CHAPTER 64.1 : Shock Attack
Lay’s POV
“Ayos ka naman. Hanggang ngayon ba wala ka paring naaalala?” Umiling siya’t niligpit ko ang mga gamit ko.
“Ituloy mo lang ang pag-inom ng mga gamot mo.” Tumango siya’t tumayo na ako.
“Pahinga ka na.”
“Uhh… Lay.” Humarap ako sa kanya’t bahagyang nabigla sa pag ngiti niya.
“Salamat.” I smiled. Ang tagal ko nang hindi Nakikita ang mga ngiting yan.
“I’’m glad you can smile again.” Napawi yung mga ngiti niya’t iniwas ang tingin niya. I walk towards her again and kiss her head.
“Good night Xyla.” I said before going out of her room. I hold my chest as soon as I close the door. I messed my hair. Minsan nalang magreact ‘to. Minsan nalang.
Dumiretso ako agad sa kwarto ko’t itinabi ang mga gamit ko.
“How dare you hurt her?!”
“Wala kang pakealam!”
“Tama na! Sehun! Khier! Tama na!”
Napasilip ako sa bintana dahil sa naririnig kong ingay at agad akong napatakbo palabas. Bat ba nag-aaway na naman ang dalawang yon?
“Tumigil na kayo! Sehun! Tama na!”
“Tigilan niyo na! Bakit ba lagi kayong nag-aaway?!”
“Dahil g^go siya!”
Pilit silang inilalayo nila Kris sa isa’t isa pero hindi sila maawat. Nakisali narin ako’t inilayo si Sehun kay Khier. Dalawa kami ni Luhan habang sina Kris at Chanyeol kay Khier pero hindi ko alam kung anong lakas ang meron ang dalawang ‘to at wala kaming nagawa’t nagrambulan uli sila.
“Tama naa! Gaad! Pigilan niyo sila! Sehun! Khier! Stop it! Mapapatay niyo ang isa’t isa!” Sigaw ni Bel. Sinubukan uli namin silang pigilan pero nasisiko’t nasusuntok lang kami. D^mn! Ang sakit ng panga ko. Gusto kong banatan si Sehun pero hindi niya naman sinasadya. Si Khier dapat susuntukin niya pero ako ang tinamaan.
Kanina nakapaibabaw si Khier pero ngayon, nakapaibabaw na si Sehun. Pilit siyang hinihila nina Kris pero nakakapit rin sa kanya si Khier at patuloy siyang sinusuntok. Bumawi naman si Sehun at walang tigil sa pagsuntok kay Khier. Those punches full of force. Hindi ito ang Sehun na nakakasama namin sa bahay.
Parang si Flash sa bilis ang nangyari. Biglang sumulpot si Xyla’t sa ikalawang pagkakataon ay umawat siya. Muntik na siyang masuntok ni Sehun at buti nalang ay nakita siya ni Sehun dahil kung hindi, ako na ang susuntok kay Sehun pagnalapatan niya si Xyla. Everyone gasped when she slapped Sehun hard.
“I told you to stay away. Bakit ba napakabarumbado mo?! Bakit ba lagi kang naghahanap ng gulo?! Bakit ka ba ganyan?!” She yelled and pushed the shock Sehun away from Khier. Tinulungan niya si Khier na halos di na maiangat ang katawan niya at binalingan si Sehun.
“Stay away. From him. From me.” And by that, Sehun stood up and run away.
“Sehuuun!” Sigaw ni Sienna pero nawala nalang siya sa dilim.
“Ayos ka lang? Creature, sam masakit?” I look at Xyla. The way he cares to Khier and the way he hurt Sehun… Bakit?
“Lay pwede mo bang---”
“SIENNAA!” Sigaw ng halos lahat. Inilayo ni Luhan si Sienna kay Xyla.
“Wala kang kwenta Xandria! Wala kang alam! Hindi mo alam ang nangyari! Hindi mo alam kung gaano kasakit kay Sehun! Hindi mo alam dahil wala kang pakealaam! Bago mo siya saktan, sana alamin mo muna kung sino bang nagsimula ng gulo. Sana alamin mo muna bago mo protektahan ang lalaking yan!”
“Hoy Sienna! Magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo! Mas wala kang kwenta kung walang kwenta ang pinsan ko!”
“Kiddo, wag ka nang sumali.”
“Isa ka pang hunghang ka! Wag mo akong gawing bata! Hindi na ako bata!” Gail yelled and walked away.
“Bakit ba hindi mo kayang protektahansi Sehun? Pwede ba Xandria? Pwede bang kahit isang beses, siya naman ang protektahan at paniwalaan mo?” Hindi sumagot si Xyla’t umalis nalang si Sienna’t sinundan siya ni Luhan.
“Ayos ka lang Xang?” Tanong ni Dana. Medyo namumula ang mukha niya dahil sa sampal ni Sienna.
“Paki… Pakitulungan si Khier. Pakigamot ang mga sugat niya…” She said and stood up before going inside the house.
“Sundan ko lang.” Sabi ni Aizha’t sumunod. Napasuklay ako sa buhok ko. Ano bang nangyayari’t nag kaganito lahat?
Karren’s POV
*running while panting*
Binilisan ko pa ang takbo’t mabilis na pumasok at pumunta sa kwarto ni Kuya.
“Kuyaaa!” Napatingin silang lahat sakin.
“Ka…” Lumapit ako’t tinignan si Kuya. Di ko napigilang hindi magbagsakan ang mga luha ko.
“K-Kuya… ayos lang ba siya?” Tanong ko kay Lay. Nakapikit si Kuya.
“I put some plasters to his face. Ilang araw lang, gagaling rin siya.” Tinitigan ko si Kuya’t niyakap siya. I hid my face to his chest and cry.
“Ka…”
“I-iwan niyo muna ako. Iwan niyo muna kami.” I tried not to sound weak. I felt a hand on my back.
“Andito lang kami.” I nods and I heard footsteps going away and the sound of the closed door. Hindi ko na napigilan pa’t napaiyak nalang ako ng husto. Gusto kong suntukin si Kuya. Kung hindi lang siya nasa ganitong kalagayan, bugbog sarado talaga siya sakin. Nilamukos ko yung damit niya.
“Kuya nakakainis ka. Ang daya mo. Ang daya-daya mo. Akala ko ba walang lihiman? Bakit ka nagtago sakin? Bakit mo itinago sa akin? Kaya bag anon kayo laging dalawa? Dahil ba dun Kuya? Nakakaasar ka.” I said between my sobs. I felt a hand on my head. I move and turn my head to look at him.
“I’m sorry. I’m sorry for hiding everything to you.” He said weakly.
“Bakit Kuya? Bakit mo pa itinago?” Itinakip niya ang kamay niya sa mukha ko.
“Panget ka kasi. Ayokong pumanget ka lalo.” I hold his hand and smiled irritably.
“Kung panget ako mas panget ka. Mana lang ako sayo Kuya.” I hug him more.
“Paano mo nalaman?” Napapikit ako.
“Si Mama…” Hindi ko na maituloy-tuloy pa dahil naiiyak lang ako ulit. Hindi ko alam paano nangyari pero… kay Kuya ako maniniwala.
Sehun’s POV
“Son, kumain ka muna.” Hindi ko siya pinansin. Bakit ba andito ako sa bahay niya?
“Tell me, what happened? Bakit---”
“You don’t have rights to know. Aalis na ako.”
“Sehun. Wag mo naman akong talikuran. Ako parin ang Mommy mo.” Hinarap ko siya.
“Talaga? Then tell me. Bakit mo ako tinalikuran? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo iniwan si Dad? At Mommy? You’re not my Mom. Salamat sa pagluwal sakin pero sana hindi nalang ako sayo lumabas dahil wala kang ipinagkaiba sa iba na nag-aabanduna ng sarili nilang mga anak. Hindi ka karapat-dapat na tawaging Ina.” Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. I look at her and she seems to be shocked.
“I---hindi ko sinasadya.” Tinampal ko ang kamay niyang hahawak sana sa pisngi ko.
“Kung hindi mo sinasadya, sana ikaw ang kasama namin ngayon, pero hindi.” Tinalikuran ko na siya’t umalis sa bahay niya.
Hindi sinasadya? Lahat nalang ng bagay sa kanya, hindi niya sinasadya. Sinipa ko yung batong nakaharang sa daraanan ko. Nabwibwisit ako. Naiinis ako.
“Argh! Bakit ba nagpakita ka pa?!” I kick and punch the tree. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa walang kamalay-malay na puno.Ang sakit. Hindi ng kamay ko kundi ang nararamdaman ko. Ang sakit. I stop and lean my forehead.
“Ang hina mo Sehun. Lagi ka nalang umiiyak kapag nasasaktan ka. Kelan ka ba magiging matatag?” I punch the tree again as for these tears, they keep coming out. Bakit ba ako sumama sa pesteng lugar na ‘to?
Nanigas ako’t napatingin sa kanang kamay ko nang may humawak doon at nagtali ng panyo. Iginalaw ko ang ulo ko’t binawi ang kamay ko.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko’t pinunasan ang mga mata ko.
“San ka ba nagpupupunta? Wag mong sabihing pinuntahan mo si Tita?” Sinamaan ko siya ng tingin.
“At bakit ko siya pupuntahan?”
“Because she’s your---” I glared at her.
“Wag mo nang ituloy Sienna. Asan ba si Lulu’t andito ka para bwisitin ako?” Ngumiti siya’t ginulo ang buhok ko. Tinapik ko naman ang kamay niya.
“Ang laki mo na napakaiyakin mo parin.”
“Wala kang pakealam.” Naglakad na ako’t iniwan siya. Bahala siya kung susunod siya o hindi. Narating ko yung town house nina Allaine at sinalubong agad ako ng yakap ni Bel at tapik sa balikat nina Tao.
“San ka pumunta Sehun? Nag-alala kaming lahat sayo.”
“Nagpahangin lang. Geh. Pasok na ako.” Bahagya ko silang nginitian at tinapik lang nila ang balikat ko saka ako tuluyang pumasok sa loob. Itutulog ko nalang siguro ‘to.
Agad akong sumalampak sa kama’t napatingin sa balkonahe. Nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakatayo roon na nakatalikod at nakatanaw sa malayo habang iniihip ng hangin ang mahaba niyang buhok at laylayan ng kanyang bestida.
Napaupo ako’t tinitigan siya ng matagal. Lumingon siya’t bahagyang nagulat ng Makita ako pero agad rin niyang nabawi yon. Now she’s giving me that stern face of hers. Nakatayo lang siya doon at nagtitigan kami. I sighed and stood up saka lumabas ng balkonahe. Tumayo ako malayo sa kanya’t nakapamulsang tumingin sa malayo.
“What are you doing here? You said I should stay away from you pero bakit andito ka?” She leaned on the rails facing my room. Hindi ko siya tinignan.
“Ayos ka lang ba?” I chuckled a little and look at her but she’s looking down her feet..
“Bakit mo ako tinatanong? Bakit hindi mo tanungin si Khier? Mas malaki ang tinamo niyang sugat kesa sakin.” Hindi siya nagsalita’t nakatingin lang sa baba. Iniwas ko na ang tingin ko.
“Malamig. Baka magkasakit ka. Ilock mo nalang yung pinto kapag lumabas ka.” Naglakad na siya palayo’t naiwan akong pinangingilidan ng mga luha. I smiled. Ang sakit. Lala. Bakit hindi mo magawang---
Nabigla ako’t pati ata puso ko nabigla. Yung lamig na nararamdaman ko kanina ay unti-unting napalitan ng init. Napakurap ako’t napahawak sa mga brasong nakapulupot sa bewang ko.
“I’m sorry. I’m sorry.” She whispered and removes her arms around me. Nilingon ko siya’t bago pa siya tuluyang makaalis ay hinila ko siya’t niyakap.
“Lala…” Again, tears keep escaping. Hindi ko naramdaman ang pagyakap niya pero masaya na akong niyakap niya ako kanina.
Khier’s POV
Pumasok ako agad sa loob at isinara ang pinto ng balkonahe. Napaupo ako’t napasuklay ng buhok ko. Pati ba naman sa kanya, kaagaw pa kita? Hindi ba pwedeng akin nalang siya?
I look at the door when it opened. Napaiwas ako ng tingin nang tignan niya ako.
“Anong ginagawa mo diyan? Sabi ko naman mahiga ka lang di ba?” Lumapit siya’t umupo sa harap ko. Hindi ko siya tinignan.
“Ano na namang problema? May masakit ba?” Hinawakan niya agad ang pisngi ko’t kinuha ko yon at itinapat sa dibdib ko. I look at her.
“Diyan ang masakit. Kaya mo bang gamutin? Xandria?”
“Khier… about ba yan sa---” Umiling ako.
“Then what is it this time?” I look down and kiss her hand.
“Khier?” I pulledher slightly at tumama siya sa dibdib ko. Mabilis ko siyang ikinulong sa mga bisig ko. Kakawala sana siya pero hindi ko hinayaan.
“Hayaan mo muna ako Hoodlum. Hayaan mo muna ako.” I bury my face to her neck. Remembering of what I saw earlier was breaking my heart repeatedly. Kumalas na ako sa yakap at tinignan siya sa mga mata. I close my eyes and rest my forehead to hers while holding both sides of her head.
“Xandria…” I whispered. I move my head a little until the tip of my nose hit hers.
“Xandria ako nalang.” I whispered again and tilt my head a little and slowly move even closer.
~~~
A/N : Ito lang masasabi ko, Kilig Explodes Wiiiiih! Wiiiih! Boom! Boom! Boom!
Extended pa ba ang kilig na itu?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top