Chapter 17
Jigsaw Puzzle
Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang maalimpungatan dahil sa ingay na naririnig ko. Ilang pares ng mga paa ang maingay na nagtatakbuhan sa labas ng kuwartong inookupa ko. Sa kabila ng antok na nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon, pinili ko na lamang ang bumangon dahil imposible ang makatulog ulit dahil sa ingay na nililikha nila.
Even without going out of the room to know what was happening outside, I already had the idea. Sigurado ako na dumating na ang mga kamag-anak nina Señorito para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Don Emmanuel.
An immediate sigh escaped my mouth realizing that it would be a long night ahead of me. Maingat akong nagtungo sa pintuan upang silipin ang nangyayari sa labas. I was greeted by running kids in the hallway full of laughter and giggles.
"Monster!" a kid shouted with a finger pointed at me.
Agad na nasundan iyon ng maliliit na boses ng mga batang kasama niya. "You're weird," someone seconded.
Karamihan sa kanila ay mas mataas pa ang tangkad kaysa sa akin. The kids, from what I think, were about six to nine years old.
"You're not a kid, aren't you?" the tallest boy in their group asked.
Dala ng gulat ay mabilis na naisara ko ang pintuan. I already anticipated the kind of response they gave me, but I still couldn't get used to it. Ganito naman palagi ang nangyayari tuwing nandito sila, bukod sa maingay ay sadyang ako palagi ang sentro ng mga tuksong ibinabato sa akin ng mga mas nakatatandang bisita.
Ilang sandali lang ay biglang dinumog ang kuwartong inookupa ko. Naging sunod-sunod ang katok sa pintuan habang sabay-sabay na sumisigaw ng salita na sinumulan ng isa kanina. I chose to block their tease and just went back to bed. Mga bata lang naman sila na hindi pa alam ang mga ginagawa.
I find them cute, as a matter of fact. Mga laking may gintong kutsara kasi sa bibig kaya maging ang pang-aasar ay tunog sosyal din.
"Stop it, kids," pigil ng bagong dating.
May umukit na maliit na ngiti sa mga labi ko nang makilala na boses iyon ni Señorito. Tulad ng sosyal na pang-aasar ng mga bata ay siya ring sosyal nang pagbabawal niya sa kanila. The golden kids.
"You guys are being a bad kid, Santa won't give you any gifts for Christmas," he warned.
"Santa's not real, Uncle," a kid rebutted.
Hindi siya agad na nakapagsalita. Isang beses pa lang na sumasagot ang bata natameme na siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangiti pang lalo dahil sa mga naririnig.
"Still, is being mean and disrespectful okay?" The kids said no in chorus.
Tahimik kong pinakinggan ang sosyal niyang pangaral sa mga bata hanggang sa tuluyan niyang mapaalis ang lahat kaya muling bumalik ang kapayapaan sa labas.
I know for sure that what's next is Señorito knocking on my door. At hindi nga ako nagkamali nang marinig ko ang kalmadong pagkatok sa mga sumunod na segundo.
"Tori, open up," saad niya habang patuloy na kumakatok ng mahina. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil agad ko na iyong nabuksan.
"Bakit nandito ka? You should be with your family, Señorito," puna ko agad. I sat at the edge of the bed and picked up my phone. The time says that it's already four in the afternoon.
"What do you want for your afternoon snack?" he asked. He let his body flop down on the bed as if he's tired of what had happened to his day.
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Para kang tatay ko, Señorito," natatawang pahayag ko.
"Stop it, Tori, I don't want to be your father," matalim na tanggi niya sa mga sinabi ko.
Naiiling na binalingan ko na lang ulit ang phone ko. I opened a fast-food delivery app and searched for the food that might wake my appetite up.
"Okay, okay, Masyadong galit," natatawang pagpapakalma ko sa kaniya.
"There's a variety of dishes below. What do you want? Pasta?" alok ulit ni Tobias.
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng pagkain sa menu na kaharap ko. Kabisado ko naman na kasi ang uri ng mga putaheng nakahanda sa baba ngayon dahil same catering ang kinuha nila from last year.
"Also, there's baby back ribs, your favorite," he added.
Biglang nagningning ang mga mata ko sa narinig. Naglaway din ang aking bagang sa pagkatakam sa putaheng kaniyang nabanggit. Wala sa sariling naisarado ko ang app at napabaling sa kaniya.
"Looks like you've chosen," Señorito said.
Nananantiya ko siyang tiningnan. "Puwedeng humingi ng pabor?"
I began playing with my fingers, scratching one another as I felt embarrassed asking him to do something for me. Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag-iisip ang uutusan ang amo niya?
Sinilip ko siya sa sulok ng mga mata ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Señorito was using his right hand as his pillow while the other one remained rested on his chest. Out of all the days, weeks, months, and years that we've spent having an employee-employer relationship, these days have been slowly turning into something different.
Vigan did its magic, perhaps.
"Stop ruining your nails, Tori," sita niya sa akin.
Nagbaba ako ng tingin sa kamay ko at nakita ang bahagyang namumula ang daliri ko. Hindi ko lang talaga mapigilan dahil isipin pa lang na hihingi ako ng pabor ay nahihiya na ako ng sobra.
Hindi naman kasi ako makababa dahil paniguradong maraming tao at pagtitinginan lang ako. Kung nasa villa ko ako ngayon, walang problema, puwede akong magluto ng sarili kong pagkain. Pero dahil nandito ako sa mismong mansyon ng Casa Ramiscal, wala akong ibang pagpipilian kundi ang humingi ng pabor sa ibang tao.
At si Señorito lang ang tanging malalapitan ko ngayon.
"What kind of favor, Tori?" bahagyang nakataas ang kilay na tanong niya. Sa pakiwari ko ay alam na niya kung anong klaseng pabor ang nais kong hilingin sa kaniya ngayon.
Muling naging balisa ang mga kamay ko at nagpatuloy sa pagkiskis ng kuko ng isa't isa. "Puwedeng pahatid na lang dito?" mahina kong bulong.
He squinted his eyes on me as if reading my mind. "I'd prefer it if you'd come and eat with me downstairs."
"Hindi ako komportable," pagtatapat ko.
I don't want to be feasted on by the stares of people. Isa pa, ayaw kong maging sentro ng atensyon lalo na't mahalagang araw ito para kay Don Emmanuel.
Hindi siya agad sumagot kaya mas lalo akong binalot ng kaba at hiya. Akala ko nga ay tatanggi na siya dahil sa pananahimik niya. Pero kapalit no'n ay ang pagkagulat ko nang biglang hawakan ni Señorito Tobias ang kamay ko.
Gulat ko siyang nilingong ngunit wala akong ibang nakita kundi si Señorito na nakikipagtitigan sa kisame. Tila ba balewala lamang sa kaniya ang ikinilos niya. Hindi niya pa rin ako binabalingan ng tingin at hindi na rin niya binitawan pa ang kamay ko.
The fast beating of my heart started to beat for a different reason. And it suddenly made me lose all the courage to know what the possible reason could be.
Hindi naman ito ang unang beses na nahawakan niya ang kamay ko, pero ngayon lang ako nabagabag ng ganito. Sigurdo dahil sa katotohanang sa kabila ng lahat ng mga pangyayaring dumaan sa pagitan namin ay mayroon pa ring tanong na naiwan.
Why did he even hold my hand in the first place? Kung ang rason niya ang upang patigilin ako sa ginagawa kong pagkutkot ng mga kuko ko ay dapat binitawan na niya ako kanina pa.
Pero hindi kasi gano'n ang nangyari. He was now directly holding my hand. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa liit ng kamay ko kung ikukumpara sa kaniya. His hand is even softer than mine. Bagaman naroon ang gaspang, hindi maitatanggi na mas maganda ang kaniya kung ikukumpara sa akin.
"Iyan pa rin ba ang sasabihin mo kahit na sabihin kong kasama mo naman ako?" mahina, halos pabulong, niyang tanong sa akin.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dala ng kawalan nang sasabihin. For a moment, my mind and heart had a contrasting opinion.
In my rational thoughts, I felt fine going out. I could even imagine myself not minding anyone and just doing my own thing. But the beat of my heart speaks differently.
Ninenerbyos ako. Siguro dala na lang din ng limitasyon ko sa pakikihalubilo sa iba kaya ang magtagal sa isang lugar na puno ng tao ay agad nang nagbibigay sa akin ng kaba.
"Your hand is shaking," puna niya. "Okay ka lang ba?"
Sinundan ko ng tingin ang kamay ko at nakitang bahagya ngang nanginginig iyon. "Kinakabahan ako," pag-amin ko.
"Bakit?" may himig nang pagsuyo na tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Sa parehong rason pa rin naman. Hindi ako sanay. Hindi ko rin alam kung ano ang puwede kong asahan sa labas."
"Wala ka namang dapat na intindihin. Wala kang dapat na ikakaba. This is your home, Tori. You've been living here for a long time, you shouldn't feel uncomfortable in any way," he comforted.
Napanguso ako. "Paano ko naman gagawin iyon? May mga bisita kayo, ayaw ko naman makaistorbo. Baka mamaya bigla na lang masira ang party dahil sa akin. I don't want to force myself into a shoe that doesn't fit well with me," I cryptically said.
Señorito Tobias made a groaning sound when he rose up and sat down beside me. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya nagsimula na akong mabahala pero siya ay para bang hindi man lang apektado.
OA na ba ako sa lagay na 'to? O normal lang ang nararamdaman kong maligalig na tibok ng puso? Señorito Tobias is my boss, so these things should be illegal, right?
Girl! Hinalikan ka na nga, eh!
Mabilis akong napayuko nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Pasimple ko ring pinaypayan ang mukha ko sa pagbabakasakaling maiibsan no'n ang nararamdaman ko.
"Mi Señorita," he uttered with his baritone voice. I almost felt a shiver on my nape at how he said my name.
It felt... different.
Sobrang natural nang pagkakadulas no'n sa mga labi niya kahit na bilang na pagkakataon pa lang naman niyang nasasambit iyon sa akin.
Señorito cupped both of my cheeks and squished my face making my mouth pout automatically. "Pakasalan na lang kaya kita? Maybe that way you'll feel more at ease in this place."
Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napalo siya sa balikat niya. Dumistansya rin ako ng bahagya sa kaniya dala ng gulat. "Señorito! Grabeng biro naman iyan!"
Hinuli niya ang dalawang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. He even intertwined our uneven hands together although it honestly don't fit well with one another. "Sino bang nagsabing binibiro kita?"
"Señorito naman, eh!"
"Yes, my love?" he playfully called while hiding his laughter.
"Hala siya..."
Natutop ko ang bibig ko at nanlalaki ang mga matang nakipagtitigan sa kaniya.
A mischievous laugh escaped Señorito's mouth as he watched me react to his words. Kahit walang salamin ay alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon dahil sa pang-aasar niya.
Gawin ba namang biro ang kasal!
At tawagin ba naman akong my love!
Muli siyang nagpakawala ng mahinang tawa bago iyon inubos at nagseryoso na. "Seriously, Tori. I don't and won't joke about marriage," he said in a now serious voice as if he wasn't just laughing his heart out earlier. "Hindi ako nagbibiro. Kapag alam kong handa ka na, ihaharap kita sa Panginoon at pakakasalan."
Nawalan ako ng imik dahil sa biglaang pagseryoso ng boses niya. Nawala ang pabirong tono roon na para bang ang nais iparating ay gagawin niya talaga ang mga salitang binitawan niya ngayon lang.
Kilala ko ang tonong gamit niya ngayon kaya alam kong hindi siya nagbibiro. Sadiyang hindi ko lang magawang paniwalaan ng buo dahil masiyado iyong malayo sa reyalidad na nasa isip ko.
"Nasabi ko na ba?" Binitawan niya ang kamay ko upang magawa niyang hawakan ang kanang pisngi ko. He made me face him and in just a blink of an eye, our eyes met just like that.
"A-Ang alin?" Napalunok ako kahit na huli na dahil nautal na ako.
Maingat niyang nilagay sa likod ng aking tainga ang ilang pirasong takas na hibla ng buhok ko na tumatabing sa aking mukha. Kasunod no'n ay masuyo niya akong ginawaran ng isang maganda at maaliwalas na ngiti. "Ang ganda mo."
Umawang ang bibig ko sa pagtatangkang magsalita ngunit walang maski anong tunog na lumabas doon. I was awestruck. Ang kanina pang mabilis na tibok ng puso ko ay mas lalo pang bumilis ngayon na para bang galing ako sa pakikipaghabulan. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan lang siya habang sa isip ko ay paulit-ulit kong naririnig ang mga salita niya.
"Ang ganda mo, Torianna," ulit niya. "O, baka pati iyan pagdudahan mo. Nagsasabi lang ako ng totoo," depensa niya agad bago ko pa man pagdudahan ang salita niya.
Sa kawalan nang sasabihin, ngiti lang ang aking naging tugon sa papuri niya.
"P'wede bang gawing trabaho ang titigan ka? Ang yaman ko na sigurong tao dahil hindi ako mapapagod panigurado," saad niya.
Mahina akong natawa sa narinig. "Nakakapagduda talagang hindi ka pa nagkaka-girlfriend sa tamis ng mga salita mo."
Ngumisi siya sa akin. "Nag-practice ako para sa ganitong pagkakataon. May notebook nga ako ng mga linya galing sa mga librong nabasa ko na puwde kong sabihin sa 'yo."
My heart melted with his honey words. I felt like a highschool girl who just received a shy confession from the boy I've been crushing on. Siguro dahil ito pa lang naman ang unang pagkakataon na makatanggap ako ng mga ganitong klase ng salita mula sa isang lalaki.
At sa taong nagugustuhan ko pa.
"Bumalik ka na sa baba, baka hinhanap ka na ni Don Emmanuel," pasimpleng pagtataboy ko sa kaniya upang pagtakpan ang hiyang aking nararamdaman.
Inilingan niya ako habang nananatiling nakapako sa akin ang kaniyang paningin. "They don't need me downstairs. Everyone's too busy bragging about their wealth and I want to spare my ears from their nonsense."
Señorito scooted a bit farther from me, giving our bodies enough distance. Pagkatapos no'n ay sunod niyang inalalayan niya ang ulo ko pababa para ipaunan sa hita niya.
"Still, it's your Dad's birthday, Señorito," giit ko pa, winawaksi ang mga iniisip tungkol sa kaniya.
"Pops wants me to keep you company, Tori." He looked at me straight in my eyes as if wanting to relay the truth of his stay in this room with me. "I'd rather spend hours here with you. Kapag sa tingin mo kaya mo na, sabay na lumabas na tayong dalawa."
"Sure ka?" alanganin kong tanong.
"Without a doubt," he assured. "Ayaw mo siguro akong kasama kaya tinataboy mo ako."
"Hindi, ah!" mabilis kong depensa. "A-Ano lang... baka lang kailangan ka sa baba."
"I'm drained. I need to recharge."
"Huh?" Bahagyang nagsalubong ang dalawang kilay ko nang maguluhan sa kaniya.
"This." He smiled at me before planting a soft kiss on my lips.
Muli na namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Tobias!"
Imbes na sagutin ako ay tawa ang inani kong reaksyon mula sa kaniya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin upang itago ang paniguradong namumula ko ng mukha.
These past days, it's making me wonder how it would've been for us if we remained distanced from one another. Sigurado, imposible ang lahat ng ito.
We would probably be just two persons who knew each other's name but would be walking past one another without a single word. Siguro professional relationship lang ang mayroon kami ngayon at purong trabaho lang ang pinag-uusapan.
Maybe I wouldn't be in this, literal, situation where I am resting in his lap.
Maybe we wouldn't be speaking to each other's hearts.
"Tori," he softly called.
"A-Ano iyon?" kabado kong tanong.
"I just realized," he started. It was followed by a sigh from him.
"Hmm?"
"I haven't asked you properly yet."
Humarurot sa bilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang ibig sabihin ng salita niya. Gano'n kabilis na nakuha niya ng buo ang atensyon ko.
Wala na ang biro sa kaniyang mga mata at puno na iyon ng kaseryosohan. Awtomatikong dumagundong pang lalo ang nakabibinging tibok ng puso ko. Wala na akong halos na marinig kundi ang pag-iingay ng puso ko.
I could already figure out what was about to come, but I still couldn't help but ask that maybe this was all a trap created by my own mind.
"Tori," masuyo niyang sambit sa pangalan ko.
Hindi ko na nagawa pang sumagot sa pagkakataon na ito. All that I could do was wait for him to continue and finish his words for me to finally breathe properly.
"Please be my girlfriend," he proposed, the hint of desperation was in his voice.
Napalunok ako sa kawalan ng sasabihin.
Like a jigsaw puzzle slowly revealing the end result, things have become clear to me. This is what was missing all along, the answer to my question.
Ever since Vigan happened, there would always be a lingering feeling both in my heart and mind as if I was left with an unsolved problem. May kung anong kulang sa pakiramdam na para bang naiwan doon. Hindi ko lang magawang pangalanan kung ano.
And I finally figured out what that was.
"Señorito," ang tanging nasambit ko sa kawalan nang sasabihin.
"We've known each other long enough, Tori. You know me more than anyone else." Tobias caresses my cheek with his warm hand. "At marami pa tayong oras at pagkakataon na mas kilalanin pa ang isa't isa. Just be my woman. Be my girlfriend, Tori. Please..."
Naging abala ang isip ko sa paghahanap ng maaaring isagot sa kaniya. Of course I wanted to say yes to him... immediately. But unlike him who has more ways than one on how to use words to convey the message of his heart, I always end up unable to say a single word out of shock.
That's why, instead of answering him with my words, I ended up just nodding my head.
A proud smile formed on his lips as he looked at me dearly. "I love you, Tori, more than my life."
Hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon na sagutin ang mga salita niya dahil natangpuan ko na lang ang sarili kong nakakulong na sa halik niya.
Señorito's hand was placed on my nape as his other hand guided my face for the perfect kiss.
I couldn't help but smile when he moved his lips gently to brush against mine. He was carefully and delicately tasting my lips as if it was the most expensive candy in town. Sobrang gaan ng lapat ng mga labi niya sa akin na para bang ingat na ingat siyang huwag akong masaktan.
A soft moan escaped when Tobias inserted his tongue inside of my mouth and roamed it freely and leisurely inside. Matapos ay magaan niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko ng ilang beses bago iyon pinakawalan.
All the while my heart never stopped beating so loud and wild. Ngunit hindi ko iyon halos nagawang pagtuunan ng pansin dahil nakalulunod ang halik na iginawad niya sa akin.
Like me, Tobias was also smiling, feeling the same contentment and happiness my heart feels.
————————————————————————————————————————————————————————————————
A/N: How was AFFC so far? Let me hear your thoughts! Thank you for reaching this far. Please know that I appreciate you so much. :)
- with endless love and appreciation,
aerasyne (03.08.2024 | 3:20 PM)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top