CHAPTER 24 : You Choose
Allaine’s POV
“Xandria! Sandali!” Naman o! Hindi naman ako magaling sa larangan ng atleta pero bakit lagi akong napapasubo sa takbuhan? Ang bilis tumakbo ni Xandria. Pagkarinig niya nung sinabi nung mga students kanina sa cafeteria, bigla nalang tumakbo paalis. At ako, eto sumunod sa kanya. Hinihingal na ako.
“Makikiraan! Makikiraan po!” Nakipagsiksikan ako’t sa wakas ay nakasiksik ako’t natigilan ako sa nakita kong eksena.
*PAAAAK…
Everyone gasped. Kita kong galit na galit yung mga mata ni Xandria. Napatingin ako dun sa ground at nanlaki ang mga mata ko’t nagpabalik balik ang tingin ko dun sa kaharap ni Xyla at dun sa nakalupasay sa semento.
“Ano bang problema mo Sehun?! Bat ka nakikipag-away?! Gusto mo bang patayin si Khier?!” Sigaw ni Xandria. Yup. Si Sehun yung sinampal niya. Bumaba yung mga mata ko’t kita kong puro sugat at dugo yung kamao ni Sehun. Ano bang nangyari dito? Nag-away si Khier at Sehun?
Hindi. Wala ng bago diyan. Lagi naman silang nag-aaway mula pa dati bago pa dumating si Xandria sa middle class. Pero teka lang… Sino ba nagsimula ng gulo? E kasi yang dalawang yan, nag-aaway lang tuwing nagkakainitan at pag pinag-aaway sila. Pero sino namang nag-away sa kanila? O… meron ba silang pinag-aawayan?
Natahimik lang si Sehun at sinamaan ng tingin yung panay ubo na si Khier na hindi na nga yata maitayo ang sarili dahil sa bugbog na mga natamo niya. I saw Sehun’s cheek. Pulang-pula’t bakas na bakas yung sampal ni Xandria. Buntong hininga lang ang narinig ko kay Sehun bago ito tumalikod pero pinigilan siya ni Xandria.
“San ka pupunta?” Tumingala lang si Sehun at feeling ko… feeling ko pinipigilan niyang wag maiyak. Inalis niya yung kamay ni Xandria’ng nakahawak sa pulsuhan niya’t hindi nag-atubiling humarap.
“Help him. He needs you more than I.” He said almost whispering before he left. Hindi naman kaila na maraming nakakita’t nakapanood sa nangyari. Para kaming nakapanood ng instant movie. At ano ang title? Choose me or Choose him ang peg nilang tatlo.
Pero sandali lang… bat ba ako nakatunganga dito? Hindi ba ako tutulong? Binalingan kaming lahat ni Xandria’t nakakatakot yung aura niya. Sabagay, nakakatakot nga naman talaga ang isang Laurene Grayson. Pero hindi alam ng iba na siya ‘tong kaharap nila ngayon.
“THE MOVIE HAS ENDED! GO BACK TO YOUR CLASSES!” Para siyang president na pinag-utusan ang mga nasasakupan niya’t wala namang nag-atubiling hindi sumunod dahil halata sa mukha niyang galit na galit siya. Nag-alisan tuloy lahat ng estudyante at mabilis niyang sinaklolohan si Khier. Lumapit naman ako sa kanila.
“Oy, Khier, ayos ka lang ba?” Tanong ko.
“T-tang-a k-a talag-a Nerd. M-mag ta-tanong ka pa ee… o-obvi-ous naman di ba? *cough cough*” Napakamot ako ng kilay. Oo nga naman.
“Allaine, help me. Let’s bring him to our house.” Natulala ako saglit kay Xandria. Tinawag niya akong Allaine. Aba, minsan lang siya ganyan. Tapos… ang special naman ni Khier. Sa bahay pa nila. Pwede namang sa infirmary nalang ng Acad o kaya sa hospital o sa bahay nila Khier di ba? Bakit kailangang sa bahay pa nila?
“NERDY!” Sigaw niya kaya nabalik ako sa huwisyo’t ayon, tinulungan ko siyang itayo si Khier at inalalayan namin siya hanggang marating namin yung parking at isinakay siya ni Xandria sa front seat at nilagyan pa ng seatbelt. Hindi naman halatang concerned si Xandria ano?
“A-aww…” Daing ni Khier. Paano, natamaan ni Xandria yung panga niya.
“Sh’t naman kasi! Ano bang pumasok sa mga kokote niyo’t nag-away kayo?! Kung magpapatayan kayo, lapitan niyo ako’t ako ang papatay sa inyo.” Pinagmasdan ko lang si Xandria kung paano niyang punasan yung dugo sa mukha ni Khier. ‘Tong isa naman titig lang sa kanya. Di ko tuloy mapigilang hindi mapangiti’t bumungisngis kaya sabay silang napaharap sakin.
“Sorry. Ge lang. Tuloy niyo yan. Steady lang ako dito.” Saka ako umupo’t pinanood lang sila. Hindi ko alam, may chemistry rin pala ‘tong dalawa. Hindi nalalayong balang araw, sila ang magkatuluyan… kung sakali.
Xyla’s POV
Hinatid ko sa kanya-kanyang bahay yung dalawa’t binatukan ko muna sina Treshia, Mey at Karren na magkakasama pala. Hiyang-hiya naman ako dahil ang aga ng bakasyon nila. Umuwi rin ako pagkatapos non at ng pumasok ako’y wala akong nadatnan sa sala kaya umakyat ako. Kinakabahan ako. Yung nagawa ko kay Sehun… nabigla lang ako nun.
Nagdadalawang isip akong katukin yung pinto ng kwarto niya pero kinatok ko narin. Walang sumagot. Pinihit ko yung doorknob at bumukas yon kaya pumasok ako.
“Sehun?” Mahina kong tawag. Nilibot ko ang tingin ko. Wala akong nakita. Malinis yung kwarto niya. Lumabas nalang ako ulit at nakita ko si Kris na nakatingin sakin.
“Nasa rooftop siya.” He said and smiled before messing my hair.
“Xyla… bago ka magalit, alamin mo muna. Hindi mo malalaman ang ugat kung hindi mo aalamin ang puno.” Yun lang sinabi niya’t iniwan ako. Natigilan ako sandali’t naintindihan ang sinabi ni Kris. Hindi naman kasi sinabi sakin ni Creature ang dahilan dahil hindi naman ako nagtanong. Pumasok ako sa kwarto ko’t umakyat sa rooftop. Nangilabot pa ako kasi ang lamig.
I saw Sehun sitting on the bench at nakatalikod siya sakin. I sighed before walking towards him. Umupo ako sa tabi niya pero may gap sa pagitan namin. I look at him but his eyes were close.
“Sehun…” I uttered his name pero di niya ako pinansin. Napayuko ako.
“I’m… I’m sor---” Napatingala ako nung Makita siyang tumayo’t akma siyang aalis ng hawakan ko ang kamay niya’t tumayo narin ako.
“I’m sorry for what I did.” Umiwas lang siya ng tingin at binawi ang kamay niya’t isinuksok sa bulsa. Sehun, bat ganyan ka? Hindi ko kayang nagagalit ka.
“Pahinga na ako.” Sabi niya’t nilagpasan ako. Natulala ako sa ginawa niya’t bahagyang ngumiti bago umupo’t tumingala. I saw my guiding star.
“GS, last time I talk to you, I was in the same roof.” Pinagkaiba lang, bago pa ako dito non pero ngayon… ang dami ng nangyari. Tumayo akong nakayuko’t napagpasyahang magpahinga na. Nagulat nalang ako nung bumangga ako’t pag tingala ko…
“Him or Me?” Nangunot ang noo ko.
“Anong---”
“Him or Me? Isang tanong isang sagot Xyla. Him or Me?” And he even called me Xyla… Nagtitigan lang kami’t ang seryoso ng mga sinasabi ng mga mata niya. Hindi ako sumagot.
“So you choose him. Okay.” Bahagya siyang tumawa’t tinignan ako.
“Wala akong sinabing pinipili ko siya.”
“Silence means yes.”
“Silence doesn’t mean yes, all the time. Mas pinipili lang manahimik ng ilan para hindi makipagbangayan.”
“Then choose.”
“Bakit mo ko pinapapili?”
“Dahil nasasaktan ako Lala! Nasasaktan ako dahil feeling ko mas pinili mo siya kesa sakin! Nasasaktan ako dahil parang mas ipinagtanggol mo pa siya kesa sakin! Alam mo ba kung anong nangyari?” I was… I was frozen. He… he was crying… again… Pinunasan niya yung mga luha niya’t umiwas ng tingin sakin.
“Matagal ko ng kaaway yang si Khier. First year palang kami. Tinawag ko ngang Dragon yon dahil para siyang Dragon kung magalit. Buga lang ng buga ng apoy kahit bibihirang makatama.” Nakatingin lang ako sa kanya’t naghihingtay ng susunod niyang sasabihin.
“Nag-away kami kanina dahil… dahil…” Tinignan niya ko’t muling pumatak ang mga luha niya. Nagulat nalang ako ng mahigpit niya akong yakapin.
“Choose someone but not him Lala~ Choose anyone wag lang ang mortal enemy ko.”
“Sehun… bakit ka nagkakaganyan?” Humigpit lang lalo ang yakap niya’t ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.
“Lala… Don’t leave me please… please… choose me next time. Ako naman piliin mo. Please.” Sehun… Naramdaman kong basa na yung balikat ko’t ang init ng hangin na ibinubuga ng bibig niya sa leeg ko. I move my hands to hug him back.
“I won’t promise Sehun… I don’t do promises… pero… next time it would happen, ikaw ang pipiliin ko.” *silence* *sobs*
“Tahan na Sehun… Tahan na…” Humigpit lang lalo ang yakap niya. Ano bang pinag-awayan nila? I’m sure, no one will tell me. I knew it.
~~~
A/N : Gusto ko lang sabihin na... naiinlove ako sa bago nating cover. Ang ganda ni Suzy~ kekeke~ Anong say niyo?
Anyare kay Sehun? Nag-iinarte ang maknae? XD Happy Reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top