CHAPTER 10 : Wet Market
Xyla’s POV
I was… eewww… Ang baho. Ang langsa. Ang daming langaw. I want to puke anytime. Nasa labas palang kami ng wet market pero umaalingasaw na ang iba’t ibang amoy. I frown.
“You---you sure we’re going there?” Nerdy Allaine said as she holds my arm. Kahit ako nagdadalawang isip na pumasok diyan. I look at my outfit. White shirt, black pants and white converse. Wow… just wow. Napahawak ako sa braso ni Creature. Para kaming bata ni Nerdy na nakahawak sa mga braso ng isa’t isa.
“Don’t worry you two. Akong bahala sa inyo.” I look at Khier. Suggestion niya ‘to eh. Dapat siya nalang mag-isa pumunta at bumili.
“Make sure that we’ll come out alive.” I said and he smiled as he nods. Ayos narin naman kami kahit papaano ng Creature na ‘to kahit minsang parehas kaming tinotopak. Samahan mo pa ng kabaliwan ni Allaine, kaya minsan, wala kaming nagagawa sa buong araw at panay batuhan lang kami ng kung anu-ano at masasakit na mga salita. I cling my arm to his and Nerdy cling hers to mine and we all walk towards the market. I cover my nose as we got enter. Nagpalinga-linga ako. Nakakatakot naman dito. Parang mamamatay tao ang mga meat vendors na walang awang chinochop-chop ang mga kaawa-awang mga karne.
Panay tingin pa sa amin ng mga tao. Para tuloy kaming mga artista, can’t take their eyes off us.
“Creature… san ba yung bilihan ng mga gagamitin natin? Can’t we go there as fast as we can? Can’t take the smell here anymore. I want to vomit.” Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.
“Malapit na tayo don. Tiisin mo muna.” Luminga-linga lang ako. Ang daming pasikot-sikot dito at di ko na alam kung saan kami napupunta. Sabi niya kanina, malapit lang pero parang ikot lang kami ng ikot. Huminto ako at tiningnan siya.
“You sure you know where are we going?” Tiningnan niya ako and a grin plastered into his face. Walastek na lalaking ‘to. Sinasabi ko na nga ba eh. Hinampas ko siya sa braso.
“We’re walking endlessly at inikot-ikot mo lang kami tapos wala ka naman palang alam?! Aish! So stupid Pathetic Creature.” Sinamaan ko siya ng tingin at hinigit si Nerdy at naunang maglakad.
“Xand, where are we going now? The faces of this people are too scary.” She whispered. Kahit ako natatakot ako dahil di ko alam kung mapagkakatiwalaan ang mukha ng mga ‘to. This is my first time. Ni hindi nga ako pinapayagang pumunta sa public malls, wet market pa kaya? I stopped and look at a stall. I saw a little kid there. Maybe we can ask. Hinila ko na si Allaine.
“Uhh… hi… pwede bang magtanong bata?” Natulala lang siya tapos tinitigan ako. Isa siyang batang lalaki na malaki lang ng kaunti kay Xylene. Tumango naman siya.
“Alam mo ba kung saan ang pwesto ng bilihan ng mga asukal at mga matatamis dito?” Tumango ulit siya at biglang dumating yung hindi katandaang Ale. Nanay niya siguro ‘to.
“May kailangan kayo mga hija?” Tanong niya’t ngumiti sa amin. I smiled half.
“Nagtatanong lang po kung saan ang bilihan ng asukal at mga matatamis dito.”
“Ahh… doon banda.” Tinuro niya kaya tiningnan ko. San kaya sa bandang yon? Tiningnan ko siya ulit tapos yung paninda niya. Puro kakanin. Teka… our product was rice cake. Tiningnan ko ulit yung babae.
“Ale, kayo po ba ang gumawa nito?” Tumango naman siya’t ngumiti. Ano kaya kung bumili ako? Di kaya madumi ‘to at sumakit ang tiyan ko? But I want to taste it para may makuha akong idea. Tumingin ako’t sinipat yung paninda niya. Mukhang masarap lahat.
“Ale, ano pong pinakamasarap sa mga ‘to?” Tinuro niya yung parang yellow na kakanin.
“Ano po yan?”
“Ito ba? Biko ito. Gawa sa kalabasa.” Kalabasa? Hmmm… healthy pala ‘to eh. Pero may nakita akong brown sa taas.
“Eh ano pong nasa taas niyan?”
“Ah, latik yan hija.” Latik? Ano yon?
“Gawa yan sa gata ng niyog.” Napatango-tango nalang ako.
“Pwede po bang pabili ng isa?” Kumuha siya ng dahon ng saging at isang hiwa non at inabot sakin. Wala bang plastic?
“Magkano ho?”
“Sampung piso lang.” Napatingin ako sa kanya. Ito? Sampung piso lang? Mura. Tiningnan ko si nerd.
“May barya ka ba diyan? Pahiramin mo muna ako.” Dumukot naman siya’t inabot sa Ale. Tinitigan ko muna yung kakanin.
“Xand, you sure you’ll eat that? You don’t even know what’s putted in that.” Nerdy said. I look at her.
“If I’m not going to taste it, I wouldn’t know.” Tinitigan ko ulit yung kakaning hawak ko. I smelled it. Mabango. Kumagat ako ng kaunti at hinayaang dumaloy ang lasa sa dila ko. Masarap. Hindi gaanong matamis at malalasahan mo talaga yung kalabasa. Nilakihan ko yung kagat ko’t napapikit ako para alamin kung anong meron don. Gata. It has coconut milk, margarine or butter? Then brown sugar… Di ko napansin ubos na pala yung kinakain ko. Ang sarap.
“Pabili pa po ng isa.” Sabi ko’t binigyan niya ako ulit. Bigla namang sumulpot si Creature at kumunot ang noo.
“Xandria, what’s your eating?!” Tanong niya’t tinapon ang kinakain ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Are you stupid? That’s food and you’ve wasted it!” I said angrily. Inisnab ko siya’t humarap sa Ale.
“Pasensya na po, napakaarogante lang talaga ng lalaking ‘to. Pabili nalang po ako ulit ng isa.” Ngumiti lang siya’t inabutan ako ulit. This time, I made sure that I’ve eaten it. Nagpaulit-ulit pa ako hanggang sa halos maubos na yung Biko nung Ale.
“Ang sarap…” I said as I smiled. Parang nandidiri naman yung dalawa habang nakatingin sakin.
“Ale, ano pong pangalan niyo?” Tanong ko sa kanya.
“Manang Rita nalang ang itawag mo sa akin hija.”
“Manang Rita, pakibigyan niyo nga po ako ng tatlo pa niyan.” Binigyan niya naman ako. Inabot ko yung tig-isa dun sa dalawa pero tiningnan lang nila ako.
“Are you serious?” The stupid Creature asks. I rolled my eyes and put the biko in his mouth. Kumunot lang ang noo niya at parang iluluwa yon pero agad kong tinakpan ang bibig niya.
“Nguyain mo yan o sisikmuraan kita?” He was just frozen but I suddenly felt his jaws moving so I let go of his mouth.
“Masarap di ba?” Tumango-tango naman siya. Nilingon ko si Nerdy pero bigla siyang nawala. Lumingon ako sa paligid at nakita ko siyang binabanatan na yung biko ni Manang Rita.
“Nerdy! Wag mong ubusin lahat!” Nilingon niya ako’t lumulubo na yung bibig niya. Matakaw ‘tong isang ‘to eh. Bagay silang pagsamahin ni Xiumin. Parehas na food lover.
“Shorry… Naubosh kho nah.” Pinakita niya yung lalagyan at dahon nalang ng saging ang natira. Halos samain ko siya ng tingin at ipaluwa lahat ng kinain niya. Bumuntong hininga nalang ako’t dumukot sa bulsa ko. Hindi ko pwedeng ilabas ang wallet ko sa ganitong lugar. Mahirap na’t baka maraming kawatan dito. Inabot ko yung isang libo kay Manang Rita.
“Nako hija, wala akong panukli diyan. Wala pa kasi akong kita ngayong araw.” Sabi niya at nag-aalala. Ngumiti lang ako ng bahagya.
“Kunin niyo na po at wag ibalik ang sukli.” Nilagay ko sa kamay niya yon at walang humpay ang pasasalamat niya. Siniko ko si Creature at binulungan.
“Pahiram ako ng dalawang libo.” Tiningnan niya ako ng nagtataka.
“Bakit? Wala ka ng pera?” Sabi niya habang nakangisi.
