CHAPTER 6 : Homeworks
Xyla’s POV
One week palang akong nag-aaral pero tambak agad ang mga assignments ko. Pesteng finance at Math, hindi ko akalaing bibigyan kami ng mas mahirap na problem solving dahil nasagot ko ng madali ang mga problema nila. At dahil maagap ako, ayoko ng pinapatagal ang mga assignments ko kaya pag-uwi palang, sinimulan ko ng sagutin yon. Nakadapa lang ako’t nakaharap sa TV habang nagsosolve.
“Xyla! /Xandria! /Lala!” Sigaw ng kung sinoman mula sa labas at binulabog ako sa kwarto ko. Pumasok yung mga classmates kong ‘prinsipe’ at agad lumapit sakin.
“Pakopya…” They all said in chorused.
“Ang assignment---”
“Pinaghihirapan, hindi kinokopya lang.” Sagot nilang lahat. Tumaas ang isa kong kilay.
“Alam niyo naman pala, eh ba’t pa kayo mangongopya?” Tanong ko habang patuloy na sumasagot.
“Eh mahirap kasi yung binigay ng mga Prof kaya sige na… pakopyahin mo na kami.” Pamimilit ni Chen. Kulit din ng lahi nito eh. Magkalahi ba sila ni Xylo?
“Don’t disturb me. I’m busy.” Nanahimik sila’t umupo sa sahig at nakatingin lang sakin. That’s good. Mabuti ngang manahimik sila para matapos ko na ang ginagawa ko’t makatulog agad. Patuloy lang din akong sumagot hanggang sa matapos na ako.
“Ano yan? Yan na ba lahat ng sagot?” Tanong nila nung Makita nila yung maraming yellow paper na hawak ko. Tumango naman ako.
“Uhh… ‘tong six pages na back and forth, sa finance ‘to.”
“ANO?!” Kyungsoo and Chen cried in awe. Tumango-tango naman ako. Alam kong di kapani-paniwala pero detalyado kasi ‘to at kapag sumasagot ako, I like it to be in details para mas naiintindihan ko.
“And these 10 pages back and forth, is for Math.” At halos malaglag ang panga at matanggal ang eyeballs nung apat. ‘Tong mga ‘to. Major nila pero nahihirapan sila.
“Blame the professors for giving too much problems to solve. Next time, be close to Math and Finance and tell them to solve their own problems para hindi tayo madamay sa problema nila.” They all nod. Nakadapa parin ako pero nakapagpalit na ako ng damit. Kinuha ko yung unan ko at ipinatong ang ulo ko doon at niyakap yon at pumikit. Matutulog na ako dahil pagod na pagod ang utak ko.
“Xyla… pakopya, pwede?” I heard them but still closing my eyes.
“Do whatever you want. But remember that if you’ll going to copy, make sure na alam niyo kung paano nakuha yang mga sagot na yan.” I heard them all said yes in glee. Hinayaan ko lang silang kumopya’t buti ay tahimik lang sila kaya mapayapa akong nakatulog.
Sehun’s POV
Aish! Paano niya nakuha ‘to? Paano siya nag-end up sa mga sagot na ‘to?! Ginulo ko ang buhok ko’t napakunot ang noo. I look at her and she’s sleeping peacefully. Pagod na pagod ata talaga. Napangiti nalang din ako. Her hobby was to sleep but who would think that this girl, even though she’s sleeping, she can answer every problem that all professors would throw to her? She’s extraordinary.
“Ayoko na! Mababaliw na talaga ako sa Math na ‘to!” Pasigaw na sabi ni Chanyeol habang ginulo-gulo ang buhok niya. We all chuckled.
“Math was one of our majors but this was just Lala’s minor. Nakakahiya na hindi niya major ang Math pero mas marunong pa siya satin.” I said and they all nods.
“She’s really amazing… akalain niyong, tulog lang siya sa buong discussion ng Math pero nasagot niya ng walang kahirap-hirap yung 4 problems sa board without having a copy.” Chanyeol exclaimed.
“Napaisip tuloy ako kung gaano kataas ang IQ ni Xyla at kung gaano kalaki ang utak niya.” Binato ko ng papel si Chen.
“She’s not Einstein you fool.”
“Who knows? Baka kamag-anak siya ni Einstein.” We all giggled to what Lulu said.
“Let’s just finish this and study on how she came up with this answers atsaka nalang tayo magtanong pag gising na siya.” We all nod to Kyungsoo’s suggestion.
Xyla’s POV
I woke up due to starvation. Hindi ako nakakain ng maayos kanina at feeling ko, stress na stress ako ngayong araw. Bumangon na ako at pagtingin ko sa lapag ay nakita kong tulog yung anim habang nakatutok sa mga papel nila. Napa-iling nalang ako. Nakuha kaya nila kung paano ko nakuha yung mga sagot? Bumaba nalang ako’t naabutan ko yung anim pa na natutulog sa sala. Antukin ata ang mga tao ngayon ah? Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko sina Yaya at Bel na nagluluto.
“Oh, gising ka na pala. Kamusta naman yung anim sa kwarto mo?” Tanong ni Bel habang naghihiwa ng mga gulay. Binuksan ko yung ref at kumuha ng gatas.
“Natulugan yung mga assignments namin.”
“Nahihirapan ka bang maging normal na estudyante?” Umupo ako sa upuan at ininom yung gatas.
“Hindi naman. Nakakastress pero enjoy sa ibang subjects. Saka, tinutulugan ko lang yung mga subjects na alam kong mabobored lang ako.”
“Astig mo talaga Xyl. Naalala ko tuloy dati nung nag-exam tayo sa Science, ni hindi ka man lang nakapagreview pero nagawa mo paring maperfect yung exam. Anong sikreto mo?”
“Mmmm… gifted ako saka, eat healthy foods, I think and just study your lessons.” Inubos ko na yung gatas ko at iniwan sila. Pumunta ako sa sala at tumabi kay Lay na natutulog. Ginawa kong unan yung braso niya at hinila yung kumot sa kanya. I feel so much exhaustion this day.
Lay’s POV
Pagkauwi namin, nadatnan nalang namin silang lahat na tulog sa kwarto ni Xyla’t mukhang gumagawa sila ng exam. Even Xyla herself was asleep at mukha silang lahat na pagod na pagod. Bumaba nalang kami para manood pero later on, nakatulog din kami.
Naramdaman kong parang ngawit na ngawit yung braso ko kaya naman napamulat ako at pagtingin ko, nakita kong natutulog na si Xyla sa tabi ko’t ginawang unan ang braso ko at inagawan pa ako ng kumot. Paano nakarating ‘to dito? Bumaba ba siya o nagsleep walk? Hinila ko siya palapit sakin atsaka ako nakishare ng kumot. Ang lamig kaya tapos, agawan ka pa ng kumot. Humarap siya’t sumiksik bigla sakin at namaluktot. I smiled and remove the strands of her hair covering her eyes. Inayos ko na yung kumot atsaka siya hinalikan sa noo’t natulog ulit.
Kung prinsesa lang naman ang makakatabi mo ng ganito, kahit habang buhay pa akong matulog, gugustuhin ko basta’t siya ang katabi ko.
~~~
A/N : Yihiiee~ si Lay o. Pasimple pa e. Naimagine ko tuloy na nakangiti siya sa huling part at lumitaw yung dimple niya. ^---^ LayLa Moment~
Hindi magtatagal, maaagaw ni Lay ang pwesto ni Luhan sa pagiging bias ko. Konting push pa Yi Xing. Pacute ka pa, magtatagumpay ka. Letche, ang cute cute ni Xing-Xing ko~ tahahaha~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top