CHAPTER 50.2 : Live or Leave?

A/N : Bago ang lahat, BASAHIN NIYO 'TO! IMPORTANTE 'TO! Hindi ako makakapaupdate agad-agad. End of entries ko na 'to. Juthko! Sa dami po ng istorya ko, nagkakabuhol-buhol na ang connectors ng brains ko XD. Magpapahinga po muna ang NOBMEOP. PERO! Hindi pahinga na as in, wag na kayong umasang hindi ko itutuloy 'to. Hayaan niyo lang po akong magpahinga. Kailangan kong magtype ng magtype para sa next updates para SABOG ulit kayo. Ayoko ng paisa-isa. Nakakawalang ganang magbasa pag-ganon na putol-putol yung updates lalo na kung thriller yung story. Hindi ko naman sinasabing maganda 'tong storyang 'to, ang akin lang, ayokong iniispoil ang mood niyo sa pagbabasa. Pwede po ba yon? Ayokong mangako pero sisikapin ko na tatapusin ko talagang storyang 'to kahit anong mangyari. Kung iiwan ko man kayo, I'll make sure na TAPOS na 'tong NOBMEOP. Hindi ako nagpapaalam, nagpapaliwanag lang na, saglit lang 'to. Saglit lang na mananahimik ang NOBMEOP. Yung lang. Salamuch. I love you all. *send flying kisses* Happy Reading :D

~~~

Tao’s POV

Nauna silang lumabas samin. Sayang hindi ko naabutan. May itatanong sana ako pero mukhang halata naman ang sagot. Tiningnan ko lang si Luhan na tahimik ngayon. Inakbayan ko siya kaya napatingin siya sakin.

 

 

“Hindi lahat nang problema, kailangan hanapan ng solusyon. Minsan, kailangan mo lang magbura at magdagdag, para makita mo ang sagot.” Sabi ko sa kanya’t napangiti siya.

 

“Hindi ko alam saan niya nahagilap yon pero… I think it was you who teach her about it.” I mess his hair and he punch my arm slightly.

 

 

“Hoy, Sali kami.” Inakbayan naming lahat ang isa’t isa atsaka masayang naglakad. Ang pagkakaibigan, kahit isa ang pinapantasya, basta may problema ang isa, kailangan nandiyan ka sa tabi niya. Nagtatawanan lang kami ng makakita kami ng commotion sa second building. Napaalis kami sa pagkakaakbay. Nagtatakbuhan halos lahat ng mga estudyante doon.

“Dali! Tingnan natin!” Pinigilan ko yung isang lalaking patakbong pupunta doon.

“Anong meron?”

 

“Meron daw pong naaksidente.” Binitawan ko na siya at tumakbo lang sila papunta doon.

 

 

“Better not to join. Baka makagulo lang tayo sa aksidenteng nangyari doon.” Saad ni Chen. Mabuti pa nga siguro. Aalis na sana kami pero pinigilan ako ni Chanyeol kaya napatingin ako sa kanya.

“Bakit? Wag mong sabihing makikiusyoso ka pa?”

 

 

“Hindi ba si Allaine yon?” Tiningnan ko yung tinuturo niya. Nakita ko nga si Allaine at parang umiiyak siya. Wala ng sabi-sabi at patakbo kaming lahat na pumunta doon.

 

“HELP! HELP US! DON’T LOOK! JUST HELP!” I heard Allaine’s voice screaming.

“Tumabi kayo!” Inalis namin yung mga nakaharang sa daan. Kinakabahan ako pero wag naman sana.

 

“Xandria, don’t die!” I heard Allaine’s loud voice. Xandria?

 

“MOVE YOUR FVCKING DUMB FEETS OR I’LL FREAKING KILL YOU!” I yelled and everyone move away. Saka ko lang nakita ang pinagkakaguluhan nila. I saw Allaine’s face wet from tears and the girl on her lap.

 

 

“XYLA!” Tumakbo ako agad palapit kasama ng iba. Agad ko siyang binuhat at patakbong umalis doon. Sh’t! Sh’t! Sh’t! Tinignan ko siya’t hindi maganda ang itsura niya. San ko siya dadalhin?!

 

 

“ANONG NANGYARI?!” Rinig kong pasigaw na tanong ni Sehun. Iyak lang ng iyak si Allaine.

 

 

“She… she slips and fall on her feet as she rolls down at the stairs.” She said between her sobs. Bumagsak na naman siya? Sa hagdan pa? San ko ba siya dadalhin? Nakita ko bigla si Laurence kaya tinawag ko siya’t napaharap at patakbong lumapit.

 

 

“What happened to her?!”

 

“Mamaya ka na magtanong! Dalhin na natin siya sa hospital!” Saad ko kaya pinasok agad namin siya sa limo nila. Good thing it was their limo that he brought.

 

“Tell me, what happened to my cousin?!”

 

 

“Nahulog daw sa hagdan.” Nakapatong lang ang ulo ni Xyla sa hita niya habang hawak niya ang kamay nito. I saw tears escaped from Laurence eyes. Hinawakan niya yung ulo ni Xyla na muntik ng mahulog sa sahig at inalalayan ko rin yon pero halos manlaki ang mga mata ko ng Makita kong may dugo yung kamay ko.

 

“Sh’t! BUTLER! PAKIDALIAN, KAILANGAN NA SIYANG MAISUGOD SA HOSPITAL!” Sigaw ko’t mabilis namang pinatakbo iyon ng butler ni Laurence.

 

“B-blood.”

 

 

“Ketchup yan Laurence. Ketchup!” Sigaw ko sa kanya. Naalala kong ganon din ang sinabi ni Xyla sa kanya ng Makita niyang may dugo ang kamay nito. I looked at Xyla and she looks lurid. God, please save her…

 

 

Lay’s POV

“Nurse Fin, pakidala nalang ‘to sa counter.” Utos ko sa nurse na katulong ko. Napatingin ako bigla sa labas.

 

 

“Mukhang may bago na naman po kayong pasyente doc.” Saad niya pero sa labas lang ako nakatingin at nagulat ako ng makita ko sina Luhan at yung iba pa pero napunta ang tingin ko sa babaeng bitbit nila.

 

 

“Xyla… XYLA!” Sigaw ko’t patakbong lumapit sa kanila.

 

“Lay! iligtas mo siya please! Iligtas mo ang pinsan ko! Lay!” Umiiyak na sabi sakin ni Laurence habang tinutulak namin patakbo yung stretcher.

 

“Anong nangyari?”

 

“Gad! She falls on the stairs.” He said while crying. I looked at Xyla. Bakit ba suki nalang siya lagi ng hospital? Ang putla niya.

 

“Ako nang bahala sa kanya, diyan lang kayo.” Sabi ko saka namin siya ipinasok sa emergency room. Chineck ko siya agad.

 

“Doc, dumudugo yung ulo niya.” Agad kong tiningnan yung ulo niya’t malaki yung sugat.

 

“Get me the tools.” I said and put my gloves on and face mask. I check her heart rate at mahina ang pintig non.

 

 

“Xyla, wag ka munang mawawala. Hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita.” I mumbled. Kahit anong mangyari, ililigtas kita. Hindi ko hahayaang mawala ka nalang nang basta-basta.

 

 

D.O’s POV

Hindi ako mapakali. Hangga’t hindi ko nasisiguradong ligtas siya, hindi ako magiging kalmado.

 

“Where’s my daughter?!” Napatayo ako’t napatingin sa Pamilya ni Xyla na kasama sina Kris, Suho at Kai. Even Khier pati sina Mey… they were all here.

 

“Tito, she’s still at the emergency room.” Sagot ko.

 

“G-gad! Anong nangyari kay Laury?!”

“What happened to our cousin?!”

“What happened to my Ate Lala?” Umiiyak na tanong ni Xytee. Sunud-sunod na mga katunungan na hindi ko masagot.

 

“Allaine, what happened?” I saw Khier holds Allaine at her shoulders and looked at her seriously.

 

 

“Pababa na kami ng hagdan pero hinarang kami nina Klarisse at ng grupo niya tapos sinisisi niya si Xandria. Di na sana siya papansinin ni Xand kaso, sinabunutan niya bigla sa buhok kaya lumingon si Xand pero nagkamali siya ng hakbang tapos binitawan siya ni Klarisse. Inabot ko naman siya pero hindi ko siya naabot at tuluyang nagpagulong-gulong hanggang sa bumagsak siya’t tumama ang ulo niya sa semento.” Humahagulgol niyang iyak. Nilapitan lang siya nina Treshia saka niyakap. Marahil nabigla pa si Allaine sa mga nangyari. Sino bang hindi? Tito and Laurence Dad was just comforting him.

 

 

“Kuya, Ate would be okay right?” I looked at Xylene. I squatted and hold her shoulders.

 

 

“Your Ate’s tough. She can surpass even death Xylene. So don’t worry, hindi ka iiwan ng Ate mo.” Niyakap ko lang siya. I know she can make it. Hindi siya pwedeng bumitaw. Not now not until I say what I want to say to her.

 

No one’s POV

Things are meant to happen. No one knows, for it is already written on your book of life. Pero totoo nga ba ang book of life? Kung saan nakasulat na ang storya ng buhay mo? Pero paano kung… gusto ng lahat na baguhin ang storya kahit ang sinasabi ng libro’y, tapos na? Would it end or it will just add another page to continue writing your story? Would the writer give you another chance to flip your pages or he/she would end it here?

 

 

Sehun, *Lala’s okay, she would be okay. Di niya ako pwedeng iwan.*

Luhan, *Xyla, you can make it… tanggap ko na pero sana naman bumalik ka.*

Tao, *Help her please… Don’t take her away that easily. There are still lots of things I want to say to her.*

Chanyeol, *Xandria, you need to fight. You’re Xandria the Great right? Alam kong matatalo mo yan.*

Chen, *Please, Kayo na pong bahala sa kanya. Maraming nagmamahal sa kanya… wag Niyo po sana siyang ipagdamot.*

D.O, *You’ll make it, I know you’ll make it.*

Lay, *Xyla, hindi ka pwedeng mamatay, kung kailangan ng milagro, gagawa ako para magpatuloy ka sa buhay.*

Khier, *Matapang ka di ba? Pwes, labanan mo yan. Hindi pa tayo nakakapunta ng Baguio kaya hindi ka pa pwedeng mamatay ng basta-basta.*

Allaine, *Ikaw na nga lang ang kauna-unahang tumanggap sakin, iiwan mo pa ako? No Xandria, hindi kita bibitawan.*

Treshia, *Please Dear Lord. Mananahimik na ako kung yun ang gusto Niyo basta po, buhayin Mo lang ang kaibigan ko.*

Mey, *Gagawin ko lahat. Wag Niyo lang po siyang kukunin. Please.*

Karren, *Xandria… don’t do this to us. Marami kaming nagmamahal sayo. Hindi ka pwedeng bumitaw. Sasabunutan talaga kita kapag namatay ka. Gadd! Xandria! Fight for it! Matapang ka di ba? Ipakita mong matapang ka! Ngayon mo patunayan sa aming ikaw si Xandria Laurene! Live for us, please…*

 

 

If only you could see them right now. If only you could hear what their muttering and thoughts says. If only you could feel what they feel. If only you’re here…

They were all saying and praying that… Live and don’t leave. We need you. We love you. Stay with us Xyla.

 

~~~

A/N : Naiiyak ako sa mga thought nina Allaine. Xandria, live and don’t leave. Marami pang naghihintay sayo. I don’t have the power to make you live but please… wag mong tapusin ang storya ko. Maraming nag-aantay sayo.

 

Ito na ba ang simula ng pagbabago ng lahat? Ano ang mangyayari kay Xyla? Would she live or… she’ll definitely leave?

 

ABANGAN…

#StayWithUsXyla

GEE'S NOTE : Hindi lang po pala sa NOBMEOP ako mananahimik. Sa lahat-lahat po ng storya ko. Gusto ko, pag nag-update ako, lahat-lahat na para BOOM! Hintay lang po. Mahina ang kalaban. Lagi akong bibisita dito sa watty para basahin ang mga komentaryo niyo pero wala po munang update.

Wag niyo po sana akong husgahan kung bakit ang dami kong ginagawang istorya e hindi ko naman maupdate lahat? ON GOING pa lang po kasi ang mga STORYA ko't hindi pa tapos! Atsaka, hindi naman po oras-oras o bawat segundo may idea'ng pumapasok sa kokote ko. Kung baga, nagtatrial and error po muna ako bago tuluyang iprocess sa printing. yun lang po. SANA MAINTINDIHAN NIYONG LAHAT. NAPAPAGOD RIN PO AKO. HINDI AKO ROBOT, TAO AKO. ISANG WEIRDONG TAO. Yun lang po :')

-Author Gee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: