CHAPTER 22 : Relatives

Kris’ POV

Antok na ako pero nakakahiya naman kung diretso tulog kami kung yung mga debutante’t may-ari ng bahay e nandito pa sa venue. Umupo nalang ako’t pinanood si Xyla. I smiled. Mukhang napakasaya niya ngayong araw. I wish her happiness wouldn’t last.

 

“Uwaaah~ Laury!”Nabaling ang atensyon ko sa babaeng dumaan sa gilid ko’t patakbong niyakap si Xyla’t niyakap naman siya nito pabalik.

 

“Hey. I’m glad you came. I thought you can’t come?”

 

“Hindi nga sana kaso baka magtampo ka kaya kahit late na late na, pumunta ako para batiin ka’t ibigay sayo ‘tong regalo ko.”

 

 

“Kris, tumulong nalang tayo para may ginagawa tayo.” Nabaling ang atensyon ko kay Kai na tinapik ang balikat ko kaya naman tumayo ako’t lumakad papunta dun sa mga regalo. Ang dami kasi nung regalo ng magpinsan.

 

 

“Waaah~ sorry talaga Laury! Pwede bang dito na ako matulog para makabawi ako’t makasama ka?”

 

“Sure. Pero ayos lang ba sayo na matulog kasama ang mga kaibigan ko? Sa kwarto ko kasi matutulog si Xylo.”

 

“Aww~ Naunahan na naman ako ni Lolo~”

 

Patuloy lang sila sa pag-uusap at rinig ko yung usapan nila dahil malapit lang sila sa pwesto namin. Binuhat ko na yung ilang box at humarap pero nahulog ko ang mga yon ng Makita ko kung sinong kausap ni Xyla. Nakaagaw tuloy ako ng pansin at lahat sila napatingin sakin. I saw the girl had her widen eyes at tinuro ako.

 

 

“Hey! What are you doing here at Laury’s debut huh? Who invited you? Sinusundan mo ba ako hanggang dito? Aba naman Mr. Wu. Hindi ko akalaing hanggang dito bumubuntot ka parin. Buntot ka na nga sa office, pati ba dito? Shocks!” Di ko mawari kung anong irereact at isasagot ko.

 

 

“Uhm… magkakilala kayo ni Kris? Gail?”

 

“What?! Do you know this guy Laury?”

 

“Yes. He’s my friend. What’s your relationship with him?” Tinignan ko lang yung bata’t inisnab ako’t nagcross-arms.

 

“He’s Dad trusted employee and I’m his boss.” Wow. I chuckled at parehas silang napatingin sakin.

 

 

“Boss? Hindi ba’t ako ang boss mo Ms. Avegail Sy? As of I remember, mas mataas ang pwesto ko sayo’t ang Daddy mo ang boss ko.” Haha. Really? Nakita kong bumusangot siya.

 

 

“Atleast! Boss mo parin ako dahil anak ako ng boss mo!” Tinawanan ko lang siya.

 

“Stop laughing at me! Laury! He’s making fun of me~” Sabay cling niya sa braso ni Xyla’t kita kong mangiyak-ngiyak siya. Hahaha! Pinapatawa talaga ako ng batang ‘to.

 

“Stop it Kris. Don’t make fun of my cousin.” At natunganga ako. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa’t tinuro ko si Gail.

 

“Pinsan mo ‘to? Magpinsan kayo? How come?”

 

“She’s my cousin at my mother’s side. Her Mom and Mama were sisters.” E?

 

 

“Yeah! That’s right! So stop joking around kung ayaw mong isumbong kita kay Tita. Kung malakas ka kay Daddy, tignan ko lang kung makaalma ka kay Tita Sher! Bleh!” Aba’t… ‘tong batang ‘to talagang…

 

 

“Xyl, di pa ba tayo matutulog? Inaantok na ak---Gail?” Biglang sulpot ni Xylo. Humarap naman si bata sa kanya.

 

“Waaah~ Gail! Andito ka! Namiss kita~”

 

“Waaah~ Wag mo kong yakapin Lolo~ bitawan mo ako! Ayoko sayo! Laury!”

 

“Xylo, stop it. Baka hindi na naman makahinga yan sa yakap mo.” Bumitaw naman si Xylo at nagtago sa likod ko.

 

“O, anong ginagawa mo diyan? Pagkatapos mo akong awayin, tatago-tago ka?” Tinignan niya lang ako’t hinampas.

 

“Wala kang pake.”

 

“Gail~ dito ka na~ Come to me Veve Gail~ Yakapin mo ko mahal kong Veve~”

 

“Wag kang lalapit! Waaaaah! Tita! Si Lolo!” Sinundan ko nalang sila ng tingin. Takbo lang siya ng takbo habang hinahabol siya ni Xylo. Anong meron sa dalawang yon?

 

 

*sigh* Ayaw niyang niyayakap siya ni Xylo dahil pinanggigigilan ni Xylo si Gail at halos di na ito makahinga sa mga bisig ng pinsan ko. Let’s just say that Xylo likes to hug Gail dahil cute daw ito at masarap akap-akapin. Di ko alam, close ka pala sa pinsan ko.” Nabaling ang atensyon ko kay Xyla at nakita ko siyang nakatingin sa mga pinsan niya.

 

 

“You know what Kris? Bagay kayo ni Gail.” Napatingin ako sa kanya’t nakatingin na siya sakin na nakangiti.

 

 

“Can you please take care of my cousin?” Tinitigan ko lang si Xyla. Minsan lang siyang makiusap pero… ako? Bakit sakin niya hinahabilin ang batang yan? I smiled a little and nods.

 

 

“Bwisit! Anong ginagawa mo dito?!” Parehas kaming napatingin sa likuran at nakita namin si Kai at ang isang babae.

 

“Aizha?”

 

 

Kai’s POV

Pabalik-balik na ako sa pagbibitbit ng mga regalo sa loob. Yung iba kasi, busy sa pagtulong dun sa pagliligpit at ito namang si Kris, nakipagkwentuhan nalang kay Xy. E gusto ko ring makipagkwentuhan e~

 

“Mr. Kai, we can do this. Let us do these things.” Sabi ni Butler Saff at ngumiti lang ako.

 

 

“No. Let me help you. Wala rin naman po akong ginagawa.” Tumango nalang siya’t binuhat ko na yung ilang box at saktong pagharap ko ay di sinasadyang may mabangga ako’t mahulog yung ilang box.

 

 

“Oh! I’m sorry Miss. I’m sorry.”

 

“It’s okay.” Dinampot niya yung ilang box at pagtayo niya’t pag harap sakin…

 

“Bwisit! Anong ginagawa mo dito?!” Haay… hanggang dito ba naman mukha ni Ms. Sungit ang makikita ko? Aba’y nagsawa na nga ako sa pagmumukha niya sa site e.

 

“Ako dapat magtanong niyan. Anong ginagawa mo dito?”

 

“Aizha!” Napaharap kami sa tumawag sa kanya at teka lang… tama ba ako? Si Xy ang tumawag sa kanya? Palapit siya ngayon sa amin.

 

 

“Hi Xy. I’m sorry for being late in your party. Si Gail kasi, hinintay ko pa.” Nagyakapan pa sila’t nagbeso. Aba. Tignan mo nga naman at magkakilala pala sila. Tinignan ako ni Xy.

 

 

“Kai, I want you to meet my cousin, Aizha. Ai(pronounced as Ay), meet Kai, my friend.” Heh?! MAGPINSAN SILA?! Tinitigan lang ako ng babaeng ‘to as if she’s saying that it’s unbelievable.

 

 

“Really? Kelan ka pa nagkaroon ng kaibigan tulad ng antipatikong ‘to?”

 

“Tss. At hindi ko alam Xy na may pinsan ka palang masungit.” Ganting sabi ko naman.

 

“I think you already know each other.”

 

“Of course. Siya lang naman ang mahanging Engineer sa site namin at nagtratrabaho sa kumpanya ni Daddy.” Aba’t! Akala mo kung sino siyang kagalingan.

 

“At siya lang din naman ang feeling magaling na Architect namin sa site. Di ba, Aizha?” She gave me a furious look at ngumisi lang ako.

 

“Wow. Then that’s what makes you good partners.” Sabay kaming napatingin kay Xy.

 

“Ito? Partner? No thanks.” She said and raised one of her brows.

 

“As if gusto rin kitang makapartner. Si Suho nalang kesa ikaw.”

 

 

“Che! Mayabang ka talaga. Hindi ka man lang nahiya. Excuse me Xy, pupuntahan ko lang si Gail dahil mukhang kanina pa siya napapagod sa kakahabol ni Xylo.” Tinapunan niya muna ako ng masamang tingin bago umalis. Naiwan kami ni Xy.

“Sure ka ba pinsan mo yon?” Tanong ko’t tinignan si Ms. Sungit.

 

“Of course. Bakit? Hindi ba halata?”

 

“Halata. Parehas kayo ng ubod ng sungit. Problema lang, nasobrahan sa kain ng kasungitan yung pinsan mo.” Natawa nalang ako ng sikuhin niya ako.

 

 

“You’re so mean towards Ai that’s why she hates you. Try to be kind to her. You’ll see, she’s someone you want to be with.” Tinignan ko si Xy tapos si Sungit. E pano ba yan? Si Xy lang gusto kong makasama?

 

 

Baekhyun’s POV

Nasa loob na kaming lahat at pinakilala samin ni Xy-Xy yung mga pinsan niya’t akalain mong katrabaho pala nina Suho, Kai at Kris ang naggagandahang pinsan ni Xy-Xy?

 

 

“Laury, sa room mo nalang ako puhlease? Make Lolo out of your room. Puhlease~” Natatawa ako kay Gail, napakacute niya’t isip bata pa nga siya e halos kasing edad lang siya ni Xyla.

 

 

“Mas masaya kung sama-sama tayo sa iisang kwarto Veve Gail~”

 

“No thanks Lau(pronounced as Law). If it’s you whom I’ll be with, no thanks.”

 

“Ang bad mo. Birthday ko naman a? T^T” Pag-iinarte ni Laurence.

 

“Stop it you two. Xylo, I think you should sleep with these guys. Aren’t you shy to sleep with girls?” Saad ni Aizha. Ito, pansin ko may pagkaXyla rin ang ugali niya.

 

 

“Of course not! Why would I? I should be proud of it! Sleeping with you, girls? Aba, feeling ko napakagwapo ko para palibutan ng mga babae XD/” Natawa tuloy kami kay Laurence.

 

 

“Xang-Xang, san ko ba pwedeng ihiga ‘tong si Xylene? Nakatulog na e.” Napaharap ako dun sa nagsalita’t bahagya akong napangiti. Andito rin pala yung pinsan ni Xyla. Sino nga ba ‘to? Dan… a?

 

 

“Sa kwarto nalang ni Xytee, Dang.” Tinignan niya ko't nginitian kaya ngumiti ako lalo't sinundan siya ng tingin habang paakyat ng hagdan. Bigla nalang may humampas ng throw pillow sa mukha ko.

 

“Wag mong pakatitigan pinsan ko Biik.” Mas lalo akong napangiti ng sabihin yan ni Xy-Xy. Selos ba siya ha? Ahihihi~ Selos ang Xy-Xy ko~

Xiumin's POV

"Xy-Xy, asan na si Dang-Dang?" Ngayon naman ay nabaling ang atensyon namin sa bagong dating at nanlaki ang mga mata ko.

"MS. FRENCH FRIES?!" Napatingin siya sakin at tinuro niya ko na parang gulat na gulat.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Laurence at umiling ako.

"Siya yung kinukwento kong nang-agaw ng french fries ko!"

"Excuse me? Hindi ko inagaw. Binigay mo sa bata di ba? At nakahanap ako non kaya wag mo kong masabihang inagawan kita okay?!" I pout.

"E bat andito ka?" Tanong ko.

"She's also my cousin. Dana's cousin and also my cousin." Sabi ni Xy-Xy. Napanganga lang ako. Pinsan niya 'tong si Ms. Fries? Tumayo si Xy-Xy at inakbayan ang pinsan niya.

"Meet my cousin Dandee Salvador. She's a chef and already owned a restaurant." Chef siya? *O* Ohohoho~ mukhang kailangan ko siyang makaclose para makalibre kain ako sa restaurant niya. Ohohoho~

~~~

A/N : Aba. Kamag-anak pala ni Xyla ang dalawang babaeng nakakasama nina Kris at Kai sa mga trabaho nila at ang babaeng nakaagawan ni Xiumin sa Mall. Hmm… magpapakabait kaya ang tatlo dahil nalaman nilang kamag-anak ng prinsesa ang mga babaeng itey?

 

 

SPECIAL OUTCASTs :

@ChocovoreGailie as Avegail Sy

@AizhaSaporna as Aizha Martez

@Dandere-chan as Dandee Salvador

@DanaMae8 as Dana Salvador

7 special outcast revealed… who’s next? Till next updates!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: