CHAPTER 5 : Subjects
Xyla’s POV
“Aww… aww…” Hindi ako aso. Nasasaktan lang ako sa ginagawang paglinis ni Lay sa mga galos ko.
“Ba’t ba kasi inalis mo yung high socks mo?”
“Ano bang magagawa ko? Eh unfair daw eh. Mas tinulungan lang nila akong mapadali yung laro. Ang laking sagabal nga nung socks and cloak na yun eh. Ouch… dahan-dahan, mahapdi.” I blew the scratch on my legs. Letche! Sa legs pa yung sugat ko.
“Paanong hindi mapapadali yung laro eh nakatingin lang sayo yung ibang lalaking kalaban natin?” Rinig kong sabi ni Tao.
“That’s not my fault. Aish! Masakit huy!” Sabunutan ko ‘tong doctor na ‘to eh.
“Hindi mukhang galing sa laro ‘tong mga galos mo. Mukhang kalmot.”
“Ask those girls. Naiinggit yata dahil mas makinis ang balat ko’t mas maganda ako sa kanila. Kasalanan ko bang ipinaglihi ako sa dyosa?” They all chuckled. Tanong pa nila kay Mama. Sabi ni Mama, kay Aphroditi at kay Hera niya ako pinaglihi. Doon ko siguro namana ang kagandahan ko. Hohoho!
“Next time, take care of yourself.”
“Inaalagaan ko naman pero may mga peste talagang mahilig manira.” Nilagyan na ni Lay ng band-aid yung mga galos ko. Nailang pa yata nung sa legs na ilalagay kaya ako nalang naglagay.
“Ano, maghohome schooling ka nalang ba ulit?” Tanong ni Kris. I shook my head.
“Naeenjoy ko na ang normal schooling. Ang saya palang magPE ano? Sana PE nalang lagi para naeenjoy ko.” Masaya kong sabi pero hindi masaya ang mga mukha nila. [A/N: Hehe. One of my favorite subjects noong nag-aaral pa ako especially on my college days. Grabe, ang saya lang. Tapos, pabida ka minsan kay crush *3* tehehehe.]
“Kung pwede nga lang ipa-ban ang PE niyo, pina-ban ko na. Kung parati ka namang magagalusan, wag ka nalang magPE.” Lay said and so I pouted.
“Eh gusto ko eh… Oh! And I remember that we have PE next Tuesday and Wednesday! Excited na ako!” Tumayo ako bigla pero nangalay ata ang mga paa ko kakaupo kaya muntik na akong matumba buti nalang at nasalo ako ni Suho. I giggled but he smiled awkwardly. Binuhat niya nalang ako paakyat sa taas. Panay nga talak ko habang paakyat kaming lahat pero tahimik lang sila.
“Those girls, if you’ll only see their faces, matatawa kayo. They were so EPIC. The one they’ve called witch…” I yawned kaya I’ve stop from talking.
“Di nila expect na mas lamang ako sa kanila. And the Pathetic Creature, I gave him a reward for bringing me inside the field.”
“It was a tiring day but I was so happy.” Nilapag na ako ni Suho sa kama ko atsaka ako humiga at kinumutan niya ako.
“I hope you were all there.” I said and they all smiled. Inaantok na talaga ako kaya pumikit ako.
“Good night Xyla…”I heard and felt kisses on my forehead.
“I want to be a normal student…”I murmured and fall asleep…
Suho’s POV
Ngayon ko lang siya nakitang ganon kasaya at ganon kaingay. I think she enjoyed being a normal student kahit tatlong araw palang siyang pumapasok.
“I want to be a normal student…” She murmured while sleeping. We all smiled and get out of her room. I sighed.
“Do you think we should let her continue schooling?” Kris asks.
“It’s what she wants. Let’s just support her besides, ngayon niya lang maeenjoy ang pagiging totoong estudyante. Nandiyan naman sina Tao to protect her when she’s in school.”
“Yeah. Nothing to worry.” Tumango naman ang lahat at nagkanya-kanyang pasok na sa mga sari-sarili naming mga kwarto. I lay on my bed and took the white notebook and pen she gave me under my pillow. I open it and write something.
‘Today, the princess seems to be so happy. I wish her happiness wouldn’t last.’
Xyla’s POV
I keep yawning when we arrived at the school. Hindi ko na isinuot ang hoody ko atsaka yung high socks. Masyadong mainit sa Acad para magbalot ng katawan.
“Xandria!” I heard someone called me from behind kaya lumingon ako’t nakita ko ang humahangos na si Allaine.
“Oh?”
“San ka pupunta?” Tanong niya sakin. Kumunot ang noo ko.
“Sa room?” She adjusts her glasses and look at me.
“Did you peek on your schedule?” I shook my head. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tiningnan yung schedule ko.
“Music---” Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad na niya akong hinila.
“Teka, san mo ako dadalhin?”
“Sa music room tayo ngayon.” Nagpahila nalang ako sa kanya hanggang marating namin yung music room. Pinauna ko na kasi sina Chen kanina dahil pumunta pa akong banyo. Pinihit namin yung door knob at pumasok. Mukhang nagsisimula ng magturo yung instructor. Dahan-dahan kaming pumasok at naglakad papasok pero…
“Stop, you two…” Huminto kami’t napatingin samin lahat. I look at the boys and frown. This is shit.
“Why you’re late?” I stood up straight at hinarap yung mukhang masungit na instructor na lalaki. Buti nalang at hindi siya si Sir Mikael dahil kung hindi, kanina pa ako nalintikan at tinamaan ng stick niya sa kamay.
“I was lost Sir… I’m a transferee that’s why I keep looking at this music room.” Tumaas yung kilay niya at napatingin sa likod ko.
“How about you?” Tanong niya kay Nerdy na nagtatago sa likod ko. Hinawakan ko ang kamay niya’t iniharap sa instructor.
“I call her Sir and ask for help kaya hinanap niya ako’t sinamahan dito tutal kaklase ko naman siya.” Mas tumaas ang kilay niya. Kulang pa yang taas ng kilay niya sa kilay ni Sir Mikael kaya hindi niya ako matatakot sa ganyan lang.
“Sit down.” He said and so we did. Nakahinga ng malalim si Nerdy.
“Thanks for saving me.” She whispered.
“Don’t mention it.” I said at tumutok na kami sa harap. Inabutan kami ng papel nung nasa harap namin at tiningnan ko yon. Tss. Ano ‘to?
“I want you to sing that right now. At dahil nahuli yung dalawang nasa likod kanina, kayo ang mauuna. Stand up you two and come in front.” Nagkatinginan kami ni Allaine at tumayo at pumunta sa harap.
“Now, sing.” Tumugtog na yung instructor at napakunot ang noo ko. What kind of instructor he is? Kanta agad? Wala man lang sample? Kinanta ni Nerdy yung lyrics at inaamin ko, mas masama ang boses niya compare kay Bel. Binasa ko lang yung akin. Sumama yung pagtugtog ng piano ni Sir Taas Kilay at nagtawanan ang lahat. He shouted kaya napahinto sa pagtawa ang lahat at natahimik. Sinamaan niya kami ng tingin at hinablot yung papel sa kamay ni Nerdy.
“Ms. Rodero, stand up and teach this two.” Binigay niya yung copy dun sa babaeng matangkad na mataas pa ang kilay sa sikat ng araw na nakatingin samin. Maganda siya… maganda lang siya pero MAS maganda ako sa kanya. Ngumiti siya sa harap at nagpalakpakan halos lahat. Tiningnan ko yung anim at buti’t hindi sila pumalakpak. Seriously, what kind of instructor is he? Simula palang, binibigla niya yung kanta. Sinong kakanta sa mataas na kantang ‘to? Bukod sa gusto niyang ipahiya ang mga estudyante niya, gusto niyang may maging bida. Kumunot ang noo ko and I gritted my teeth. Halos malamukos ko na yung papel na hawak ko buti’t napansin ni Nerdy.
“…Love… YOUUUUUUU!”Rinig kong birit nung babaeng kumakanta’t nagpalakpakan lahat pati yung anim. Mukha pa silang masaya. Seryoso?
“That’s what I called, talent. Hindi lang dapat ganda, kailangan, may talent din. Now, try it on.” Sir Taas Kilay said. Binubwisit ako ng instructor na ‘to. Ni hindi nga maganda yung boses nung babae eh. Papalitan ko kaya siya kay Tito? Sabihin kong ipalit nila si Sir Mikael para excempted na ako sa subject na ‘to. Gusto niyang itry? He wants talent? I would give him talent. Umakyat pa ako sa stage at kinuha yung mikropono. Naghiyawan lahat. Now, you’ll see a magnificent talent. Sir Taas Kilay raise his brow. In-on ko yung mic.
“Mic test, 1, 2, 3.” Tiningnan ko si Sir at nakasimangot siya. I eyed at him.
“If you’ll going to sing this song Sir, we need to let them hear loud and clear.” I said. Tumayo siya bigla at may pinindot doon sa pader.
“Shocks, ipaparinig niya sa buong Acad ang boses mo Xandria…”Bulong sakin ni Nerdy. What the?! May ganito dito? Tiningnan ko yung mga nasa harap ko’t nakangisi lang yung mga babae.
“You should remain so timid…” They said and laugh at me. Kakainin niyo rin yang mga tawa niyong yan. Umupo na ulit si Sir Taas kilay at sinimulang tumugtog. Tiningnan ko yung anim at nakangiti sila sakin and they even mouthed ‘you can do it’ I nods and smiled half. Hinawakan ko ng mahigpit yung mikropono.Sinimulan kong kantahin yung nasa papel.
[Playing : I will always love you – Whitney Houston]
I look at everyone but my attention was pinned to the six boys. I close my eyes then.Narinig kong nagpalakpakan halos lahat. I can feel the song you know. This was Mammsie’s favorite song. Feel ko andito si Mammsie ngayon. If ever she heard me right now, I dedicate this song to her.I keep closing my eyes and give all my heart to the song.
Di ko napigilan ang sarili ko when tears escaped from my eyes when I ended the song. I was just brought to the song. Ang sakit sa puso ng kanta na ‘to kung alam niyo lang. Tumayo pa halos lahat at nagpalakpakan except for the mean girls of course. Napatingin ako sa instructor na kanina ay nakasimangot sakin pero nakangiti na ngayon at wagas pumalakpak.
“Bravo! You’re excellent!” He said as he shook his head in amazement. Bigla nalang akong nilapitan nung anim at niyakap.
“You’re great Xyla.” They whispered.
“Thanks.”I mumble and wipe my tears away. Nagsibalikan na kami sa mga upuan namin.
“Di mo sinabi, ang ganda pala ng boses mo. Nakakapangilabot ka, alam mo ba yon? Tapos may puso yang pagkanta mo. Grabe… nakakadala ka kanina.” Mahinang sabi sakin ni Allaine.
“That song… that song was my late Grandma’s favorite song…” A tear fell and so I wipe it as fast as I can and plastered a smile. Malungkot na ngumiti si Nerdy Allaine.
“I know your grandma’s very proud to have a granddaughter like you.” She said and I nods. Natapos na yung discussion ni Sir Macky. Yeah, si Taas Kilay si Sir Macky. Akalain niyong naging good mood siya after nung free concert na ginawa ko? Haha. Nagsilabasan na halos lahat pero naiwan ako’t tinawag ni Sir Mac.
“Sorry for earlier. Ayoko lang talaga sa mga magaganda pero wala namang may ibubuga.” He’s so frank and I like him as an instructor.
“That’s nothing Sir. I understand.” Ngumiti siya kaya nagpaalam na ako’t lumabas. Paglabas ko, nadatnan kong ang daming tao.
“Hey, are you the one who sing? Ang ganda ng boses mo.”
“Beauty and voice.”
“You’re Xandria right? Hope we became friends.”
Ang dami nilang sinasabi na kung anu-ano and I smiled awkwardly at them. I am not Laurene but they’re praising me.
“Excuse me… excuse me… kailangan ng dumaan ng prinsesa.” Bigla akong hinawakan ni Luhan at nagmukha silang mga bodyguards na nakapalibot sakin dahil pinagkukumpulan ako ng sangkaterbang estudyante. Nakahinga ako ng maluwag ng marating na namin yung classroom ko for next class. Nagpaalam na sina Chen at Kyungsoo at naiwan ako sa piling nung apat kasama si Allaine. Pumasok na kaming lahat sa loob at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. I didn’t mind them hanggang makarating ang Prof namin at nagsimula ng magturo ng math problems.
“I really hate Math…”I murmured. Bakit kasali pa yan sa subjects ko? Nag-iisang minor na nga lang, feeling major pa. At dahil tamad akong makinig ay tinulugan ko nalang yung problema ni Mathematics. Kelan kaya siya mauubusan ng problema? Napasarap ang tulog ko ng biglang may nagpopoke sa pisngi ko. Tinampa ko yon at tinago ang mukha ko.
“Lala~ wake up… magtetest tayo.”
“Don’t care… I want to sleep.”
“Ms. Salvador!” Bigla akong nagulat kaya napaharap ako sa prof namin at tinawanan ako ng lahat. Aish! Panira ng tulog oh. Kunot noo kong inayos ang bangs ko.
“If you want to sleep, sleep at home or after my class. Now get one whole sheet of yellow paper and answer the problem written on the board.” Galit na siya niyan? Kung bakit ba ang problema ni Math, kailangang ipasa sa lahat? Kinuha ko yung yellow pad ko at nagsulat na. Ang sakit sa ulo ng bwisit na problema na ‘to. Ng matapos ko ng sagutin ay nagpass na ako agad.
“Done? That fast?” Tanong pa ng prof na ‘to. Ano bang magagawa niya kung mabilis akong sumagot?
“Hindi ka ba nangodiko Ms. Salvador?” What the hell?! Do I look like I’m a cheater? Kumunot ang noo ko.
“Sir, tulog nga po ako the whole time, paano ako magchecheat kung wala naman akong kopya?” Tanong ko sa kanya pero tumaas lang ang kilay niya.
“Do it again.” Kabanas na panot na ‘to. Papanutin ko yang ulo mo, gagawin kong fried head, Makita mo. Kinuha ko yung papel ko at binitbit ang upuan ko.
“Where are you going?”
“Baka po kasi sabihin niyo, nandadaya na naman ako kaya magtetest ako mismo sa harap niyo.” Letche! Umupo ako sa upuan ko’t pinatong yung yellow pad sa table niya. Tutok na tutok pa siya sakin habang nagsasagot ako. Agad kong ibinigay sa kanya yung papel ko ng matapos na ako. Ni wala pa ngang nagpapass at ako palang. Tumayo na ako agad.
“Siguro naman Sir ayos na yan? O gusto niyong bigyan ko pa ulit kayo ng maraming kopya ng sagot ko?” Tumaas lang ang kilay niya na nakatingin sa papel ko at tatango-tango.
“You may now seat and continue your sleep.” I sighed at binitbit pabalik yung upuan ko. Napatingin pa sakin lahat including the four boys and Pathetic Creature. Buti nalang di ko katabi yung hinayupak na yon.
“Tapos ka na talaga?”
“Hindi, mukhang kakasimula ko palang ba, Chanyeol?” Asar kong tanong sa kanya. Nawala yung ganda ng mood ko sa panot na maestrong yon. Pinatong ko ulit yung bag ko sa desk at pumikit ng biglang may mambato sakin. Napamulat ako’t binuklat yung papel.
‘Hoy nerd, pakopya naman, babayaran kita.’ Mukha na ba akong nerd ngayon? Gifted ako pero hindi ako nerd. Malaki ang pinagkaiba non. Lumingon ako’t nakita ko yung babaeng mukhang nguso ng baboy ang pagmumukha na nakatingin sakin. Tumayo ako’t tiningnan ako ni Sir. Panot.
“Where are you going Ms. Salvador?”
“Ibibigay ko lang po ang papel niya.” Ibinigay ko doon sa babae ang papel niya at halos samain niya ako ng tingin.
“Sorry, pero ang sagot, hindi binibili, pinaghihirapan, at pinag-aaralan.” Saka ako bumalik sa desk ko at pinagalitan siya ni Sir Panot. Mga istorbo. Natutulog ang tao, hindi ba nila naiintindihan yon? Bumalik nalang ako sa pagtulog at di sila pinansin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top