CHAPTER 52 : Changes
Lay’s POV
We did some test at her and the result says one and we confirmed it.
“A-amnesia?” Tita Cathy asked, Laurence Mom. I just nod.
“But she can remember us.”
“But she can’t remember us.” Malungkot kong sabi.
“I may conclude that she… she remembers everything from her past but can’t remember what happened to her present when she’s with us.” Joke ba talaga ‘to? Nailigtas ko nga siya sa tiyak na kamatayan, binawi naman ang mga alaala niya. I thought she’ll say ‘just kidding’ afterwards and laugh but she didn’t. Tiningnan ko silang lahat at naghihintay sila ng sasabihin ko. Napahilamos ako sa mukha.
“The result says that your daughter Sir, has a little brain damage. Maybe when she fall and hit her head on the ground, it affects some part of her brain that stores a lot of memories. She could remember those people she was before but, I don’t know if she could remember us.”
“Oh God.”Tito Zhake muttered.
“One thing we can do now is wait and help her slowly get her memories back. Hindi natin pwedeng sapilitang ipilit dahil tuwing may maaalala siya, sasakit lang ang ulo niya and can see dark and blurred images. For now, let her rest.” This isn’t easy. Getting someone’s memories back is the hardest thing to do. It depends on the patient if she still wants to remember or doesn’t. She may get all her memories back or she’ll lose it… at all.
Suho’s POV
“Alis.”
“Pero di ka pa pwedeng bumangon sabi ni Lay.” Tinitigan niya ako ng masama.
“Move you sh’t.” Sumasakit ang puso ko sa mga tinuturan niya. Tumabi ako’t bumaba siya ng kama niya. Akma ko siyang hahawakan para sana alalayan siya pero tinabig niya ang kamay ko’t binigyan ako nang nakapanlilisik na mga tingin.
“Wag mo kong hahawakan.” She said coldly at kusang naglakad papunta sa banyo. Nakasunod lang ako para kung sakali, maalalayan ko siya.
Ako lang nagbabantay sa kanya ngayon dito sa hospital dahil day off ko. Pumasok yung iba samantalang sina Xiumin at Baekhyun e umuwi muna. Mula pag-gising niya, ganito na siya. She’s not the same Xyla anymore. Nanlambot siya bigla kaya naman mabilis ko siyang sinalo.
“Ayos ka lang?” Nag-aalala kong tanong at tinignan niya ako’t mabilis na tumayo’t humawak sa doorknob. Tinignan ko lang siya ng lingunin niya ako.
“I don’t need you here. Umalis ka.” I gulped.
“Pero hin--”
“Umalis ka sabi! Hindi ko kayo kailangan! At kung pwede, wag ka nang babalik o kahit sino sa inyo! I don’t need you or anyone of you! Out!” Xyla… ang… sakit. Bakit ka nagkakaganyan? Tinulak niya ko’t napapaatras nalang ako. Napayuko ako. Hindi ko kaya ‘to. Hinawakan ko ang mga kamay niya’t malungkot siyang tinignan.
“Kung yan ang gusto mo, aalis ako… Pero sana… sana wag mo naman kaming ipagtabuyan…” Malungkot kong sabi’t mabilis na tumalikod at lumabas ng kwarto niya. Napasandal nalang ako sa pinto’t napayuko.
Hindi ako handa. Hindi ko napaghandaan ang ganitong sitwasyon. Masyadong… masakit.
Aizha’s POV
“Why we’re heading at different direction? Aren’t we going home? Did we transfer?” Nagkatinginan lang kaming lahat sa loob ng limo.
“Hindi ka na nakatira sa mansion Xyl.” Tugon ni Xylo. Kumunot lang ang noo niya.
“Anong hindi nakatira?” Huminto na ang limo kaya hindi na namin nasagot ang tanong niya. Nagsibabaan kaming lahat.
“Whose house is this?”
“Kay Yaya Paz mo.” Sagot ko. Nakatingin lang siya sa bahay.
“Why we’re here? Bibisitahin ba natin si Yaya?” Hindi niya pa alam lahat. At I’m sure, mabibigla siya sa mga malalaman niya.
“You’re staying here.” Sagot ni Xylo’t natahimik siya sandali.
“Kidding me.” Sabi niya’t naglakad papuntang pinto at walang sabi-sabing pumasok. Sumunod naman kami’t naabutan naming nakakalat na yung confetti.
“Welcome home Xy-Xy!” Masiglang bati nina Xiumin at Baekhyun sa kanya. Binalingan niya kami’t seryoso siyang nakatingin.
“I wanna go home Laurence. Let’s go home.”
“But this is your home Xyl.”
“Laurence pwede ba? Stop these stupid jokes. Gusto ko nang umuwi. Umuwi na tayo.” Halatang naiinis si Xy. Nabaling ang tingin ko sa likod at nakita kong malungkot ang mga mukha nung mga lalaki.
Itong mga lalaking nakasama niya ng matagal, minahal, pinagkatiwalaan at itinuring na pamilya. Itong mga lalaking ngayon ay… nakalimutan niya na. Nilapitan ko siya’t hinawakan sa magkabilang balikat at tinitigang mabuti. Nalulungkot ako para sa kanya… para sa kanila.
“Xy… this is your home. Your new home.”
Dana’s POV
“I think, we need to stay here for long hanggang matanggap niya uli ang lahat. You know her. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Kung hindi si Tito ang pipilit sa kanya, walang magagawa ang iba, kahit tayo.” Sabi ni Aizha.
“So dito muna kayo?” Tanong ni Laurence at napatingin kaming lahat kay Aizha. Siya kasi pinakamatanda sa amin ng buwan at isa sa pinakamatured mag-isip. Dalawa lang naman sila ni Xang-Xang ang matured mag-isip samin. Hindi naman sa isip bata kami pero… sadyang hindi kami seryoso sa buhay. We don’t call her Ate dahil barkada kami mula bata palang kami. Nadagdag lang samin si Xang-Xang at siya ang pinakabunso sa amin kahit si Gail ang minsang nagiging bunso dahil sa pagiging isip bata niya XD.
“Mukhang ganon nga ang mangyayari Xylo. She doesn’t want others to touch her or to care for her. Kilala mo ang pinsan mo higit sa amin. Alam mong madalas siyang makapanakit ng damdamin kahit hindi niya sinasadya.”
“Right. Mean talaga si Laury kapag di niya feel ang isang tao.” Dugtong pa ni Gail.
“So… we’ll stay here?” Dandee asked. She’s my cousin and we’re at the same age. Her Dad and my Dad were brothers at kapatid nila si Tita Sherlene and that makes us Xang-Xang’s cousin. Tumango-tango lang si Aizha.
“Pero… paano tayo titira dito e occupied na lahat ng rooms?” Nag-aalala kong tanong. Ayoko ngang matulog sa sofa.
“Regarding that, may naisip na ako.” We all eyed to Gail. Itong batang ‘to ang isa sa pinakawais sa amin e. Ano na naman kayang naisip niya?
Gail’s POV
“What?” Tinitigan niya ako na parang ayaw maniwala.
“You heard me. I want you out of that room for it is mine now.” Tumaas ang isa niyang kilay at tinulak-tulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya.
“Ano ba?! Stop that! Nakakairita!” Saad ko’t hinimas yung noo ko.
“Kiddo, ako ang may-ari ng kwartong ‘to. Kung gusto mo nang matutulugan, maghanap ka nang mauupahan.” I cross my arms in front of my chest and look at him furiously.
“Hoy Mr. Wu! Para sa kaalaman mo, binili ko na yang kwarto mo. Not just a month, but for a year! Kaya whether you like it or not, move out!” Bwisit talaga ‘tong lalaking ‘to e. Nagsquat siya para maging kalebel ko’t namutla ako’t napaatras. Kala ko matutumba ako pero nahapit niya ko sa bewang at napahawak ako sa dibdib niya.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko’t napalunok ako nung unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya.
“A-anong ginagawa m-mo?” Nauutal kong tanong. Bumaba ang tingin niya’t I saw him bit his lowerlip atsaka ako ulit tinignan sa mga mata. He move his face even closer at bahagyang inilihis yon. Put a pie. Sa sobrang kaba ko’t lapit ng mukha niya, napapikit nalang ako’t naghihintay ng mangyayari. O may virginitized leps, marereyp ka na >_<
Pero teka… bakit ang tagal? Binukas ko yung isa kong mata’t kita kong sobrang lapit parin ng mukha niya. Ngumisi siya’t nangilabot ako nung tumama yung labi niya sa tenga ko.
“ASA.” Bulong niya’t bahagyang tumawa. Uminit ang tenga’t pisngi ko. D^mn! Napahiya ako! Napahiya ako don! Parehas kaming napatingin sa gilid nung may tumikhim at nakita namin si Laury. Nakatayo’t blankong nakatingin samin.
“You’re already in front of a room pero diyan pa kayo gumagawa?” Mas lalong uminit ang mukha ko’t nagkatinginan kami ni maBABAng Kapre.
“Waaaah!” Kumalabog yung sahig dahil sa pagbagsak ko. T^ngn^ talaga ng Baba na ‘to! Binitawan niya ko kaya naman ito, sinalo ako ni Floor. Thakit ng pwet ko bwithit thiya! Tinignan ko siya ng masama.
“Bakit mo ko binitawan?!” Binigyan niya lang ako ng as-if-I-care look at namulsa saka tinignan si Laury.
“Ito kasing pinsan mo, pinapaalis ako sa kwarto ko.” Tumayo ako’t hinimas yung pwet ko. Kairita talaga ‘tong lalaking ‘to.
“E may karapatan naman ako a?! Saka, hindi mo na kwarto yan dahil ako na ang bagong may-ari niyan! I payed that room for a year! Itanong mo pa kay Yaya Paz!” He gave me this I-don’t-care look. Naku! Dudukutin ko na talaga yang mga mata niyang yan.
Tinignan ko si Laury trying to get her sympathy. Binalingan niya si Baba na nakatitig lang sa kanya.
“Then move out. It’s not yours anymore.” Waaaah~ Kaya mahal na mahal ko si Laury e! Spoiled ako sa kanya~
“What?”
“Di mo ko narinig? I said, move the fvck’ng out of Gail’s room. Now.” She said with authority at tinignan ko si Baba’t binelatan. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Ano siya ngayon?
“E san ako matutulog?”
“I don’t fvck’ng care about you. That’s your problem not mine. Fvck’ng move out of my way or I’ll bump your heads.” Ayt! Pati ako? Tumabi kami’t dumaan si Laury. Tinignan ko kaagad si Baba na kulang nalang e patayin ako sa sindak.
“Remember this day. Makakaganti rin ako sayo.” He said that gave me chills inside before going inside and slam the door hard. I stumbled. WTF?
Dandee’s POV
“Ano? Dito na kayo titira?” Tumango-tango ako habang naghahalo ng niluluto ko.
“Paano? E wala ng bakanteng kwarto a?” Binaba ko yung sandok at kinuha yung ibang sangkap at isinahog sa lutuin ko.
“Ewan. Si Gail na ang bahala doon.”
“Ms. Fries, di pa ba tapos yan? Nagugutom na ako e~” Nilingon ko si Xiumin na nakapatong ang ulo sa mesa.
“Sandali nalang ‘to. Konting hintay pa.”
“Xiumin, mahiya ka nga. Ikaw na nga lang ang kakain, nagmamadali ka pa.” Sabi sa kanya ni Baekhyun.Bahagya akong natawa. Andito kasi ako sa kusina’t kasama ko yung tatlo. Sina Xiumin at Baekhyun na nakaupo at si Kyungsoo na tinutulungan ako sa pagluluto.
“E~ nagugutom na ako e~”
“Kelan ka ba nabusog?” Sabat ni Kyungsoo’t natawa tuloy kaming tatlo. Napatingin nalang ako sa pinto nang may tumawag ng pangalan ko.
“O! Nagugutom ka narin ba Xandy?” Tinitigan niya ako ng matagal bago umiling at dumiretso sa ref saka uminom.
“Uhh… Xy-Xy, gusto mo--” Hindi na natapos ni Xiumin ang sasabihin niya nang diretsong lumabas si Xandy. Nalukot tuloy mukha niya’t sumibangot. Pinat naman ni Baekhyun ang likod niya.
“It feels like everything change. And I hate those changes. Di na ako nagugutom.” He said and stood up leaving us three digesting what he said. Hinarap ko nalang yung niluluto ko’t pilit na ngumiti. Makakaalala rin si Xandy. Hintay lang.
~~~
A/N : woah woah woah! Now what will happen when Xyl’s cousins live with them?
Ayt! Sabog talaga mga updates na ‘to. Pist.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top