CHAPTER 20.3 : Birthday Party (Part 3)

A/N : Ayaaan... Update Explodeeess~ Naexcite ako e. Bukas na ulit update pag sinipag ako. Happy Reading ^^,v

~~~

Xyla’s POV

Naligo na ako at paglabas ko ay nagulat nalang ako nang Makita ko yung family make-up artist namin, sina Madame Klein, Xytee and Xylene saka si Mama.

 

“Happy birthday Laurene!” Bati sakin ni Madame Klein atsaka ni Ate Brit, our make-up artist. Napangiti nalang ako. Tiningnan ko sina Mama, nakaayos na sila. Ako nalang pala talaga ano? Haha.

 

 

“Upo ka na’t aayusan na kita.” Tumango lang ako’t sinimulan niya ang buhok ko. I was just wearing my bathrobe. We’re all here in my room and I’m facing my three, front-side-by-side mirror. My hair was braid just like Queen Elsa in frozen. Hindi yung full braid na nakabun pero yung nakatirintas. [A/N: Parang yung kay Celeen sa Ina, Kapatid, Anak. Bahala na kayong mag-imagine, basta kamukha ng kay Queen Elsa.] Ate Brit, put some white flowers on every two holes of it at nang tignan ko ay ang ganda… wewh… Tapos yung mukha ko, litaw na litaw talaga. Ooohhlala…

 

 

“Close your eyes Laurene.” Pinikit ko na ang mga mata ko’t sinimulan na niyang pintahan ang mukha ko.

 

 

“I’ll put water proof make up and mascara so even if you cried, hindi mawawala.” I giggled. Para namang iiyak ako di ba? Si Laurence nga ang paiiyakin ko ngayon dahil special day niya ‘to. Grabe, nangawit daw ang aking leeg. Nakapikit parin ako at labi ko na ngayon ang pinipintahan ni Ate Brit. I don’t want to open my eyes… baka mamaya hindi ko mapigilan at mabaliw ako sa kagandahang makikita ko. Haha.

 

 

“Wow…”I heard Xylene and Xytee whispered in astonishment.

 

“Open your eyes now Laur.” I slowly opened my eyes at di ko mapigilang mapangiti. Ikaw bang makakita ng dyosa sa harap mo, hindi ka mapangiti?

 

“You’re gorgeous anak.” Ngumiti lang ako sa sinabi ni Mama.

 

“Do you want to wear contacts?”

 

“I don’t want Ate Brit. I like wearing my natural eyes.” Ngumiti nalang din siya.

 

 

“Magbihis ka na hija.” Mas napangiti ako. Oh my gosh! Makikita ko na ang gown ko na ipinapakatago-tago nila. Tumayo ako’t sinamahan nila akong lahat sa closet ko. Halos manlambot ako dahil sa sobrang kabog ng puso ko at sa sobra-sobrang saya. I look at Mama.

 

 

“Ooopss… don’t cry. Save your tears later.” Niyakap ko nalang siya’t niyakap niya rin ako.

 

 

“Thanks Ma… I really love you and Papa.” Hinalikan niya lang ako sa ulo at nilapitan ko yung gown ko. Ang saya di ba? Ito yung design ng gown ko na dapat ay susuotin ko noong 18th birthday ko. Tiningnan ko yung tatlong gown. So three times akong magpapalit?

 

 

“The red one will be the one you’ll wear first. Yung peach… para yan mamaya at yung royal blue… that was the last one you’ll going to wear hija.” Para namang debut ‘to. Kailangan tatlong palit? Kinabahan tuloy ako. I felt something weird about this party at kanina pa ako nakakalanghap ng iba’t ibang amoy ng peonies. O baka peonies ang design ng mga bulaklak?

Geesh! Ngayong araw ko lang din nalamang, masquerade pala ang theme ng party namin. Ang galing ano po? Ngayon lang nila lahat sinabi yon. My three gowns were all tube liked at backless tube yung peach. Yun ang pinakamaganda para sakin. Mama and Madame Klein helped me wear my red gown. Para akong prinsesa sa suot kong ito. Balloon na balloon kasi yung gown ko. Feel na feel ko talaga lalo at suot ko pa yung mga sapatos same designs of my gowns. It’s perfect right?

 

 

“Wow Ate… mukha ka na talagang prinsesa…” Natawa nalang ako ng bahagya kina Xytee. They were wearing a balloon gown too and it was peach. I remember as well that my motif for my debut is white, peach, pink, red and blue. White and peach, because it was my favorite colors. Pink para may konting twist. Red and blue because it symbolizes royalty.

 

 

“Here hija… you should wear this.” Sinuot sakin ni Mama yung white gold necklace na may pendant na heart and flower. It’s beautiful. Saka ko sinuot yung hikaw na kapareha non. Napatingin tuloy ako sa bracelet ko na bigay ni Mammsie. I kissed it.

 

 

“I know your Mammsie would be very happy for both of you baby…” Ngumiti lang ako sa sinabi ni Mama. How I wish Mammsie was here… Although I can feel that she’s just beside me. Nilingon ko ang itsura ko sa kabuuan ng salamin. Mukha talaga akong prinsesa. Nagulat nalang ako ng ipitan ako ng maliit na korona ni Ate Brit.

 

“Now that’s perfect.” They all clapped their hands. Ang ganda-ganda ko.

“Ate… your mask.” Kinuha ko kay Xytee yung mask. It was a white mask with silver glimmering stones on it. I look at the mask that they were holding. It was silver. Teka nga lang… parang ito rin yung plan ko for my debut ah? Don’t tell me inagaw ni Xylo? I prefer white for purity… I don’t want gold or black… white for innocence and blank. Parang ako… blanko lang lagi… haha. Hindi… mas malinis kasing tignan… saka para unique di ba?

 

 

“Should I wear this now?” Tiningnan ni Mama yung suot niyang relo.

 

“Yes hija. I think we should go now. Baka nandon na yung mga bisita sa baba.” Oh… Tinulungan nila akong isuot yon. I look at myself in the mirror again… woah woah woah… Teka lang… anak ba talaga ako nina Mama? Feeling ko anak ako ni Hera o nino mang Dyosa, hahaha!

 

 

“Ate… I’ll took a picture of you.” Humarap ako kay Xylene at ngumiti.

 

 

“Let’s go girls… mamaya na kayo magpicture taking at baka kanina pa naghihintay sa baba ang Papa mo.” Natawa nalang ako kina Mama. We all walked out of my room and Xytee was holding me. Baka sakaling matapilok ako di ba? Wag naman sana. I don’t know what I would feel right now. Parang may mga bulate sa tiyan ko’t nakikiliti ako. Gusto kong maihi sa sobrang kaba? Excitement? Ewan. Is this birthday jitters? Haha… para akong isasabak sa gyera.

 

“Ate, you’re trembling. Ayos ka lang?” Ngumiti lang ako ng bahagya kay Xytee.

 

 

“Naeexcite lang siguro ako Xytee. I’m excited to see the venue because you wouldn’t let me see it.” Natawa lang siya ng bahagya. Malapit na kami sa first floor. Ilang hakbang nalang. Mas lalong kumakabog ang dibdib ko. I heaved a sigh. Patungo na kami sa back door ngayon. May mga Nakikita akong mga nakatalikod at mas lalong kumakabog ang puso ko.

 

 

“Hey, there here.” Humarap lahat at di ko Makita ang mga ekspresyon nila. Ni hindi ko nga kilala sino ‘tong mga ‘to. Duh? Nakasuot kami ng maskara di ba? Pero I know who’s Papa, Tito Zache and Xylo among them. I smiled a little. Hindi ko mamukhaan yung iba. Maybe if they would speak.

 

“LAUR!” Sino pa bang tatawag sakin ng ganyan? I look at Xylo and he’s wearing same color and design as mine. Nakawhite mask din siya. Tsk. Tsk… napakagaya-gaya talaga ng pinsan ko. He hugged me so I hug him back.

 

“You look so gorgeous.” I chuckled. Ni hindi niya pa nga Nakikita ang mukha ko eh. Nilapitan ako ni Papa at niyakap.

 

“Happy birthday, my princess.” I smiled.

 

“Thanks Pa.” Next were Tito Zache and Tita Cathy.

 

 

“Thank you Tito and Tita.” Nilibot ko ang paningin ko at nakakakita ako ng 10 pairs… teka… kung 18th birthday ‘to, 9 pairs dapat… pero this was 21… sino yung isang walang kapares? I look at Xytee.

 

 

“Xytee… don’t tell me you’re the twenty first?”

 

“Not just me Ate, Xylene and I. I’m small so she was added.” I chuckled a little.

 

“Oh, pwesto na tayo! Pwesto na!” Rinig kong sabi ng kung sino. Organizer siguro ‘to. Di ko kilala eh. Hinawakan na ni Laurence ang kamay ko’t sa huli kami pumwesto sa likod nina Mama at Papa at sa harap sina Xytee and Xylene. Kinakabahan ako. Pinisil ko yung kamay ni Xylo and I felt his not so tight grip.

 

“Don’t be too nervous. I’m sorry if I stop your debut when you were 18. But let us continue it now.” Kumunot lang ang noo ko. He kissed my hand.

“Happy birthday again Xyla.” I smiled.

 

“Happy birthday too Xylo.” We then smiled at each other and soon we heard the EmCee’s voice.

~~~

A/N : Waaaah! Imagine na imagine ko yung beauty ni Xyla tapos yung debut niya! I kennot wait! <*O*>

>>Gowns at the side [late post. Naghanap pa ko ng magandang gown pero wala akong makita nung tulad nung iniimagine ko. So far yan lang matino kong mga nasearch. Give all your best to imagine my friends. Kailangan ng malawak na imahinasyon para sa mga susunod na eksena para feel niyo rin ang aking nadarama XD.]

Happy reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: