CHAPTER 44 : Boo!

Suho’s POV

“Para sayo.”

 

“Sa-salamat.”

 

“Uhh… may sasabihin sana ako.”

 

“Ano?”

 

“Alam kong marami kami pero gusto ko lang malaman mo na… di man ako ang piliin mo, mahal na mahal kita.” *silence*

 

“A-ano kasi… ano… ma-mahal din kita.”

 

“Ta-talaga?”

 

“Oo… kahit gaano kayo karami, ikaw ang pinipili ko’t nilalaman nitong puso ko. Sayo lang ako nakakaramdam ng ganito.”

 

“Oh… Mahal kita… mahal na mahal kita.”

 

 

“Ano ba yang pinapanood niyo? Walang kwenta. Letche ang baduy!” Napatingin kaming lahat kay Xyla. Pinatay niya lang bigla yung TV wherein part na na maghahalikan yung babae’t lalaki.

 

 

“Xyl, panira ka naman eh! Yun na yon oh!” Reklamo ni Bel pero binato lang siya ni Xyla ng throw pillow.

“Kayo lang nag-eenjoy.”

“Anong gusto mong panuorin natin? Horror? Eh ikaw lang nag-eenjoy don eh.”

“Mga duwag lang kayo.” Sabi niya saka tumayo’t pumuntang kusina. Nagkatinginan nalang kaming lahat. Tatayo na sana ako ng biglang mamatay ang ilaw kaya nagsigawan sina Bel at Sienna at nakarinig ako ng sigaw at kung anong nabasag sa kusina.

“XYLA!” I yelled and run at the kitchen. Sobrang dilim at wala akong Makita kaya kakapa-kapa akong pumasok doon.

“Xyla, nasan ka?” Nabigla nalang ako ng may Makita akong maputing mukha kaya napasigaw ako ng bahagya.

“Hey, it’s me.” She said.

“Xyla?” Di niya ako pinansin sa halip ay sinindihan nalang yung iba pang kandila. I walk towards her.

 

“May nangyari bang masama sayo? Nasugatan ka ba o ano?” Tiningnan niya lang ako saka nagpatuloy sa pagsindi.

 

 

“Nagulat lang ako nung may sumigaw kaya nabitawan ko yung baso. Iinom sana ako.” I felt relief. Binigay niya sakin yung ibang kandila at bumalik kami sa sala.

 

 

“Oh God, there’s candles.” Sienna said while hugging Sehun. Binigyan kami ni Xyla ng tig-iisang kandila.

[A/N : Kung gabi niyo ‘to binabasa, naku! Wag niyong ipapasok sa mga utak niyo okay? Para di kayo matakot. Tandaan, ang takot, nasa isip lang yan. Pero may tanong ako… mag-isa lang kayo sa kwarto niyo? Nakapatay ba ang ilaw niyo? Naku! Naku! Wag kumurap. Baka pagmulat mo… andyan na siya sa tabi. Sino? HA-HA-HA-HA... Boo! XD]

 

 

“Don’t let it die.” Sabi niya pa saka humakbang paakyat sa hagdan.

 

“Ba-bakit?” I heard Sienna ask. I frown. Malamang siguro kung hahayaan niyang mamatay yan edi wala ng ilaw. Tsk. Napatingin lang ako kay Xyla and she’s wearing her creepy smile.

 

 

“Don’t let it die or else… you might lose your light. Don’t look back, don’t step back, and don’t light it back when it dies.”

 

 

“Ba-bakit?” Tanong ulit ni Sienna. I heard Xyla giggled horridly.

 

“You might see the face of death.” Napailing nalang ako. Halata namang tinatakot niya lang si Sienna. Mukha namang natakot yung isa dahil higpit ng kapit sa braso ni Sehun.

 

 

“Maiwan ko na kayong lahat.” Xyla said and walk slowly upstairs. Hindi na siya lumingon.

 

 

“Wag kayong tatakas dahil sa bawat paghakbang na inyong gagawin, may aninong handa kayong bingwitin.” Nangilabot ako sa sinabi niya. Her voice sounds like she’s whispering aloud. Yun bang mga nasa horror movies na nakakatakot na boses? Nagkatinginan kaming lahat at napalunok ako. I look at the window and the curtains were moving. Binalik ko ang tingin ko kay Xyla at dahan-dahan lang siyang umaakyat.

 

 

“Isa… dalawa… tatlo… magtago na kayo… Hide or he’ll seek you. He’s coming… he’s coming towards all of you. Don’t close your eyes. Don’t lose each other’s side. Tug everyone you can or, he will tug you. No matter what you do, no matter how hard you run… he’s just beside you. Don’t look at your side or you might see his white bride. In the count of two, all your candles will blow. If it will die, you will die too. One.” My knees trembled.

 

 

“Xyl, stop it!” Tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang pataas pero yung boses niya kanina, rinig na rinig naming lahat. Napatayo na yung iba at halos ayaw bumitaw nina Sienna at Bel kina Sehun at Kai.

 

 

“Xyla, stop it… kayo rin, tigilan niyo na yan. Walang multo okay? Nasa isip niyo lang yan.” Saad ni Kris kaya napatango silang lahat. Napatingin kami sa bintana ng biglang umihip ang malakas na hangin. Teka, san galing yung hangin kung nakasara yung bintana?

 

 

“Uhh… guiz, akyat na tayo.” Suggest ni Xiumin kaya tumango kami’t humarap sa hagdan pero nakita namin si Xyla na nakatayo’t nakaharap samin habang nakatutok sa mukha niya yung kandila.

 

 

“Two.” She said then blew her candle and our candles died.

 

“AHHHHHHH!” Sigawan naming lahat saka kami nagkumpulan at nagyakapan.

 

“AYOKO NA! I WANNA GO HOME! MOMMY!” I heard Sienna screamed.

 

“XYL! WHERE ARE YOU?!” Bel screamed. Wala akong Makita.

 

“JUTHKO! NAIIHI AKO! JONGINA NIYO!” Sigaw naman ni Chen. Hindi ko na nga alam kung sinong niyayakap ko. Natatakot ako t^ngn^!

 

“Boo!” Nagsigawan pa kaming lahat ulit ng bigla nalang umilaw yung kandila’t nakatutok na naman sa maputing mukha.

 

“AHHH! THE WHITE BRIDE!” Sehun yelled. I saw the white face laugh then her face became serious.

 

 

“Seriously Sehun? White Bride your face. Umayos nga kayo. Kalalaki niyong tao, ang duduwag niyo.” Nagkatinginan kaming lahat saka kumalas sa yakap. It’s Xyla. Sinindihan niya ulit yung mga kandila namin.

 

 

“Sienna, sa kwarto ka ni Auntie matulog at samahan mo si Bel tutal wala naman si Auntie. Matutulog na ako. Isara niyo yung pinto.” Umakyat na siya at naiwan kaming lahat doon.

 

 

“Seriously? What’s with that lady? Kung kaming dalawa ang magsasama sa iisang bahay, I would die because of too much fear.” Sienna said while holding the candle.

 

 

“Kung ako ang mapapangasawa ni Xy-Xy, hindi ako matatakot dahil napakatapang nang mapapangasawa ko.” Xiumin said while smiling.

 

“Wag ka munang magpantasya.” Sabay sapak ni Baekhyun sa kanya. Umiling nalang ako. Iba talaga trip ni Xyla. She always loves horror at hilig niyang manakot. Kakaiba talaga.

Xyla’s POV

Mga duwag talaga kahit kailan. Naabutan ko nalang na tulog na yung tatlong aso. Pinailaw ko muna yung lamp shade bago patayin yung ilaw at sumampa na ako sa kama.

Di pa naman ako inaantok. Napatitig lang ako sa kisame. Tama ba ang desisyon ko? Kaya ko ba? Mahal ko silang lahat. Oo naman. Mahal ko silang lahat. Pamilya kami di ba? At ayokong saktan ang isa sa mga kapamilya ko. Naguguluhan na ako. I’m muddled with my decision. I sighed before closing my eyes. Kailangan kong magpasya. Kailangan.

 

 

Naalimpungatan ako bigla’t pagtingin ko sa orasan, hatinggabi na pala. Napaupo ako’t nakatulala lang. Naalala ko na naman yung iniisip ko kanina. Napahilamos nalang ako ng mukha’t sinilip sina Khaki. Teka… asan si Blitz?

 

 

“Blitz? Baby?” Wala siya sa tulugan niya. Tumayo ako’t pinailaw yung ilaw at sinilip ang ilalim ng kama ko. I saw her there.

 

“Koo… come here, Blitz.” Lumapit naman siya agad at umupo ako sa kama’t inihiga siya sa lap ko’t hinaplos.

 

“Natatakot ka ba?” Napangiti ako’t hinaplos-haplos lang siya.

 

“Para kang yung nagbigay sakin. Parehas kayong matatakutin.” By then, bigla ko nalang narealize na…

 

 

“Sehun…” Binaba ko si Blitz at mabilis pumunta ng pinto’t dahan-dahang lumabas. Tinakot ko pala sila kanina’t nalimutan kong matatakutin pala yun. Di na ako kumatok at binuksan ang pinto ng kwarto niyang hindi naman nakalock.

“Sehun?” Tawag ko sa kanya’t kinapa yung switch at ng umilaw ay…

 

 

“Sehun?” Tinignan ko lang siya. Di ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya. Lumapit ako kung saan siya naroon at lumuhod ako. Tinitigan ko lang siyang mabuti. Nakaupo siya’t nakasiksik sa isang sulok at nakabalot ng kumot habang may yakap na unan. Takot na takot siguro ‘to. I remove those strands of his hair covering his forehead. I smiled. He looks like a baby while sleeping.

 

 

“Sehun? Wake up Sehunnie…” Mahina kong sabi’t bahagyang tinampa ang pisngi niya. Gumalaw naman siya’t nagkusot ng mga mata’t natigilan ng Makita ako.

 

“Wag kang matulog diyan Sehun.” Saad ko pero titig lang siya sakin.

 

“La—Lala?”

 

 

“Hmm?” Bigla niya nalang akong niyakap. Napangiti ako. I remember the first time he hugged me. Natatakot din siya non at kagagawan ko rin kung bakit. Yun din ang dahilan bakit naging close kami. I hug him back at binaon niya lang ang mukha niya sa leeg ko.

 

 

“I’m sorry for scaring you Sehunnie~ Don’t be scared. I’m here.” I said and I think he smiled for I felt his lips moved. I pat his back.

 

 

“Tayo na. Humiga ka na sa kama mo. Di kita iiwan hanggat di ka nakakatulog.” Kumalas na ako’t tumayo. Inalok ko ang kamay ko’t nakangiti niyang tinanggap yon at tumayo bitbit ang kumot at unan niya. I tap his bed.

 

 

“Higa na.” Saad ko pero tinignan niya lang ako’t pinisil ang kamay ko. I sighed.

 

“Sige na. Dali na.” Hinila ko siya palapit at umupo sa kama niya’t sumandal sa headboard. Humiga naman siya’t ayaw bitawan ang kamay ko.

 

 

“Bitaw na Sehun. Hindi kita iiwan.” Tumingala siya’t tinignan ako na parang naninigurado. I smiled. Ngumiti rin siya’t binitawan rin ako. Inangat ko ang mga paa ko’t pinatong narin sa kama niya. Kinumutan niya nalang ako bigla’t nagsumiksik sa tabi ko’t niyakap ang bewang ko. Parang ayaw niya akong paalisin. Pano ‘to?

 

 

“Let’s stay like this Lala. Just be with me tonight.” My heart suddenly pounds. I move my hand to touch his hair at nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba o hindi pero hinawakan ko rin at hinaplos.

 

 

“Dito lang ako Sehun… Di kita iiwan.” I saw him smiled at mas sumiksik pa’t hinigpitan ang yakap.

 

~~~

A/N : KYAAAAAAH! Sabog na sabog na ako! #XyHun feels~ Mamen! Nakakalimutan ko si Lulu kapag umeentra ang XyHun! Gosh! Takutan sa umpisa’t nauwi sa kiligness! My Gadd! Pak na pak! XD

 

Naguguluhan na ba kayo? Ano na? Change ships? XyHan or XyHun? Kasi ako, #XyHun muna ako ngayon! KYAAAAAAH~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: