CHAPTER 13 : Byebee
A/N : Last na 'to promise, matutulog na ako, hehehe~ Puyatan 101. Wag niyo akong gagayahin mga bata. Matulog kayo ng maaga ng lumaki kayo.
~~~
Xyla’s POV
I woke up with my head aching. Bumangon ako’t napasabunot sa buhok ko. Napatingin ako bigla sa kamay at braso ko. O, may benda na. Himala. May magic bang nangyari? Napatingin ako sa closet ko’t ayos na yung pintuan. Nilingon ko yung pinto ng kwarto ko at maayos narin. Hmmm… baka naghanap ng karpintero si Yaya. Mukhang malaki ang babayaran ko dahil sa pagsira ng kwarto na ‘to.
Pumasok ako sa closet ko at malinis na yon pero wala ng salamin yung sa bags section at wala narin halos laman yon. Binuksan ko yung sapatos at yung suot ko lang kahapon ang nandoon. Mag-isa nalang siya. Niligpit na siguro ni Bel. Kumuha nalang ako ng damit at nagpalit. Tamad akong maligo. Di bale, mabango parin naman ako.
Bibili ba ako ulit ng mga gamit o magpapadeliver? Pupunta pa ba ako ng New York at Paris o dito nalang sa Pilipinas? Aish! Bakit ba kasi?! Kung kukuha naman ako ng gamit sa palasyo, baka maubos nalang ang gamit ko pag bumalik ulit ang mga babaeng yon. Tsk. I get my phone and start dialing Butler Saff’s number. Agad niyang sinagot yon.
“Butler Saff, I need you to order me bags, clothes and shoes from NY. … Same department where I bought my things. … Tell them to deliver it to me this day. I’ll double the price. … Tell Mrs. Morseley that I’ll get same order as before. Alam niya na yon. … Make sure that it will arrive there as soon as possible. … Okay.” Binaba ko na yung tawag at lumabas ng kwarto ko. Nagugutom ako’t gusto kong kumain. Walang lingon-lingon akong ginawa at dumiretso lang sa dining at umupo sa upuan ko. Andon sila but I’m acting like I don’t see anyone of them.
“Xyl, imbis na itapon yung mga gamit mo, tinago ko nalang. Akin nalang kung ayaw mo. Sayang naman kasi.” Tumango lang ako’t tahimik na kumain.
“Xyla hija, ayos ka na ba?” Tiningnan ko lang si Yaya.
“Auntie… did you tell Mama what happened?” She shook her head. Tumayo ako’t kinuha ang phone ko and start dialing Mama’s number. Lumayo lang ako ng konti pero nasa dining parin ako. It rungs and soon she answered it.
“Ma… … Can you pick me up here? … I wanna go home. … Oh yeah, something did really happened. … I need to see our FD. ... Really? Then sure. I’ll wait you Ma. Bye.” Ibinaba ko na yon at bumalik sa hapagkainan at muling kumain.
“Uuwi ka hija?” Tumango lang ako sa tanong ni Yaya.
“Bel, help me fix my luggage at sumama ka sakin pag-umuwi ako. Xytee wants to see you.”
“Okay.” Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang matapos kaming kumain ni Bel at umakyat kami agad sa kwarto ko.
“Aalis ka na ba Xyla?” Tanong niya agad. Tumango naman ako. Pumasok kami sa closet ko’t nilagay lahat ng gamit ko doon sa mga luggage. Dadalhin ko narin ‘tong mga walang laman.
“Ang dami mong bagahe. Daig mo pa yung mag-aabroad.” Di ko siya pinansin at kinuha yung ilang bagahe at nilagay sa tabi ng kama ko. I took Mocha and soon the door opened and the boys get inside.
“Xyl, andito na lahat ng gamit mo.” Lumabas na si Bel at hatak yung ilan kong mga bagahe.
“Oh, andiyan pala kayo. Patulong ngang ibaba lahat ng gamit ni Xyla para magkasilbi naman kayo.” Di ko sila pinansin at inayos ang higaan ko.
“No.” Napatingin ako sa kanila’t nagkatinginan lang kami ni Bel. Sabay rin kaming nagkibit balikat. Sinukbit ko sa balikat ko si Mocha at nilagay sa likod saka kinuha yung dalawa kong bagahe samantalang bitbit ni Bel yung dalawa pa. Babalikan nalang namin yung natitirang dalawa. Lalabas na sana kami ng pinto pero humarang ‘tong mga lalaking ‘to. Kumunot ang noo ko. Problema nila?
“Will you get the hell out of my sight?” I said calmly but they shook their heads. I sighed.
“Bel, sa rooftop nalang tayo dumaan.” Tumalikod na kami pero nagulat nalang ako nung may humatak ng luggage ko paalis. I look to see if who it was and it was Chanyeol.
“Give that back to me.”
“No.”
“Edi sayo na. Bibili nalang ako ulit. Bel, iwan mo na lahat ng bagahe at bibili nalang ako ulit ng bago.” Binitawan niya yon at hinatak ko siya palabas ng balcony ko pero biglang may humila samin.
“AHH! BITAW ANO BA?!” Nagpupumiglas ako dahil hawak niya ako sa bewang. Binaba nila kaming dalawa sa kama. I look at them furiously.
“Walang aalis.” Ano?! Sinamaan ko lalo ng tingin si Suho.
“Are you insane?!”
“Yes I am.”
“Di niyo ako mapipigilan. Aalis ako whether you like it or not.” Tumayo ako pero tinulak ako ni Kai kaya napahiga ako kay Mocha. Agad akong umupo’t inalis at tinignan siya. Kumpleto pa naman yung strings at walang galos. Buti nalang. Niyakap ko yon ng mahigpit at sinamaan ng tingin si Kai.
“Pag ito nasira, sisirain ko rin yang pagmumukha mo.”
“Si Xyla lang ba kailangan niyo? Palabasin niyo na ako pwede?”
“No. Diyan lang kayong dalawa at walang aalis.” Si Lay naman ngayon. Ano bang problema at ayaw nila akong paalisin? Biglang nagring yung phone ko’t agad kong sinagot yon.
Si Mama. I talked to her in some language na hindi maiintindihan ng mga lalaking to.
"Okay. We'll wait here upstairs."
"Sino yon?" Tanong ni Bel at sinabi kong si Mama. Maya-maya konti, bumukas yung pinto at nakita ko si Mama. Napatayo ako agad.
“MA!” Nagulat naman silang lahat at napatabi. Huh! Buti naman. Nilapitan ko si Mama at niyakap. Binelatan ko lang sila. Kala nila ha? Kumalas na kami sa yakap. Biglang napatingin si Mama sa braso ko.
“What happened to your arms Xandria?”
“Nasugatan siguro Ma.” I said and rolled my eyes. Halata naman magtatanong pa si Mama. Tiningnan niya yung labindalawa.
“What did I told you before? Bakit hindi niyo inalagaan ang prinsesa?” I smirk and stick my tongue out to them. Huh! Kala niyo ha.
“Don’t bother them Ma, let’s leave now.” Kinuha ko yung dalawang maleta at si Bel naman sa dalawa at si Mama doon sa dalawa. Lumabas kami ng kwarto ko ng tahimik at masaya. Wahahaha! Mukhang nagkausap na si Mama at si Yaya kaya dumiretso nalang kami palabas at isinakay sa isang kotse ang mga bagahe ko at yung iba ay kay Snoe. Sumakay na si Mama sa kotse niya kasama yung Butler niya at kami naman ni Bel kay Snoe.
“SANDALI!” Napatingin ako sa labas at naglabasan yung mga ungas. Mama got out of her car same as we do. Tiningnan ko sila.
“Any last words?” I said and they all burst to tears. What the F? They look like gays. Nagkatinginan kami ni Bel at ni Mama.
“Ano, iyakan tayo dito?” Tanong ko.
“What did I told you boys? Sabi ko namang kukunin ko siya di ba? Kaya whether you like it or not, I’ll take Xandria.” Pumasok na si Mama at nagdrive na sila paalis. Naiwan kami ni Bel.
“Faster, I want to go home now.” I said and they look at me while wiping their tears away.
“Sorry… wag ka ng umalis please?” Sabi ni Kris. Masama parin loob ko sa kanya.
“Ilang beses ko bang uulit-ulitin? Wala ng magagawa ang mga sorry dahil nangyari na. And Sorry din para sa inyo dahil aalis ako. I need to go. Bye.” Pumasok na ako sa kotse ko’t iniwan sila.
“They were so effin crybabies.” I said and laugh horridly.
“Iiwan mo talaga sila?” Napatingin ako kay Bel.
“Don’t tell na pareparehas kayo ng inaakala?”
“Bakit? Hindi ba? Bakit dala mo lahat ng gamit mo? Aalis ka na ba talaga?” Mas natawa ako sa kanya.
“Ang hina mo naman Bel eh. Akala ko naman nakakasabay ka na kanina, hindi pa pala. Buti pa si Mama. Kahit di alam ang nangyayari, mukhang nakakasabay siya pero ikaw… Tsk.”
“Eh ano bang plano mo?”
“Kukuha ng bagong gamit para may magamit ako sa bahay. Ang konti nalang kasi ng mga gamit ko dahil sa mga babaeng yon kaya kukunin ko yung mga inorder ko.”
“WHAT?!” Ngumiti nalang ako.
“Grabe Xyl, I thought…”
“Aalis na talaga ako ng tuluyan sa bahay ni Yaya? No. Kung aalis ako Bel, aalis ako ng hindi ninyo nalalaman at hindi ko hilig magpasundo kay Mama. Just let those boys think the way they want. Parusa ko narin sa kanila yan.” Napailing nalang si Bel at natawa ng kaunti. Ilang oras pa ay narating narin namin ang palasyo.
“Ang tagal kong hindi nakapunta dito pero ganon parin ang itsura.” I look at Bel… then the mansion.
“Let’s just go inside.” Sinalubong kami ng ibang butlers at ng mga maids.
“Madame Felestija, pakibaba nalang yung mga bagahe sa kotse ko.” Sabi ko’t tumungo kami ni Bel sa sala.
“Ate!” Patakbo akong niyakap ni Xytee. Niyakap ko rin siya pabalik.
“Ako ba walang yakap?” Xytee looked at Bel and smiled.
“Of course you’ll have.” She said and gave Bel a hug too.
“Xandria.” Napatingin ako sa hagdan at nakitang bumababa si Mama.
“Ma.” Nakakunot lang ang noo niya.
“Tell me what happened to your arms.” Napatingin lahat sa braso ko.
“Ate, what happened there?”
“Kinalmot ako ng dalawang pusang gala.” Natawa lang si Bel.
“And why those boys cried?”
“Tita akala po kasi nila aalis na ng tuluyan ang prinsesa niyo.”
“E bakit dala mo lahat ng bagahe mo?”
“Kukuha lang ako ng gamit ma. Dinonate ko na kasi yung mga gamit ko. Lahat ng sapatos ko pati bag ko. Lahat-lahat.” I said and she nods.
“Okay.” Umalis nalang si Mama at umupo nalang ako sa sofa. I called our family derma and she checked up my arms. Buti naman at kahit papaano ay hindi ako magkakapeklat dahil kung hindi, lalagyan ko ng panghabang buhay na peklat ang dalawang kulugong mga babaeng yon.
Sehun’s POV
“Sehun, tama na pwede? Tigilan mo na yang pag-iyak mo. Wala nang magagawa yan at di na---di na natin maibabalik pa dito si… Xy-xy…” Nilingon ko lang si Xiumin na nagpupunas ng luha. Bakit binabawalan niya ako eh pati rin naman siya umiiyak di ba? Niyakap ko lang ang Lala ko na ibinigay ni Lala. I keep crying all day and I can’t help not too.Di ko mapigilan.
“She’s coming back right?” I ask while sobbing.
“No one knows Sehun.” I look furiously at Kris.
“This is all your fault Kris! If you didn’t hurt her, she wouldn’t leave us!” Tumayo ako’t niyakap ang Lala ko pero tiningnan ko siya ng masama. He looked at me furiously too.
“So is it only my fault huh? Wag kang magmalinis Sehun. Wala ka rin namang ginawa nung mangyari yon di ba?”
“Sehun, Kris, tigilan niyo na yan, walang mangyayari kung mag-aaway lang kayo. Hindi na natin maibabalik pa si Xyla.” I look at Suho.
“Don’t talk as if you didn’t do anything too Suho.” Kris said and sits again.
“Ano? Pati ba ako idadamay niyo?”
“Bakit hindi? May ginawa ka ba? Pinagkatiwalaan mo rin ba siya?”
“Kris, sino bang nanakit kay Xyla? Hindi ba’t ikaw rin? Tama si Sehun eh. Kasalanan mo ‘to.”
“Tigilan niyo na nga yan. Pare-parehas lang kayo. Pare-parehas lang tayong may mali. Kaya whether if it is one’s fault, lahat tayo damay. Kaya tigilan niyo na pwede?” Entra ni Lay kaya napayuko ako. He’s right. I felt sad again.
“Wooohh… ang ginaw…” Napatingin kaming lahat sa pinto at sa bagong dating na si Bel. Lumingon ako. Wala siyang kasama.
“Where’s Xyla?” We all asked. She furrowed her brows.
“Seriously? Di ba umuwi siya?” Time stopped for me. So hindi na talaga siya babalik?
“Brrrr… ang ginaw. Kumain na ba kayo? Kasi kung hindi, ako kumain na. Auntie! Andito na po ako!” Sabi niya’t tumungo sa kusina. Nagkatinginan kaming lahat at bumuntong hininga. Wala ng Xyla? Wala na akong Lala? I sniff as tears rolls down again. I felt someone patted my back. I look back and saw Lulu.
“Stop it Sehun. Kumain na tayo.” Tumango nalang ako’t tumayo narin yung iba. Yakap ko lang ang Lala ko. Naglakad na kami papunta sa dining pero napahinto kami nang magbukas ang pinto.
“Oh this is so d^mn heavy! Why the hell did I brought many things where I can’t even bring them all inside?! Tsk. Stupid… Really, Xandria eh?” Para akong nakakakita ng multo. Totoo ba ‘to o imahinasyon ko lang? Hila-hila niya lang yung mga maleta niya papasok sa loob at nang mapasok niya lahat yon ay napatingin siya samin.
Xyla’s POV
Pinauna ko na si Bel na umuwi dahil may inasikaso pa ako pero halos kasunod niya lang ako dahil nasiraan sila ng sasakyan. Nakita ko siyang pumasok ng bahay.
“Your highness, andito na po tayo.”
“I know. Pakibaba nalang yung mga maleta.” Bumaba na ako’t naghintay sa harap ng bahay habang ibinababa lahat nina Butler Saff at Butler Teal ang mga maleta ko.
“Sige na, ako nalang magpapasok niyan. Umuwi na kayo.” Nagpaalam na sila sakin at tumango lang ako. Binuksan ko yung pinto at hinatak yung mga maleta ko papasok. Ang bigat, letche!
“Oh this is so d^mn heavy! Why the hell did I brought many things where I can’t even bring them all inside?! Tsk. Stupid… Really, Xandria eh?” I murmured and get them all in. Nakahinga ako ng maluwag nang mapasok ko lahat. I turn my back to the door at halos mabigla ako ng Makita ko yung labindalawang lalaking ‘to. I furrowed my brows. Anong ginagawa nila dito? I mean… inabangan ba nila ako?
“Xa---Xyla?” Para silang nakakita ng multo.
“What are you all standin’ there? Help me put these luggages in my room.” Mga nakatayo lang sila. Parang walang narinig. I rolled my eyes and get one of my luggages. I was about to pass them but someone pulled me and hug me.
“Wag ka nang aalis pwede ba?” Tiningnan ko siya. It was Chanyeol. I let go from his hug and look at the others. I saw Sehun wiping his tears away same as Xiumin and Baekhyun. Seriously?
“Ang drama niyo.” Binitawan ko yung maleta ko’t niyakap ko yung tatlong umiiyak.
“Mga iyakin. Hindi naman ako tuluyang umalis. Kumuha lang ako ng mga gamit.” I mumbled. I felt they hug me back.
“Next time say it clearly Lala…” I chuckled a little to what Sehun said. I let go of the hug and look at everyone.
“So, let’s call this a night. I’m tired. Pakiakyat nalang yung iba okay?” Kinuha ko na ulit yung maleta at inayos si Mocha sa likod ko at umakyat. I go straight to my room and put Mocha beside my bed and I lay down. Namiss ko ang kama ko sa palasyo. Kinuha ko yung unan ko’t niyakap Ooohhh… ang sarap matulog.
~~~
A/N : Gusto kong magpasalamat sa inyo dahil unexpectedly, nakarate ang NOBMEOP Season 2 natin in #627 in Romance at ang iba ko pang lined up stories ng EXO in different genres. Salamat dahil hanggang labas ng NOBMEOP sumusuporta kayo. Tumaas man tayo, bumaba o mawala sa rating, patuloy niyo sanang mahalin ang storyang ito lalo na hanggang sa kahuli-hulihan. Yun lamang mga mahal kong kaibigan. *yawn...*
At tama ka diyan Xyla. Masarap talagang matulog kaya matutulog narin ako. Happy reading :') Mornight again erbadi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top