CHAPTER 7 : Groupings

A/N : Naege Saengil Chukhahamnida~ Nadagdagan na naman ng isang taon. Tumatanda na akey~

~~~

Xyla’s POV

Di ko kaklase kahit isa sa anim ngayon at yung mga original classmates ko talaga ang mga kaklase ko ngayon. Pag-uusapan daw namin yung about sa thesis para ngayon palang ay makapagsimula na kami. October palang ngayon at nakakadalawang linggo na ako dito with these middle class. We have four remaining months para paghandaan ang thesis namin.

 

 

“So I was saying, I will be grouping you into three members each.” The professor said in front. Mga prof ko, hindi ko pa lahat kilala. Nakakahiya yatang malaman ang mga pangalan nila at ayaw nilang sabihin sakin. He keeps announcing names at di ko pa naririnig ang pangalan ko.

 

 

“Xandria Salvador, Allaine Maniago…” Nagkatinginan kami ni Nerdy at napangiti siya. Sana maayos yung isa pa naming magiging kagrupo. Yung hindi pabigat at lalong hindi sakit sa ulo. Yung hindi lalaki at hindi yung barumbado. Yung hindi mayabang at hindi tulad ni Pathetic Creature. At sana, hindi si Pathetic Creature.

 

 

“And Khier Natividad…” Napangiwi ako. Bakit naman ganon? E lahat ng sinabi ko, description niya lahat yon. Bakit ang saklap ng buhay? Kacourse at kaklase ko na nga ang Creature na yon, hanggang sa groupings, siya parin ba? Ang laking salot sa lipunan. Nilingon ko siya’t ngumisi lang siya. I furrowed my brows and raise my hand.

 

 

“Yes Ms. Salvador?”

 

“Sir, pwede bang kaming dalawa nalang ni Nerdy, I mean ni Allaine?” Kumunot nalang ang noo niya.

 

“Hindi pwede Ms. Salvador.”

 

“Then I’ll solo my thesis.”

 

 

“You can’t Ms. Salvador. If you have problems with your groupmates, then that’s your problem. Just set that aside and plan on what you’ll do. That’s all. Class, dismiss.” He said and gets his things and go straight outside. I clench my fist and hold my forehead.

 

 

“Xandria, ayos lang yan.” Sinamaan ko ng tingin si Nerdy.

 

 

“For you it is but for me, it isn’t.” Kinuha ko yung bag ko’t tumayo at didiretso na sana palabas pero biglang may umakbay sakin. Pagtingin ko, sumalubong yung mukha ng nakangiting aso na halimaw na nilalang. Ano kayang kamalasan ang ibinato niya sakin at kailangan siya pa?

 

 

“Looks like you’re stuck with me, Hoodlum.” He said and smirks. I gave him the deathliest glare I could give. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas kami at nakaakbay parin siya.

“Remember this Pathetic Creature, we are a group in the eyes of everyone but I’ll make it clear to you that we are individually having our thesis. I’ll tug Nerdy with me but I’ll make it to you that I’ll kick you out of my life.” Siniko ko siya at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Kabanas ang umagang ‘to. I thought I would be having a peacefully and good morning pero dahil sa balitang yon ay mukha akong nalugmok sa kasiraan ng buhay.

Pumasok na ako sa next subject namin at nakita kong wala parin sina Chen. San na kaya yung mga yon? Umupo nalang ako sa likod at tumutok sa harap. Nakita kong humahangos si Nerdy na pumasok at umupo sa harap ko.

 

 

“Ang bilis mong maglakad. Ang hirap mo tuloy habulin.”

 

“Sino bang nagsabi sayong habulin mo ako?” Asar kong tanong sa kanya. Umiling-iling lang siya at humarap na sa board. Wala pa yung prof. Nakakairita talaga oh!

 

“E kung hindi ka ba naman gaga?! Bakit mo kasi hindi ginawa? Ano bang pinagkaabalahan mo e ang laki ng oras mo kahapon ha?!”

 

“E~ Sorry na kasi. Pakopyahin mo nalang ako pwede? Nalimutan ko nga kasi.”

 

 

“Hmmp! Kung hindi lang kita kaibigan naku! Tatamaan ka talaga sakin Mey!” Tinignan ko lang ‘tong dalawang babae na umupo sa pwestong inuupuan nina Kyungsoo at Chen. Kung makapag-away kala mo walang ibang tao dito.

 

 

“O! Dalian mong kumopya’t baka masapak kita!” Haay… sinaksak ko nalang yung headset ko saka dumukmo pero wala akong pinapakinggan. Nagbabakasakali lang ako na pagtinakpan ko ang tenga ko’y mabawasan ang ingay na naririnig ko.

 

 

“Asan na nga pala yung notebook na hiniram mo sakin?”

 

“Uhh…”

 

“Mey.”

 

 

“UGH! Don’t tell me pinahiram mo na naman ang notebook ko?!” Bwisit. Napaayos ako ng upo ng halos matulak yung upuan ko. Tinignan ko yung dalawang maingay at sinamaan sila ng tingin.

 

 

“You know what? If you can’t shut your mouths, better tape them.”

 

“Sorry.” Sabi nung isa pero tinaasan lang ako ng kilay nitong isa.

 

“Aba Miss. Kaya nga may bibig tayo para magamit natin.”

 

“Magamit sa pagkain at pagsasalita, hindi sa pagbubunganga.” Dugtong ko sa sinabi niya.

 

“Xyla, may problema ba dito?” Napaharap ako sa mga bagong dating.

 

“Aba’t! Nasa sayo na naman yang notebook ko?! Akin na nga yan!” Sabay hablot nung mabungangang babae sa notebook na hawak ni Kyungsoo.

 

“Aba! H-hoy Miss! Bakit andito ka?” Sabay tago ni Chen sa likod ni Kyungsoo. Ano? Takot lang siya sa babaeng ‘to?

 

“Because I’m in this class! Gusto mong tamaan ulit ha, babang malapad?!”

 

“Uy. Tresh. Wag kang gumawa ng eskandalo dito.”

 

 

“Isa ka pa e! Ilang ulit ko bang sasabihin na wag mong ipapahiram kahit kanino ang mga notebook ko?!” Gosh! The mouth of this girl. Gusto ko ng sulsihin yung bunganga niya. I massage my temple. Di pa nga ako makaget-over dun sa groupings, sumasakit lalo ulo ko sa ingay nila.

 

 

“Bat ba ang ingay-ingay mo ha?” Tanong ni Kyungsoo. Isa pa ‘tong mga ‘to e. Pinapatulan pa nila.

 

“Oo nga. Tumahimik ka kahit minsan lang. Porket kaharap mo lang si Kyungsoo, gumaganyan ka? Saka, lugar namin yan kaya pwede, umalis kayo diyan?” Sang-ayon pa ni Chen.

 

 

“H-hoy! Ang kapal niyo rin ano?! Pag-aari niyo ba ‘tong mga upuan na ‘to?! E nauna kami dito e! At bwisit! Wala akong pakealam kung nasa harap ko yang alienatic-owl na yan! Kung pwede nga lang mag laho kayo sa harap ko mga bwiseet!”

 

 

“Treshia, wag ka ng makipag-away. Kumalma ka pwede?”

 

“Kalma?! Kalma mo yang sarili mo Mey! Di uso kalma kalma sakin!”

 

“Can you please shut the fvck up?! All of you! SHUT UP!” Sigaw ko sa kanila kaya natahimik silang apat at napatingin lahat sa amin. I stood up.

 

 

“Wala kayo sa korte mga letche kayo! Nasa classroom kayo. You’re all a student so, act like one. And you!” Sabay turo ko dun sa bungangerang babae na medyo nagulat pa yata.

 

 

“That’s only a note. Hindi niya naman kinuha a? Pinahiram sa kanya. At tigilan mo yang kakatalak mo. Kababae mong tao, ang ingay-ingay mo.”

 

“At ikaw.” Sabay turo ko pa dun sa isa.

 

“Wag mong ipahiram sa iba ang hindi iyo. Naiintindihan mo?” Tumango-tango siya.

 

 

“At kayong dalawa, marami pang bakanteng upuan. Hindi naman kayo ang nauna kaya pwede ba? Magparaya nalang kayo? Mga bwisit. Sinisira niyo ang araw ko!” Saktong pagkatapos kong pagsalitaan ‘tong apat e siyang pasok ng Prof namin.

“O, mga nakatayo pa kayong apat? Sit down now and we’ll going to have an activity.” I heaved a sigh and sit down. Bwisit. Sa lahat ng ayaw ko yung maingay. Gusto ko ng katahimikan. Ambassadress ako ng Silency alam niyo ba yon? Kung hindi, pwes alam niyo na ngayon.

 

 

“Jung, Natividad, Canlas, Maniago and Salvador.” I heard my surname but I don’t know what’s the purpose of announcing it together with the other surnames. Nagulat nalang ako ng magform into circles ang ilan at nagtayuan yung iba.

Then Nerdy, the two girls earlier and the Pathetic Creature pulled their chairs and form a circle together with me.

 

 

“Anong meron Nerdy?” Tanong ko.

 

 

“Group activity daw sabi ni Sir.” Anak ng… hanggang sa group activity ba naman dugtong parin sa buhay ko ang Creature na yan? I look at him and he gave me that absurd smirk of his. I was just looking at him with stern face. Bwisit siya. Bwisit.

 

 

“Now work with your group.” Ni wala akong naintindihan sa sinabi ni Prof dahil walang pumasok ni isa sa utak ko. Kung meron man, hindi naaabsorb ng utak ko.

 

“Xandria, anong gagawin natin?” Tanong ni Nerdy.

 

“Ewan ko. Matalino ka, bat di mo gawin?”

 

“Group activity ‘to kaya magtulungan tayo, pwede?”

 

 

“Talaga? E bakit yung kumag na yan, feeling handsome lang na nakaupo diyan?” Walang gana kong turo sa Creature na nakahawak sa baba niya’t nakatingin sa board at nakadekwatro pa.

 

 

“Hoy Feliz Natividad! Kung wala kang maitutulong, lumayas ka pwede?!”

 

“Ms. Canlas, I said do your activity quietly kung ayaw niyong maminus kayo.”

 

 

“Treshia, tumahimik ka kasi.” Sitsit nitong katabi kong isa dun kay Treshia. Halata naman na sigurong Treshia ang pangalan niya. Yun ang tawag sa kanya di ba? Alangan namang itanong ko pa. Umusog si Creature at talagang sa harap ko pa pumwesto ang g^go.

 

 

“Anong maitutulong ko?”

 

“Get out of ma face. That’s what you can help.” Nagduet pa kami ni Treshia. May galit din ata ‘to kay Creature. Bahagya lang natawa ang kumag.

 

 

“Tignan ko nga.” Hinablot niya yung papel kay Nerdy saka binasa. Titig lang ako sa kanya. Not-so-thick eyebrows, not-so-long eyelashes, tall nose, white skin, messy black  hair… thin kissable pink lips… a perfect feature… for a Creature.

[A/N : Tekaaaa! Nalaglag ata ang puso ko! KYAAAH! Kinikilig ako! Bakit hindi pa maging totoo ang MyungZy for real?! Suzy-ah~ si Myung-Myung nalang tutal gustong-gusto ka niya!]

Nagkamot siya ng kilay tapos tinignan ako. Di ko inalis pagkakatitig ko sa kanya. Nagtitigan lang kami’t nanatili kaming ganon.

 

[A/N : >>>> See multimedia. Kung ganyan ba naman ang tumitig sayo, ewan ko nalang kung di pa matanggal yang baga't eggcells mo XD]

“Ehem! Ehem! Ehem! Akin na nga yang papel at baka wala tayong matapos dito.” Kung hindi lang umepal ‘tong si Treshia, matatalo ko sa titigan ‘tong Creature na ‘to.

 

“Hand it to me.” Sagot ko’t inabot yung papel at tinignan. Hmm… madali naman pala e. Sinagutan ko na yon at ibinigay sa kanila.

 

“Write the names and pass it.”

 

“Woah… nasagot mo ng ganon kadali?” Manghang-manghang sabi nitong… sino ba ‘to?

 

“Uwaaah~ sayo nalang ako kokopya lagi. I’m Meylixxa Jung. Let’s be friends.” Sabay shake hands niya sakin. I get my hand.

 

“If you want to be my friend, then prove to me that I can trust you.” Sorry, but I do have a problem regarding trust. Mahirap na.

 

“Hoy Mey! Ganon nalang yon? Nakahanap ka lang ng mas matalino, parang wala nalang ako?”

 

“Grabe ka naman Tresh. Kahit mali-mali mga sagot mo minsan, iniwan ba kita?”

 

“Panong hindi mo ako maiiwan e ako lang nagpapakopya sayo. Bopols ka ba?” Ayan na naman silang dalawa.

 

“Just shut up and pass the paper.”

 

“O. Ipass mo yan ng magkasilbi ka naman.” Sabay abot ni Treshia ng papel kay Creature.

 

“Oo na. Tch. Girls.”

 

“Treshia, why you’re acting like that towards Creature?” Di ko mapigilang hindi itanong.

 

“Creature?”

 

“That Natividad.”

 

 

“Hahahahaha! Creature?! A monstrous stupid Creature! Wahahahaha! Tama yan! Ahahaha! E bwisit yang lalaking yan e! Kung pakabugin yung sounds sa bahay nila, kulang nalang magparty yung buong subdivision namin! G^go talaga!”

 

 

“Ms. Canlas and company, if you’re done, get out now!” Nagtinginan lang kami’t kinuha ang mga gamit namin saka dire-diretsong lumabas.

 

 

“Hahahahahaha! Nakita niyo yung itsura ni Sir? Walastek, ang panget!” Bahagya akong natawa’t nakigaya narin yung dalawa. Makapanlait naman ‘tong babaeng ‘to. Pasalamat siya, maganda siya.

 

 

~~~

A/N : Hmm, mukhang nakahanap ng mga kaibigan ang ating bida. Khier and Nerdy as Xyla’s thesis groupmates, ano kayang mangyayari?

 

Bakit everytime na may MyungZy moment, kilig na kilig aketch? Imagine na imagine ko yung scenario lalo na yung titigan moment. Letch.

HashTagKilig2DaBones  ~(•ᴖ  ͜    ᴖ•)~

 

Gusto ko kayong lahat isali sa story guiz. Namili lang kasi ako nung mga ipapasok ko sa storya dahil nainspire ako sa mga pangalan nila noong panahong wala na akong madukot sa isipan ko. XD. Di bale, bibigyan ko kayo ng mga Cameo PAG sinipag ako hehe~

 

SPECIAL OUTCASTs:

@TreshiaAbrigoas Treshia Canlas

@meylixxaas Meylixxa Jung

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: