CHAPTER 65 : End?

Xyla’s POV

Medyo nakakalayo na ako pero hindi parin siya tumatayo doon at lumakas ang buhos ng ulan.

 

“Sehun what the hell are you doing?!” Napakahina niya’t mabilis siyang lagnatin. I remember when they played in the rain. Nahirapan ako sa pag-aalaga sa kanila noon.

 

 

“No.” Hindi ako pwedeng bumalik. Hindi. Kailangan kong umalis. Kuya Zhayb is waiting for me. I need to leave. Itinuloy ko ang kotse pero andon parin siya’t wala atang balak umalis. I hit the wheel.

“D^mn!” Kalagitnaan na ng gabi’t walang masyadong dumadaang kotse. Paano nalang kung mapahamak siya? Paano nalang kung may masama siyang gawin? Kinakain ako ng konsensya ko. Bahala na. Binalikan ko siya’t binusinahan. I get out of the car and ran towards him.

“Sehun ano ba?! Magpapakamatay ka ba?! Bumalik ka na!” Basang-basa narin ako.

 

“L-lala… hi—hindi ako… babalik nang hindi ka kasama.” Nanginginig niyang sabi.

 

 

“Bakit ba napakakulit mo? Ano bang hindi mo maintindihan? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Pagod na pagod na ako Sehun. Pagod na pagod na ako kaya please…” My tears fell together with the drops of the rain.

 

 

“Wag mo na akong pahirapan. Bumalik ka na... Please...” Ilang minuto pa akong nakatayo na nakatingin sa kanya. Slowly, he stood up and looked at me with his puffy eyes. He smiled forcedly at di ko mapigilang hindi maiyak.

 

“Kung yan ang gusto mo.” He said with his trembling voice before turning his back. Nagpapasalamat ako sa pagbuhos ng ulan dahil kahit paano ay natatakpan niya ang mga luhang inilalabas ko. I smiled weakly.

“Goodbye… Sehun…” I wipe my face and was about to turn my back but then…

 

“SEHUN!”

 

 

---

 “Ma’am, tapos na po.”

“Salamat. Uhh, teka. Pwede bang pahingi ng gamot?”

“Yes Ma’am, ihahatid ko nalang po.” Tumango ako’t umalis na yung lalaking hotel staff.

Pumasok na ako sa loob at isinuot ang bathrobe at isinampay ang mga damit ko. I sat on the sofa and look at him.

“Bakit ba napakag^go mo?” I sighed. Nilapitan ko siya’t inayos ang pagkakakumot niya. I brush his hair.

“Kung bakit rin ba napakahina mo?” Tumayo ako’t lumabas ng balkonahe. I dialed Kuya Zhaybs number and he picked it up after two rings.

 

“Kuya. …” Nilingon ko si Sehun.

 

“May nangyari lang. … Hindi. Ayos lang ako. Malelate lang ako. … Tutuloy ako Kuya.” Napatango ako sa tanong ni Kuya Zhayb.

 

“My decision’s final. I’ll leave.”

 

 

Sehun’s POV

Ang lamig. Ang lamig-lamig.

 

“Sehun… uminom ka muna ng gamot.” I open my eyes a little and I can see things blurred.

 

“Lala…”

 

“Help yourself Sehun. Hindi ako palaging nasa tabi mo.” She helped me sit and I drink the medicine she gave me.

“Magpahinga ka na.” I blink several times hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. I hold her hand before she could stand up.

“Wag mo akong iiwan… please?” Tinitigan niya akong mabuti bago bumuntong hininga.

 

“Magpahinga ka na Sehun.” Bago pa siya makaalis ay niyakap ko siya agad.

 

“Lala please… wag mo akong iiwan.”

 

“Sehun…” Binitawan ko siya’t tinignan.

 

 

“Please Lala… please…” She averted my gaze but I was still holding her hand. Lala… By then she looked at me and get her hand and hold both my shoulders and make me lie down again. Gusto kong maiyak. Hindi niya naman ako iiwan di ba?

She smiled at me softly and brushed my hair.

 

Just close your eyes… you’ll be alright...”I smiled a little and close my eyes. I remember that night she sang that song to me.

 

“Come morning light…. you and I‘ll be safe… and… sound…I felt a slight kiss on my forehead. I open my eyes again and hold the side of her head.

 

I look at her eyes and move my head closer to hers until our nose touch each other’s and my heart starts racing oddly.

 

“I---I love you… Lala…”

 

 

Xyla’s POV

“Here’s the room key. Kayo na pong bahala sa kanya.” Tinignan ko si Butler Saff.

“Nasundan po ba kayo?” Umiling siya’t bahagya akong nakahinga.

“Ms. Laurene.” Napatingin ako kay Butler Saff.

 

“Mag-iingat ka hija.” I smiled at di ko napigilang hindi siya yakapin. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

 

 

“Wag mong pababayaan ang sarili mo. Wala ako sa tabi mo para protektahan ka. Pero kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako. Kahit gaano kalayo, pupuntahan kita.” I sniff and nod. Kumalas na ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko.

“Kayo na pong bahala kina Mama at Papa lalong-lalo na kay Xytee. Pakitignan niyo narin po sina Xylo at Xylene at kung maaari…” Dinukot ko ang mga sobre sa bulsa ko.

“Ipakibigay niyo po sa kanilang lahat yan. Baka… baka hindi na kaming lahat magkita o… kung pagbigyan ng pagkakataon… sana… makabalik pa ako dito.” Napayuko ako ng hawakan ni Butler Saff ang ulo ko. Naiyak tuloy ako.

“Magtagumpay ka sana sa gagawin mo. Wag mong kalilimutang andito lang ang Pinas at bukas palad kang tatanggapin.” Muli akong tumango’t nagpunas ng luha. I heaved a sigh before letting out a force weak smile.

 

 

“Kapag nagising po siya… pakisabing… pakisabing wag niya na akong hihintayin…”

 

 

“Xandria?” I came back to senses and looked at Kuya Zhayb.

“Andito na tayo.” I look outside and sighed.

 

“Sigurado ka na ba talaga? Pwede ka pang magback-out.” Natagalan bago ako makasagot. I shook my head.

 

“I’m sure about this Kuya. I’m really sure.”

 

“Whatever happened, I’m always here for you. Susuportahan kita sa lahat.” Bahagya akong ngumiti at tumango bago kami lumabas ng kotse.

 

“Ayos ka lang?” Inalalayan ako ni Kuya Zhayb sa paglalakad. Parang ang bigat-bigat ng paa ko. I looked back for the last time.

 

Mukhang huli na ‘to. Sadyang ganito na yata talaga ang storya ng buhay ko. Sa huling sandaling pagtapak ko dito, ibabaon ko lahat ng alaala ko kasama kayo.

*recalling about all those memories happened*

[A/N : While reading, samahan niyo si Xylang balikan ang lahat ng alaala mula sa simula. Sa unang pagtungtong niya sa bahay ni Yaya Paz, sa unang pagkilala niya sa bawat isa sa kanila, sa unang paghalakhak niya, unang mga kaibigan, unang kabog, unang kilig, unang pag-ibig, unang kasawian, lahat ng unang mukhang ngayon ay matutuldukan na. Naaalala niyo na ba? :’( ]

The first time I step on Yaya’s house. The first time I met them. The first time I’ve been with them. The first cooking I made for them. The first time na naranasan ko kasama sila. Yung mga tuwa, saya, lungkot, iyak at hinagpis. Lahat kayo na nanatili sa tabi ko. I won’t forget each and every one of you. I’ll keep and treasure you together with those memories I made na kasama kayo.

I’m sorry Mama, Papa, Xytee, Xylene… Xylo… I’m sorry everyone… I’m sorry Sehun and… goodbye.

“THE END.”

 

~~~

A/N : Ito lang masasabi ko… Naiiyak ako, letch! Hindi ko alam kung habang binabasa niyo yung last part e naaalala niyo yung mga nangyari mula simula hanggang dito pero kasi ako, naiisip ko. I tried wearing Xyla’s shoes for a while and it breaks my heart. Minumovie ko na sa utak ko ‘to e~ Gusto niyong mapanood? Pasok kayo sa utak ko dali! LOL. O cya,

 

Salamat sa walang sawang pagbabasa at pagsuporta. Mahal ko kayong lahat~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: