CHAPTER 46 : Thesis Days [45]

Xyla’s POV

“Ihalo mo pa kasi. Anong silbi niyang muscles mo kung meron man, kung hindi mo naman ginagamit?” Tiningnan lang niya ako ng masama.

 

 

“Ikaw dito. Try mong maghalo tingnan ko kung di ka mahirapan.” Sabi niya kaya umismid lang ako. Andito kami sa kusina at gumagawa ng biko. Nagtetest kami para sa product namin for thesis. Kita kong pawis na pawis siya. Kanina pa siya nagluluto eh. Kinuha ko yung towel sa balikat ko’t ipinunas sa noo’t mukha niya. Napatingin naman siya sakin pero umiwas din. I saw him blushed. Haha. Ang cute niya palang mamula. Teka, sinabi ko bang cute? Naku, mali kayo ng basa.

 

 

“Pwede na siguro ‘to.” Kumuha siya ng konti saka tinutok sakin yung kutsara. Tiningnan ko lang yon.

 

“Tikman mo.” Hinawakan ko yung kamay niya saka tinikman.

 

“Pweh! Ang init! Ang init!” Tumakbo ako sa ref saka uminom ng malamig na tubig. Ang sakit ng dila ko. Kung bakit ba tinikman ko rin ano?

“Patingin nga?” Nilabas ko yung dila ko’t tiningnan niya.

“Namumula.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Paanong hindi mamumula eh napaso nga. Stupido.

“Oh, tama na yang LQ niyo, asikasuhin niyo yung niluluto niyo’t baka masunog.” Napatingin kaming parehas kay Nerdy.

 

 

“Aba’t ang sarap nang buhay natin ano? Kami ‘tong nagpapakapagod magluto’t ang sarap lang nang upo mo diyan at halos maubos na yung nuts kakapapak mo.” Ngumiti lang siya habang kumakain ng mani. Napailing nalang ako’t bumalik kami ni Creature sa pagluluto.

 

 

“Hoy, basa na yang damit mo.” Sabi ko sa kanya kaya tiningnan niya naman.

 

 

“Magpalit ka muna don at ako nang maghahalo nito.” Kinuha ko sa kamay niya yung sandok at hinalo yung biko. Walanjo! Kasing bigat nang toneladang bigas ‘to. Kung bakit ba kailangang malagkit rice ang gamitin?

 

 

“Ako na. Mukhang mababalian ka ng buto.” Kinuha niya sa kamay ko yung sandok at tiningnan ko siya. Holy cow! I gulped. Bato naman pala ang katawan nito e.

 

“Wag mong pagnasaan ang katawan ko.” Tiningnan ko siya’t nakangisi lang siya.

 

“The word with the capitalize K, KAPAL MO!” Hinampas ko siya ng towel pero tumawa lang siya.

 

“Magbihis ka nga!”

 

“Bakit? Nakakadistract ba?” Bwisit! Nakakadistract talaga. Bigla nalang akong may naamoy na nasusunog kaya napatingin ako sa niluluto niya.

 

“Hoy! Yung niluluto mo, sunog na!” Bigla niya namang hinawakan yung malaking kawali kaya napaso siya.

 

 

“Aish, katangahan nga naman oh! Haluin mo!” Sigaw ko sa kanya at hinalo niya naman ng mabuti hanggang sa maluto. Pinatong namin yun sa malaking bilao saka pinahiran ng margarine.

 

 

“Patikim ako.” Hinampas ko yung kamay ni Nerdy.

 

“Di ka nga tumulong, titikim ka pa?”

 

“Tumulong ako. Ako kaya nag-ubos ng nuts.” Naningkit ang mga mata ko.

 

“Pwes, wala kang kakainin dito.” Saad ko sa kanya. Hinanda ko naman yung pagluluto ng latik. Saglit lang yon at sakto, medyo malamig na yung biko kaya binudbod na namin yung latik doon saka yung mani. Hiniwa namin yon at kumuha kami para tikman.

 

 

“Hmmm… ang sarap.” Kumutsara ako ulit saka tinutok kay Creature. Ngumanga naman siya pero sinubo ko yon at kinain. I looked at him at ang sama lang ng tingin niya.

 

 

“Pinapakita ko lang.” Nakangiti kong sabi. Inagaw niya sakin yung kutsara saka platito at sumubo.

 

“Sarap nga.”

 

“Akin yan eh! Kumuha ka ng sayo don.”

 

“Wag na, share nalang tayo. Sayang ang hugasin.” Saka siya nagpatuloy sa pagkain. Nahiya naman daw ako sa hugasin.

 

“Magbihis ka na nga doon.” Sabay iwas ko ng tingin.

 

“Bakit? Distract ka parin?” Pang-aasar niya. Tinakpan ko yung ilong ko saka siya sinamaan ng tingin.

 

“Ang baho mo.”

 

“A, ganon?” Binaba niya yung platito’t kutsara saka lumapit sakin.

 

“Ho-hoy! Anong gagawin mo?” Nakangisi lang siya habang palapit. Bigla niya akong hinila’t tumama yung mukha ko sa dibdib niya.

 

“YUCKKK! AMOY PAWIS KA! KADIRI! ANG LAGKIT MO! BITAWAN MO KO CREATURE!” Niyakap niya lang ako habang tumatawa.

 

“Para parehas na tayong mabaho.” Tawa lang siya ng tawa.

 

“Sige, ipagpatuloy niyo lang yan, baka sakaling matapos kayo diyan, ubos ko na ‘to.” Napatingin ako kay Nerdy na nilalantakan na yung biko. Tiningnan ko si Creature.

 

 

“Bitaw na, ano ba?! Kadiri ka!” Di ko magets ang nararamdaman ko. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Abnormal na yata ako. Binitawan niya ako kaagad kaya hinampas ko siya ng towel pero kinuha niya lang yon at ipinunas sa mukha’t katawan niya. Ang awkward tuloy sa kusina. Tahimik lang kaming kumain.

 

 

“What do you think we’ll add to this rice cake?” Tanong ko sa kanila habang patuloy na kumakain.

 

“Chocolate kaya?” Tiningnan ko si Nerdy.

 

“Do you want everyone to poo?”

 

 

“Let’s just roll this then put it in a toothpick in a bite size para hindi sila mahirapang kumain saka natin ibalot sa powdered nuts and put latik on it.” Napatingin ako kay Creature at seryoso siyang tumingin sakin. Napangiti ako.

 

 

“Akalain mong may utak ka rin pala ano?” Tumawa lang kami ni Nerdy samantalang siya laging masama ang tingin samin.

 

 

---

“Oy, iready niyo yung mga documents at pag-aralan niyong mabuti. Next week, we need to do a free trial and survey tayo.” Tumango naman sila.

 

 

“Take care when you go home.” Kumaway ako’t tuluyan na silang umalis. I sighed. Lapit ng mag February at malapit narin ang defend namin. Pumasok na ako sa bahay at nakita ko sa harap ko si Lay.

 

 

“Pwede na ba kitang masolo?” Nakangiti niyang tanong. Kaninang umaga niya pa ako niyayayang lumabas pero sabi ko, kapag kasama ko ang mga kagrupo ko, wala munang istorbo.

 

 

“Gabi na. Ano pang gusto mong gawin?” Hinila niya ako’t niyakap lang.

 

“Kung nasa tabi lang kita, wala na akong gusto pang gawin.” Namula ako sa mga sinabi niya’t nagsimulang magdrumroll ang puso ko. Dinala niya lang ako sa rooftop atsaka lang kami umupo’t hawak niya lang ang kamay ko habang nakatingin sa kalangitan. Star gazing ata ‘tong ginagawa namin pero wala naman akong makitang bituin dahil sa kapal ng mga ulap.

I felt a weight on my shoulder at pagtingin ko, ulo pala ni Lay. Sinilip ko yung mukha niya’t nakapikit siya habang nakangiti. Ang gwapo talaga nung dimple niya. Pinisil niya yung kamay ko’t napatingin ako sa buhok niya. I smiled. Kelan ba ang huling pagkakataon na nahawakan ko ang buhok niyang yan? I kiss his head. Ang bango talaga ng buhok niya’t ang lambot. Bigla ko tuloy namiss si Lay na walang alam gawin kundi alagaan ako~

~~~

A/N : Namiss ko bigla ang mga #LayLa Moments sa Season 2. Ang tagal narin pala.'Read. Read. Read~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: