CHAPTER 23 : Christmas Break Plan
Xyla’s POV
Patapos na yung klase at malapit nang magChristmas break. Makakapagpahinga ako nang bonggang-bongga.
“Xand, san niyo balak magspent ng Christmas?” Tanong ni Nerdy.
“Sa bahay lang panigurado.”
“Sang bahay? Sa inyo o kina Auntie?”
“Sa amin. How ‘bout you?”
“Sa bahay lang din. Paano sa New Year? Wala kayong balak mag-out of town?” Sinubsob ko lang yung mukha ko sa desk at walang ganang nakatingin sa kanya.
“Don’t have any plans yet and if ever, I don’t want to travel and spend the Lenten season anywhere except home.”
“Pwede ba kitang dalawin non?”
“Do whatever you want.”
“Anong gusto mong regalo?”
“Silence.”
“Huh?”
“Zip your mouth and don’t mutter any words. That’s the best gift you can give to me right now.” I said and she grinned. I just rolled my eyes and looked at the other side. Busy naman ‘tong dalawang lalaking ‘to kakasulat ng mga notes habang naghihintay ng Prof. Ba’t ba kailangan magtake down notes? Kung hindi mo rin naman naiintindihan ang lesson, why bother to excel more wasted time and strength? Tapos sina Treshia, Karren at Mey naman, ayun, mga hindi pumasok dahil sabog parin ang mga utak sa party. Yung totoo? Aba’y isang araw na ang nakakalipas mula nung birthday party namin a? May tumamang kung ano sa ulo ko’t nilingon ko kung san galing yon at kay Creature pala. Tinaas niya yung notebook niya saka pinakita sakin. I read what’s written on it.
‘What’s your plan for Christmas?’I get my tablet and start writing. I turn it to let him read it.
‘Killing you’I smirk as he frowns. Nagsulat ulit siya at binasa ko yon.
‘Hoodlum’ I erase and write again.
‘Pathetic Creature’
‘Voodoo master’
‘Ugly Monster’
‘I’
‘What?’
‘LIKE’
‘What?’
‘YOU’re ugly’
Natigilan ako’t tinitigan siyang mabuti. Ano yon? Nagsulat ako ulit.
‘Aba! Sino kayang natulala sa kagandahan ko nung birthday ko?’
‘Nung birthday mo ka lang maganda.’
‘Atleast maganda.’
‘Atleast GUSTO.’
‘Ano?’
‘KITA mo. Nabibingi ka ba? O di ka marunong magbasa?’
‘E g^go! Ang labo kaya ng mga sinusulat mo! Manahimik ka na nga lang.’
I saw him smiled while writing. Hindi maipagkakailang gwapo talaga ang Creature na ‘to kapag ngumingiti. Humarap siya sakin at kumunot ang noo ko sa nabasa ko.
‘6v5+() |<!+@. W@u#!|) |<@ 1@u6. Tanga ka pa.’
Ano ba yon? Equation o kagagvhan niya lang talaga? At sinabihan pa akong tanga ng loko.
‘Vivd vouv ovv vuvvivevv.’ Kumunot ang noo niya.
‘What?’
‘It’s a voodoo spell you know? It’s a spell to kill you faster within 5 days *evil smile*’ Sumama ang tingin niya sakin kaya ngumisi lang ako’t di na siya pinansin. Nailing nalang ako.
----
“OH EM GII XAND! Nakakakilig yung pinsan mo! Grabe, kalaglag panty teh.” I look disgustingly at Nerdy. Di ko akalaing may ganitong side din pala ‘to. We’re here at the cafeteria at pabalik na kami sa table namin. Kinukwento niya kasi yung sa party ko. Na ang gwapo daw ng mga pinsan ko lalo na si Kuya Zhayb. Tch. Wala naman sa lahi namin ang pangit. Tinignan ko si Nerdy habang ngumunguya siya ng pagkain niya.
“You have a crush with my Kuya Zhayb?” She suddenly blushed and looked down.
“Paghanga lang naman.”
“Hear that? She likes you.” I said at Kuya Zhayb who’s standing behind Nerdy. He just smiled and sits beside me. Napanganga tuloy si Nerd. I snapped my fingers in front of her face. Kung andito lang rin yung tatlo, ewan ko nalang kung makapaghysterical pa sina Treshia at Karren e kulang nalang hindi nila kami patulugin sa kakatalak nila about sa mga pinsan ko noong natulog sila sa kwarto ko nung party.
“Hey, you’re drooling.” Saad ko kay Nerdy.She wiped it and smiled embarrassedly.
“What are you doing here?” I ask Kuya Zhayb while eating. Di ako nakatingin sa kanya at sa plato ko lang ako nakatingin.
“Just want to see you. Hey, you’re Allaine right? Nice meeting you. I’m Zhayber Smith.” Sabi niya’t inalok ang kamay kay Nerdy. I just smiled and Nerdy look at me and I nods. She then took his hand and Kuya Zhayb kiss her hand. Mas lalong namula si Nerdy.
“Stop it, she might die. Mawalan pa ako ng kaibigan.” Sabi ko’t binato ng tissue si Nerdy na natulala nalang. Kuya Zhayb just chuckled.
“Why don’t you date Allaine?” Sabi ko’t nabulunan naman si Nerdy. I gave her water and she gulped it. Tumawa lang si Kuya.
“Maybe next time.” Kuya said and I smiled. Para naman magkaroon ng lovelife si Nerdy.
“I’m free today. Want to come with me?” Hindi ako sumagot at sumubo lang. Sasama ba ako? First bonding ever ko ‘to with Kuya Zhayb kung magkataon.
“So, what’s the answer Xandria?” I look at Kuya Zhayb.
“Okay.” I saw him smiled and I shook my head.
“Asan na nga pala mga bodyguard mo?” Nangunot ang noo ko’t isinubo yung meat sa bibig ko.
“Yung mga kasama mong lalaki? Yung mga kaibigan mo?” A…
“Four of them are working. Two of them are at home. The remaining six were at the library doing their own works.”
“E yung isa? Yung… Khier ba yon?” Tinignan ko si Nerdy bago lumingon-lingon. Oo nga. Asan na nga pala yon? Binalik ko na ulit yung pansin ko sa pagkain.
“Hindi ko alam. Baka naglilibot-libot.” His phone suddenly beeped at tinignan ko lang siya habang nakatingin siya sa phone niya.
“I think… we can’t bond today baby couz. I need to do something important. I’ll visit you sometimes at Yaya Paz’s house. I need to go.” He kiss my head before he stood up.
“Allaine.” Sinenyasan niya si Allaine na aalis na’t binato ko ng tissue yung bruha na kanina pa tulala.
“Uhh… a! O-opo! Ingat po Kuya!” Ngumiti lang si Kuya’t kumaway bago patakbong umalis.
“Dali! Dali! Nag-aaway daw sila sa sa likod ng MCB! Dali!” Nagkatinginan lang kami ni Nerdy. Away. Away na naman? Parang lagi nalang may away sa likod ng MBC? E di ba pugad ng mga barumbado yon? Sabagay. Bat ba nagtatanong pa ako?
Nagtatakbuhan palabas halos lahat ng mga estudyante sa cafeteria at parang kami lang ni Nerdy ang walang pakealam.
“Oh my gosh! Scoop ito! M-Prince Sehun versus Dragon Prince Khier! Waaah~ malaking scoop talaga ‘to! Daliiii~” And by hearing that, wala na akong sinayang na oras at nakipag-unahang tumakbo sa kung saan gaganapin ang kaguluhan. Sehun and Khier? Why?
~~~
A/N : CHAPTER 10-11 : Missing Chapter, POSTED (late post po siya. Nalaktawan ko. Pasensya na~)
Anyway, natutuwa ako't natatawa sa mga comment niyo sa previous page. Some of you got the correct answers and some didn't but thanks for thinking. Talagang napangiti niyo ako. Mey at Xylo nga ba? Sehun o Luhan? Khier and Xyla? O... baka iba? I'll dedicate that Chapter dun sa nakahula sa Thriller/Trailer. Happy Reading everyone~ <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top