CHAPTER 60 : Bagyo sa Baguio
Aizha’s POV
Napatakip ako ng kumot. Sh’t lang. Bakit ba ang lakas ng kulog? Wala pa naman akong katabi dahil solo ko ang isang kwarto. Sana pala hindi na ako sumama. -__-
*thunder rumbling*
“Waaaah~ Mommmy~” Napatili ako sa sobrang takot at mabilis na bumaba ng kama’t nagsumiksik sa gilid. Nagtakip ako ng kumot habang nanginginig. Ayoko na. Ayoko na talaga. Uuwi na akoooo~
I wanna cry. Gail’s not here. Kung bakit ba naman biglaan ‘tong bagyo sa Baguio? Feeling ko magugunaw na ang mundo sa sobrang lakas ng kulog at halos magliwanag ang buong kwarto sa kislap ng kidlat.
I hug my knees and sobs while covering my ears. I closed my eyes. I don’t want to hear that. I don’t want to remember that. I don’t want to go back from that. Ayesha…
“Aizha?” I open my eyes and look in front of me.
“Anong ginagawa mo dito?” I hid my face. I felt he sat beside me.
“Di ako makatulog sa sobrang lakas ng kulog. Narinig kong may sumigaw kaya pumunta ako agad to check on you. Ikaw? Bakit andito ka? Ikaw ba yung sumigaw?”
“H-hindi. Lumabas ka na. Iwan mo na---AHHH!” Napatahalukipkip ako ng mukha’t nagsumiksik lalo sa gilid ng kama.
“Takot ka no?” Hindi ako sumagot.Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko yon pero kinuha niya lang ulit at hinila ako patayo. Tumingin ako sa sliding door sa labas at kita ko kung gaano katalim ang mga kidlat na parang nagsasayawan sa maitim na kalangitan.
“Wag kang tumingin sa labas.” Yumuko ako’t nagpahila sa kanya. Naalis ang kumot na nakabalot sa kin at naiwan sa sahig. Muli na namang kumulog at akma akong uupo’t magtatago sa kama pero bago ko pa yon magawa ay niyakap niya ako dahilan para yung nararamdaman kong kabog dahilan ng sobrang takot ay mapalitan ng kabang hindi ko alam kung bakit.
“Don’t be afraid. I’m just here.” Hindi ko nga alam kung bakit parang unti-unting nawala ang takot ko’t isandal ko nalang ang ulo ko sa dibdib niya. Patuloy parin ang malakas na buhos ng ulan at malakas na dagundong ng kulog sa kalawakan pero ibang ingay ang naririnig ko ngayon. hindi ko alam kung imahinasyon ko lang o sadyang… rinig ko ang malakas na pintig ng puso niya?
“I’m sorry.”
Dana’s POV
Maaga akong nagising nung may maalala ako. Halos languyin ko yung sahig dahil sa sobrang madali. Mabilis akong lumabas ng kwarto ko’t tinahak yung pinto ng kwarto ni Ai at bago ko pa buksan ay may nagbukas na mula sa loob.
“Xang-Xang?” Lumabas siya’t isinara ang pinto.
“She’s okay.” I sighed in relief. Takot kasi si Aizha sa kulog.
“Morning.” Bati ni Baekhyun na kukusot-kusot pa ng kanang mata.
“I’ll go back to my room. Mukhang kailangan mo ring bumalik sa kwarto mo Dang.” She said and leaves us.
“Morning Da~” I smiled.
“Morning din Ba~” Bahagya siyang tumawa’t nawala tuloy ang mga mata niya XD.
“Da, picture tayo.” Saad niya’t kinuha agad ang phone niya’t lumapit sa akin at itinutok yon sa amin at nagflash agad. Natatawa siya habang kinakalikot ang phone niya. Naintriga tuloy ako.
“Patingin nga.” Nilayo niya sakin yon at itinago agad sa bulsa niya.
“Wag kang mag-alala. Maganda ka don.” He said and flashed a smile.
“Haaah~ Good moooorniiiing~” Bati ni Xiumin na hihikab-hikab pa. Binati rin namin siya pabalik at tinignan niya ako agad.
“Dana, sinong nang molestya sayo?” Nangunot ang noo ko. Anong molestya pinagsasabi nito? Bigla nalang lumabas si Gail sa kwarto niya’t nang tignan ako ay humagalpak ng tawa.
“TAHAHAHAHAAHAH! PWAHAHAHAHAHAHA!” Taenang bata. Sige, tawa pa hanggang mamaos ka~ May paturo-turo epek pa’t with matching hawak sa tiyan. Nacurious tuloy ako kung anong mali sa itsur--- teka nga lang.
Wala ng sabi-sabi’t tumakbo ako pabalik ng kwarto ko”t hinarap yung malaking salamin. And there I saw how messy my hair is na dinaig pa ang pugad ng ibon na kulang nalang ay tubuan ng dahon-dahon at ang bibig. Juthko Jugigo! May white line ang gilid ng labi.
Pulang-pula akong hinawakan ang mukha ko’t napasalampak sa sahig.
“WAAAH! BAEKHYUN! WAG MONG IAUPLOAD ANG PICTURE KOOO!”
Khier’s POV
“Aww… ano, dito nalang tayo sa rest house? Hindi man lang tayo makakapaglibot?”
“Ikaw, kung gusto mong suungin yang mlakas na ulan at tangayin ng hangin, lumabas ka. Pero di na ako aasang makakabalik ka pa.”
“Kuya, ang mean mo talaga.” She said and pouts as she sits on the floor leaninh her forehead against the glass wall
“Ayaw mo bang pumunta sa bahay pag maayos na ang panahon?” I put my hands on my pockets still looking at how the wind blew the leaves of the trees and how the rain pours its wildness to the ground.
“Ano namang gagawin mo sa bahay? Magpapakaemo? Magrereminisce ng mga bagay na wala na nga yatang kasiguraduhan kung mangyayari pa ba?” Saglit siyang natahimik.
“Wala lang. Ang tagal na kasi nating hindi nakabisita, Kuya. Baka kako---”
“Just forget about it Karren. Malabong mangyari yang iniisip mo.” I said before leaving her. Nagtungo ako sa kwarto ko’t napaupo sa sahig. I lean on the side of my bed and put my head on it and look at the ceiling.
“Creature.” Napalingon ako sa pinto. I saw her and I smiled a little.
“Pasok.” She came in and walk towards me. Umupo siya sa kama, sa tabi ko.
“Akala ko ba may bahay kayo dito sa Baguio?”
“Meron nga.” Sagot ko’t tumanaw sa labas. Malaki at maganda ‘tong town house nina Nerd at napakaganda ng tanawin.
“E bakit dito kayo nagstay ni Karren at hindi sa bahay niyo?” Tinignan ko siya’t bahagyang ngumisi.
“Bakit? Nagiging interesado ka na ba sa kin?” She just looked at me with stiff face.
“I thought it was just the dictionary that gives meaning, pati pala ikaw.” I chuckled but then sighed.
“There’s no such home if there’s no to be called family.” I said and lean my head on her knee. I close my eyes when I felt her combing my hair with her fingers.
“We’re your family. We’re a family.” She said and I smiled a little.
“Xandria… do you want to build your own family?”
“Of course.”
“With me?”
Bel’s POV
“Sehun, anong ginagawa mo dito? Malamig a? Baka sipunin ka niyan.” Niyakap ko ang sarili ko. Wala paring tigil sa pagbuhos ang ulan mula ng dumating kami dito. 3 days na kaming nandito at di parin kami nakakalabas ng town house nina Allaine.I look at him when he called my name
“Makakaalala pa siya di ba?” Malungkot niyang tanong sakin. Naawa ako kay Sehun. I pat his back and lean my head on his shoulder.
“Sehun… wag kang mawalan ng pag-asa. Matagalan man, alam kong maibabalik niya ang mga nawala sa kanya. Maalala ka niya.” I look at him and a weak smile plastered on his face.
“Pero mukhang wala na akong pag-asa Bel…” Hinarap ko siya sakin. I cupped his face and look at his eyes.
“Sehun, kelan ka pa nawalan ng pag-asa? Noong umalis si Lala mo, hindi ba’t bumalik rin siya?”
“Pero andito lang siya Bel. Napakalapit niya pero parang hindi ko siya mahawakan. Napakalapit niya pero iba ang may hawak sa kanya. Napakalapit niya at ang sakit na kahit tingin, hindi niya maibigay sakin.” Tears fell from his eyes. Naiiyak rin ako. Kung pwede nga lang pasukin ang isipan Sehun, baka ako na ang nagpatakbo sa utak ni Xyl nang sagayon ay maalala na niya lahat. Niyakap ko nalang siya’t niyakap niya ako pabalik.
Ramdam kong sumuko na ang iba pero may ilan pa sa kanilang natitira… I know Sehun’s hurt dahil sa Nakikita niya. Sa Nakikita niyang closeness ni Xyl kay Khier. Hindi ko alam bakit parang kay Khier lang malapit si Xyl pero…
“Wag kang susuko Sehun. Hindi pa naman sila di ba? Hanggat walang sila, magpakatatag ka.” Pero… paano kung… nahuhulog na pala si Xyl kay Khier? Paano ang batang ‘to? Kung ngayon palang umiiyak na siya, paano pa kapag… she was owned by his mortal enemy?
~~~
A/N : Teka, di ata ako nakahinga sa banat ni Khier. :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top