Chapter 19
Claude
Buwan na rin ang lumipas mula nang araw ng kaarawan ni Don Emmanuel. Pero simula rin nang gabi na iyon, hindi ko na nagawang alisin sa isip ko si Sir Claude. Hindi sa romantikong paraan ngunit dahil sa negatibong bagay.
I have never met that man, but the way he looked at me says otherwise. Kaya hanggang ngayon bothered pa rin ako dahil nangyari nang gabing iyon.
Idagdag pa si Señorito, panay ang tanong tungkol kay Sir Claude kung nagagawi ba sa Ramiscal's. I am convinced that something happened between them in the past. Wala lang akong ideya kung ano ang bagay na iyon dahil kahit anong tanong ko ay matinding pag-iwas ang palaging sagot sa akin ni Señorito.
"Hinihintay ka na nila, Señorito," imporma ko kay Tobias, tinutukoy ang board of directors na pinatawag ni Don Emmanuel kanina.
Kakapasok ko lang sa loob ng opisina niya. Kagagaling ko lang kasi sa conference room para i-confirm kay Don Emmanuel kung handa na ang lahat.
There he was, sitting on his chair in a dazed state, tapping his fingers restlessly on his table as if drunk in his waves of thoughts.
"Señorito," muling pukaw ko sa atensyon niya.
Doon siya napakurap at napatingin sa akin. "You were saying?"
I forcefully hid the sigh itching to come out of my mouth. "Hinihintay ka na nila," ulit ko.
Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Señorito matapos ay nag-angat nang tingin sa akin ngunit nanatili pa ring tikom ang bibig.
Ilang linggo ko na rin siyang napapansin na ganiyan, tulala at tila ba lunod sa malalim na pag-iisip. Hindi ko rin naman siya magawang pagtuunan ng pansin nitong mga nakaraan dahil abala ako sa pagtulong kay Don Emmanuel para sa mga maiiwan niyang trabaho na for turnover naman kay Señorito.
"Did he really not set foot here?" Señorito asked with all seriousness I have never seen in him.
Despite the lack of context in his question, I was still able to grasp what he was asking about. Memoryado ko na nga ang tanong niyang iyon dahil halos araw-araw ay naririnig ko iyon sa kaniya.
Si Claude lang naman ang palaging bukang-bibig niya nitong mga nakaraan, magmula nang kaarawan ni Don Emmanuel.
"No, Señorito," I answered.
Pero tila ba hindi pa rin siya kumbinsido sa naging sagot ko. Mas lalo lang kasing lumalim ang pagkakakunot ng kaniyang noo.
Sa huli, mas pinili kong huwag na lang iyong intindihin masyado.
"Everything's fine, Señorito." I smiled at him genuinely to assure and calm him. "Magsasabi naman ako kung may dapat kang ipag-alala." The worry in his eyes eased up a bit. Maging ako ay napanatag na rin kahit papaano. "Tara na, hinihintay ka na nila."
Muli, nagbitaw na naman siya ng isang malalim na buntonghininga. Pero this time, alam kong hindi na si Claude ang dahilan.
"I don't feel good about this," he sighed problematically.
Pasimple kong inalis ang tingin ko sa kaniya at ibinaling sa walang laman na baso ng kapeng nasa lamesa niya. "Bakit naman?" tanong ko, ngunit may ideya na kung ano ang kaniyang tinutukoy.
"Dad might announce his retirement," he concluded.
Mas lalo akong napangiwi dahil doon. Nabanggit sa akin iyon ni Don Emmanuel kaya inaasahan ko na ang bagay na ito, hindi ko lang magawang bigyan siya ng kumpirmasyon.
Ayaw ko naman kasing pangunahan si Don Emmanuel dahil for sure, alam naman niya ang ginagawa niya. Besides, hindi naman retirement ang pag-uusapan ng board ngayon kaya wala siyang dapat na ikabahala.
"Dati mo naman na silang nakakaharap, Señorito. Anong pinagkaiba ngayon?" naguguluhan kong tanong.
"It's different when things are centered on Dad's retirement." He sighed deeply. "There's a lot that needs to be considered. Lalo na sa board."
"Eh, alam mo naman ang tungkol sa pagreretiro niya. Nakapag-usap na kayo, 'di ba?" tanong ko.
"Yes, but telling the board about it is different. What if they pull out their shares just because I am soon to take over?" I saw him shake his head in dismay while his eyes held nothing but worry. "I am far from Dad. I still have so much to learn."
"Hindi, ah," mabilis kong kontra.
Lumapit ako sa puwesto niya't tumayo sa tabi niya. Nag-angat siya nang tingin sa akin habang ang mukha ay puno pa rin ng pag-aalala.
His eyes are now unfocused, shakily looking at anything it lands on. May namumuo na ring butil ng pawis sa noo niya na mas nagpapakita ng kanyang kaba.
I smiled inwardly, he looks like a child who's afraid on his first day of school.
Ito pa lang ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito kaya nakakapanibago. Nasanay siguro ako na ako ang binibigyan niya ng lakas ng loob hindi iyong ganito na siya iyong napanghihinaan ng loob.
"Alam mo, Señorito, hindi ka naman dapat kabahan, eh." Inayos ko ang kulay navy blue niyang neck tie. Pinagpagan ko rin ang bandang balikat ng suit niyang itim. "Magaling ka, Señorito. Hindi mo kailangang ma-insecure. Ang dami mo na ring contributions sa Ramiscal's at hindi mo dapat binabalewala iyon."
"But this is a different scenario, Tori," he helplessly rebutted.
Agad kong naramdaman ang lamig ng kamay niyang nang kuhanin at hawakan ko iyon. "Yes, it's different but I know you'll be just fine, Señorito," I encouraged him. "You've been serving your parents' hard-earned company as soon as you got out of your teens, Señorito. I trust that you'll do just fine."
With all the sincerity I could show him and from the bottom of my heart, I gave him a smile. Bahagya ko ring pinisil ang kamay niya upang panatagin ang alinlangan niya.
I couldn't give him anything more than my words. Hindi ko rin naman kasi lubos na naiintindihan ang bigat na nararamdaman niya lalo na't responsibilidad na ang pinag-uusapan.
But my trust in him wouldn't be compared to anything. Saksi ako sa efforts niya at malinaw sa memorya ko ang lahat ng mga milestone na ibinigay niya sa kumpanya. He has a big part in the success of their company.
"What if I fail?" he asked helplessly.
Bahagyang nabura ang ngiti ko dahil sa munting kurot na aking naramdaman sa aking puso.
Donya Margarita's words rippled in my mind as I look at her child who's unconfident and scared at the same time. Noon, hindi ko iyon lubos na naiintindihan ngunit ang makita siyang ganito ay nagbibigay sa akin ng kaliwanagan.
Spending most of his time all alone has made him less confident about himself. Idagdag pa ang mga personal na bagay insecurity niya tulad na lamang ng pag-aaral niya.
"Trust yourself that you won't, Tobias," I uttered, whispering and mimicking the words of his Mom. "And I know you won't."
Ang sabi kasi sa akin ng Donya noon, si Tobias ang taong kailangan ng assurance para sa isang bagay. Actually, no. Hindi lang sa isang bagay kundi sa maraming bagay. Señorito have set his own standards for himself way too high that he started becoming afraid of failure. Siguro dahil nag-iisang anak lang siya at pasan niya ang lahat ng responsibilidad.
He used to be so timid and cautious, and I can still see that in him even until now that we're both adults. Tulad nang sabi ni Donya Margarita, kailangan lang niya ng kaunting push para magtiwala siya sa sarili niya.
Señorito later on pulled me into a soft hug. He buried his face on my neck and let out another heavy sigh. "Mababaliw na ako," mahina niyang bulong.
Maliit akong napangiti. Ginantihan ko ang yakap niya habang marahang hinahagod ang kaniyang likuran. "Kaya mo iyan, Señorito."
"What if they question my credibility? Wala akong maihaharap na diploma sa kanila," aniya pa.
"Bakit? Diploma lang ba ang basehan ng kakayahan ng isang tao?" Umiling ako. "Hindi gano'n iyon, Señorito. You've proven yourself enough to be worthy of their trust. Isa pa, hindi mo dapat binabalewala ang mga naging contribution mo sa tagumpay ng Ramiscal's."
We stayed in that position for a few more seconds before I decided to pull away. The least he could do now is to make their valued guest wait a
"Kailangan mo na silang harapain," saad ko.
Matapos magpakawala ng buntonghininga ay tumayo na rin siya. Agad akong pinagharianng tangkad niya, ipinapaalala ang aking diperensya.
Pero hindi ko na iyon inintindi at ngumiti na lang sa kaniya. Sinundan ko lang siya ng tingin at pinanood siyang ayusin ang sarili niyang suot. I stood there in silence, taking all my time, admiring the beauty in front of me.
Kahit saang anggulo talaga tingnan, ang guwapo ni Señorito. Lalo na't kung sa gilid mo siya titingnan ang prominente ang tangos ng kaniyang ilong. Kapansin-pansin din ang kurba ng kaniyang may kahabaan at may kakapalan na pilik-mata na daig pa ang akin kahit na may mascara.
Ang guwapo ni Señorito.
"How do I look?" he asked.
I cleared my throat and locked eyes with him. And with a smile I replied, "Señorito, you look fine."
As much as I wanted to use all the compliments I know for him, I could only say that one word as it perfectly suits him today. He looks so professional in his suit.
"Wait for me here," he instructed, which I gladly obliged.
Pinanood ko ang likod niya na tunguhin ang pintuan. Para bang ang bigat-bigat ng balikat niya dahil sa pagkakalaylay no'n. Dala siguro ng kaba dahil sa posibleng pag-uusapan ng board.
Ngunit imbes na buksan ng tuluyan ang pinto ay malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin. Tobias knelt on one knee to hug me tight.
Napangti ako dahil sa higpit nang yakap niya sa akin. Para siyang humuhugot ng tapang mula sa akin. Mahigpit na ipinalibot ko ang braso ko sa leeg niya at mahigpit na ginantihan siya nang yakap.
"Heads up, Señorito." I smiled. "Naniniwala ako na kaya mo at alam kong kakayanin mo," pagpapalakas ko ng loob niya.
Naramdaman ko ang pagtango ni Señorito. Ilang segundo pang tumagal ang yakap na iyon bago siya tuluyang humiwalay sa akin at muling tuwid na tumayo.
"Thank you, Tori," he thanked me sincerely.
I smiled again. Kahit kailan talaga napaka-soft nitong si Señorito. Parang ang hirap saktan. Iyon bang, uusigin ka talaga ng konsensya mo kapag may nagawa kang hindi maganda sa kaniya. At dadalhin mo iyong pakiramdam na iyon habangbuhay.
"Go, now. Naghihintay na sila."
Tumango siya sa akin bago tumalikod ng tuluyan. I watched his back grew smaller with the growing distance between the two of us.
Nang tuluyan siyang makalabas ay bumalik sa puwesto ko at pinagpatuloy ang mga naiwan kong papel. Ngunit hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa upuan ay nakarinig na agad ako ng katok sa pinto.
Biglang umingay ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Sigurado akong hindi si Señorito iyon dahil hindi naman niya kailangan pang katukin ang pintuan bago pumasok. Tuloy, halos mabingi na ako sa bawat pintig ng puso ko dahil sa kaba sa hind ko mapangalanang dahilan.
"Kianna?" a familiar voice called behind the door.
Napakunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang boses na iyon.
Pilit na kinakalma ang sariling kaba na tinungo ko ang pinto upang buksan iyon. Subalit imbes na kumalma ang pagwawala ng puso ko ay mas lalo pang dumagundong ang kaba no'n nang makilala ang may-ari ng boses na iyon.
"Sir Claude," gulat kong bati ko. "Ano pong sadiya ninyo?"
Biglang umalingawngaw sa isip ko ang hindi matapos-tapos na tanong ni Señorito kung pumaparito ba si Sir Claude. Kakatwang ilang minuto lang matapos lisanin ni Señorito ang opisina niya ay siya namang dating ng taong ito.
I don't even know how to properly interact with him given our last encounter. Mas lalong hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya dahil ramdam kong hindi siya gusto ni Señorito.
"Hindi mo ba ako papapasukin man lang?" Mahina siyang tumawa.
Señorito's voice echoed in my mind again. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng pencil cut na suot ko, for sure lukot na iyon ngayon.
Kumabog ang dibdib ko sa kabang idinulot ng presensiya niya. Sa lakas nang tibok ng puso ko, tanging iyon na lang ang ingay na rumerehistro sa pandinig ko.
There was something in his laughter that triggered fear in my being. There was something in the way he stared that gave me goosebumps all over my body.
Nakakakaba ng sobra.
"Won't you offer me a drink?" he asked again, flashing me a grin... a creepy one.
It was enough to give me fear.
"I don't think Señorito Tobias would appreciate your presence here in his office, Sir Claude," I respectfully reasoned out.
He chuckled at me darkly. Humawak siya sa seruda ng pintuan at mahinang tinulak iyon upang bumukas ng kaunti. "Wala naman siya."
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko dahil sa kaniyang naging tugon. Ang sarcastic kasi no'n sa pandinig ko.
"What's with the attitude? I didn't wrong you in any way, Kismet Torianna."
Napaiwas ako nang tingin. Totoo naman ang sinabi niya pero base sa obserbasyon ko sa mga kilos ni Señorito, siya iyong taong hindi ko dapat na pagkatiwalaan.
I have known Señorito for more than half of my life, and it was clear to me that whenever he dislikes someone, that person did something to him negatively.
"Did my cousin brainwash you already?" He scoffed.
"May rason po ba siya para i-brainwash ako?" balik na tanong ko sa kaniya.
I earned another pit of sarcastic laughter from him. "Who knows what's going on in that head of your Señorito?" Sir Claude shrugged his shoulders.
"Ano po bang sadiya ninyo?" muli ay tanong ko.
Ayaw kong magkita silang dalawa ni Señorito dahil tama siya... hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Señorito.
Something's definitely off between them. Iyon ang hindi ko alam, at wala akong lakas ng loob na magtanong man lang.
"I didn't come here for war." Sir Claude raised both of his arms up as if surrendering. "I would not dare ruin Ramiscal's in honor of the late Donya Margarita."
"Anong dahilan po nang pagparito ninyo kung gano'n?" magalang kong tanong.
Mula sa bulsa ng kaniyang suit, kinuha niya ang isang kulay brown na envelop. Dalawang piraso iyon.
Inabot niya iyon sa akin ng may ngiti sa mga labi. "Here, invitation for the opening of our new branch in Baguio. Make sure to come with Tobias and Uncle Emmanuel."
Pinasadahan ko nang tingin ang envelop. Halatang ginastusan iyon kahit na ang labas pa lang ang nakikita ko. I took out the textured paper inside and my nose got instantly filled by a fragrance that resembled that of roses.
On its back was the logo of Cocina Esperanza, the restaurant they owned. Sa harap naman nakalagay ang mga detalye ng event tulad ng oras at location. Sa pinakagitna nakalagay ang pangalan ko written in calligraphy form. I guess the other one has Don Emmanuel's and Señorito's name on it.
"I booked a hotel for you three with the best view of Baguio," he added. "I'll be expecting you."
"Bakit kasama ako? Hindi ba ba dapat sina Don Emmanuel at Señorito Tobias na lang?" Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
Usually naman kasi hindi talaga ako sumasama sa mga ganitong klase ng event. Even Señorito rarely shows up, kadalasan si Don Emmanuel lang ang nagpupunta.
"You're family... sabi nila." May kalakasan siyang tumawa. "I am just a messenger. My parents invited you as well."
For a moment, I felt like there was a clear sarcasm in his voice. Pero binalewala ko na lang at hindi na masyadong iniintindi. Kahit ang ngisi sa mga labi niya ay binalewala ko na lang din.
"I'll inform Señorito and Don Emmanuel about this po," pormal kong sabi.
"Well then, see you around," paalam niya kabuntot pa rin ang mahinang tawa.
Hindi ko magawang ipaliwanag kung bakit pero may kakaibang pakiramdam ako kay Sir Claude. May kakaiba sa pananalita niya. May kakaiba rin sa mga kilod niya.
At hindi ko rin magawang ipaliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng kaba.
*********************************************************************
Wow, it's been a while. Papunta na tayo sa exciting part. :> Thank you for reading po!
- with endless love and appreciation,
aerasyne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top