CHAPTER 17

Chapter 17: Threatened by his Wife

“KUMAIN ka na, Julliene. Lumalamig na ang pagkain mo, hija.” Ilang beses nang sinabi iyan sa akin ni Manang Abel, pero hindi man lang ako gumalaw mula sa kinauupuan ko. Nandito ako sa living room, hinihintay ang asawa ko, na ewan ko ba kung saan iyon nagsusuot. Eh, alam niyang may sugat siya. Hindi sapat ang pahinga niya kanina.

“Manang, iwan mo na lang po ako rito. Kakain po ako mamaya,” matamlay na sabi ko. Hangga’t hindi ko nakikita ang asawa ko ay hindi ako mapapanatag.

Narinig ko ang buntong-hininga niya, mukhang sumusuko na rin sa katigasan ng ulo ko si Manang Abel. Pero kahit na pilitin pa rin ako ni manang na kumain ay wala pa rin naman akong gana. Paano ako kakain kung nag-aalala ako?


“Oh siya sige na nga. Initin mo na lang ang pagkain mo. Mauuna na ako,” paalam niya, na ikinatango ko lang. Narinig ko na ang papalayong presensiya ni manang.



Malalim na ang gabi, wala pa si Raze. Saan ba kasi iyon nagpunta? Dapat siguro sa kaniya ay gapusin sa kama nang hindi na siya makalabas pa. Para siyang bata na ang hirap suwayin. O baka mabuti pa nga ang bata kaya mo pang pakiusapan. Subalit siya? Napakatigas ng ulo, ay.


Napatingin ako kay Kuya Aljor, nakatayo lang siya sa tabi ng bintana. Maliban sa dalawang bodyguard ko ay maraming bantay sa labas, mas humigpit iyon dahil sa insidenteng nangyari. Knowing Raze, hihigpitan no’n ang bantay. Wala kaming kapit-bahay. Exclusive lang para sa village na ito.


Hindi na ako dapat magtaka pa, kung isang batalyon na ang bantay ng asawa ko. Sa nabasa ko sa internet ay talagang maraming magkakainteres sa kayamanan niya. Na kaya may dalawa akong bodyguard, kasi gagamitin na akong bitag para perahan nila si Raze. Ngunit sa ngayon ay wala pa siyang sinasabi tungkol doon. Basta raw huwag lang akong lumabag sa rules niya, magiging okay lang daw ako.


Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang kaya niyang proteksyon para sa asawa niya, tsk.


“Sir Salazar is here, ma’am.” Maligasgas na boses ang siyang gumising sa diwa ko, na napunta na sa kung saan-saan. Tinig iyon ni Kuya Aljor, siya ang inutusan ko na tingnan kung nakauwi na ba si Raze.

Loyal yata talaga sila sa ’kin, e. Isang utos ko lang ay susunod na. Pero huwag kayo, nandiyan pa rin ang asawa ko. Mas makapangyarihan ang hudyo.


Agad akong tumayo, naghintay sa front door. Nakakrus na ang magkabilang braso ko sa dibdib. Sasalubingin ko siya nang ganito, ipapakita ko sa kan’ya ang galit ko. Karapatan ko namang magalit. Kasal man kami sa huwes ay may karapatan pa rin ako sa lahat-lahat.

Binuksan ng bodyguard ko ang front door, salamat sa ilaw sa labas ay nakita ko ang hitsura ng asawa ko. Tanging suot lang nito ay ang itim niyang coat, mahaba iyon na umabot hanggang binti niya. Feeling niya ay siya iyong mga male lead na napapanood ko sa palabas. Tapos makikita pa ang benda niya sa katawan, hindi nakatakas sa paningin ko ang dugo. Napuwersa na naman marahil, kaya dumurugo iyon.


“Saan ka galing, Raze Emryz Salazar?” malamig kong tanong, dahilan nang pagkatigil niya. Pero ang hudas, humalakhak lang siya na para bang may nakita siyang nakatutuwang bagay.

Seryoso ako, walang nagbibiro dito. Kaya dapat lang na sagutin niya ang mga tanong ko kung ayaw niyang makatikim ng sapak mula sa ’kin.

Humakbang siya palapit, ang isa niyang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon. Akala mo kung sinong maangas. But ang isa niyang kamay ay nakahawak na tagiliran niyang may sugat.

“Sweetheart...” sambit niya, nagdala man iyon sa akin nang kakaibang pakiramdam, at kiliti sa tiyan ay hindi pa rin ako natutuwa. Isasantabi ko muna ang pakiramdam na iyon, uunahin ko ang sermon ko na gustong-gusto nang lumabas kanina pa.

Pagkalapit niya ay agad ko siyang sinampal. Sa sobrang lakas ay naibaling niya sa kabilang direksyon ang mukha niya. Napansin kong dahan-dahan nang umalis ang isa niyang kasama, maging si Kuya Aljor, ang isa kong bodyguard na kanina ay nakatayo lang sa likuran ko ngunit ngayon ay hindi ko na maramdaman pa ang presensiya.



“Saan ka galing?! At bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko, Raze?!” Ang kanina na tahimik na mansion, ngayon maririnig ang boses ko. Sa sobrang lakas ay baka ang mga taong kanina pa natutulog ay magigising ko na.

But I don’t care. Mas nangingibabaw ang galit ko kay Raze!



“What was that for, sweetheart?” walang emosyon niyang tanong. Nakahawak na siya sa pisngi niyang sinampal ko. Good for him, deserve naman niya ang sampal na ’yon. Kulang pa nga, e.



“Alam mo ba kung gaano ko sinisisi ang sarili ko? Dahil sa nangyari sa ’yo kanina? Tapos magigising na lang ako na wala ka na sa tabi ko? Malalaman ko na lang na lumabas ka sa ganyang kalagayan mo? Raze, hindi mo ba naisip na mag-aalalala ako kapag hindi kita nakita sa bahay?! May sugat ka! Halos maubusan ka na nga ng dugo kanina! Tapos nagawa mo pang lumabas!” sigaw ko, iyong ugat sa leeg ko ay ramdam ko ang paggalaw nito. Parang lalabas na rin. “Paano kung limalala ’yang sugat mo, ha?! Ayaw mo pa namang magpadala sa hospital!”

Napatitig ako sa guwapong mukha ng asawa ko. Ang kanina na malamig ang mga mata niya ay biglang lumamlam. Humakbang siya palapit sa akin. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa, parang napako na rin ako sa kinatatayuan ko.


Hinapit niya ako sa baywang, ang isa niyang kamay ay hinawakan ang baba ko para iangat iyon pataas.



“I’m sorry, Julliene,” aniya at magaan na hinalikan niya ako sa labi. Napapikit pa ako, para akong nakukuryente sa halik niya na malakas ang tama sa ’kin.


Hindi na ulit normal ang heartbeat ko, sunod-sunod at bayolente na ang aking paghinga. Nang dumilat ako ay napatitig ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala talaga ng kulay ng mga mata niya. Hindi ko mawari kung gray lang ba iyon, o parang magiging asul na hindi naman masyadong halata.



Napaigtad pa ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Napakainit ng palad niya, nagbibigay iyon sa akin ng comfort.

Kung hindi niya lang ako madalas binabalewala, at parang wala siyang pakialam sa ’kin ay sweet sana siya. Palagi man na walang ekspresyon ang guwapo niyang mukha ay okay lang. Kasi may mga pagkakataon ay nagbabago ang emosyon sa mga mata niya.


Kagaya na lang nito.


Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, tumingkayad ako at nakita ko ang amusement sa kaniyang mga mata. Napangisi ako sa naisip. Hahalikan ko sana siya sa labi, ngunit nagbago na ang isip ko. Hinalikan ko lang siya sa panga at tinanggal ang kamay niyang sa baywang ko.

Subalit hindi na niya iyon tinanggal, humigpit lang lalo at wala na siyang pakialam kung matamaan ko man ang sugat niya. Napangiwi pa ako nang maipit na sa pagitan namin ang dibdib ko.

Ang malamig niyang mga mata ay bumaba sa aking dibdib. Siyempre, dahil sa ginawa niya ay lalabas talaga ang cleavages ko. Puting sando lang ang suot ko.

Naramdaman ko ang pagbabago nang paghinga niya, halos bumalik ang ngisi ko sa labi. Ganoon siya kabilis maapektuhan. I guess, the feeling is mutual.

“Bitiwan mo ako, Raze. Kakain pa ako ng dinner. Bahala ka kung ayaw mong kumain, kaya pakawalan mo na ako,” mahina kong utos sa kaniya.

“Are you mad?” Ha, tinatanong pa niya talaga iyon. Eh, sinampal ko na nga siya kanina.

“What do you think?” Pinagtaasan ko pa siya ng kilay.

“I’m sorry.”

“Seriously, Raze? Magso-sorry ka lang sa akin?” Nakawawala talaga siya ng gana.

“What do you want me to do then?”

“Gusto kong makausap ang doktor mo. Hindi ko alam kung paano mo pa nagagawang makatayo ngayon. Ang alam ko ay malala ang tama ng bala sa ’yo. Dahil hindi ganoon dudugo ang sugat mo. Halos maligo ka na sa sarili mong dugo.”

“Do you think I’m not normal?” tanong niya, bahagya pang nakataas ang kilay.

Tumango ako. Mapakla siyang natawa, pero napahinto rin kalaunan. Napahawak na naman siya sa sugat niya.

“Hayan, tawa pa more.” Napangisi siya sa sinabi ko. “Well, normal ka namang tao. Ngayon nasasaktan ka na sa sugat mo, na dapat lang naman. But I’m serious. Dalhin mo ako sa doktor mo at kakausapin ko siya tungkol sa kondisyon mo, Raze. Huwag mong balewalain ang sinabi ko, dahil hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin.”

“Fine, fine wife. I surrender,” sumusukong sambit niya, napangiti na ako. Dahil this time ay ako na ang nanalo. “But before that, kumain ka muna.” Nabura ang ngiti ko sa labi.

“No!” Hinampas ko siya sa balikat, dahilan na napamura siya.

“That was hurt, Julliene. Darn it!”

“Iharap mo muna sa akin ang doktor mo, bago ako kakain, Raze!” sigaw ko, may kasama pang pagpadyak. Na talagang frustrated na ako sa ugali niya na ang hirap intindihin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top