CHAPTER 2

Chapter 2: Auction

House of Solace, 15th Floor

Sa ika-labinlimang palapag ng House of Solace, matatagpuan ang pinakaespesyal at pinakamalawak na bahagi ng gusali. Hindi ito mukhang hotel, walang mararangyang chandelier o receptionist sa lobby. Sa halip, homey at maaliwalas na ambiance ang bawat sulok, kahoy ang karamihan sa mga gamit at may mga halaman sa gilid na nagbibigay ng buhay.

Sa isang bahagi ng floor ay matatagpuan ang theater-style room, ang pinakamalaking kuwarto sa buong palapag. May malalapad na couches, ambient lighting at isang malaking projector na kadalasang ginagamit para sa mga movie night, community sessions, o tahimik na bonding moments. Dito rin nagkakaroon ng mga group reflection o kuwentuhan sa gabi.

Sa kabilang dulo naman ay ang function hall, bukas at maluwang, may malalaking bintana na tanaw ang city skyline. Doon nagtitipon ang mga tao, parehong staff at ampon para sa mga group meals, celebrations, o simpleng tambayan. Ang ingay ng tawanan at kuwentuhan ay tila nagbibigay ng buhay sa gusali tuwing gabi.

Ang mga ampon ay karaniwang naka-room sharing. May ilang solo, lalo na kung may medical o emotional consideration, pero madalas ay may roommate sila na halos magkaedad lang.

Ang mga kuwarto ay simple pero kompleto ang mga gamit, may sariling desk, closet at kama. Personalized din ito ayon sa gusto ng nakatira, kaya’t kahit iisa ang layout, iba-iba ang designed ng bawat silid.

May mga bisita rin paminsan-minsan sa House of Solace, pero hindi halata. Walang hotel vibe, walang receptionist na nakangiti sa front desk. Sa halip, ang atmosphere ay parang isang malaking bahay, tahimik.

Ang hotel na ito ay tirahan ng mga nabibiktima.

I was fifteen when I ended up here. I actually have relatives, but not a single one of them wanted to take me in.

Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama nang may kumatok sa pinto. Kahit tinatamad akong tumayo ay ginawa ko pa rin.

Nagtungo ako roon upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok sa aking silid. Oo, may sarili na akong kuwarto sa unang araw ko pa lang.

“Madam Vera,” tawag ko sa nangangalaga sa amin. Siya nga si Madam Veronique Alcatraz, ang founder at may-ari nitong hotel.

“Bakit hindi ka pa nag-aayos? Mamayang gabi ay alam mo na...” Sinadya niyang hindi tapusin ang pangungusap. Alam ko naman kung bakit at mayroon na akong idea sa binabalak niya.

Dalawang buwan na noong tumunton ako sa tamang edad, nagkaroon ako ng grand debut kahit hindi ko gustong maghanda talaga. Ngunit mapilit siya, marahil ay may nag-sponsor para sa aking debut.

“Alam ko po. Maghahanda na po ako, Madam Vera.” Mababa lang ang tono ng boses ko, dati pa ay ganito na ako kung magsalita.

“Good,” sambit niya at hinaplos ang pisngi ko. Nakatingin lang ako sa noo niya. Tama, sa noo niya lang ako nakatingin at hindi diretso sa kaniyang mga mata. “Anak, para din naman ito sa ’yo. Alam kong balang araw ay maiintindihan mo rin naman ako.”

Tumango na lang ako. Kasya naman ang magsalita pa. Eh, siya ang mas nakatataas dito. Wala pa ni isang tao ang nagtangkang labanan siya, hindi dahil nagbibigay rin siya ng parusa. Kundi mas mamadaliin niya ang pagbenta, kahit hindi dumaan sa auction.

Pagkatapos no’n ay iniwan na niya ako at nagsimula na akong naghanda. May damit na akong susuotin para mamayang gabi.

Nang matapos nga ako ay isa-isang pumasok ang mga staff para tulungan akong magbihis. Kaya ko naman talaga ang sarili ko. Marunong naman akong mag-apply ng make up at mag-ayos ng buhok ko.

Knee-length simple cut black chiffon dress ang susuotin ko. Sleeveless style rin ito at five inches ang taas ng strap heels ko. 5'7 ang height ko at mas magmumukha akong matangkad lalo.

Mahigit isang oras nila akong inayusan at pagkatapos no’n ay saka kami umalis. Magtutungo pa lang kami sa V’s Club, dahil doon magaganap ang exclusive auction.

Habang nasa sasakyan ako ay nakasandal lang ako sa headrest ng upuan ko. Nakapikit ang mga mata at hindi man lang ako nakaramdam ng kaba.

Ewan ko ba kung bakit, o sadyang mas gusto ko talaga na umalis sa poder ni Madam Vera?

Na kahit hindi ko alam kung sino ang posibleng magbi-bid doon sa akin. Mas okay kung matanda lang, kaya kong manlaban.

Yes, plano ko rin ang tumakas kung sakali man. Wala na akong pakialam sa kahihinatnan no’n, pag-iisipan ko na lang kapag tuluyan na akong nakatakas. Sa ngayon ay pakikisamahan ko muna sila.

Hindi nagtagal ay nakarating din agad kami sa destinasyon namin, hindi ko na gaano pa sinuri ang kabuuan. Dahil alam kong elegante at maganda ang club.

Tahimik sa first floor ng club, dahil simula sa second floor pataas ang kasiyahan ng mga customer.

Nangunguna naman sa paglalakad si Madam Vera, katabi niya ang assistant niyang bakla, Mama Zac ang tawag namin sa kaniya. Lahat sila ay talagang hindi matino, demonyo ang mga ugali nila.

Madilim, iyan ang bumungad sa amin.  Mahina lang ang tugtugan, pero kakaibang amoy ng alak ang malalanghap mo.

Walang designated na upuan, kahit ano’ng rank pa ang VIP members ay puwedeng mag-share ng table.

Sumenyas agad sa amin si Madam Vera, may humawak sa aking siko para pigilan akong sumunod. Ngunit sa isang panibagong kuwarto kami pumasok, kung saan ay malinaw naming makikita ang mga VIP members. Salamin lang kasi ang pader nito.

Moments later, the auction started, and as far as I remember, only ten girls were included, those like me who had just reached legal age.

Nakapagtataka lang na mag-isa lang ako rito at sinadya rin akong hindi isama sa kasamahan ko.

“Good evening, esteemed V’s. This is our 105th auction night. We thank you for your unwavering trust. Now, let us begin with flower number 1. Please raise your paddles to place your bid. Minimum starts at five hundred thousands. Increment is at your will.”

Napabuga ako ng hangin, kalahating milyon para sa isang tao? Ganoon lang ba ang halaga namin? Flower, iyan ang tawag sa amin.

“600,000,” anunsyo ng lalaki.

Ngumiti nang manipis ang auctioneer. “Thank you, Bidder PT-04. Do I hear 650?”

Tahimik ang paligid. Walang kumikibo.

Mayamaya, isang babae mula ang nagtaas ng premier tier paddle.

“650,000.” Bahagyang gumalaw ang mga tao sa kani-kanilang upuan.

Sinilip ko ang babae sa entablado.
Nakatungo lang siya. Hindi mo mababasa ang ekspresyon niya, pero kita ang bahagyang panginginig ng kaniyang mga daliri.

“700,000,” muling bigkas ng bidder mula sa onnyx.

“We have 700. Do I hear 750?” tanong ng auctioneer na halos ikaikot ng aking mga mata.

Tahimik muli, naghihintay kung sino ang magtataas ng paddle nila at magkano na naman ang presyong bibigkasin.

Unti-unting nagdim ang ilaw sa paligid. Spotlight lang ang naiwan sa babaeng nasa stage. Sa ilalim ng liwanag ng chandelier, para siyang tropeyo, pinipresyuhan. Hays. Ako na ang papalit diyan mamaya.

“Going once…” Humaba ang katahimikan. Mukhang hanggang doon na lang ang halaga ng babae.

“Going twice…”

“750,000.”

Lahat ay napalingon. Galing naman iyon sa elite tier. Tumaas pa lalo ang bidding hanggang sa umabot ng 1.5 million.

“Hindi na masama,” sambit ko at bumuntong-hininga.

Ang pinakahuli ay ako. Nang tinawag ang number ko ay kalmado lang ako. Kahit maraming mga mata ang nakatingin sa akin ay hindi nagbago ang malamig na ekspresyon ng mga mata ko.

Hindi pa nagsisimula ang bidding ay may nagtaas na agad ng paddle at sa halagang isang milyon, subalit nagsalita si Madam Vera.

“We apologize, but Flower Number 10 has been pre-reserved and will not be part of the bidding.” Napalingon ako sa kaniya, ngayon ako mas lalong nagtaka. Paanong nangyari? Wala naman siyang sinabi sa akin bago niya ako dalhin dito.

Reserved? Kailan pa?

Marami ang nagulat at hindi sang-ayon ngunit nang may nagsalita sa kalagitnaan ng ingay na iyon ay muli silang nanahimik.

“Can any of you top $100, million? Because I’m more than ready to bid,” sabi ng baritonong boses at nang sinubukan kong tingnan siya ay ang maskara niya lang ang makikita ko.

Alam kong diretso niya akong tinititigan. At ngayon lang, ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan na ako. Akala ko ay hindi ko na ito mararamdaman pa.

Ngunit sino ba siya? Sino siya para maglustay ng ganoong kalaking halaga? Hindi ba siya nasisiraan ng bait?

Wala ng nagsalita, dahil alam nila na hindi na nila kayang lampasan pa iyon.

At ang lalaking iyon, sa boses pa lang ay hindi siya matanda at isa siyang elite tier.

Hinawakan ako sa siko ng assistant ni Madam Vera at iginiya na niya ako palabas. Parang blangko ang utak ko, hindi pa rin makapaniwala.

Nanghihinang napaupo ako sa couch at sinisikap pakalmahin ang sarili. Nasa halagang 5.6 billion din iyon.

“Mr. Salazar,” narinig kong sambit ng Madam Vera.

“Leave us for a moment,” malamig na sabi ng lalaki. Nagdadala lang ng lamig ang boses niya.

Narinig ko pa ang yabag ng mga sapatos nila at mas nakapansin-pansin ang papalapit sa akin.

I stood up from my seat at ito ang lumabas sa aking bibig, “Who are you?”

“Sweetheart...”

What the hell?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top