nagtungo sa driver's seat.

Hindi na ako nagulat nang maging ako ay mapangiti na lang din dahil sa mga kilos niya. Señorito really has more ways than one in making my heart melt with love.

"Sa'n tayo?" tanong ko nang makasakay siya.

"There's a museum nearby. I think it features glass sculptures and other forms of arts," he replied as he started the engine of his car.

"Museum date?" I prompted with a grin.

Nakaramdam ako ng antisipasyon sa puso ko nang tumango siya't kumpirmahin ang tanong ko. Ever since kasi nang makapunta ako sa isang art exhibit noon ay hindi na nawala sa isip ko ang pagkamangha sa iba't ibang likang-sining.

Para ka kasi niyang dinadala sa ibang dimensyon. Bukod kasi sa binubusog ang mga mata ko, napupuno rin ng galak ang puso ko. It feels like I am being invited to the artists' thoughts and feelings.

And now, I am being introduced to a new form of art.

"Oo nga pala," pukaw niya sa atensyon ko. "Nakausap ko si Dad. He asked me to talk to you about his proposed operation."

"Limb-lengthening?" I asked.

Marahan siyang tumango sa akin habang hinihiwa ang order niyang skewers. Nang mahiwa sa mas maliliit na piraso ay nilagay niya 'yon sa plato ko.

"Yes. Dad wants you to do it. And I feel the same way. Have you thought about it?" Señorito expectantly asked.

Umaasa niya akong sinulyapan. Ang naging sagot ko ay isang ngiting alangan. Hindi ko kasi magawang desisyonan ang bagay na 'yon. It would cost a fortune. Milyon. Mabuti sana kung sarili kong pera ang gagastahin ko, 'di ba?

Based on what I've researched on around $76,000 ang starting cost ng surgery sa US. May mga nag-o-offer naman dito sa Pilipinas like St. Lukes pero walang disclosed na presyo. One thing's for sure, 'di biro ang presyo no'n.

"Actually, interesado ako. Pero kasi..." I sighed.

"Kasi?" malambing niyang tanong.

Humaba ang nguso ko. "Ang mahal."

"But we're covering the cost, my love," he argued. inawakan ni Señorito ang kamay ko at ipinirmi sa may kandungan ko. Habang ang isa naman niyang kamay ay nasa manibela pa rin.

"That's the complicated part, Señorito," saad ko.

"Why is that complicated?" He glances at me. "You're interested. This is the perfect time for you to undergo the surgery. You're 22, Tori, take this chance while you're still young," Señorito urged.

"Oo, pero hindi ko gusto," pagsisinungaling ko sabay iwas nang tingin kay Señorito.

Truth is, gusto ko talaga siya. It is something that can boost my confidence. Lalo na't magagawa no'ng dugtungan ang tangkad ko. It has always been an insecurity of mine. It pains, and still pains, me each time people would use my disability as a form of insult towards me.

As if I am not aware of it.

Through that surgery, I'll be able to grow 8-10 inches long. From my height 3"6 magiging 4"4 ako. May nabasa rin akong article online na from 3"11 ay naging 4"11 siya. An additional of 3-4 inches naman ang p'wedeng madagdag na haba sa braso ko. But not just an increase in height, itatama din no'n ang hugis ng mga binti ko.

Ang kaso... sobrang mahal.

Tatlong beses na pinisil ni Señorito ang kamay ko. "You don't have to feel bad accepting help from people who are offering it wholeheartedly. And you don't have to burden yourself with the guilt of being on the receiving end because no one thinks of you that way."

Tumango ako upang ipahiwatig na naiintindihan ko siya. "Give me some more time, Señorito."

Nakangiting tumango siya sa akin. Bahagya pa siyang lumapit sa akin upang gawaran ng halik ang likod ng kamay ko. "Take your time, Tori. And whatever decision you'll make, I'll support you."

"Thank you, Señorito," sinserong saad ko.

The rest of the quick ride was full of small chitchats and smiles from him and I. Hindi rin naman nagtagal ay narating na namin ang aming destinasyon.

Sa paglabas ko pa lamang ng sasakyan ay agad na yumakap sa akin ang preskong hangin. Kasabay no'n ay ang pagkamanghang lumukob sa puso ko nang matanaw ang magandang entrada ng lugar.

"Ready?" Señorito extended his hand in front of me.

"I'm excited," I replied as my eyes roamed around the outside of Museo Orlina.

Mabilis na pumipintig ang puso ko habang tinatahak namin ang daan papasok. Dahan-dahan naming binaybay ang daan habang pinagsasawa namin ang aming mga mata sa paligid.

The outside of the building was full of art pieces as well. Hindi tuloy mabura ang ngiti sa mga labi ko habang mabagal na naglalakad.

Señorito did all the talking to the information desk as soon as we entered the lobby. Habang ako ay abala na sa pagtingin-tingin sa paligid.

"Let's go?" I nodded my head. Muli niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit.

"Saan muna tayo?" excited kong tanong.

"It's called Reflections Gallery, I believe," he answered.

Señorito led the way to the lower level of the building. Sabay na napuno nang pagkamangha at paghanga ang puso ko nang mabungaran ang iba't ibang uri ng sining.

"Tori." Huminto sa paglalakad si Señorito.

Tumayo siya sa harapan ko. Marahan niyang hinubad ang suot niyang kulay light blue na cardigan at itinali sa baywang ko. Nang makuntento ay bigla siyang lumuhod nang patalikod.

Nakalapat ang kaliwang tuhod niya sa sahig habang ang isa naman ay bahagyang nakataas kung saan nakapatong ang siko niya. Para siyang prinsipe na yumuyuko sa isang prinsesa.

"Sakay ka," alok niya.

"Ha?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"Sakay ka. It's better to meet these art pieces at eye level," he encouraged me.

I looked at the art hanging on the wall. Mataas iyon para sa tangkad ko. I doubt makikita ko iyon ng detalyado ang bawat piyesa ng sining na iyon. Unless mula sa malayo ko sila titingnan.

"Sure ka?" alangan kong tanong.

Tumango si Señorito. "I could lend you my back for you to reach higher places any second of the day," he promised.

Napangiti na lang ako. Maingat na sumampa ako likod niya na agad naman niya naagapan nang pag-alalay. Maging sa pagtayo niya ay sobrang ingat niya at dahan-dahan pa ang kilos.

A satisfied smile crept on my lips when I was able to have a clearer view of the masterpieces on the wall. Hindi ako nakaramdam ng kahit na kaunting awkwardness man lang. In fact, Señorito's board back feels more comfortable than I thought it would be.

"Are you comfortable?" he asked gently.

"Yes," maikli kong sagot.

Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya, sa paraan na makikita ko ang harapan. Una akong dinala ni Señorito sa painting na tila ba forest. It was a colorful painting, almost like a fairytale.

There were two beds of green grass with several trees standing tall decorated with colorful flowers. Sa kaliwa pa nga ay may kulay orange na dahon ang puno. In the middle was a long stream of lake with large rocks on the surface.

But what made it more beautiful was not just its vibrant colors but the wood bridge connecting the two forests where a couple stands in the middle.

"Ang ganda," wala sa sariling saad ko.

"Agree, it's a beautiful masterpiece," Señorito seconded.

Pinagpatuloy niya ang paglilibot sa akin sa buong area habang nasa likod niya ako. Habang ako naman ay kuntentong pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin habang nakasandal sa kaniyang balikad. Even on the second and third level, he lent me his back as we roamed around the museum.

Pero nang marating namin nag roof deck ay nagpababa na ako. Busog na busog hindi lang ang mga mata ko kundi maging ang puso ko sa buong durasyon nang aming paglilibot.

But the view from the roof deck left me in awe by how magnificent it was. The bed of greenery hugs the sparkling Taal Lake.

Señorito was holding my hand tightly as we both got drowned with the beauty of the lake of it. Kuntentong binubusog ko ang mga mata ko sa magandang tanawin sa aming harapan habang hawak ko ang kamay ng aking mahal.

"This day is so perfect, Señorito," mahinang sambit ko. "Salamat dahil hinayaan mo akong maranasan 'to. Thank you for bringin me here. May babaunin na naman akong memorya na kasama ka."

"I'd bring you to any place in this world for as long as it would make you happy, my love," Señorito confidently said. "I'm happy to share this moment with you, Tori."

"So am I, Tobias," I replied with a content smile on my lips.

He was about to say something when he was interrupted by a new and unfamiliar voice calling my name.

"Kismet?"

Mabagal na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Pero gano'n na lang ang pagtambol ng kaba sa puso ko nang makita ang taong 'yon. Maging ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Señorito ay unti-unti na ring lumuwag.

Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko, nag-angat na ako nang tingin sa kaniya at walang hirap na nagtama ang aming mga mata.

"What's wrong?" he asked quietly.

Hindi ko siya nagawang sagutin. Nanatili lang tutok ang mga mata ko sa taong nasa harapan ko. Even before I could notice... the beating of my now calm heart started escalating.

But for a reason in contrast to what Señorito just made me feel.

It wasn't love... but surprise and anger.

Kasabay nang maingay na tibok ng puso ko ay siya ring pagkabinging nararamdaman ko. Parang may isang matinis na tunog na maingay na umaalingawngaw sa tainga ko. At para bang biglang nagkabuhol-buhol ang takbo ng isip ko, pinupuno ng kaguluhan dahil sa presensya ng taong kaharap ko.

"Ikaw nga..." madamdamin nitong sabi.

Gusto kong itanggi na siya nga ang kaharap ko. Dahil sa hinabahaba nang panahon na hinanap ko ang presensya niya ay ni anino niya ay wala sa tabi ko.

I wanted to deny that I am seeing him now that I have already moved forward with my life. Because I've been meaning to erase him in my life for he is nothing but a stranger now.

But I couldn't.

Because he is here... standing in front of me.

Because he is real.

"K-Kristoff..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top