CHAPTER 14

Chapter 14: Guns

TAMA nga ako ng aking hinala. Hindi na naman siya nagparamdam pa, at hindi ko na alam kung umuuwi pa ba siya sa bahay namin.

Ang nakasama ko lang palagi ay ang dalawang bodyguard ko. Kapag tinatanong ko sila tungkol sa boss nila ay wala naman silang matinong naisasagot sa akin.

And besides, normal para sa ’kin ang magduda. Feeling ko nga ay may itinatago ito sa akin. Lalo pa na hindi ko siya masyadong kilala. Pero ako mismo ang gumagawa ng paraan para kilalanin siya. Ayaw niya lang makipag-cooperate sa ’kim or maybe he’s just busy.

Napapitlag ako nang may pumisil sa pisngi ko. Napakurap ako nang ilang beses. Bumungad sa ’kin ang nakasimangot na mukha ni Ric.

“Akala ko ba seryoso ka na sasali ka na sa club namin, Julliene?” aniya. Natauhan naman ako.

Nandito nga pala kami sa club nila, kung saan dito sila nagsho-shoot sa mga kinukuha nilang estudyante para maging model. Iilan lang kami ang nasa loob at ngayon nga ay inaayusan niya ako.

Iyong uniform lang ang suot ko, may pinares siya sa ’kin na taga-HRM. Guwapo naman ito, halatang mayaman din. Matangkad at model type. Alam kong siya ang klase ng tao na titilian ng mga estudyante. Ngunit iba lang ako, dahil simula nga ng ikasal ako kay Raze ay siya na lang ang guwapong nakikita ko sa paningin ko. But I’m I’m telling the truth, iba naman talaga kasi siya.

Yeah right. Hindi na ito ang tamang oras para mahumaling sa mga lalaki, dahil may asawa na ako. Halata naman iyon sa suot kong singsing.

“I’m serious nga. That’s why I’m here na,” aniko. At napatingin ako sa kasamahan niya. Sa akin na pala sila nakatingin, higit na ang lalaking magiging partner ko.

“Julliene, right?” tanong nito, ngayon lang yata siya naglakas-loob na kausapin ako. Kanina ay tahimik lang siyang nagmamasid.

Tipid akong ngumiti. “Yes.”

“I’m Jael,” he uttered his name. I nodded.

“Nice meeting you,” sambit ko lang.

“Okay guys, Julliene is gonna be our new muse, then si Jael as usual ay escort palagi. Dahil alam ninyo naman ang height ninyo.” Umirap pa siya.

“Pres, baka naman iyong new face naman ang ipalit mo sa escort natin. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ni Jael?” May babaeng sumingit. Sa boses pa lang ay alam kong nagbibiro lang siya. Kasi natawa si Jael. Pabiro pa itong babatukan siya.

“Oh siya! Simulan na natin ang picture para matapos na tayo! May klase pa,” sabi ni Ric na may kasama pang pagpalakpak.

Hindi naman ako nakaramdam na parang na-out of place ako. Friendly iyong mga member ni Ric, mabait at maasikaso.

***

NAPAGOD ako sa photo shoot namin, dahil hindi naman ako sanay na kinukuhanan ng picture. Tapos kung ano-ano pa ang pose na pinapagawa sa amin ng photographer namin. Estudyante rin katulad namin.

“Ric, mauuna na ako sa classroom, ha?” paalam ko sa kaniya. Nag-thumps up agad siya sa akin.

Dinampot ko na ang backpack ko, kumuha pa ako ng mineral water. Pagkatapos ay tinungo ko na ang pinto.

Umiinom na ako ng tubig nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Jael.

“H-Hi, Julliene.” Nauutal pa siya. Nahuli ko pa ang pamumula ng leeg at  tainga niya, tapos nag-iwas pa siya ng tingin.

“Bakit? May kailangan ka ba?” nagtatakang tanong ko. Ngumiti siya at parang nahihiya pa.

“I want to ask you something, Julliene. Kung okay lang sana,” sambit niya, bakas sa mukha niya ang interes kung ano ba ang nais niyang itanong. Sasagutin ko naman siya king ano iyon, curious din ako.

“It’s okay. Go ahead,” pagbibigay ko ng permiso. Bahagya pa akong tumango.

He took a deep breath, mayroon pa siyang tiningnan sa kamay ko. Mas lalo akong naguluhan sa inaasal niya. Parang ang lalim agad ng iniisip niya.

“Totoo bang may asawa ka na, Julliene?” he asked. Tiningnan ko ang kanina pa niyang sinusulyapan. Ang wedding ring namin ni Raze.

Nag-angat ako ng ulo, at dahan-dahang tumango. “Yes, I’m already married.”

“Really? Iyon din kasi ang sabi nila, and I don’t want to believe it. Because look at you, masyado ka pang bata para magpakasal. Iniisip ko na baka...”

“Na baka nagsisinungaling lang ako na may asawa? For what? I don’t have any reason para magsinungaling kung wala man. Jael, I’m telling the truth. Kasal na ako, bago pa lang kami ng asawa ko,” mahinang paliwanag ko. Napahawak siya sa batok niya.

“Ha? Bago pa lang?” Napakamot si Jael at napapikit sandali, parang hindi makapaniwala. “Ang bata mo pa kasi. Nakapagtataka kung paano mo napagsabay ang pag-aaral mo, Julliene.”

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang inayos ang strap ng bag ko. “Hindi ko kailangang ipaliwanag sa ’yo kung paano ko inaasikaso ang buhay ko. Basta ang totoo, may asawa na ako, Jael. At ayokong paulit-ulit ko pang sabihin.” Hindi naman ako mukhang nagsusungit sa kaniya. Gusto ko lang sabihin sa kan’ya ang totoo.

Nagpaalam na ako sa kaniya, akala ko nga ay hindi na niya ako kukulitin pa. Pero hanggang sa uwian ay nakabuntot pa rin siya. Ayaw niyang maniwala sa sinabi kong kasal na ako.

Bago pa siya muling makapagsalita, bumusina ang isang kotse sa tapat ng gate ng school. Napalingon si Jael at ako rin. Bumaba ang bintana ng sasakyan. Si Raze, kita ko agad ang seryosong tingin niya habang hinahanap ako sa mga estudyanteng naglalabasan. Hindi pa niya ako nakikita. Ngayon ko lang napansin na kaya pala wala rito ang mga bodyguard ko. Siya pala ang darating.

Natigilan si Jael. “So… siya na ba ’yan?” tanong niya. Kung paano nalaman niya agad, marahil nakatingin nga ako roon.

Lumabas si Raze, nagtama ang mga mata namin at lumipat iyon sa katabi ko. Kitang-kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga at wala naman siyang ekspresyon sa mukha.

“Mauna na ako, Jael,” paalam ko sa kaniya. Hindi puwedeng magtagal pa kami rito. Lumapit na ako sa sasakyan ng asawa ko. At ramdam kong nakasunod sa akin ang dalawang pares ng mga mata, mga mata ni Jael at kay Raze.

Binuksan na nito ang pinto sa shutgun seat, ang tingin niya ay na kay Jael pa rin. Nasundan ko pa kung paano gumalaw ang ugat sa kaniyang braso.

Hindi siya agad sumakay, balak pa yata niyang titigan nang matagal si Jael.

“Raze, tara na,” wika ko. Hinila ko ang sleeves ng coat niya. Nagbaba siya ng tingin at bumuntong-hininga.

“Who is he?” malamig niyang tanong. I looked at Jael.

“Schoolmate ko. Si Jael, let’s go home, please?” Halos magmakaawa na ako sa kaniya.

Kaya niya sinabi sa ’kin dati na wala akong pagbibigyan ng number ko ay hindi lang dahil ayaw niya. Kasi ang totoo ay seloso siya.

“Next time, ayokong makita siya na magkasama kayo, Julliene,” malamig na saad pa niya. Napapikit pa ako nang marahas niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya.

Nakaiinis. Gusto pa talaga niyang ipakita iyon. Mas lalong magtataka si Jael kung paano kami nagkakilala at naging mag-asawa. Eh, ipapakita niya kung gaano niya ako tinatrato kahit naman hindi niya ako sinasaktan.

“Hindi kami magkasama,” paliwanag ko nang makasakay na rin. Malamig niya akong sinulyapan. Kulang na lang ay ikutan niya ako ng mata. “I’m telling the truth, Raze. Hindi talaga kami magkasama.”

“Did you give that man your contact number?” he asked coldly.

“Why would I even give it to him?” I fired back.

“Then why did he approach you?”

“He’s with me in the club I joined in our university. Ric paired us together for our photo shoot.”

“Which club did you join?” I sighed. Nasa interrogation room ba ako?

“Modeling.”

“What the hell did you do? And who the hell is this Ric? F*ck, I told you to stay away from men, Julliene!” Napapitlag ako nang hampasin niya ang manibela. Nanginginig agad ako sa kaba.

“W-Wala naman kaming ginagawang masama!” sigaw ko. Muntik pang pumiyok ang boses ko. Nanlalamig na ang mga palad ko, at ramdam ko rin ang malakas na pintig ng puso ko.

But come to think of it, sinadya ko rin naman na sumali sa club para lang inisin siya at mapansin niya ulit ako. Kaya heto na nga’t nangyayari na. Pero grabe na ang galit niya sa akin.

“Hinayaan kitang pag-aralin dito, basta susundin mo ang rules ko, Julliene. Pero hindi mo ako sinunod. Sumama ka sa ganoong klaseng club? Para ano? Para may mag-take advantage sa ’yo na hahawakan ka?!” Nag-aapoy na sa galit ang mga mata niya. Hindi ko akalain na ganito kalala ang mangyayari.

Kumuyom ang mga palad ko. “Wala akong nilabag na rules mo! Sumusunod ako sa ’yo at ikaw naman talaga ang dahilan kaya ako sumama roon! Hindi mo na ako pinapansin. Kaya ginawa ko iyon para inisin ka!” nanlilisik ang mga matang sigaw ko.

Mabuti na lang ay hindi ko agad kinabit sa katawan ko ang seatbelt. Nang mabuksan ko ang pinto ay agad akong bumaba.

“And where do you think you’re going, lady?!” sigaw niya at nagmamadali rin siyang bumaba. Pabagsak kong isinara ang pinto. Wala na akong pakialam pa kahit maraming estudyante sa labas, na puwede pang maging witness namin.

“Hindi ako sasama sa ’yo! Pabalikin mo na lang ang mga bodyguard ko. O kaya naman, sasakay na lang ako ng taxi!” Dinuro ko pa siya at napatakbo na ako para iwan siya roon.

“F*ck! Come back here, Julliene!” Hindi ko na siya pinansin pa.

Tatawid sana ako sa kabilang kalsada nang makita ko ang mabilis na pagharurot ng lalaking naka-motor. Nanlaki ang mga mata ko nang may inilabas siya mula sa likuran niya.

Tatakbo sana ako pabalik sa asawa ko nang may malakas na humatak sa akin, at parang sa mga movie ko lang napapanood. Ipinagpalit nito ang puwesto namin at nang nagpaputok ang lalaki ay natamaan ang taong mahigpit na nakayakap sa ’kin. Nawalan din kami ng balanse, pero nang bumagsak kami ay siya ang nadaganan ko. At mabilis niya ulit akong hinarangan para protektahan.

“No!” umiiyak na sigaw ko nang makita kong si Raze iyon. Hindi ko alam kung saan siya tinamaan. Basta sumuka siya ng dugo. Marami, marami iyon.

Kahit nakita ko kung paano siya nahirapan ay naglabas din siya ng baril at nagpaputok sa lalaki, na nagawa pa nitong huminto para lang tingnan kami.Narinig ko rin ang sigawan ng mga estudyante, natakot sa nasaksihan.

Sa muling pagbaril ni Raze sa lalaki ay bumagsak na rin ito. Doon ko lang nakita sina Kuya August at Kuya Aljor. Mabilis silang lumapit sa lalaking nakahiga na sa sahig. Tinadyakan nila ito upang hindi makawala.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa aking asawa. Mas lalo akong natakot, sa bandang tiyan niya. Doon siya natamaan.

Nanginginig ang mga kamay ko na inilapat ko roon sa sugat niya. Para sana mapigilan ang pagdanak ng dugo.

“R-Raze...” humihikbing sambit ko sa pangalan niya.

“I-I’m fine, let’s go home,” aniya. Pilit niya akong itinatayo. Kahit may sugat na ay wala pa rin siyang ekspresyon. Malamig pa rin ang mga mata niya.

Umiiyak na ako, dahil sa ginawa ko kanina ay napahamak pa siya at ngayon. Natatakot ako. Natatakot ako sa mangyayari sa kaniya.

“I’m sorry, Raze...” Halos lumabo ang paningin ko, kasi sunod-sunod ang patak sa mga luha ko.

Kasalanan ko, kasalanan ko ito, e. Kung hindi ako nagalit sa kaniya kanina ay hindi sana ako bababa. At hindi sana siya natamaan ng baril para lang protektahan ako.

Hindi ko sana mailalagay sa panganib ang buhay niya. Hindi sana mangyayari iyon.

“Don’t say sorry. Wala kang kasalanan,” malalim ang boses na saad niya. Nagawa na niya akong alalayan, kahit ako dapat ang gumawa no’n.

Dumalo sa amin si Kuya August at agad niyang inalalayan si Raze. Tumulong din ako kahit parang wala na akong lakas.

Pagkasakay namin sa sasakyan ay hinubad ko ang pang-itaas kong uniform. Naiwan lang ang puting sando ko. Idiniin ko iyon sa sugat niya. Ang mga kamay ko ay punong-puno na ng dugo.

“Sa hospital tayo, Kuya August!” sigaw ko, nasa driver’s seat na ito. Pinapaandar na nito ang sasakyan.

“No. Diretso sa bahay, August,” mariin na sabi ni Raze. Napaubo pa siya at wala siyang tigil sa kauubo, kaya lumalabas pa rin ang dugo sa bibig niya.

“Sa hospital!”

“Sa bahay,” pasaway na sabi niya. Tinitigan pa niya ako ng mariin.

“Mamamatay ka kapag hindi ka dinala sa hospital!”

“Then be it!” Sinampal ko siya sa pisngi. Napadaing siya dahil doon. “What was that for, Julliene?” Pahina nang pahina ang boses niya.

“Sino ang gagamot sa ’yo sa bahay ha?!”

“Y-You’re here. Gamutin mo ako.” Naghahalo na sa takot at inis ang nararamdaman ko ngayon.

“Hindi naman ako doktor, Raze! Estudyante pa lang ako!”

“Then let me die...” Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Kasi mas lalo akong nainis, napadiin na ang hawak ko sa uniform kong nakalapat sa sugat niya. Pilit na siyang lumalayo sa akin.

“Kapag namatay ka ibibigay ko ang number ko kay Jael!” banta ko. Dumilim lang ang ekspresyon ng mukha niya. Matapang na sinalubong ko lang siya ng tingin.

“Sa bahay pa rin tayo uuwi, Julliene,” wika niya. May pinalidad sa boses.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top