CHAPTER 43 : Ano ba talaga?

A/N : BOOM BLASTS UPDATES TODAY. SANA PO MASAYA KAYONG LAHAT. HINDI AKO MASAYA E. BADTRIP AKO SA BALITANG NASAGAP KO ABOUT SA INFINITE. ANYWAY, PASENSYA NA PO SA MATAGAL NA PAG-UPDATE. SINADYA KO TALAGANG SATURDAY MAG-UPDATE KASI, INIISIP KO YUNG MGA STUDENTS. BUSY SILA AT NGAYON LANG FREE TIME NILA. I WANT TO BE FAIR TO EACH AND EVERYONE. YUN LAMANG PO. SALAMAT. Enjoy reading...

~~~

Luhan’s POV

I heard knocks from my door so I stood up and open it. Napangiti nalang ako nang Makita ko siya.

 

 

“What do you want Mylo?” Umiwas lang siya ng tingin but I saw her blushed a little.

 

“Give me one of your dirty clothes.” Kumunot ang noo ko. Anong gagawin niya don?

 

“Bakit?”

 

 

“Just give me one. Not the white one okay?” Di ko alam anong gagawin niya pero kumuha nalang ako’t inabot sa kanya. Tiningnan niya naman yon at sinipat saka inamoy. What she’s doing? Hinatak ko sa kanya yung damit kaya kumunot ang noo niya.

 

 

“What are you doing?” She raised her left brow.

 

 

“I’m checking it. Akin na yan at may kailangan akong gawin.” Hinila niya yon saka naglakad paalis. Sinara ko yung pinto ko’t sumunod sa kanya. Nakasalubong pa namin si Sienna. Tiningnan niya ako pero iniwas ko lang ang tingin ko.

 

 

“Sienna, go to the Music room for a while and clean the piano. I want it to be clean.” Sienna just looked at her then sighed and walked away. Sinundan ko lang siya ng tingin.

 

 

“Don’t look at someone else if I’m beside you.” Napatingin ako kay Xyla pero nauna na siyang bumaba. I chuckled slight and mess my hair. I forgot, she still owns me and she’s a bit possessive. Sinundan ko nalang siya hanggang sa kitchen. Naghalungkat siya ng kung ano’t nagtataka ako. Anong gagawin niya sa damit ko?

 

 

“Anong hanap mo Xyl?” Tanong sa kanya ni Bel habang naghuhugas ng mga plato.

“Where’s the cooking oil?” Cooking oil? Inabot naman sa kanya ni Bel yon. Nilapag niya yung damit ko sa mesa saka binuhusan ng mantika.

 

“Anong ginagawa mo? Ipiprito mo ba yung damit ko?” Tanong ko sa kanya pero di niya ako pinansin saka kumuha ng chocolate sa ref at kinuskos doon at kung anu-ano pa. Yung damit kong marumi lang dahil sa pawis, ngayon, mukha ng basahan sa sobrang dumi. Kinuha niya yon ulit saka ako tiningnan ng seryoso.

“Stay here and don’t follow me. Ibabalik ko rin ‘tong damit mo.” Sabi niya saka lumabas. Susunod sana ako pero pinigilan ako ni Bel.

 

“Just trust her Luhan. Makinig ka nalang.” Bumuntong hininga ako’t nanatili nalang sa kusina. Ano bang gagawin niya don?

 

 

Xyla’s POV

“Wash it.” Hinagis ko sa mukha niya yung damit ni Luhan at halos ilayo niya yon sa kanya.

“Basahan ba ‘to?”

 

 

“That’s Chen’s clothe. I want you to clean that thoroughly at kailangan wala akong makikitang mantsang natira diyan. Linisin mo’t pabanguhin mo. Now move at the wash room. Hindi ka aalis doon hangga’t hindi nagiging malinis ang damit na yan.” Bumuntong hininga lang siya saka na umakyat sa rooftop. Bumalik akong kusina’t naabutan ko parin si Luhan doon. Mabuti naman at nakinig siya.

 

“Asan na yung damit?” Tanong niya na nakakunot ang noo.

 

“Binabad ko. Lalabhan ko mamaya.” Sabi ko pero mas lalong kumunot ang noo niya.

 

“Lalabhan mo pero dinumihan mo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.”

 

 

“Kung sayo rin naman damit, ayos lang na mahirapan ako.” He was surprised and averted my gaze but I saw him blushed. Napangiti tuloy ako’t nagkatinginan nalang kami ni Bel.

Kris’ POV

Pumunta akong rooftop para maglaba. Sabado ngayon at nagkadouble day off ako kaya lulubusin ko na ngayon para may oras ako bukas kay Xyla. Sagad nga akong magtrabaho sa office kahit napakakulit nung si Gail. Feeling boss e ako kaya boss niya. Harhar. Wala siyang magagawa sakin dahil sabi ng Daddy niya, ‘You listen to what Kris says. He knows what’s good for you.’ O di ba? Mas pabor sakin ang Daddy niya. *insert proudness here*

“Aish! Bwisit! I never wash even a single clothe tapos papaglabahin niya ako?! Lintek na buhay ‘to oo oh! Hindi ba pwedeng magpalaundry?! Ang dami-daming katulong sa bahay tapos ako ‘tong naging katulong! Bwisit! Bwisit talaga! Ugh! Ayan! Bagay yan sayo!” Napahinto lang ako sa pinto nang makita ko si Sienna na naglalaba’t gigil na gigil siya sa isang pirasong damit na nilalabhan niya. Nilapitan ko siya’t mukha siyang nabigla.

 

“Oy, maglalaba ka rin?” Nakangiti niyang tanong. Tumango-tango lang ako.

“Ako nalang maglalaba niyang nilalabhan mo.”

 

 

“Ay, nako, wag… isang piraso lang naman ‘to. Kaya ko na ‘to saka… enjoy ako sa paglalaba eh.” Nakangiti lang siya habang hawak yung damit. Enjoy ba ‘ka niya? Eh kulang nalang mapunit yung damit sa kakabrush niya. Tumango nalang ako’t hinayaan siya. Gusto niya yan eh. Naglaba nalang din ako. Tinitingnan ko lang siya’t sinisipat-sipat niya yung damit. Gusto atang makasiguradong walang mantsa. Natapos na ako sa paglalaba ng tambak kong labahin pero di parin siya tapos.

 

 

“Sienna, matatapos ka pa ba diyan?” Tiningnan niya lang ako’t ngumiti.

 

 

“Tapos ko na ‘to. May fabcon ba kayo diyan?” Tumango lang ako saka kumuha’t inabot sa kanya. Ibubuhos niya sana don sa damit pero pinigilan ko siya.

 

 

“Kailangan mo munang banlawan yung damit hanggang mawalan ng bula yung tubig saka mo ibuhos yung fabcon sa tubig at ibabad yung damit doon saka mo na isampay pagkatapos.” Bahagya siyang tumayo saka binanlawan yung damit at sinunod yung utos ko. Sinampay niya na yon at kita kong malinis naman at mabango na. Pero parang pamilyar yung damit eh.

 

 

“Hindi ba damit ni L---”

 

 

“Sienna, marami ka pang gagawin.” Napatingin ako sa likod at nakita ko si Xyla. Seryoso lang siya’t lumapit na si Sienna sa kanya’t umalis sila. Napatingin ako sa damit. Bakit nilalabhan ni Sienna yung damit ni Luhan?

 

Xyla’s POV

“Wear it.” Utos ko kay Luhan sabay tapon ng damit sa kanya. Tiningnan niya naman yon saka inamoy.

 

 

“Wow… galing mo naman maglaba. Ang dumi kanina, pero ang linis at ang bango na ulit ngayon ah?” Sabi niya’t inamoy-amoy lang yon. I smiled. Buti naman at naappreciate niya. Pero ano kayang reaction niya kung malaman niyang si Sienna ang naglaba’t nagplantsa niyan? Nilapitan ko siya’t walang sabi-sabing niyakap. Rinig ko yung kabog ng dibdib niya.

“A—anong ginagawa mo Mylo?” Tanong niya. Tinitigan ko lang siya’t hinaplos ang mukha niya. I smiled half. Takang-taka lang siyang nakatitig sakin.

“Luhan p---” I was shut by a kiss. Bakit ganon? Tuwing hahalikan niya ako, parang ipu-ipong nagwawala ang sikmura ko. Kumapit lang ako sa batok niya’t naramdaman ko yung yakap niya while sharing our kisses.

 

 

“I love you. I love you Mylo…” He said then let go of my lips and kiss my forehead. I smiled half. Luhan… I… *sigh* Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at binitawan.

 

 

“Isuot mo na’t dalian mo’t kakain na tayo.” Sabi ko sabay sara ng pinto niya. Hinintay ko lang siya sa labas hanggang makalabas siya’t nakangiting tumingin sakin. Suot niya na nga. What would be Sienna’s reaction if she would see this?

 

“Let’s go?” Inakbayan niya ako’t sabay kaming pumunta sa kusina. Nandon na lahat at mga nakaupo na. Napatingin silang lahat samin pero nakatingin ako kay Sienna na mukhang gulat na gulat. Pinanghila lang ako ni Luhan ng upuan saka na kami kumain.

 

 

“Luhan, pinalaba mo ba yang damit na yan kay---” Tiningnan ko si Kris at pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.

 

 

“I volunteered Kris. Just shut up and eat.” Seryoso ko siyang tinitigan at mukhang nagets niya naman. Pagkatapos kumain ay dumiretso ako agad sa kwarto’t nagpahinga habang nilalaro sina Khaki, Bisque at Blitz. I looked at the door when it suddenly opens. I saw Sienna who had her blank face.

 

 

“I thought it was Chen’s clothe?” Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya’t hinimas ang mga natutulog ko ng alaga.

 

 

“If I told you that it was Luhan’s I’m sure you’ll really work for it even I don’t say so. Pero kapag sinabi kong hindi kanya, mapipilitan ka’t sisiguraduhin mong malinis yun kung ayaw mong maparusahan. Just to remind you… that’s one of the incentives you’ll get. So if I were you, pagbubutihan ko. Malay mo, next time hindi nalang isang damit niya ang mahawakan mo.” Tiningnan ko siya’t pulang-pula ang mukha niya’t kagat-kagat niya yung ibaba niyang labi’t parang nagpipigil.

 

 

“Mahirap pigilan yan, ilabas mo na---” Bigla nalang siyang tumili nang pagkalakas-lakas at nagising ang mga aso ko. Binato ko siya ng unan at sinamaan nang tingin. Bumukas tuloy yung pinto’t nag-unahang pumasok ‘tong labingdalawa.

 

 

“What happened?” Suho asks.

 

 

“I said let it out but not here! Look what you’ve done, nagising tuloy ang mga alaga ko. Aish! Next time, let me finish first before you act giddily. You’re so annoying! I’ll add you another punishment for that.” She just smiled embarrassedly and say sorry.

 

 

“May nangyari ba sa inyong dalawa ha? Nag-aaway ba kayo?”

 

 

“Mukha ba kaming nag-aaway sa lagay na ‘to? Kung nag-aaway kami, hindi niyo makikitang buhay ang babaeng yan ngayon. Now, get out all of you except for you Sienna. Matulog na tayo’t maaga ka pang gigising bukas. Lock the door afterwards.” I turn my back at them and pull the blanket and I closed my eyes.

 

~~~

A/N : Sabog na naman ako sa kilig. Inaamin ko, kinikilig ako sa XyHan. I do ship #HanZy for real, my goodness! Si Suzy lang gusto ko para sa EXO. Siya lang at wala ng iba! Ay hindi~ si IU pala, shiniship ko rin sa kanila lalo na kay Suho XD. Watch their fancams at kilig kilig lang ako doon XD.

 

O, anong say niyo ha? Mga nagtataka na ba kayo kung ano ang deal nina Sienna at Xyla? Yung iba sa inyo, alam na siguro e XD.

Ano pa nga ba ang mga dapat...

ABANGAN...?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: