Chapter 1

A Family

"Tori."

Alerto akong lumingon sa puwesto ni Don Emmanuel sa pinaka dulo ng lamesang okupado namin. May mapaglarong ngiti na nakapaskil sa mga labi niya habang marahang hinihiwa ang steak na nakahain sa kaniyang harapan.

Sunod kong binalingan ay si Señorito Tobias na katulad ko ay nakatingin din sa kaparehong direksyon. Naiiling na pinanonood niya ang kaniyang ama na sa hinuha ko ay niloloko na naman siya.

Don really enjoys annoying his son.

"Stop it, Dad," sita niya sa ama.

Don Emmanuel let out a humorous laugh before putting his knife beside his plate. "Stop exactly what, Tobias?"

"That," he pointed out. "Stop calling Tori by her nickname in front of me. Quit fooling around, Dad."

"I did nothing." He raised both of his hands upwards like a criminal surrendering to his crime. "I call you, Tobias, son. What's there to be confused about? Or do you just want to be the only person calling Kismet, Tori? Is that it?"

Señorito just hissed at his father.

Hindi ko siya masisisi kung bakit ayaw niyang tawagin ako ni Don Emmanuel sa gano'ng paraan dahil nakalilito naman kasi talaga. We both have the same nickname, with the last letter as the only difference. I am often called Tori, same goes for Señorito who used to be called Tory by his late Mom and their house helpers.

Pero simula nang dumating ako, hindi na siya tinatawag bilang Tory dahil nakalilito. Madalas kaming naipagkakamaling dalawa kaya hindi na siya nagpatawag pa sa palayaw niya mula noon.

"Malapit na ang birthday mo, Tobias," simula ng Don. "Where do you want to spend it?"

Napabaling ako sa Señorito. Patuloy pa rin siya sa pagkain at para bang hindi interesado sa sinasabi ng ama.

"Son?" muling pagtawag ni Don Emmanuel.

"Anywhere, Pa. Or maybe we should just stay here," sagot niya.

"Not an option, Tobias. It's the only day you're allowing yourself to rest. Right, Kianna?" Don Emmanuel switched his gaze towards me, asking for a back up.

Hindi ako nakasagot agad. At mas lalo lamang akong nawalan ng imik nang maski si Señorito Tobias ay lumingon din sa akin.

"Siguro po mag-a-agree ako kay Don Emmanuel?" patanong kong sagot, hindi rin sigurado sa naging tugon.

Tama naman kasi ang Don. Tuwing kaarawan lang niya hinahayaan ang sarili na magpahinga. He treats every single day of his life as a work day. Kaya kahit holiday ay nagtatrabaho siya para sa kumpanya nila. Ang rason naman niya, ayaw niyang mapunta sa wala ang pinaghirapan ng namayapang Donya.

Pero minsan, sobra na rin kasi siya sa sarili niya. Not even holidays could make him stop from overworking. Pasko at bagong taon nga lang yata ang holiday para sa kaniya. Kaya hindi ko masisisi si Don Emmanuel kung magbakasyon ang gusto niya para sa kaarawan ni Señorito Tobias.

"I'll ask Benson to search for possible countries to travel with," excited na wika ni Don.

"No," Señorito contradicted. "Dito lang sa Pinas. I already have a place I want to go to."

"Where?"

Sinulyapan ko siya at nahuli g nakatingin din pala sa akin. Naging mabilis tuloy ang pag-iwas ko ng tingin.

"I'll discuss it privately with you later, Pops," he answered. "Tori," he called. Awtomatiko ang naging pagbaling ko sa kaniya. "Prepare your things, you're coming."

Napatanga ako sa kaniya. Hindi ko iyon inaasahan. Totoong sumasama ako sa iilang okasyong nangibang-bansa sila o out of town. Pero madalas ay tinatanggihan ko. At isa ito sa mga balak kong pagtaguan sana. Lalo na at hindi magandang memorya ang dala sa akin ng huling beses na nag-out of town kaming dalawa.

Business trip nga iyon kung maituturing kaya hindi sumama ang Don Emmanuel. At kalbaryo lang ang dala no'n kaya hangga't maaari ay ayaw ko na sanang dugtungan iyon.

"Hindi ho sana ako sasama," mababa ang boses na wika ko.

"What?" sa may kalakasang boses ay tanong ni Señorito Tobias.

"Possessive pala ang anak ko," rinig kong bulong ko Don.

Muli kong nilingon si Don Emmanuel dahil hindi ko nasundan ang konteksto nang sinabi niya. Ngunit abala na ulit siya sa pagkain habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Hey, Tori, look at me," utos ni Señorito na agad kong sinunod.

Bagaman likas na sa kaniya ang masungit na dating, sinikap niya pa rin na maging malumanay sa pagkausap sa akin.

Señorito's round-shaped eyes greeted me which perfectly catered his sparkling eyes in chocolate color. It also matched his thick eyebrows and straight nose.

I feel like I am seeing Don Emmanuel in his younger years looking at every feature of Señorito's face. Even his heavy lower lip and inverted triangle-shaped face, just like a replica of his Dad.

"What's wrong?" he asked in a serious voice.

Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kaniya kahit na wala naman. Para siyang galit na hindi ko maipaliwanag dahil wala naman akong kasalanan sa kaniya. Salubong ang kaniyang dalawang kilay habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Napakamot ako sa batok ko. "Kasi po ano... 'di ba po last time muntik pa kayong mapaaway dahil sa pagtatanggol niyo sa akin? Kaya hindi na lang po ako sasama para iwas abala at stress sa trip ninyo."

"Who told you to think like that, hija?" singit ni Don Emmanuel.

"It's just how I see things, Don Emmanuel," I confessed.

Hindi na yata nawala ang gano'ng mindset sa akin simula nang tumira ako kasama sila. Everything feels surreal and far from my reality. Maging ang pagsabay ko sa kanila sa hapunan dito sa isang mamahaling restawran ay hindi ko mahanapan ng rason.

Basta na lang nila akong tinangay mula sa opisina ng Don kung saan ako naroon kanina para dalhin dito. Akala ko nga ay uuwi na kami matapos ang meeting na in-attend-an niya pero kasama pala sa plano nila na pagkain sa labas.

"At gusto ko na rin ho sanang kunin ang oportunidad na ito para sabihing aalis na po ako sa villa oras na makahanap na po ako ng malilipatan," mahina ang boses na saad ko, sapat lang para umabot sa pandinig nila.

Pasimple ko silang tiningnan dalawa, hinuhuli ang kanilang mga reaksyon. Para silang pinagbiyak na bunga sa parehong reakayong inani ko. Pawang salubong ang mga kilay at matalim ang tingin na ipinupukol.

I bit my lower lip out of nervousness. Alam ko na ang maaari nilang maging tugon, na hindi nila magugustuhan ang tinutumbok ng mga salita ko.

I've been trying for years, convincing them about me wanting to move out from Casa Ramiscal. At paulit-ulit na pagtutol lang din ang nakukuha kong sagot.

"You're not moving out, Tori," puno ng pinalidas na saad ni Don Emmanuel.

"Don Emmanuel, nakapagsabi na po ako sa inyo," giit ko.

"I know, sweetheart, but I never agreed." He gave me an understanding smile like a father would give everything to his child. "Kung sigurado akong may aalalay sa 'yo then there would be no problem. But, Tori, you and I both know that you only have us."

"The answer is no," Señorito Tobias added. "Not until I make sure that you'll be safe and sound, you're not moving out. I'll search and pay for a house instead. Only then I'll be able to make sure you'll be safe."

My heart immediately swelled up in so much gratitude and happiness the father and son gave me. Hindi kami tunay na magkakadugo pero hindi nila ni minsan ipinaramdam sa akin na hindi ako katanggap-tanggap. Taliwas sa nakuha kong pagtrato mula mismo sa sarili kong ina na halos isuka na ako sa pagtanggi dahil lang sa ipinanganak ako na may ganitong kalagayan.

"You're coming with me on this trip and that's final, Tori," he continued. "Bakantehin mo na rin ang araw mo sa makalawa. We'll shop for some clothes."

"Paano po ang mga scheduled meeting ninyo?" alangan kong tanong.

"Reschedule it then," he said with finality. "Or better cancel it."

"But it's Miss Rousanne, Señorito. She's a big client. At hindi gano'n kadali na makapasok sa schedule niya," pagrarason ko. "You wouldn't want to waste a great opportunity, right?"

"I'll be the judge of that, Tori." He looked at me behind his thick and long lashes. "Cancel it, okay?"

Walang pagpipilian na tumango ako. As much as I want to push through with the meeting, I have no other choice but to follow the command of my boss. He has the authority afterall.

Nanghihinayang lang kasi ako. Miss Rousanne is a well-known figure in the jewelry industry. She's at the top, almost catching up to Ramiscal's. Kung siguro ay nauna lang ang Rous and Golds sa pagpenetrate sa market ay walang duda na sila ang magiging una.

But Ramiscal's has already been in the industry even before I was born headed by the late Margarita Ramiscal, Don Emmanuel's wife and Señorito Tobias' mother. They have proven the quality of their products and already branded themselves as the top-tier jewelry business in the Philippines.

Don Emmanuel has been wanting to collaborate with other companies not just to eliminate the competition, but also for the next project he wants to release for the season collection intended to be exported in South Korea. At si Miss Rousanne ang pinakaperkpektong tao para sa proyektong 'yon.

"What did I tell you, Torianna?" he asked that caught my attention. "Pamilya ka. Hindi ka puwedeng mawala sa araw na iyon kung puro importanteng tao ang makakasama ko."

Pumintig ng malakas ang puso ko dahil sa sinsero niyang mga salita. Buong buhay ko, kailanman ay hindi ako nakatanggap ng mga 'yon. Kung hindi kasi panghuhusga ay puro ibang uri ng masasakit na salita ang natatanggap ko. Na kadalasan ay galing pa sa ina ko.

Magmula yata nang tumuntong ako sa high school ay nasa kanila na ako. Kinupkop ako ng asawa ni Don Emmanuel at pinatira sa kanila. 'Yon ang mga panahon na pinalayas ako sa amin ng Nanay ko dahil nagkaroon na siya ng bagong pamilya at ikinahihiya niya ang presensya ko. Ang rason niya pa ay baka raw hiwalayan siya ng bago niya kapag nakita ako.

Ang pamilya ng mga Ramiscal ang kumupkop sa akin. Noong una ay namasukan ako sa kanila bilang kasambahay kapalit ay ang libre kong pananatili sa kanilang tahanan. Sagot din ng Don ang pag-aaral ko at lahat ng gastusin na may kinalaman doon. They made me a part of them, more than just a maid.

Until one day Don Emmanuel's secretary resigned causing him to lose a helping hand. Kaya kinuha niya akong pansamantalang kapalit kahit na wala naman akong alam doon. But on the condition that I would only be working at home. May sekretarya na kasi siya sa opisina mismo. Ang trabaho ko ay ang mag-book ng meetings at ayusin angs schedules nilang mag-ama. I also do the "client-seeking" thing that might be of help for the growth of the company's.

Noong una ay talagang wala akong alam. Pero sa paggabay nilang mag-ama sa akin at sa tulong na rin ni Miss Claire na secretary niya Don Emmanuel sa opisina ay unti-unti kong natutuhan ang mga bagay-bagay. Until he finally allowed me to work on-site, na mas na-enjoy ko.

"Tori," Señorito called in a tender voice once again.

Hindi ako natinag, nanatili pa rin akong nakayuko. Nahihiya na kasi ako ng sobra sa kabaitan nila. Kung may magagawa nga lang ako para suklian ang lahat ng 'yon ay ginawa ko na.

Don Emmanuel sigh. "Mauna na muna ako sa inyo," biglang paalam ni Don Emmanuel. Nagpunas siya ng bibig bago tahimik na tumayo. "Ikaw na ang bahala kay Tori, anak. Talk to her and convince her to stay."

"Saan po kayo?" pahabol kong tanong bago pa man siya makahakbang palayo.

"I have a coffee date, Kismet." He laughed heartily as if he's on cloud nine.

"With who?" Señorito's forehead knotted. He gave his father a bored look with his arms crossed over his chest.

"With myself, Tobias Zachary." He tapped his son's shoulder before finally exiting the room.

Hindi ko masisisi si Tobias kung bakit naging gano'n ang reaksyon niya. Kahit kasi halos tatlong taon na rin magmula nang bawiin ang Mom niya sa kaniya ay apektado pa rin siya. And for sure the same way goes for Don Emmanuel. Sadyang mapaglaro at palabiro lang talaga siya kaya parang hindi siya naaapektuhan. Pero natutuwa ako na nakikita ko siyang tumatawa at masaya na ngayon.

"You don't have to move out, Tori. Hindi ka naman namin sinisingil. Huwag mong bigyan ng problema ang sarili mo lalo na't wala namang problema sa amin ni Dad," malumanay na paliwanag niya pagkaalis ng kaniyang ama.

"Pero Señorito, masyado na hong matagal ang naging pamamalagi ko sa inyo. At ni minsan hindi ko nagawang mabayaran iyon. Not even my position as your father's secretary would be enough for a payment. At least po kung aalis ako, mababawasan po kayo ng iisipin," dahilan ko.

"Just stay in your own villa. Those places were intended for you to have your personal space." Napakagat ako pang-ibabang labi ko ng wala nang mahanap na salita para ilaban sa kaniya. "Give up, Tori. I don't have any intention of letting you go," he voiced out, in a tone that speaks for a promise he intends not to break in his lifetime.

"Señorito naman..."

Nakita ko ang pagtaas ng kanang kilay niya kasabay ng huling salitang sinambit ko. "How many more years do you need to get used to not calling me that and omitting honorifics when talking to me? Apat na taon ko nang sinasabi sa 'yo na tigilan mo."

"Hindi po puwede 'yon. Eh, anong itatawag ko po sa inyo kung gano'n, gayong lahat ng mga nasa Casa Ramiscal ay Señorito ang tawag sa inyo?" patanong na paliwanag ko.

"Do you know my name, Torianna?" seryoso niyang tanong. Tikom ang bibig na tumango ako sa kaniya bilang sagot. "Say it, then."

"Tobias Zachary Ramiscal," pagtalima ko na tila nahihipnotismo sa mga salita niya.

"There, call me like that, Tori."

Bahagyang umusli ang nguso ko dahil sa pagtutol sa gusto niya. Nakasanayan ko na ang pagtawag sa kaniya sa ganoong paraan sa isang rason na 'yon ang nararapat bilang paggalang. Paano ko siya susundin kung sa loob ng siyam na taon kong paninilbihan sa kanila ay 'yon na ang tawag ko sa kaniya.

Isama pa na hindi ko magawang tanggalin ang paggalang dahil mas matanda siya sa akin ng anim na taon sa edad na bente-otso. Hindi lang talaga nabibigyan ng diin ang bagay na 'yon dahil halos sabay na kaming lumaki magmula ng mga nagbibinata at nagdadalaga pa lang kami.

"Tapos ka na po ba?" tanong ko matapos ang ilang sandaling pagbalot sa amin ng katahimikan.

"Yes. Let's get going if you're done, too."

Mabilis ang naging pag-iling ko. "Mauna ka na po sa labas, susunod na lang ako."

His right brow shot up once again. "I know what you're planning, Tori, and I won't let you."

Napangiwi na lang ako. Gusto ko sana na mauna siyang umalis upang hindi na kami makita pa ng mga tao sa restawran. That would be embarrassing on his part to be seen with a dwarf-like me. Lalo na sa ganitong lugar na puro mga sopistikadong tao ang nakapaligid sa amin.

Even the clothes I am wearing don't even pass the dress code. Sadiyang malakas lang talaga ang impluensya ni Don Emmanuel kaya pinayagan. I'm only in my simple jeans and shirt, while the others are in their expensive dresses.

"Let's go," maingat niyang anyaya.

"Señorito-"

"I'm giving you two choices, Torianna," he said in a serious voice. Seryoso niya akong tiningnan gamit ang mga mata niyang pinakikinang ng ilaw na tumatama roon. "Call me by my name and I'll go alone first like what you wanted. Or you'll exit this place with me, you'll drop the honorifics, and I'll just get myself sick with you calling me that lame name."

Nalukot ang mukha ko dahil sa mga sinabi niyang papabor lang naman sa kaniya. "Parang wala naman akong pagpipilian,"

"I'm taking that as my answer, Little Miss."

Finally, he smiled at me.

Awtomatikong nahawa ako sa maganda niyang ngiti kasabay nang pagyakap sa akin kaba dahil sa kapalit ng hindi ko paggamit ng po sa kaniya. Sinubukan kong alisin ang kaba na 'yon sa pamamagitan nang paghinga ng malalim ngunit maging iyon ay hindi umubra.

Mas lalo lamang lumala at nadagdagan nang tawagin na niya waiter para magbayad. As a reflex action, I moved closer to the darker place of the table to hide. It was easy on my part due to my small built and the location where we are at. Nasa pinakadulo kasi kami ng resto kaya bukod sa madilim ay wala masyadong tao.

But even before I could completely let myself be overpowered by the darkness, a hand reached out to me and held in my arm to stop me from my plan.

"Not on my watch, Little Miss," he warned.

Mabilis akong tumiklop at nanatili na lang sa puwesto ko na mas malapit sa puwesto niya. Pakurbada kasi ang sofa na kinauupuan namin kaya madali para sa kaniya ang abutin ang kamay ko.

Pasimple kong sinilip ang pagdating ng crew na hindi ako binigo nang dapuan ako ng tingin niyang kababakasan nang pagkamangha.

"I hope you enjoyed your dinner, Sir," he greeted. He looked at me wearing the same smile he gave to Tobias. "And Ma'am. You look lovely by the way."

Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa 'di inaasahang papuri niya. Ang tatlong segundong atensyon ko sa kaniya ay agad ding nawala nang marinig ko ang pagbulong ni Tobias, ngunit sa sobrang hina ng boses niya ay hindi na 'yon abot sa pandinig ko.

"Ano 'yon?" usisa ko.

"I said, let's go. You need a rest, Tori."

Nangunot lang ang noo ko. Alam kong hindi 'yon ang sinabi niya pero dahil hindi ko naman siya puwedeng kulitin ay hinayaan ko na.

"Ako na," mabilis na agap ko sa tangkang pagkuha ni Señorito sa mga folder at sa bag ko.

"Bitaw," utos niya.

Mariin ang naging pag-iling ko. "Kaya ko na, Señorito."

"Are we seriously going to argue about this?" pagsusungit niya. "Bibitawan mo o maging ikaw ay bubuhatin ko na lang din hanggang sa kotse?"

Agaran ang naging pagbitaw ko na para bang baga ng apoy ang mga 'yon. Bakit ba ang hiling niyang magbigay ng mga pagpipilian na siya lang din naman ang masusunod?

"Careful," kaniyang bulong nang kumilos ako para bumaba sa aking kinauupuan.

Mabilis siyang nakatayo para lapitan ako at alalayan kahit sa simpleng paggalaw lang na 'yon.

"Thank you, Señorito," nahihiyang pasasalamat ko.

He just hummed as a response. Bumitaw na rin naman siya nang makababa na ako sa may kataasang leather sofa.

Napagbigyan ang sabay naming paglalakad dahil sa malawak na espasyo ng buong lugar. Malalayo rin ang bawat lamesa sa isa't isa kaya may sapat na pasilyo kaming madadaanan. At 'yon din ang dahilan kung bakit sa bawat usad namin ay siya ring pagsunod ng tingin ng mga tao sa direksyon naming dalawa.

Our huge height difference was highlighted. He was towering over me with his six-foot tall height against mine, 3'6. Señorito doesn't seem to be minding the stare people are giving.

Pero ako, apektadong-apektado.

"Chin up, Little Miss. Keep your head up," he said out of nowhere. "There's no reason for you to be embarrassed over the reason why people are staring. Just... don't mind."

I felt comforted with just his words. Hindi niya ako yakap pero pakiramdam ko ay binalot ako ng init niya. Ni hindi nga 'yon direktang mga salita pero bigla ay gumaan ang dibdib ko. Ipinaramdam niya sa akin na may kakampi ako. Na hindi ko dapat ikahiya ang pagiging ganito ko.

Having dwarfism made me stand out, contrary to the small height I have. It caused me to be emotionally beaten up by the people around me. The same reason why I want to hide myself from everyone's eyes.

The fewer people who will see me, the less chances of me getting bullied.

"Thank you," nahihiyang pasasalamat ko nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Take my hand, Tori," he ordered in his gentle voice.

Hindi ko nagawang sumunod sa pinag-uutos niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Gusto niyang kuhanin ko 'yon para maalalayan niya ako paakyat sa sasakyan niya kahit na kaya ko namang mag-isa.

"Take it, Torianna," he commanded once again. But this time, Señorito Tobias sounded softer as if he's whispering those words in my ears.

"Nakakapanibago ka," wala sa sariling komento ko.

"Ano?" Nangunot ang noo niya matapos ay nagbaba ng tingin sa akin.

"May girlfriend ka na?" tanong ko. "Para kang ibang tao. Ang bait mo."

Natunaw ang propesyonal niyang katauhan sa harap ko pagkalabas na pagkalabas namin sa establishimentong pinanggalingan namin. Maging ako ay naramdamang muli ang gaan sa pagitan naming dalawa.

Tulad noong mga panahon na hindi kami isang boss at tauhan lang. Hindi kami magkaibigan ni Señorito Tobias. Pero ni minsan hindi nila ipinaramdam sa akin na katulong ako o alalay sa pamilya nila. They treated me as part of their family kahit na nakakailang sa parte ko.

Sa siyam na taong pagkakakilala namin, masasabi kong nandoon kami sa pagitan ng magkaibigan at mag-amo. Minsan kapag nasa opisina ako nagpupunta, ramdam ko ang malaking agwat namin sa estado sa buhay. Ngunit kapag sa ganitong pagkakataon o sa Casa Ramiscal ay para lang kaming magkaibigan kung magturingan kahit na hindi kami gaanong nag-uusap.

"Wala akong kasintahan, Tori," bagot niyang sagot. "Wala akong plano sa ganiyan."

"Halos thirty years old ka na, Señorito, ni minsan ba nagka-girlfriend ka na?" pang-aasar ko sa kaniya.

Pinagtaasan niya akong muli ng kilay. "What are you implying, Kismet Torianna?" masungit niyang tanong.

"Na NGSB ka?" Inosente ko siyang tiningnan.

Ni minsan hindi ko siya nakitaan na nag-uwi ng babae sa bahay. Kahit ang makita siyang lumabas kasama ang kaibigan ay hindi ko rin namataan. I've known him for almost half of my life, but I couldn't remember seeing him hang out with other people.

"May kaibigan ka ba?" muli ay pagsasatinig ko.

"Ikaw," mabilis niyang sagot. "Hindi ko kailangan ng ibang taong kakausapin maliban sa'yo. You know me better than most people who claimed toknow me, aside from my Dad."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Here I am thinking he wasn't my friend, yet he thought otherwise.

"As for your question about my relationship status."

Lumuhod siya sa isang tuhod upang magawa niyang pagpantayin ang tangkad naming dalawa. Sinusuportahan ng isang paa niyang paa ang bigay niya. Sa ganoong paraan ay nagawa kong masalubong ang tila kumikinang niyang mga mata.

"Wala naman sigurong masama kung ni minsan hindi pa ako nagkaroon ng nobya," malumanay na paliwanag niya.

Mabilis na napakurap ako ng mga mata hindi lang dahil sa paghampas ng malamig na hangin sa balat ko kundi sa kadahilanang inilapit ni Señorito Tobias ang kamay niya sa gilid ng mukha ko. Inilagay niya sa likod ng aking tainga ang mga takas na hibla ng buhok na nagkalat sa mukha ko.

He smiled at me genuinely. Tipid na ngiti lang 'yon pero bakas na bakas ang kakuntentuhan at kasiyahan sa buong mukha niya, lalong-lalo na sa kaniyang mga mata.

"I don't need a girlfriend, but I do have someone in my mind and heart that I vowed to take care of for the rest of her life, Torianna."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top