CHAPTER 11 : December Alert

A/N : Ang epic ng Chapter title. December alert e katatapos lang ng December XD.

~~~

Xyla’s POV

We’re at school and I was just sleeping same as the Nerdy in front of me. Naramdaman kong may bumato ng kung ano sa mukha ko’t nakita ko yung pagmumukha ni Creature kaya sinamaan ko siya ng tingin. Doesn’t he know how to behave? Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at humarap ako sa ibang direksyon. This time, I was looking at Chanyeol who was sitting beside me. Yep. Math subject is approaching this time kaya kaklase ko siya pati sina Luhan, Sehun at Tao.

 

 

“Ms. Salvador and Ms. Maniago.” Napaayos ako ng upo at hinarap ang si Mr. Panot, I mean, Panof. Nakita kong umayos din si Nerdy ng upo. Humikab ako’t tamad na tiningnan si Mr. Panof na may hawak na libro.

 

 

“Araw-araw nalang ba kayong matutulog sa klase ko?” Eh Sir, araw-araw ka nalang bang magtuturo? Hindi ka na ba nagsasawa? Tumahimik nalang ako’t pinakinggan ang misa niya.

 

 

“Stand up you two and answer what’s written on the board.” Tumayo naman kami ni Nerdy at kinuha ang marker at tig-isa kaming whiteboard. Sinagutan ko lang yon at sabay kaming natapos ni Nerdy kaya umupo na ulit kami’t inihilig ang mga ulo namin.

 

 

“You two, just continue sleeping.” Gusto kong matawa sa sinabi ni Mr. Panof. Di ko na siya pinansin at natulog na nga lang ako ulit kesa makinig sa hele niya.

 

 

---

“Xyla!” Isang mahigpit na yakap ang natamo ko mula sa baliw kong pinsan. We we’re at the cafeteria eating lunch when he arrived.

 

“Can you please get off me Laurence?” Tamad kong sabi at umalis na siya’t umupo sa tabi ko.

 

“Xyla, I brought chocolate truffles, do you want some?” Tiningnan ko siya at yung box na hawak niya. Kinuha ko yon at nilagay ko sa tabi ko.

 

“I said some but not all.” He said and I ignore him. Kumain lang din siya sa tabi ko.

 

 

“Hey, malapit na magDecember, wala ba kayong balak?” Tanong niya kaya napatigil ako sa pagkain. Wait… December you mean? I get my bag and get the mirror inside it and look at myself.

 

 

I cursed as I look my face. I’m having a very dark eyebags and I look pale. Letche! Kailangan kong bumawi ng pahinga ngayon.

 

“Xand, may problema ba?” Tiningnan ko si Nerdy at magkamukha na kami ngayon. Para kaming mga buhay na zombies.

“Tell Creature that next week is the end of November and we’ll be having a rest first until December. Tutal tapos narin ang docu natin at presentation at product nalang ang kulang.” Sabi ko’t sinipat ulit ang itsura ko.

“Huh? Bakit?” Binaba ko yung salamin at tiningnan ng masama si Nerdy.

 

“Look at me. Do I still look like a person? I look like a live zombie, Nerdy. I need to rest to get my body’s condition and healthy face. I can’t celebrate my birthday with this look.” I said and look at the mirror again. For sure may party because Xylo’s turning 21 and it’s his debut. Kaasar. Naalala ko na naman tuloy yung napostponed kong debut.

 

 

“Oh… that’s good. Edi makakapagpahinga rin ako sa wakas.” Hindi ko pinansin si Nerdy at tumutok lang sa salamin ng bigla akong may nakitang nakatayo sa likod ko.

 

 

Napasigaw ako ng bahagya dahil sa gulat. I turn my head at my back and when I look to see if who it was, it was Creature standing behind me wearing his award winning blank facial expression.

 

“Pwede ba next time, tawagin mo muna ako’t wag kang basta susulpot kung saan?” Sabi ko sa kanya at kumuha siya ng upuan at umupo sa tabi ko. I look at him furiously.

 

 

“Anong kailangan mo?”

 

“Ikaw.” He said so I eyed at him. Ako? Bakit ako?

 

“Ehem, what do you want with Xandria?” Bigla akong inakbayan ni Xylo at nakita ko siyang masama ang tingin kay Creature.

“I want to talk to her.”

 

“Then talk.” Natahimik lang si Creature pero bumuntong hininga din. Tiningnan niya ako ulit. Ano bang sasabihin nito? Ang tagal ha?

“Sabihin mo na ang sasabihin mo.” Sabi ko sa kanya pero diretso lang siyang nakatingin sakin.

 

“Gusto ko lang sabihin sayo na…”

 

“Na?” Tanong namin ni Xylo.

 

 

“Na… yung utang mong dalawang libo, bayaran mo na.” I was just… ‘seriously?’ Pinatagal pa niya yun lang pala ang sasabihin niya? Bigla nalang natawa si Xylo pati yung iba.

 

 

“Bakit, wala ka na bang pera ha?” Tanong ni Chanyeol habang tumatawa sila. Tahimik lang si Creature. Kinuha ko yung bag ko’t dumukot sa wallet ko.

 

 

“Hoy, suklian mo ako. May utang ka ring 500 sakin. Remember, ako ang nagbayad ng pamasahe mo’t pagkain?” Umingos lang siya’t binigyan ako ng 500 at binigay ko sa kanya yung 2000. Umalis din siya pagkatapos.

 

 

“Seriously, 2000 at 500 lang sinisingil niyo pa?” Tanong ni Xylo.

 

“Malaking halaga na yon. Hindi sa lahat ng oras, may mapupulot kang pera.” I said and continue eating. Akala ko naman anong sasabihin ng bwisit na yon.

Khier’s POV

Haay… Stupid! Why can’t you tell her?!

I mess my hair and walk with both hands in my pockets.

“Kuya!” I stop and look back. Nakita kong palapit ang kapatid ko.

 

“O, ano na naman kailangan mo?”

 

“Ang sungit nito. Lalo ka tuloy pumapanget.”

 

“Tss. Mas panget ka naman.” Hinampas niya ako sa braso.

 

“Ang mean mo. Sobra.”

 

“Dalian mo’t italak mo na ang gusto mong italak.”

 

“Talak agad?!” I gave her a bored look and she sighed and look at me. Tinitigan niya lang ako ng matagal.

“Oy! Karren!” Napatingin kami dun sa dalawang kaibigan niya. Sina Meylixxa at Treshia. Oo, magkakaibigan yang tatlong yan. At sana, wag maging kaibigan ni Hoodlum ‘tong si Karren dahil baka mahawaan ng kabungangaan nitong kapatid ko yung bunganga ni Xandria.Buti nga hindi nahawa yang si Mey e sabog ang bunganga nitong sina Karren at Treshia kapag magkakasama sila. Parang mga barenang maiingay.

 

 

“Ano, may sasabihan ka ba?” Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako ulit.

 

“Kuya… gusto ko lang sabihin na…” Na…?

 

“Ang panget-panget mo pala talaga!” Sabay takbo niya’t tinignan ko lang siya ng masama.

 

“Mas panget ka!” Sigaw ko’t humalakhak lang siya.

 

 

“Nalimutan ko na! Sasabihin ko nalang pag naalala ko! Bye panget!” Sigaw niya pabalik at umalis na silang tatlo. Sinundan ko lang sila ng tingin. Matanda ako ng isang taon kay Karren at ang turingan namin, hindi lang magkapatid kundi tropa. At alam ko kung may problema siya o wala. Hindi siya makakalimutin at hindi niya ugaling kumalma. Walang minutong hindi pasigaw yan kung magsalita kaya nagtataka ako kung… anong problema niya.

~~~

A/N :Sorry, ang lame. Inaantok na kasi ako habang tinatype ‘to. Antukin si author~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: