CHAPTER 17.1 : Mishap

Xyla’s POV

I wasn’t in the mood when I woke up. Nakakatamad pumasok. Nakakatamad mag-aral. I look myself in the mirror. Bakit ba hindi nila nahalatang ako si Laurene? Umupo nalang ako sa couch at inalis ang sapatos ko. Wala akong ganang pumasok ngayon. Hinubad ko nalang ang uniform ko’t nagdamit pambahay at inalis ang contacts ko. I clip my bangs leaving my whole face seen and clear. Now I’m really look like Laurene. Wala narin namang maitatago eh.

 

Lumabas ako ng kwarto ko. I look at their doors. Di na ako magtataka kung magbago ang pakikitungo nila sakin. I go downstairs at wala akong nakita sa sala. Maaga pa. Pumunta nalang ako sa dining at naabutan ko sina Bel at Yaya na nag-aalmusal pero wala yung iba.

 

 

“Xyl, kumain ka na.” Umupo ako sa tabi ni Bel. She was siting at Luhan’s seat. Nilingon ko yung mga bakanteng upuan.

 

“Maaga silang umalis. Ni hindi nga kumain eh.”

 

“They’re mad are they?” Bel shrugs her shoulders. I felt Yaya hold my shoulder. I hold her hand.

 

 

“It’s okay hija. Ang mahalaga, pinaliwanag mo sa kanila. Ang mahalaga, kahit itinago mong ikaw si Laurene, ipinakita mo parin sa kanila kung sino ka.” A tear fell from my eyes and I don’t know why. Pinunasan ko nalang yon at ngumiti ng kaunti kay Yaya. Kumain nalang kaming tatlo kahit wala akong gana.

 

 

“Ya, lalabas muna po ako. Kailangan ko lang huminga.” Tumango naman siya’t pinat lang ang balikat ko. I get out of the house and feel the cold breeze of the air. Hindi gaanong maaraw ngayon. Dahil ba December kaya malamig ang simoy ng hangin?

 

 

“Xyla?” Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Kyle. Lumapit siya sakin at nakangiti lang.

 

“Oy…” Bati ko sa kanya. Umupo lang ako sa step ng pinto at tumabi siya sakin.

 

“Wala ka bang pasok ngayon?”

 

 

“Meron pero di ako pumasok. Tinatamad ako.” Tumawa lang siya ng bahagya. Nilingon ko siya pero diretso lang siyang nakatingin. Siya kaya? Kilala ako? Kailangan ko rin bang sabihin sa kanya ang totoo kong pagkatao? Magkaibigan na kami di ba? Iniwas ko na ang tingin ko’t tumingin nalang ng diretso.

 

“Kyle… may sasabihin ako.”

 

“Ano?”

 

 

“Tutal kaibigan naman kita di ba? Ayokong maglihim din at maging unfair sayo. Kasi Kyle, hindi lang ako si Xandria.” Tiningnan ko siya pero nakangiti parin siya.

 

“I’m Xandria Laurene Grayson.” I thought he will be shocked but he doesn’t. Nakangiti parin siya.

 

“I know.” Kumunot ang noo ko.

 

“You know?” Iniwas niya lang ang tingin niya pero nakangiti parin.

 

“Remember the time that you were in your balcony and I take a shot on you? Kilala na kita non. I was a number one fan of Laurene Grayson kaya kahit anong kulay ng buhok mo’t mga mata mo, makikilala at makikilala parin kita. Kahit saang anggulo tignan, di mo maitatagong ikaw si Laurene. Nagtataka nga ako ba’t parang walang alam yung mga kasama mo sa bahay.” Natulala lang ako sa sinabi niya. So all this time he knew but I didn’t? Iniwas ko lang ulit ang tingin ko.

 

 

“They already knew it. Sinabi ko na kahapon. Yung mga lalaki lang naman ang hindi nakakaalam but Yaya, I mean Auntie and Bel knew it from the start.”

 

“Oh? Anong sabi nila?” I shook my head.

 

 

“I think they are all mad at me. I think they thought that I betrayed them. Di ko kasi sinabi agad at kasama ko na nga sila sa bahay pero naglihim pa ako.” I felt a hand encircled my shoulders.

 

 

“Alam mo… kung mahal ka nila, maiintindihan ka nila. Besides, pangalan lang naman ang itinago mo. I think you were still you.” Ngumiti ako ng bahagya sa sinabi niya. He’s right. If they love---what? Sinamaan ko ng tingin si Kyle.

 

 

“So you’re telling me that you love me?” Ngumiti lang siya.

 

“Of course I do. I love you… as my friend Xandria Laurene.” He said and gives me a hug. Nilingon ko lang siya pero niyakap ko rin pabalik.

 

 

“Mabuti nang nagkakaintindihan tayo Kyle. I’m good on hurting people but not you. Kaya kung ayaw mong masaktan, just stay being my friend.” I heard him chuckled at mas humigpit ang yakap niya.

 

 

“I’m lucky that I’m a friend of my idol.” Ako naman ang natawa. Akalain mong idol pala ako nito? Kumalas na kami sa yakap at ngumiti lang kami sa isa’t isa. At least kahit papaano ay may nakakaintindi parin sakin. I was blessed with this people.

 

 

“So… tutal wala naman akong pasok at hindi ka rin pumasok… gusto mo bang mamasyal?”

 

“Uhh… san tayo pupunta?”

 

“Biking tayo?”

 

“Biking? Saan? Saka wala tayong bike.”

 

 

“May park dito sa subdivision at hindi kalayuan yon. And I have bikes.” Napangiti ako. Tumayo na ako’t tumayo rin siya. He tugged me with him and we go at their house. Kinuha lang namin yung mga bike at sinuotan niya ako ng helmet at safety gears.Nagbike lang kami sa park at nilibot ang buong subdivision.

 

 

“Thanks for touring me Kyle. I enjoy it.” I said and he smiled. Hapon na nga kami nakabalik dahil sa kakaikot sa subdivision. Di ko alam may mini convenient store din pala dito. Atleast if I need to buy something, I wouldn’t bother to go to the mall.

 

 

“Wala yon. Basta ikaw.” I smiled and give him the helmet and safety gears.

 

“Tell Tita and Tito I would visit again sometimes.” Tumango lang siya. Papasok na sana ako pero tinawag niya ako ulit kaya humarap ako sa kanya.

 

“Thanks for trusting me and letting be part of your life.” Sabi niya atsaka ako niyakap. I patted his back.

 

 

“Unless you would be you, I wouldn’t mind letting you in.” Nagpaalam na siya sakin kaya pumasok na ako sa bahay. Napatingin ako sa sala at nakita ko silang nanunuod pero wala si Bel at Yaya. Napalingon silang lahat sakin pero iniwas din nila agad ang mga tingin nila. Tampo ba sila o galit? I think we need spaces. Nagkibit balikat nalang ako’t pumunta ng kusina.

“Hmmm… ang bango ah? Anong niluluto mo Bel?”

 

“Afritada, Xyl. Ba’t ngayon ka lang? San ka galing?”

 

“Naglibot lang kami ni Kyle sa subdivision. Ang laki pala ng lugar na ‘to ano?”

 

“Di ko alam, di ko pa naman nalilibot ‘to eh.” Kumuha lang ako ng tubig at ininom saka lumapit sa kanya.

 

“Wala bang luto agad? Nagugutom na ako.” Tumawa lang ng kaunti si Bel.

 

 

“Pinagtira kita ng Caldereta kanina. Initin mo nalang.” Minicrowave ko lang yung tira nila kanina. Wow… first time kong kumain ng tira. Hindi naman as in tira pero… Aish! Whatever. Kumain nalang ako sa kusina’t hinugasan ang plato ko. Uminom narin ako ng gatas at ready to go to room na ako.

 

“Akyat na ako…”

 

“Teka lang… pinapabigay nga pala nila Chen at D.O pati narin nung iba.” Kinuha ko yung papel sa kamay niya’t tiningnan yon. Assignments? Tumaas lang ang kilay ko.

 

 

“Bakit di sila ang magbigay?” Tanong ko sa kanya habang kumakain siya ng saging at nagluluto. Nagkibit balikat lang siya ganon din ako. Paano nga naman nila ibibgay kung wala ako’t ayaw nila akong pansinin di ba? Tumalikod na ako habang nakatingin parin don sa papel. Ang dami naman nito. Isang araw lang akong absent tambak na homeworks ag---.

“AHHH!”

 

“XYL!”

 

“Aray… Bel…” Hawak ko yung papel at napapikit ako sa sobrang sakit. Agad lumapit sakin si Bel. Kinuha ko yung natapakan ko.

 

“Ba’t ba may balat ng saging dito?”

 

 

“Uhh… ano… sorry… hindi ba nashoot sa basurahan pagtapon ko?” Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sakit ng balakang ko. Sinubukan kong umupo pero pati likod ko masakit.

 

“Bel, hindi na talaga ako magtataka kung maaga akong magkaosteoporosis. Ilang beses na bang bumagsak ‘tong likod ko? Aish!” Hinimas-himas niya lang yung likod ko. Himimas ko rin yung ulo kong masakit.

 

 

“Teka, tatawagin ko lang sila.” Pinigilan ko siya.

 

“Wag na. Tulungan mo nalang ako.” Di ako makatayo ng maayos dahil ang sakit ng balakang ko’t likod.

 

“A-aaaa-aa… Bel… teka… parang mapupunit yung likod ko.”

 

 

“Teka… sandali lang.” Kinuha niya yung papel na hawak ko’t nilagay sa apron niya. Hinawakan niya yung magkabilaan kong kamay at hinila mula sa likod at naramdaman ko yung paa niya sa likuran ko.

 

 

“Anong ginagawa mo?” Nilingon ko siya pero bigla nalang niyang tinulak ang likod ko’t hinila ang kamay ko.

 

“AHHH! BEL! PAPATAYIN MO BA AKO?!” Walastek! Nagpapakadalubhasa ba siya sa pagpantay ng likod? Para akong kukuba-kubang hinawakan ang likod ko.

 

“Sorry… ayos na ba ha?” Sinamaan ko lang siya ng tingin.

 

“Mukhang masisira ang katawan ko sayo.” Sinubukan kong tumayo ng tuwid pero sobrang sakit talaga ng likod ko.

 

 

“Bel, may nangyayari ba dito?” Napatingin ako sa pinto at nakita ko sina Suho at Lay pero di nila ako tinignan at kay Bel lang sila nakatingin. Tumayo ako ng tuwid at pilit na lumabas ng kusina. Walanghiya, ang sakit!

 

 

“Uhh… si Xyl kasi nadulas at mukhang masakit yung likod.” Rinig kong sabi ni Bel pero dumiretdiretso lang ako at naglakad ng tuwid.

 

 

“Mukhang okay naman siya.” Rinig kong sabi ni Lay at nakita kong nilagpasan nila ako ni Suho kaya nagpakakuba na naman ako. Nilingon ko yung kusina at nakita ko si Bel na may hawak na sandok at nag-aalalang nakatingin sakin.

 

 

“Okay ka na ba?” Sinamaan ko siya lalo ng tingin.

 

“Mukha ba akong okay sa lagay na ‘to? Tulungan mo nalang ako’t dalhin sa kwarto ko’t tatawagan ko si Dr. X.”

 

“Huh? Bakit pa? Andiyan naman si Lay.”

 

 

“Mukha namang wala ng pakealam sakin yang mga yan eh. Dalian mo na’t mapupunit na ang likod ko sa sobrang sakit.” Tinulungan niya ako’t inalalayang umakyat pero ng pumunta kaming sala ay tumayo lang ako ng tuwid para Makita nilang ayos lang ako. Binaba agad ako ni Bel sa kama at halos mamilipit ako sa sakit. Kinuha ko yung phone ko’t tinawagan si Dr. X.

 

 

“Doc… come here and bring an ambulance please? I’m gonna die in pain.” Tinext ko sa kanya yung address at naghintay.

 

“Bakit ba kasi ayaw mong sabihin nalang kay Lay?”

 

“Don’t bother them. We all need spaces.” Tumango-tango nalang si Bel

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: