Chapter 16
Tales from the Past
"It's your birthday, Dad, stop overworking yourself," sita ni Señorito sa ama niya.
"I'm not, Tobias. I'm just finishing things up before our dinner with the Mariano-Ramiscal family," Don Emmanuel explained.
Nanatili lang akong tahimik na nakaupo sa malambot na sofa sa loob ng opisina ni Don habang inaayos sa tablet na kaharap ang schedule ng mag-ama para sa susunod na buwan. Hindi naman dapat ako pupunta rito dahil supposedly ay wala na akong dapat na trabahuhin ngayong araw pero dahil sa biglaang bakasyon na gustong gawin ng Don sa susunod na linggo ay kailangang i-adjust ang lahat.
Over our breakfast earlier, he announced to us that he scheduled himself for a month-long vacation, including both local and overseas trips. I could even picture the shock drawn on Señorito's face when Don Emmanuel dropped the news like a bomb.
"You've been awake since dawn, Father. And you'll probably have a long night ahead of you." He went closer to his father and made him gently sit down on the swivel chair behind them.
"I'm okay, Tobias." Don Emmanuel shoved the hand of Señorito. "Go sit there with Tori and don't bother me."
"Are you sure you're not feeling ill or something? You're at your retiring age, Pops." Señorito laughed at his Dad.
Nag-angat ako ng tingin sa dalawa at saktong nakita ko ang pagdampot ni Don Emmanuel sa nakabilog na papel sa lamesa niya. Walang pagdadalawang-isip na ibinato niya 'yon sa anak na walang hirap na nasalo naman ng huli. Naiiling na itinapon iyon ni Señorito sa basurahan na nakalagay sa ilalim ng office table habang nagpupigil ng ngiti.
Despite seeing them bickering like this, I could wholeheartedly feel their love for each other. Mahirap sukatin kung kanino ang mas malalim dahil kita ko kung paano nila inalagaan ang isa't isa. Lalo na noong mga panahong sila na lang dalawa.
Naputol lang ang panonood ko sa mag-ama nang balingan ako ni Señorito habang may ngiti pa rin ang labi at mga mata. Moments later, I heard footsteps, which I know are from Señorito Tobias.
Lumikha ng ingay ang ginawa niyang pagbagsak ng kaniyang katawan sa bakanteng espasyo sa tabi ko. Nasundan 'yon ng isang matunog na buntonghininga kasabay nang paglapat ng likod niya sa sofa.
"Have you eaten, Tori?" kaswal niyang tanong sa akin.
"Mamaya. Tatapusin ko muna 'to. Saka hindi pa naman ako gutom," walang lingon na sagot ko.
"It's past lunch, Tori."
"I know. Pero hindi pa talaga ako gutom," giit ko.
I heard him hissed at my answer. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na lang ang buong atensyon sa ginagawa para tapusin na iyon kaagad. May kailangan pa kasi akong gawin pagkatapos nito para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ko.
Pinag-iisipan ko pa lang ang bagay na iyon, kung itutuloy ko ba o hindi. For sure it will make my daily life harder for the responsibility will grow bigger. Kaso gusto ko kasing makuha ang diploma ko dahil iyon na lang ang regalong maaari kong ibigay sa sarili ko.
"Bababa lang ako," paalam niya.
It was unnecessary though, but his gesture made me feel important.
"Good thinking, Tobias. I need to be alone with Tori. I have some things I need to discuss with her," Don Emmanuel butted in.
"Am I not allowed to hear it?" Señorito asked, standing in the middle of the office.
"Of course. Kaya nga kita pinapaalis," sarkastikong sabi ni Don Emmanuel.
Tiningala ko si Señorito at sa pangalawang pagkakataon ay inilingan na naman niya ang ama. He was crossing his arms while looking at his Dad. Ang huli naman ay nakangising nakatingin lang sa anak. No one was willing to give in the reason why it took them almost a minute before one moved.
Nagtaas lang ng kilay si Señorito bago tumalikod na sa ama. Naiwan kami roon at katahimikan lang ang yumakap sa aming dalawa.
Hindi ko na nagawang ituloy ang trabaho ko dahil sa kaiisip kung ano ba ang pag-uusapan namin ng Don. At mukhang naramdaman din niya iyon kaya nilapitan na niya ako.
"You must be curious, Tori," he said with a smile on his lips.
"Tungkol saan ho ba ang pag-uusapan natin, Don Emmanuel?" magalang kong tanong.
"Have you thought about my suggestion, hija?" maingat niyang tanong sa akin.
Marahan siyang naupo sa tabi ko habang magaan ang lapat ng tingin sa akin. I could clearly feel his gentle care and warmth towards me even though I am not even part of their family. Never in my whole stay here in Casa Ramiscal did they make me feel unwelcomed or unappreciated.
I was always part of their celebration.
He's almost like my father. Palagi niyang ipinararamdam sa akin ang pag-aalala niya at ang alaga na hindi ko naramdaman sa ibang tao. They cared for me and gave me more than just attention but shelter included. Hindi lang nila ako ipinaghain ng pagkain kundi pinaaral din sa prestihiyosong paaralan.
They offered things that weigh the world to me without any hesitation. Both Don Emmanuel and Donya Margarita even offered me some medical treatment and surgeries that could help me with my condition. Katulad nang sinasabi niya ngayon na sigurado akong ang limb-lengthening surgery ang pinupunto.
It's a surgery wherein it will help me grow few inches taller than my current height. I read articles before about people with dwarfism like me who had gone through the same surgery, and it's tempting. Dahil makukuha kong tumangkad ng kaunti at mamuhay ng malapit sa normal. Pero kalabisan na ang bagay na iyon para sa akin.
"That's too much of an offer, Don Emmanuel," magalang na tangg ko sa kaniya.
"I can talk to my doctor friend in the US for consultation, Tori. Hindi ko lang magawang pangunahan dahil kailangan ko ng permisio mo." He smiled at me warmly. "I don't want to step out of my boundaries, hija, kaya kung saan ka komportable, susuportahan kita."
"Don Emmanuel," was the only thing I uttered as I slowly ran out of words.
"I hope you won't take this as too much," he emphasized. "If only I could decide, I would've made you undergo this surgery from the very start."
Still, I remained silent. Alam ko ang sasabihin ko pero hindi ko alam kung paano at saan sisimulan. I've always had the answer at the back of my mind, I just don't know how to tell them.
It just doesn't feel right to received such expensive offer from their family, lalo na't hindi naman talaga nila ako kadugo.
"Tori," he called softly to get my attention. "My wife, Margarita, and I prayed for you. Do you know that?"
"Po?" Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang maguluhan.
"We had Tobias when we were young. We both wished to have a big family, but were only given a son." A sad smile curved on his lips as he walked me along their faraway memories. "Two years later, we got pregnant. Kaso agad din siyang binawi sa amin. Margarita had a miscarriage. Not losing hope, we tried again, and again, and again, until we finally just contented ourselves with our son, Tobias."
Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na 'to ngayon. I used to never allow myself to be curious about their reason why they took me in their family. Kasi hindi naman mahalaga para sa akin noon. I'm just deeply grateful that I found shelter in their home.
Pero ngayon na si Don Emmanuel na mismo ang nagsasabi ay nabubuhay ang kuryosidad ko. Napuno kaming dalawa ng katahimikan habang kinakapa kung sino ang unang magsasalita. I don't want to ask, but the want to know the truth is so alive.
"We never got tired praying for a miracle, even visited several churches, did devotion every morning and night together kaso wala talaga. Ang sabi ni Margarita, siguro, iyon talaga ang nakatadhana. Then a few years later, like an answered prayer, my wife brought you home."
Parang may mainit na palad na humaplos sa puso ko nang makita ang pagkislap ng luha sa mga mata ni Don Emmanuel. Para akong binalot sa mainit na yakap nang muling bumalik sa aking memorya ang araw na iyon kung saan inabot sa akin ni Donya Margarita ang kamay niya.
"We were happier with your existence in our lives. The house felt lovelier and livelier with your presence. And my wife became fulfilled. That's why I know, and I am confident to say, that she rested with a heart at peace and healed," he continued.
Parang biro lamang ang mga salitang naririnig ko ngayon, mahirap paniwalaan. Na iyong buhay na binalewala ng sarili kong ina ay grabe kung pahalagahan ng pamilya ni Donya Margarita.
That memory of that day still feels extraordinary and lives in my mind rent-free. Kahit ang naramdaman ko nang araw na iyon ay buhay na buhau pa rin sa puso ko.
Iyong takot dahil hindi ko naman kilala ang Donya Margarita noong lapitan niya ako.
Iyong saya nang malaman ko ang intensyon nang paglapit niya.
Iyong ginhawa dahil sa wakas... hindi ko na kailangang matakot o kabahan para sa susunod kong bukas.
Iyon bang pakiramdam na para kanh niligtas.
"Kaya huwag mong masamain ang tulong na ibinibigay namin sa iyo. Okay lang. Walang problema. At hindi masamang tanggapin na nariyan nag ibang tao upang tulungan ka." Puno ng suyo niya akong nginitian. "This is what's meant to happen, probably our calling. You are what this family had prayed for. At kapalit ng mga gabi't araw a ipinagdasal namin ang pagkakaroon muli ng supling, ikaw iyong sagot na matagal naming hinintay. And we love you, Tori, with the love of God."
Nag-iwan ng bakas sa aking mga pisngi ang pagguhit ng mainit kong luha roon. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salita ni Don Emmanuel. Kakatuwang siya lang ang kaharap ko ngunit damang-dama ko ang presensya ni Donya Margarita sa tabi ko, para bang yakap ako.
Minsan kinukuwestiyon ko kung bakit naging ganito ang buhay ko sa kabila ng lahat ng hirap na ipinaranas sa akin ng totoong pamilya ko. I was still able to live freely being catered by other people who turned me into an acceptable person.
Everything seems surreal and until now, I still don't know if I deserve all this. Palagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na nagtatanong kung gaanong kalaking pagmamahal ba ang mayroon sila na nagagawa nilang ibahagi iyon sa iba.
Magaan ko siyang nginitian. "Masyado na ho kayong maraming naitulong sa akin at kalabisan na po ito. May hiya pa naman po ako para sa mga ganitong bagay."
"Have we ever counted numbers? Did we ever ask you for any payment?" I shook my head at him, answering his question. " Then don't feel bad for all the things you are receiving from us. We are happy to help you, Tori."
"Pero sobra na po itong bagay na 'to." Itinago ko ang mukha ko sa kaniya sa papagitan nang pagyuko.
Alam ko kung gaano kamahal iyon, lalao na at gusto nila na sa ibang bansa gawin ang surgery. And through the years I've been living like this, I grew to embrace who I really am. Hindi naman na rin bago sa akin na may marinig mula sa ibang tao tungkol sa kondisyon ko kaya wala ng problema sa akin.
Their words and unhealthy criticisms are just noise that are meant to make my life miserable but I refuse to let them enter my mind. Dahil kung pakikinggan ko ang mga iyon, mas pahihirapan ko lang ang sarili ko. I should focus on myself on how to make my life better for myself and my future
"Don Emmanuel," mahinang wika ko. "Puwede po bang humingi ng kaunting panahon pa para magdesisyon?"
"Walang problema, anak. Hihintayin ko ang sagot mo," nangangako niyang tugon.
Ngumiti lang ako sa kaniya sa kawalan ng sasabihin. Nahihiya na kasi talaga ako sa kanila dahil sa rami ng mga naitulong nila sa akin.
"One more thing, Tori," pukaw niyang muli sa atensyon ko.
"Ano po 'yon?"
Agad na binalot ako ng pangamba nang makita ko ang unti-unting pag-ukit ng isang malungkot na ngiti sa mga labi niya. Don Emmanuel's eyes also has the same emotion which scares me more.
Masayahing tao ang Don at palaging nakatawa kaya bago sa akin ang makita siya na ganito. Para siyang may lihim na pinagdadaanan na ilang linggo na niyang itinatago mula sa aming nakakasalamuha niya.
"Alam ko na si Tobias dapat ang unang makakaalam nito pero ayaw kong makita na malungkot ang anak ko." Sumandal siya sa sofa na pinagsasaluhan naming dalawa. "I am retiring, Tori. And I plan to leave for a while."
I wasn't shocked anymore for this is something I already expected. Base pa lang sa mga napapansin ko na sa kaniya nitong mga nakaraang buwan. He's been diligently working as if being chased by a predator. Mula sa mismong opisina hanggang dito sa bahay ay walang tigil ang pagkilos niya. I would always catch him facing his laptop of reading some documents.
At ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit kabilaan ang meetings at patawag niya sa mga empleyado. He is sorting things out to make it easy for Tobias' takeover.
"Sigurado na ho ba kayo, Don Emmanuel?" tanong ko nang makabawi.
"I planned for this moment, Kismet. I was just waiting for the right time to come." Pikit-mata na ngumiti siyang muli, pero ngayon ay kababakasan na ng saya ang mukha niya. "I feel like I would regret not doing this. Gusto ko lang pagbigyan ang sarili ko ngayon."
"I'm sure Tobias would understand, Don Emmanuel," pagpapagaan ko ng loob niya. "Hindi ba ay matagal na niyang gusto na magbakasyon kayo sa pagtatrabaho? Maiintindihan niya po kayo panigurado."
"You think so? Even though I'll leave him for a long period of time?"
Without saying anything, I nodded my head.
I know that this is something Señorito would be glad to hear. Wala namang kaso sa kaniya kung maiiwan na sa kaniya ang lahat ng responsibilidad tulad nang sinabi niya nang minsang magsalo-salo kaming tatlo.
He's no longer that person who would isolate himself from other people for being afraid of facing them. Señorito Tobias is one big introvert that being surrounded by unknown individuals inflicts nervousness in his system. The reason why his male secretary was the one who's facing the people in the company during meetings.
"Watching our son grow up, there would always be more moments of us being afraid," he stated, telling the story I never heard before. "But when you came, we finally found peace in our hearts. Truth is, we are scared." A dead laugh escaped his mouth. "Tobias wasn't very much interested in interacting with other people than us. We are growing older and we are afraid to leave him alone. Walang mag-aalaga sa kaniya. And after Margarita saw you sleeping on the sidewalk, she immediately brought you home after weeks of persuasion."
"Bakit po?" naguguluhan ko pa ring tanong.
"Maybe she knew the sand on her hourglass was almost gone. She said to me that maybe your existence in this place would gradually make a difference." Sinalubong niya ang mga mata ko. "And it did. With you in this place, Tobias Zachary became less vulnerable than he was before. You became someone who needs to be taken care of, by a lot of people. By him."
Hindi na niya ako pinahirapan na intindihin ang mga sinabi niya dahil ako mismo ay nasaksihan kung ano ang kaniyang ipinupunto. The moment I stepped into this house was his absence. Nabanggit sa akin ng Donya Margarita na may anak siya ngunit hindi ko nakita ni anino man lang.
Then weeks later I began to have a glimpse of him bit by bit. Kaso mas madalas ang pag-iwas niya kaysa sa mga pagkakataon na nasa iisang lugar kaming dalawa. May pagkakataon pa nga na namataan ko siyang nakadungaw mula sa pinagtataguang pader. Kalahati nga lang ng ulo niya ang halos na nakita ko madilim na bahagi na iyon na bahay ng mga Ramiscal. At matapos na matama ang mga mata namin ay agad na siyang umalis.
That was one moment I would never forget. He made me not just curious about him but the same way he made me feel that we are on the same page.
"If I were to be more forward with you, Torianna, I want you to be my son's wife. That way I would be able to leave peacefully with the assurance that someone will take care of my child." Tumatawa siyang tumayo. Inilagay rin niya ang dalawang kamay sa kaniyang likod habang nakatingin sa akin. "That would be too much to ask, right?"
Mas lalo akong nawalan ng imik. Alam ko na agad ang sagot sa kaniya pero hindi ko iyon maisalin sa salita dahil nagdadalawang-isip ako sa magiging sagot ko.
"I'll do my best to take care of him in your stead, Don Emmanuel," sinserong saad ko. "I'll try to make him not go back to who he was before."
"That's enough for me, Tori," he replied with a smile.
Napanatag ako dahil doon. Ang bagay na nanatili lang sa isip ko ay ang magiging reaksyon ni Señorito oras na malaman niya ang bagay na 'to. I'm sure na isang bahagi ng isip niya ay mararamdaman niya ang saya at kaluwagan sa dibdib dahil matagal na niya itong gusto pero nasisiguro ko ring maninibago siya at malulungkot.
Saktong nakabalik sa puwesto niya si Don Emmanuel nang bumukas ang pinto at iniluwa si Señorito Tobias. Agad na dumapo sa akin ang mga mata niya kasunod ng walang salita na paglapit sa puwesto ko.
"I'm officially announcing the end of your work for today, Tori," he said in his serious tone.
Without any words, he took the tablet I was holding and closed it. Sunod niyang ginawa ay ang marahang pag-alalay sa akin sa pagtayo. He then stood behind me for him to push me to walk.
"Saan mo dadalhin ang sekretarya ko, Tobias?" seyosong tanong ni Don Emmanuel pero ang biro ay bakas na bakas sa mga mata niya.
"This lady needs to eat, Pops," Señorito answered, like it was the most obvious thing in the world.
"Alright, son, alright." Don Emmanuel raised both of his hands in surrender.
Señorito didn't allow me to say more things. Sinumulan na niya ang pagtulak sa akin palabas ng opisina. Akala ko ay dadalhin niya ako sa dining area ngunit pinagtakhan ko ang pagdala niya sa akin sa direksyon ng hagdan.
"Dining area's a mess," he said even before I could ask. "I brought your food upstairs."
Tahimik na tumango na lang ako sa kaniya at nagpaubaya sa pagtangay niya. Dahil wala akong alam kung saan niya ako dadalhin.
Nanatili siya sa likod ko, hindi inaalis ang paglapat ng kamay niya roon. He was pushing me from the back which made it less tiring for me to walk up the stairs. Ang kulay puti at kayumanggi ang disenyo ang bumungad sa akin. Ang mga pader at sahig ay kulay puti samantalang ang mga pinto ay kulay mapusyaw na kayumanggi ang kulay.
May mga kahoy na disenyo hindi lang sa mga kagamitan kundi maging sa mga paintings na may kahoy na frame. It actually looks like a model house with its neat and minimal design. And despite the long and wide hallway, only four doors will be seen which indicates the size of each room on the floor.
Dahil sa wala akong alam kung saan niya ba ako dadalhin ay nagpatangay na lang ako. Tuluy-tuloy ang pagtulak niya sa akin hanggang sa marating namin ang pinakadulong pintuan sa kaliwa. Katapat lamang iyon ng kuwarto ni Señorito na nasa kanan.
"Your food's inside. Eat well and don't leave any," he ordered, sounding like a commander.
"Hindi ka na sana nag-abala. Puwede namang sa villa ko ako magluto ng kakainin ko. Nakaabala pa tuloy sa mga nasa kusina," nahihiyang pahayag ko.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Unang tumambad sa akin ang malawak na espasyo sa pinakagitna ng kuwarto. Sa dulong bahagi, sa may bintana, ay ang queen-sized bed na kulay beige ang comforter at pillow case. The room has the same theme and color palette.
Sa southern part ng kuwarto ay mayroong malaking TV katapat ang maliit na living room like area. Sa gilid no'n ay may puting lamesa na walang laman katabi ang closet na may kahabaan at kalaparan.
Sa may glass table ng living room ko namataan ang pagkain na inihanda niya. Hindi ko nga lang makumpirma kung ano ang mga iyon dahil sa malayong distansya.
"I didn't disturb anyone, Tori," he said, contradicting my statement. "I cooked those myself. Though the rice was cooked by the helpers already. Stay here for a while. Hindi ako sigurado kung makakalabas ka pa maya-maya. The fam is coming any moment from now," alangan niyang sabi.
Inaasahan ko na ang bagay na 'yon. I rarely show myself to their clan just like how he is to them. Hindi kasi nila tanggap na kinupkop ako ng pamilya ng mg Ramiscal. Ang sabi kasi ng panganay na kapatid ni Donya Margarita ay makikihati pa raw ako pera ng mag-asawa, isang bagay na hindi ko kayang intindihin dahil wala naman iyon sa intensyon ko. Hindi naman nila ako kadugo at walang rason para mangyari iyon.
"You may have to stay here until tomorrow," he informed.
Natatandaan ko pa ang pagtanggi ko sa kaniya tuwing inaalok ako sa pagtira rito pero ngayon ay wala akong ibang gustong isagot kung pagsang-ayon lang. I'd rather have myself isolated in this room than cross paths with any from the Ramiscal's clan.
"Okay lang ba?" alangan kong tanong.
"I've been convincing you for months now, Torianna. Ikaw lang ang may ayaw."
Tumingala ako sa kaniya upang tingnan siya. Hindi ko na ikinagulat ang walang kahirap-hirap niyang paghuli ng paningin ko. It has always been his talent when it comes to me.
"This is supposedly your room in this home. Only if you'll accept staying here." He gave me a smlal, yet warm smile, something that I thought would remain as a hidden treasure of this man. "Still, the decision is all yours, Tori."
I got lost in words when, just like any other days we've been together, he stroked my hair in his gentlest manner. The same emotion was reflected in his eyes while looking at me.
"Finish your meal and rest. I'll take care of the dishes after."
He didn't even let me speak. Señorito just left the room, leaving me alone and wondering how life would be with only the two of us after Don Emmanuel pursued his plan.
It will be just us two.
Me and Señorito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top