CHAPTER 62 : Jealous

Kris’ POV

“Bakit niyo iniwan?! Saan niyo iniwan?!”

 

 

“Sila nga ang nang-iwan! Bigla nalang silang nawala. Kala naman namin, trip nilang mang-iwan at bumalik na dito pero malay ba naming wala pa pala sila dito?!”

 

 

“E bakit kasi---”

 

“Tama na yan kiddo. Hindi na bata ang pinsan mo.”

 

“At hindi na rin ako bata’t wag mo akong ituring na bata!” Then she walked out. Napakamot tuloy ako ng kilay.

 

“Ganyan talaga mag-alala yang si Gail. Daig pa ang Mama ni Xandy kapag di niya Makita ang pinsan niya.”

 

 

“Haha! Oo! Natatandaan ko nga na noong naliligaw ako’t nawawala sa Pampanga, tinawanan niya ako pero noong si Laur na ang nawawala, mangiyak-ngiyak siya.” Kwento ni Laurence.

 

 

“Bakit daw?” Tanong ko within curiousity.

 

“Wala kasing kapatid yang si Veve’t close siya kay Laur kaya ayan… nagiging sensitive at spoiled pag dating kay Laurene.”

 

“Sehun di nga pwede! Gabi na! Di mo alam ang pasikot-sikot dito’t baka Maligaw ka!”

 

“Bitawan niyo ko! I need to find her and bring her home!” Napalingon kaming lahat kina Sehun. Bel, Allaine together with Meylixxa and Treshia were stopping him.

 

 

“Hindi ka pwedeng umalis Sehun! Makinig ka sakin! Babalik si Lala mo! Madilim na! hindi ba’t takot ka sa dilim?! Pano kung may mangyari sayo?! Wala si Xyl para protektahan ka!”

 

 

“Wala akong pakealam Bel! Susuungin ko kahit dagat na madilim Makita ko lang ang liwanag ko!” Haay. Ano na naman bang problema sa isang ‘to? Lumapit na ako at ang ilan at kami na ang pumigil sa kanya.

 

 

“Sehun, makinig ka kay Bel.” Saad ko. Tinitigan niya akong mabuti.

 

“Pero si Lala…”

 

 

“Wag kang mag-alala Sehun. Kasama niya si Khier. Alam kong di niya pababayaan si Laur.” Sagot ni Laurence. I saw how his face turned furiously. Luhan pat his shoulder.

 

 

“Babalik siya dito Sehun. Hintayin nalang natin.”

 

“Per---” We all looked at the door and we saw someone coming in. Someone who’s carrying someone on his back.

 

“God! Bakit ngayon lang kayo?! San ba kayo nanggaling?!” Nakilapit narin ako’t I saw her sleeping at his back while her head leaning on his shoulder.

 

“Kuya! San mo ba dinadala yang si---Kuya?”

 

 

“Kunin niyo na siya nang makapagpahinga na siya.” Sabi ni Khier without answering Karren’s question. I look at him at ewan ko kung namamalikmata ba ako o sadyang namumugto ang mga mata niya?

 

 

“Kris.” I came back to senses when Suho called me and I help him get Xyla at Khier’s back. Pero hindi pa namin siya tuluyang nakukuha ay biglang…

 

“Where the hell did you bring her?!”

 

 

“SEHUN!/ KUYA!” T^ngn^ lang! Natumba kami’t buti nalang ay sa amin ni Suho bumagsak si Xyla. Di na ako magtataka kung bakit nagising siya. Sa tindi ng suntok ni Sehun ay nawalan ng balance si Khier pero imbis na bagsakan niya si Xyla ay kumapit siya sa damit ni Sehun at natulak kaming tatlo patalikod.

 

 

“I told you to stay away from her!”

“KUYA!/ SEHUN!”

“TAMA NA!”

Walang tigil sa pagsuntok si Sehun kay Khier na lupasay na. He was on top of him and he was giving him unstoppable punches. Khier don’t do anything but to accept those punches.  Bigla nalang sumugod si Xyla at…

“You stay away from him!” She yelled and pushed Sehun away and helps Khier stood up. Natulala lang ako.

“Do it next time and I’ll punch your face. Stay away. Get it?!” She said looking furiously at Sehun before turning her back at inalalayan si Khier paalis.

Tinignan ko si Sehun na natulala’t may mga luhang nag bagsakan sa mga mata niya.

 

“Sehun…” Bel hugged him.  Xyla… she yelled and hurt Sehun physically… for the first time.

Karren’s POV

Natulala rin ako sa nangyari. Tinignan ko si Sehun na niyayakap ni Bel. Teka lang… Naalala ko bigla si Kuya kaya patakbo akong pumunta sa kwarto niya. I saw the door open a little kaya pumasok ako’t medyo na-sorpresa sa naabutan ko.

“Dito lang ako. Di kita iiwan. Pahinga ka na. Lilinisin ko pa yang mga sugat mo.”

“Thank you.” Kuya said almost whispering. Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak. He smiled and I can’t see Xandria’s expression dahil nakatalikod siya sakin.

 

“Sige na. Pikit na.” Ramdam kong masaya si Kuya but looking into his eyes earlier, parang may nangyari. Kung ano… hindi ko alam.

Tao’s POV

Hindi na yata ako nakatulog kakabantay kay Sehun kagabi. Nag-aalala kasi lahat sa kanya dahil baka anong mangyari sa kanya. He was close to Xyla at alam kong nasaktan siya ng husto. Sino bang hindi? Yun ang kauna-unahang nakita’t narinig kong sinigawan siya ni Xyla.

Nagkusa akong bantayan siya kaya naman eto ako’t antok na antok na. I look at him. Ang sakit siguro ng kamao niya kakasuntok ng pader ng kwarto niya kagabi. Pero mas masakit siguro ang nararamdaman niya ngayon. I leave his room and was about to go back to my room nang marinig kong nagsara yung pinto. Sino namang lalabas ng ganito kaaga?

Lumabas ako at nakita ko si Karren na mukhang may pupuntahan. Ganito kaaga at siya lang mag-isa? Wala ng sabi-sabi ay sinundan ko siya hanggang makarating ako sa isang bahay. Hindi naman kalayuan sa town house nina Allaine. Medyo tago lang. Ito siguro ang bahay nila.

Pumasok siya sa loob kaya naman sumunod ako. Malaki yung bahay at maganda pero napakatahimik. Hindi naman siya abandoned pero ang tahimik lang talaga. Saka… walang tao. Sino bang nakatira dito? Nilibot ko ang paningin ko’t naglakad ako papunta sa table na puno ng frames.

I took one of the frames. Bahay nga nila ‘to. Tinignan ko pa yung ibang frames. Puro kuha lang nilangdalawang magkapatid ‘to at ang babata pa nila dito. Meron silang buong family picturepero medyo burado yung mukha ng Ina nila.

“Anong ginagawa mo dito?” Muntik ko ng mabitawan yung frame sa sorang gulat. Humarap ako’t tumangin sa hagdan bago ibaba yung frame.

“Sorry. Ang aga mo kasing lumabas ng bahay kaya sinundan kita.” Hindi siya nagsalita’t bumaba ng hagdan.

 

“Ito ba ang bahay niyo? Tanong ko habang nililibot uli ang paningin ko.”

 

“Labas na.” Napatingin ako sa kanya. Binuksan niya yung pinto’t halatang pinapalabas na talaga ako.

 

“Magstestay ka dito? Ayaw mo ng kasama?”

 

“Kaya nga pumunta ako dito para mapag-isa. TIngin mo gusto ko ng kasama?” Ang sungit talaga kahit kailan. I sighed and smiled half.

 

“Sige. Mauna na ako.” Akma akong lalabas ng biglang may parating na sasakyan. I heard her cursed at hinatak niya ako agad paakyat.

 

“Teka lang. Akala ko ba pinapaalis mo na ako?”

“Shhh! Tumahimik ka.” Pumasok kami sa isang kwarto at tingin ko, kwarto niya ‘to. Puro puti at blue lang ang Nakikita ko. Usually, ganito theme ng panlalaking kwarto.

 

“Oh Gosh! Oh Gosh!” Hinarap ko siya’t parang kabadong-kabado siya’t pabalik-balik na naglalakad sa harap ko.

“Sino yon?” Tinutukoy ko yung kotse kanina. She bit her thumbnail. Napatingin kaming parehas nang makarinig kami ng mga yabag. Wala ng sabi-sabi’y tinulak niya ako papasok sa isang malaking cabinet at parerehas kaming nagtago doon. Saktong pagkasara niya non ay bumukas ang pinto’t naaninag ko ang isang babaeng hindi naman ganon katandaan.

“Karol…” Now I’ve seen a man came inside. Parang may hinahanap yung babae’t napatingin sa cabinet na pinagtataguan namin. Napalunok ako. Alam niya yatang andito kami.

“Hon… tara na.” Tinignan niya yung lalaki’t tinignan ulit kami. Hindi ko alam kung Nakikita ba kami o parang lang? Mukha namang napilit siya nung lalaki’t nauna ng umalis pero ngumiti muna yung lalaki’t tumingin sa direksyon namin bago ko marinig ang tuluyang pagsara ng pinto.

“Papa…” Napatingin ako sa katabi ko na hindi ko Makita dahil madilim. Binuksan ko yung cabinet at nauna ng lumabas. Ang init at ang sikip. Buti nalang at mataas yung cabinet kung hindi, nauntog na ako.

“Sin---” I didn’t continue my question when I saw her crouch while covering her face wth her bare hands. Nilapitan ko siya agad at nagsquat kalebel niya. Nagdadalawang isip man ay ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya’t pinat yon.

“Namiss mo Papa mo?” Bahagya siyang tumango. That woman, I think siya ang Mama nila’t yung lalaki e yung Papa niya na nasa picture. Base sa Nakikita ko, mas close siya sa Papa niya compare sa Mama niya. Mukhang napaka-sophisticated ng Ina nila’t hindi basta-basta.

“Ayaw mo ba silang harapin?” Umiling lang ulit siya. Napatingin ako sa bintana.

“Mukhang kailangan na nating bumalik. Baka hinahanap na nila tayo.” Tinulungan ko siyang tumayo’t nakayuko siyang pinupunasan ang mukha niya. I smiled. Ngayon ko lang nakitang umiyak ‘to. Kala ko puro tapang nalang siya. Ngayon pala, may soft side rin pagdating sa family niya.

Khier’s POV

Nagmulat ako ng mga mata’t ang bigat-bigat ng dibdib ko. I tried pullng the blanket pero di ko mahila kaya halos pikit ang mga mata kong tinignan yon at napatingin ako agad sa dibdib ko’t hindi sa kumot.

Teka! Kinapa ko yung kumot at itinaas. Oh sh’t! Oh sh’t!

“Hmm…” Gumalaw siya’t tinalikuran ako bago hilahin ang kumot. Halos di ako makagalaw at makahinga. Napahilamos ako ng mukha’t parang nagising pati muta ko sa sobrang kaba. Napaupo ako agad at napatingin sa kanya. Sh’t! Anong nangyari?

Hinila ko ang kumot para takpan siya. Lumipat ako ng pwesto’t ngayon ay kaharap ko na siya. I remove those strands of her hair covering her face. I smiled. Ang sarap ng gabi ko dahil sayo Xandria. Pero mas masarap pala ang umaga kung ikaw ang una kong Nakikita.

“Hoodlum. Salamat.” Bulong ko’t itinukod ang mga kamay ko’t hinalikan siya… sa ulo. Kinumutan ko siya ng maayos dahil baka lamigin siya’t lumabas agad ng kwarto.

Wag kayong berde. Walang nangyari sa aming kaberdehan pero espesyal, meron. Ngiting-ngiti akong lumabas at nabigla ako ng Makita kong kasama ni Karren si Eyebags. Ano? Aga-aga nagdedate? Wag nilang sabihing nagjogging sila’t hindi hilig magjogging ng panget na ‘to.

Namulsa ako’t seryoso siyang tinignan pero nakayuko siyang naglalakad habang kasunod yung eyebags.

“San ka galing?” Bungad ko’t humarap siya sakin. Napawi yung inis ko nung Makita kong kagagaling niya lang sa iyak. Binalingan ko kaagad yung kasama niyang blanko lang na nakatingin sakin.

“Ku-ya…” Agad niya akong tinakbo at sinalubong ng yakap.

 

“Anong nangyari sayo? Pinaiyak ka ba ng payatot na ‘to?” Umiling siya. E anong proble---

“Umuwi na sina Mama. Umuwi na sila ni Papa.”

~~~

A/N : Bumabawi ang #XanIer tuloy-tuloy na ba ang sail ng ship? Lulubog na nga ba ang #XyHun at iba pang ships? Ang #LayLa ko T^T Ajujujuju~ Aweee~ the ship is sinking. Ililigtas niyo ba o sasakay sa barko ng XanIer?

---

Awww~ what’s the prob between the Natividad siblings?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: