CHAPTER 9 : Thesis Days

A/N : Uunahan ko na kayo… Walang masyadong mga EXOZy moments sa mga next chapters. MyungZy muna. Namiss ko na si Myunggo e~ hehehe.

 

~~~

Xyla’s POV

“Aish! What the heck did you do? Ano ‘to? Do you think this would be good? Mali. Ulitin mo.” Sabi ko’t hinagis yung folder sa mukha niya.

 

“Eh paano, umuupo ka lang diyan. Bakit hindi mo kami tulungan? Paano namin malalamang mali at matatapos agad ‘to kung dalawa lang kaming gumagalaw?” Reklamo ng Creature na ‘to. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kinuha ko yung folder sa ilalim ng mesa at ibinato sa kanya. Nasalo niya naman yon.

 

 

“Yan ba ang walang ginagawa? Check that. That’s what I did for our proposed study. Pinaparesearch ko lang kayo para kung sakali ay mas marami tayong impormasyon. Kaya wag mong sabihing I don’t do anything. Remember what I told you before? I said I need cooperation. Why would the hell I say those words kung ako mismo hindi gagalaw? Tss. Stupid.Kumain nalang ako’t tumutok sa laptop ko. Bumili pa ako ng bagong laptop para may magamit ako dahil hindi ko pwedeng bitbitin yung nasa palasyo dahil ang daming files doon about Laurene myself.

 

 

“Xandria, its mid November, wala pa tayong nagagawa.” Biglang sulpot ni Nerdy na kalalabas lang sa computer room. Umupo siya kaharapan ko’t hinila ang pagkain at sumubo. Umupo rin yung Creature at sinuri yung folder na binato ko sa kanya.

 

 

“Oy, ano yan Khier? Patingin nga.” Di ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagtutok sa laptop ko. I’m doing our presentation.

 

“WHAT THE F***!” Napatingin ako bigla kay Nerdy.

 

“I don’t know that a nerd like you can say that word.” Napakahinhin niya tapos ganon?

 

 

“Ito na ba? Ito na yung docu natin?!” Tiningnan ko lang siya habang hinablot sa mga kamay ni Creature yung folder. Parang napapangiti pa siya. Bigla siyang tumayo at tumakbo palapit sakin at bigla akong niyakap.

 

 

“Oh my gee Xandria! Akala ko wala pa tayong nasisimulan pero natapos mo na ang documentation! Sure na akong gagraduate tayo!” Saad niya na halos mangiyak-ngiyak pa yata.

 

 

“Sino bang nagsabing hindi tayo gagraduate? Pwede ba? Bitawan mo ako’t nasasakal ako!” Inalis ko siya at masayang-masaya siyang nakatingin sa folder na may lamang makapal na documents. Wala naman akong nagagawa paminsan-minsan kaya ginawa ko nalang para mas magkaroon kami ng mahabang oras sa pagpreprepare ng lahat ng bagay. I close the lid of my laptop and stood up.

 

 

“And because we’re finish with our docu, I need you two to do more research for some more information. Much information, much better. But… we’ll proceed at my next plan.” Kinuha ko yung marker at binilugan yung nakasulat sa whiteboard. I look at them both.

 

 

“We’ll make our proposed product.”

 

 

Allaine’s POV

“Ugh! Ang sikip! Doon nga kayo! Ano ba?!”

 

“Wag mo kasi akong itulak! Pano tayo magkakasya kung panay galaw mo?!”

 

“E bakit dito ka kasi nahiga?! Doon ka sa sofa! Alis!”

 

“Bisita ako! Dun ka sa sofa kung gusto mo!”

 

“Aba’t! Napaka mong Creature ka a?!”

 

“Napakagwapo ko? Sus! Matagal ko ng alam.”

 

“NapakaKAPAL mong kumag ka!” Nagtakip nalang ako ng tenga ngunit nagulat na lamang ako ng saluin ako ng sahig. Walangya naman o.

 

 

“ARGH! Magpatulog kayo pwede?! Pano ako matutulog kung ang ingay-ingay niyo?!” Natahimik tuloy silang dalawa. Kinuha ko yung unan at hinatak yung kumot sa kanila’t dumiretso sa sofa at doon nahiga.

 

Nagovernight kasi kami dito kina Auntie. MakaAuntie ano ho? At dahil wala silang guest room ay dito kami sa kwarto ni Xandria natulog. At Jusko. Pagod na pagod ako’t na dehydrate lahat ng energy ko sa katawan tapos ‘tong dalawa akala mo kung sinong mga hyper. Mula kaninang umaga pa sila nagmumurahan at at nagbabangayan at ako naman ‘tong audience na pinapanood lamang sila.

Di ko nga alam bat napasali ako sa grupong ‘to e parang baliw ‘tong dalawang kagrupo ko. Di ko tuloy alam kung gagraduate pa ba ako. E wala nang ginawa yung dalawa kundi magharutan, este, magbangayan. Napayapa ako ng manahimik sila. Gravity. Akala ko hindi na ako makakatulog e. Dazed off na ko…

 

 

“Pvnyeta! Alis!”

 

“Aray! Makasipa ka! Gusto mong ibalibag kita?!”

 

“Ibalibag mo your face! Doon ka sabi!” Nangunot ang noo ko.

 

“Aray! Tama na Xandria! Ouch!”

 

“Alis! Alis! A--”

 

 

“Pvt^ngn^ naman kayong dalawa o! Kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo! Mula umaga, tanghali, at hanggang gabi ba naman?! Mineryenda niyo na yang away niyo hanggang pagtulog ba naman away parin?! Mga bwisit! Nakakaletche kayo a?! Arghhh! Diyan na kayo! Peste!” Lumabas ako ng kwarto bitbit ang unan at kumot at bumaba sa sala’t natulog sa carpeted floor. Now that’s silence. Napangiti ako. All I want was to sleep for fvcking sake. Di magtatagal, mabubuang ako sa dalawang yon.

 

 

Khier’s POV

“Ang ingay mo kasi!” Sabay hampas niya sa mukha ko ng unan.

 

“Aray! Namumuro ka na a?!”

 

“O tapos?! Get out of my bed Creature! Dun ka sa sofa!”

 

 

“Ayoko! Dun ka sa sofa! Dito ako!” Kinuha ko yung nahulog na unan sa sahig at pinagpag bago tumalon sa kama’t humiga. Panay sipa niya lang sakin. Bahala siya diyan. Matutulog na ako.

 

 

“Bwisit ka talaga! Umurong ka don! Wag mong sakupin yung kama ko! Mahiya ka naman, pwede?!” Haay… ang ingay ng babaeng ‘to. Para siyang si Karren. Di na nga ako makaligtas sa talak ng bunganga ng kapatid ko, pati ba naman dito? Di ko na siya sinagot pa. Pagod ako. Gusto kong matulog.

 

Natigil narin siya’t hindi na gumagawa ng ingay. Yan. Dapat ganyan. Tahimik. Minulat ko yung mga mata ko. Tulog na kaya ‘tong katabi ko? Umikot ako para harapin siya’t bahagya nalang akong natawa.

Pano ba naman, yung kalahating katawan niya lang nakahiga sa kama. Yung binti niya nasa sahig na’t nakalungayngay yung braso niya. Pagod na pagod narin ata kaya mabilis nakatulog.

Nailing nalang ako’t dahan-dahan siyang binuhat at inayos sa pagkakahiga. Hinatak ko yung kumot para kumutan siya. I lay down beside her. Tinukod ko yung siko ko’t pinagmasdan siyang mabuti. Hinawi ko yung hibla ng buhok niyang nakatakip sa noo niya. Tumagilid siya’t humarap sakin kaya humiga ako’t pinagmasdan siyang mabuti.

“Hoodlum.” I mumbled and smiled. I touch her cheeks with the back of my palm before flicking her forehead.

“Xandria… why you’re doing this to me?”

Bel’s POV

“Hmmm… Lalala lalala… Hmmm---” Napahinto ako’t bumalik. Ano ‘tong Nakikita ko? Hilig talaga nilang mageavesdrop ano? Napailing nalang ako’t dahan-dahan silang nilapitan.

 

 

“Shhh… wag kayong maingay. Hindi ko marinig sa loob.”

 

“Kris ano ba?! Bumaba ka nga ng konti! Halos sakupin mo yung pinto eh!”

 

“Pasingit naman oh!”

 

“Di ka na kasya Sehun, doon ka nalang!”

 

“Lu, ano ba?! Umurong kayong konti!”

 

 

Gusto kong matawa sa mga ‘to. Kung makikita niyo lang ang mga itsura nila at kung paano nila idikit ang mga tenga nila sa pinto. Kung may mga kamay lang ang pinto, kanina pa nasapak ‘tong mga ‘to. Lumapit ako ng hindi nila nahahalata at tinutok ang tenga ko sa pinto.

“Wahahahaha! You’re so pathetic Khier!”

 

“Don’t laugh so hard Xandria. Pati ikaw Allaine.”

 

“Hahahaha! Tama na! Ayoko na! Tigilan niyo nang dalawa yan! Hahaha!

 

 

Hmmm… ano kayang nangyayari sa loob? Tiningnan ko ‘tong mga lalaking ‘to at parang hindi nila ako napapansin. Hinawakan ko yung doorknob at binuksan kaya lahat sila, natumba. Nakita kong nagulat yung tatlong nasa loob.

 

 

“Sorry to disturb you all. May gusto atang sabihin ‘tong mga ‘to.” Tiningnan ko yung labindalawang nag-unahang tumayo at pagpagan ang mga suot nila.

 

“Talk.” Xyl said and eyed at the boys samantalang ako ay tinitingnan yung tatlong nasa loob. Library pa ba ‘to? Ang daming papel na nakakalat sa sahig tapos… yung itsura nilang tatlo… ang lalaki ng eyebags tapos may mga eyeliner. Adik ba sila o ano?

 

“Uhh… itatanong lang namin kung nagugutom ka na Xyla…” Nagkatinginan lang yung tatlo.

 

“Are you two hungry?” She asked her groupmates and they nods.

 

“Let’s go. Let’s eat first before we continue.” They all stood up and when I look at the boys, they are giving Khier a death glare. Wooohh… selos lang ‘tong mga ‘to eh. Paano wala ng time si Xy-Xy sa kanila. Buhos na buhos kasi ang atensyon niya sa mga kagrupo niya. Pababa na kaming lahat ng hagdan pero ramdam ko yung tension sa paligid.

 

 

“Sira. Sigurado akong tayo ang magfifirst. Pustahan tayo?” Aba’t may nanalalaman ng pustahan si Xyl ngayon ah? I keep listening to their conversations.

 

“Sige. Kapag tayo ang nagfirst, ililibre ka ni Khier.”

 

“Bakit ako? Kayong dalawa ang nagpupustahan tapos masasali ako?” Nakakatuwa ang lalaking ‘to. Di kaya kawawa ‘to sa dalawang babaeng ‘to?

 

“Alam mo kasi Creature, makisama ka nalang. If we’re not held as the best in thesis, then I’ll treat you two to Paris.”

 

“Woah! You heard that Khier?! Paris! Oh my gosh! Paris baby~ I want to go there!”

 

“Then let’s not continue this so we can all go to Paris.” Xyl hit his head.

 

“Then find your own group.” Khier chuckled and encircled his arms on Xyl and Allaine’s shoulders.

 

 

“I’m just kidding ladies. Pababayaan ko ba kayong hindi makagraduate? Of course I’ll do my best. If we’re held as the best in thesis, I’ll take you both to Baguio.”

 

 

“Wow lang. Ako, Paris, international, ikaw local lang?” Xyl said.

 

“Di naman ako kasing yaman mo.”

 

“Ayos na yun Xandria. Saka, di ka pa naman nakakapunta ng Baguio di ba? May townhouse kami dun. Dun nalang tayo non tapos maglibot tayo sa Burnham Park at mamitas ng strawberries. Di ba may farm kayo dun Khier?”

 

“Uhuh.”

 

“Mark your word Creature.” She said and Khier nods. I saw Xyl put her hand on his waist.

 

“I love you for being in our group then. Kung ganyan ka, magkakasundo tayo.” Omo~ I can feel sharp glances here… Xyl don’t do that. Mag-aapoy yung bahay.

 

 

“Ehem, ehem…” Dinaanan ako bigla nina Lay, Luhan at Sehun at hinapit ni Luhan si Xyla sa bewang palayo kay Khier. Habang sina Sehun at Lay ay sinamaan ng tingin ang kaawa-awang lalaki at pumagitna sa kanilang dalawa. Napailing nalang ako.

 

 

“Xyla, busy ka ba bukas?” Napatingin ako kay Lay na nakatutok lang sa pagkain niya. Tiningnan ko lang si Xyl. Anong isasagot niya?

 

“Actually… yes. We’re going to the wet market tomorrow to buy some ingredients for our product.”

 

“Wet market?” We all asked in cue. Tumango lang siya.

 

“We need to make it cheap so we’re not spending much money.”

 

“Sasamahan ka namin.” Kris said happily.

 

“But I have company. I’m with my group right?”

 

“But we can help you.”

 

 

“No need. Kaya na namin ‘to. Magpahinga nalang kayo.” I look at the boys and their faces can’t be paint. They all gaze at the innocent Khier who was eating peacefully beside Allaine. Kris was seated facing Auntie. I think these boys were longing for Xyla’s attention that was been given to her group.

 

~~~

A/N : Aww… miss niyo na ang NOBXy (No Ordinary Boys x Xyla) Moments? Di bale, puro sila na nga lang sa season 1 and 2 e.Pagbigyan muna natin ang XanIer.

 

Baka matagalan na ulit updates. Busog naman kayo sa updates ngayon e~ hehehe~ Tambak na nga yung mga iaupdate ko. Gusto niyo, i-post ko na lahat? Hahaha~ Kidding. ^^,V

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: