Chapter 10

Confession

"Hey..."

Kusang umukit ang isang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang lambing sa boses ni Señorito. Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya ay naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

I was sitting on one of the couches on the balcony of our hotel room. Nagpapalipas lang ako ng oras habang pinagmamasdan ang tanawin sa aking harapan.

The night view of Vigan is just so breathtaking to look at. Sobrang ganda at hindi nakakasawang tingnan. The sea of warm and white city lights brings comfort in my soul as if tapping my back for a job well done. Nakakagaan sa pakiramdam at ang sarap hindi lang sa mata kundi maging sa pakiramdam.

"Can't sleep?" he asked. Hinila niya palapit sa akin ang isa pang bakanteng couch. Ibinaba rin niya ang sariling baso ng mainit na gatas sa lamesang nasa tapat namin. "Sinilip kita sa kuwarto mo pero wala ka."

"Hindi naman. Overwhelmed lang siguro," sagot ko.

"Here." Señorito handed me a glass of warm milk.

I was reminded of the old days. Ganito rin kasi siya sa akin noon, lalo na noong bago-bago pa lang ako sa kanila. He would often make me a glass of milk during the night without saying a word.

Dati nga basta na lang niya nilalapag sa lamesa ko ang gatas tapos aalis na. Gano'n siya ka-cold sa akin dati.

He always gives me cold shoulders. Kaya nga nagkaroon ako ng impresyon noon na ayaw niya sa akin. Kulang na lang kasi ay maging hangin ako sa kaniya na hindi niya nakikita dahil hindi niya ako pinapansin madalas.

Mabuyti na lang na-explain sa akin ni Donya Margarita at Don Emmanuel na gano'ng personslidad ang mayroon siya, malayo sa tao at tila may sariling mundo.

"Thank you, Señorito," nakangiting wika ko. "Hindi mo na lang basta iniiwan ngayon," pabirong wika ko.

I heard him chuckle. "I was a shy kid, you know. I don't have any idea how to get along with anyone other than my parents."

"Bakit ka nga ba kasi gano'n noon? Sobrang lala ng pagiging extrovert mo," pag-alala ko.

Nagkibit-balikat siya sa akin. "Wala akong ideya. I just grew up distant to people. Mas komportable akong mag-isa. Mas gusto ko ring kasama ang mga libro ko at yakapin ang katahimikan ng paligid kaysa sa pumasok sa isang mundong maingay at nakakabingi."

"Nakakabingi rin naman minsan ang katahimikan," pagupunto ko.

"Yes, but reading is a different story. It's like I have my own world in my head and I could travel all over places with my imagination," he responded.

"Kaya siguro hirap kang makipag-socialize dahil kulang ka sa exposure sa tao noong bata ka."

"Probably. That may also be the reason why attending college was hard for me aside from the fact that I am not a smart kid."

"Speaking of college. "Do you have plans on finishing your degree, Señorito?" I curiously asked, shifting the topic far from our current one.

Nabitin sa ere ang kamay niyang kukuha sana sa baso ng gatas niya. "I do, of course. It's one of my life goals."

"Pero hindi niyo naman na po kailangan, Señorito. Aside from your own company, you already have enough fortune that would keep even your great-grandchild to live a comfortable life."

I have always been curious about Señorito and his life. Ilang taon na rin siyang nagpapabalik-balik sa kolehiyo. Kung tutuuusin ay puwede naman na siyang huminto dahil may kakayahan na siyang mabuhay ng malaya at masaganan buong buhay niya.

Nakikita ko rin naman kasi na hirap siya sa kaniyang ginagawa. It isn't a secret that Señorito is not the best person when it comes to socializing. Even his own parents think the same way as I do.

Hirap siya palagi noon pa man na makitungo sa ibang tao lalo na't sanay na siyang mag-isa. He's one big introvert. Kakatwang pagdating sa negosyo ay kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya at maging representative ng kumpanya.

Sobrang laki na nga nang pinagbago niya kung tutuusin. Noon kasi talagang sa bahay lang siya o kung pupunta man sa office ay mananatili lang doon hanggang sa pag-out.

"I'm not studying just for the sake of receiving my diploma, Torianna," sagot niya. "I want to have that sense of fulfillment within me that I accomplished something. Even if it means repeatedly enrolling myself in college despite receiving incomplete or failing grades. Another reason is I promised to myself that I need to have that degree first before I could conquer the highest mountain I need to walk through."

Hinangaan ko ang nauna niyang sagot. It just showed me how he valued such great accomplishment despite being fortunate enough in his life. Parang na-push pa lalo ako na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.

Hindi rin naman magtatagal at makakapagtapos na si Señorito. Isang sem na lang ang kailangan niyang i-take at makapagtatapos na siya samantalang isang taon pa para sa akin.

Ang naguluhan lang ako sa narinig kong sagot niya ay ang huling bahagi nito. He may have used simple words, but the meaning behind it is deep and complicated. Hindi ko siya nagawang intindihin agad at kahit na pakinggan ko man ulit ay hindi ko pa rin maiintindihan.

"What do you mean by your last words?" hindi nakakatiis na tanong ko.

Nagkibit-balikat siya sa akin. "You'll probably laugh at me so I won't say a thing."

"Bakit naman kita tatawanan?" Nangunot ang noo ko habang patuloy pa rin sa pagtanaw sa ganda ng gabi at sa paghihintay ng kaniyang sagot.

Nakita ko siyang natigilan na para bang tinitimbang kung sasagot pa ba o hindi. Tahimik at matiyaga lang naman akong naghintay sa kaniya.

Knowing Señorito Tobias, he is the type of person who rarely tells others what is going on inside of his head. Even up to this point, I still find it amazing that I am able to have deep and meaningful conversations with him.

"It just feels like finishing college would be the greatest proof and testament of how persevering I am," he answered.

"For a woman?" nanghuhula kong tanong.

Wala akong narinig na kahit na ano mang pagtanggi mula sa kaniya. Sa halip ay tumango pa upang sang-ayunan ang sinabi ko. Para sabihin na ikinagulat ko 'yon ay hindi sapat upang isalarawan ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong ko ng gano'n kabilis. Lalo na at hindi naman niya binubuksan ang sarili niya sa ibang tao.

At the same time, my heart felt pain as if it was pricked by countless thorns. I couldn't help but to smile bitterly at my heart's reaction. Ganito na ba kalalim ang nararamdaman mo kay Señorito para makaramdam ng ganitong klase ng kirot?

In the end, despite feeling like losing a fight, I chose to hide the growing pain in my heart at the farthest part of my mind, masking it with a fake smile.

Pasimple akong umalis mula sa pagkakahawak niya at nagkunwaring ibababa ang baso sa lamesa. I subtly succeeded in removing his hand on my head. Pero ramdam ko pa rin ang pagkakasampay no'n sa kinauupuan ko mismo. Kaya ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya sa akin.

"Ang ganda rito, 'no?" pag-iiba ko ng usapan.

Naramdaman ko ang ginawa niyang pagsilip sa aking mukha ngunit nanatili lang akong nakatingin ng diretso. "Hmm, I agree," he replied after a sigh. "I've only been here a couple of times but I still find every visit amazing." I felt him hold my hand.

Hindi ko napagilian ang pag-alpas ng isang malalim na hininga sa akin. Kasabay nang pagbalot ng init ng palad niya sa aking kamay ay siya namang biglaang pagkabuhol-buhol ng takbo ng isip ko.

Only Señorito can make me lose all my focus all at once.

"Did I make you happy?" he asked cautiously.

Ramdam kong hindi niya pa rin inaalis sa akin ang kaniyang paningin. Sa kabila ng kaalaman na maaaring magkabuhol-buhol ang takbo ng isip ko ay tumingin pa rin ako sa kaniya.

My eyes effortlessly landed on his, and it immediately made my heart skip multiple beats.

Just like the first time I realized that I was already falling for him.

It always feels like the first time I met his eyes, the feeling is still the same. It makes my heart go wild and still takes my breath away.

Ilang taon ko na siyang kilala ngunit ang pakiramdam kapag nagkakatinginan kaming dalawa ay sobra pa ring kakaiba. It always feels like living in a romance book where he is my knight in shining armor who protects me from the brutal world. While I am a no crown princess waiting to be saved.

"Sobra, Señorito," pag-amin ko. Halos hindi ko na nga magawang makapagsalita ng maayos nang maramdaman ko ang pag-akyat ng emosyon sa akin. "For the first time, I didn't mind the stares of people. Iyong atensyon ko nandoon lang sa bawat madadaanan natin. I was fine the whole day as if people weren't looking at me at all kahit na alam kong may mga napapalingon pa rin sa akin."

It was a confession straight from my heart. Although I was still conscious of my surroundings and the people we were passing by, I didn't mind. Nag-focus lang ako sa sarili ko at sa puso ko habang binubusog ang aking mga mata sa tanawin ng Vigan. I filled my heart with all the admiration towards the whole place.

This has been my dream place and seeing it for the first time brought so much comfort to my heart.

I wasn't lying when I told him that I was fine. Iyon kasi ang totoo. Ni minsan ay hindi ko inintindi kung tinitingnan ba ako ng mga tao. At sobrang tagal na yata simula nang huling beses na lumabas ako ng walang pakialam sa mga tao. At nakaktuwa na nagawa ko ulit iyon dahil sa kaniya.

"I see nothing wrong with you, Torianna," he said with his voice coated with visible sincerity.

"I know, Señorito. Ilang beses mo na rin iyang ipinaramdam sa akin." Tipid ko siyang nginitian bago binalingan ang tanawing aking pinagmamasdan kanina pa. "But you know what? The world is not kind to see that. The universe doesn't know how to play favorites by not giving people my kind a special treatment or a better life. Tingnan mo nga, may mga celebrity at personality na rin naman na may katulad ko na may dwarfism pero parang wala pa rin namang pagbabago. Gano'n pa rin naman. Titingnan ka pa rin, pag-uusapan, at magiging sentro ng katatawanan."

These past days, it's making me wonder how it would've been for people like me if the world would be more welcoming. O kahit simpleng espasyo o lugar lang ang ipaglaloob sa amin. Iyong tipong may karapatan kaming mabuhay ng payapa kahit na hindi kami normal. O iyong kahit simpleng hindi na lang kami pagtatawanan at gagawing katatawanan."

Minsan kasi, nakakapagod talaga. Iyong sisisihin mo iyong sarili mo para sa isang kasalanan na hindi mo naman ginawa.

There was even a point in my life where I wish I wasn't born. Baka sakaling hindi nagsanga-sanga iyong problemang kinagisnan ko.

Siguro hindi ako bibitawan ng sarili kong magulang.

Siguro may pamilya pa rin ako.

Because this condition that I have has caused me to lose not just my childhood but also my own family.

Inakyat ko ang dalawa kong paa sa aking kinauupuan at niyakap ang dalawang tuhod ko. "I used to hate myself, Señorito," I confessed. "I don't even want to look at my own reflection and see how different I am. Alam ko sa sarili ko na hindi ako perpekto at nag-uumapaw iyong kapintasang mayroon ako. Okay lang naman sana iyon, basta huwag lang ipagduldulan pa sa akin ng ibang tao."

"Mahirap lumugar sa totoo lang," pagpapatuloy ko. "Lalo na kung sa sarili mo mismong pamilya hindi ka tanggap." Malalim akong bumuntonghininga sa pagbabakasakaling maiibsan no'n ang kirot sa aking dibdib. "I was an abandoned kid, Señorito. Dinala ako ni Mama sa palengke ng bayan namin. Iniwan niya ako roon at hindi na binalikan. I stood there, hoping that she'd come back to pick me up like what she had promised. Pero ilang oras na ang lumipas ngunit nananatili pa ring walang bakas maski ng anino niya. I had to live on the streets for months until I crossed paths with Donya Margarita."

Nanatili ako sa posisyon ko hanggang sa maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Señorito. Kasunod no'n ay naramdaman kong inalalayan niya ang ulo ko pasandal sa balikat niya.

Nilabanan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Mahirap lang talaga kalimutan iyong parte na iyon ng buhay ko. Subukan ko mang kalimutan ang memoryang iyon ay hindi ko magawa. Paulit-ulit pa rin akong bumabalik sa araw na iyon at patuloy pa ring nasasaktan.

Mabuti na lang talaga at nakilala ko ang pamilya nila. Para pa ring nakatadhana talaga. Dahil kung hindi iyon ginawa sa akin ng ina ko, hindi ko sila makikilala.

"I wish I wasn't different," I whispered with disappointment.

"My eyes see you differently, my Tori. You are the most beautiful piece of jewel I have ever laid my eyes on, Torianna." He started patting my head lightly, soothing the growing sadness in my heart. "Hindi mo kailangang perpekto dahil para sa akin, sapat ka na. Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa isang mundong puno nang paghuhusga dahil nandito naman ako, tanggap ka."

Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay mas isiniksik ko pang lalo ang sarili ko sa kaniya. I want to stop myself from reading too much of his actions and words, but I also couldn't stop myself from falling even deeper than the depth of my feelings for him.

Nakakatakot. Ayaw kong paabutin sa punto na tatawirin ko na ang linya at sa huli... ako lang din naman ang masasaktan. I knew that way before, and I am reminding myself once again that there's no way in heaven that universe would work in my favor.

Pero kung ganitong sa bawat araw na lumilipas ay paulit-ulit niyang ipinararamdam na mayroong posibilidad... paano ko magagawang pigilan ang sarili ko na mas mahulog pa?

"I am not likable, Tori, and you know that," may bahid ng pait na sabi niya sa akin. "I tried countless times to live my childhood normally but most of my peers failed to understand my personality. I grew up realizing that to live a normal life means to care less about other people. Sabi mo nga, hindi naman kasi talaga magbabago lalo na kung hindi bukas ang isip ng mga tao. Normal ka mang ipanganak o hindi, may masasabi pa rin ang tao sa 'yo."

I felt comforted by his words.

"Hindi sa gano'n, Señorito," pagkontra ko. "You just had your own world and ways of living. Hindi lang iyon magawang maintindihan ng iba. And you just had your fair share of bad incidents in your life that made you who you were as a child. Hindi lang siguro maiintindihan ng mga nakakasalamuha mo noon kung bakit tahimik ka at palaging mag-isa. Walang mali sa kung sino ka, hindi lang talaga naiintindihan ng iba."

Hindi siya nakasagot agad sa sinabi ko. I know that I've hit a portion of his heart that made him silent. Putting my experiences as an individual with dwarfism made me realize all the things I said to him. Hindi lang ako ang makapagsasabi no'n sa kaniya. Kahit sinong may pinagdaanan na maihahalintulad sa amin ay kaparehong salita lang din ang kaniyang maririnig.

Na hindi lang kami naiintindihan.

Na hindi kami iba sa kanila.

May sarili lang kaming paraan kung paano mabuhay. It's just that different challenges are given to different people and their ways of coping to those challenges differ.

Kaya magkakaiba man kami ng kuwento, magkakaiba ng buhay, pero pare-pareho lang din na tao.

"You see, either you were born with or without conditions the possibility of being judged by people would not be totally eliminated." Tobias tapped my head lightly as if giving me comfort. "Walang mali sa 'yo. Hindi ka kakaiba. Oo, pinanganak kang hindi kawangis ng ibang tao pero hindi ibig sabihin hindi ka na mali ang ipanganak ka."

The soothing whistle of the wind gave me comfort the same way that his words did.

"Can I tell you a story?" I nodded immediately. Bago magpatuloy ay naramdaman ko pa ang paghinga niya ng malalim. "For years, I have been into someone but never took the courage to make my presence felt at all. Gano'n siguro ako kaduwag para matakot," pagpapatuloy ni Señorito.

I found myself getting drawn by his story, attentively listening to a part of him he never shared. Curious ako kung anong klaseng babae ba ang gusto ni Señorito o kung paano ba siya pagdating sa babaeng napupusuan niya.

Hindi ko lang ma-imagine na may babae pa lang nakakuha ng atensyon niya. I was so used to seeing Tobias as someone who never cared about the world. That his existence is not important so as what is happening around him. Kaya ang marinig na may ganitong bahagi pala siya na hindi ko alam ay talagang bumuhay sa kuryosidad ko.

"What kind of woman is she?" I asked.

"No words would be able to describe her." Naiiling na napangiti siya kaya mas lalong nabuhay ang kuryosidad ko dahil sa 'di maitagong saya sa mga mata niya. "Alam mo iyon? You're just simply attracted to a person with no particular reason at all. That's how she made me feel at first glance."

I became even more curious at that person he was talking about. I know for sure that he is recollecting memories in his head right now. Ngiti pa lang ni Señorito ay iba na ang gustong sabihin. Bagaman hindi iyon ang pinakamalaking ngiti na maaari niyang ibigay, pero mababakas sa mga mata niya na totoo ang kaniyang nararamdaman.

"I felt comforted when I met her. Looking back at myself nine years back, I couldn't even recognize myself. But being around her made me want to live life better. She gave me life," he uttered in a descending voice.

Like a roaring engine being ignited, my calm heart started rumbling once again. Wala namang pangalan na binanggit pero naging iba ang epekto sa akin ng huling detalyeng kaniyang binanggit.

Naghalo ang kaba at kalituhan sa akin. Maging ang isip ko ay puno na rin ng mga katanungan at puno na rin ng ingay. Dominante na ang ingay ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"She showed me that even with the disadvantages the cruel world gave her, she could still conquer. I watched her slowly build her life, striving, fighting, and proving to the people around her that she could do as much as others could," seryoso at sinsero niyang kuwento.

Hindi ko na nagawang umimik pa sa mga sumunod na sandali. My mouth was glued by his story. Ayaw kong itaas ang ekspektasyon sa mga susunod na maririnig ko. Pero iba ang gustong ipahiwatig ng kilod ni Señorito.

My body automatically flinched when he gently inched forward until we are a bit closer than we were already. Akala ko ay 'yon na ang hangganan ng gulat at paninibago na mararamdaman ko para sa araw na ito. Pero nang marahang kinuha ni Señorito ang aking kamay ay mas lalong naging magulo ang buong sistema ko.

Hindi ako naglakas-loob na salubungin ang mga mata niya sa takot na baka mas lalo maguluhan sa nangyayari. Sa lahat ng napag-usapan namin, ito na yata ang pinakankalilito. Hindi ko na magawang intindihin ang puno at dulo bagaman naiintindihan ko ang lahat ng salita niya.

"Should I go further? Or you are already reading between the lines?" he asked, or more on playing mentally with me by his cryptic words.

"You should go to your room," pag-iiba ko ng usapan. "I should sleep, too—"

"You are not sleepy, Tori," he concluded. He softly tightened his grasp on my hand with no intention of letting go. "I have always liked you, Torianna Kismet. If you still won't take my words, let me say it like this."

Mas lalo akong nahirapan na ituwid ang takbo ng isip ko. I even felt like tearing up hearing unexpected words from him. Nasa akin ba at sa pandinig ko ang problema o sadiyang nakalilito lang talaga ayaw ko lang kilalanin ang mga sinabi niya at sasabihin niya pa?

"I like you, Tori, since then."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top