“Sira! Wala lang akong maipambabayad pa dahil credit cards halos lahat ng dala ko. Babayaran kita wag kang mag-alala.”Napangiwi nalang siya’t inabutan ako ng dalawang libo. Sino ba namang matinong magdadala ng credit card sa wet market? As if namang high tech na sila at may swipe machine di ba? Ang Bopols lang letche.
Nahahawa na ako sa kabopolan nina Meylixxa at Treshia. Naalala ko kasi nung pumunta kaming canteen at niyaya ako nung dalawang ililibre ako at ang mga g^ga, wala palang dalang pera kaya ang resulta, ako nagbayad ng lahat ng kinain namin. Mga bopols lang talaga. Inabot ko yung bayad kay Manang Rita.
“Bibilhin ko na po lahat ng paninda niyo.” Masaya kong sabi at halos magdiwang si Nerdy.
“Wag kang pakasaya nerd, ikaw magbabayad ng bibilhin natin mamaya.” Nawala bigla yung ngiti niya.
“Naku, salamat mga hija at hijo. Hulog kayo ng langit.” Nagmamadali pa si Manang Rita na ibalot lahat at pati bilao ay ibinigay sa amin.
“Uhh… Manang… pwede po bang humingi ng pabor?” Tanong ko’t tumango siya.
“Pwede niyo po bang ituro sa akin kung paano niyo nagawa yung biko niyo?” Umoo lang siya kaya natuwa ako.
“Kung gusto niyo, ngayon ko na ituturo.” Napangiti ako. Hoho… I really need to know that now.
“Sa ngayon, kailangan muna nating bumili ng mga sangkap.” Sabi niya kaya isinara niya yung pwesto niya at sinundan lang namin siya.
“What’s your plan?” Tanong ni Creature habang bitbit yung binili ko.
“I’ll study how she’ll make it and when I knew it, lalagyan lang natin ng kaunting twist ang product. We’ll still stick to rice cakes pero may maiiba lang ng kaunti.” Tumango-tango lang silang dalawa. Huminto si Manang Rita sa harap ng bilihan ng gulay at bumili ng dalawang matatandang kalabasa at dalawang niyog na pang gata siguro.
“Bakit po kailangan matanda at hindi yung bata?”
“Mas masarap kasi at mas madilaw.” Napatango nalang ako. Next was the brown sugar. Di na ako nagtatanong at tinitingnan nalang yung binibili niya. Bumili pa siya ng margarine saka evap saka ng glutinous rice. Nang wala na kaming bibilhin ay doon na ako ulit nagtanong.
“San po tayo magluluto?” Nilingon niya ako’t ngumiti.
“Sa bahay namin hija.” Tumango nalang ako’t nagpatuloy kaming sundan siya. Huminto kami sa isang masikip na eskinita.
“D-diyan po tayo dadaan?”
“Oo… ito na ang pinakamabilis na daan dito hija.” Tiningnan ko ulit yung eskinita. Kasya ang isang tao tapos ang haba pa. Feeling ko umaatake ang phobia ko. I took my back pack and get my nebulizer and suck it.
“Huy… anong nangyayari sayo Xand?” Tanong ni Allaine. Inalis ko yung nebulizer sa bibig ko.
“Wala na po bang ibang daan? Maliban diyan? Mamamatay ako kapag diyan tayo dumaan.” I suck the nebulizer again. Kumunot lang ang noo ni Manang Rita.
“Hey, are you claustrophobic?” I turn my head to Creature and nods. Binigay niya lahat ng bitbit niya kay Allaine tapos hinawakan ako sa magkabilang balikat. Nangunot yung noo ko ng ilapit niya yung mukha niya sakin at bahagyang ngumuso.
“Anong ginagawa mo?”
“Bibigyan kita ng hangin para di ka kapusin.” Sinapak ko siya agad at tatawa-tawa lang ang loko habang nag-iinit naman ang pisngi ko.
“Puro ka kalokohan. Gusto mong sikmuraan kita para mawalan ka ng hangin?” Nakangiti parin siya.
“Ayos lang, basta gusto ko bibigyan mo ko ng hangin galing diyan sa bibig mo.” Nasipa ko siya ng di oras. Puro kahihiyan dala ng lalaking ‘to sakin. Tinatawanan tuloy kami ni Manang Rita.
“Manang, may iba pa po bang daan? Hindi po pwedeng dumaan sa masikip ‘to dahil takot siya.” Paliwanag ni Creature.
“Meron pa pero medyo malayo kasi yon at kailangan nating sumakay ng tricycle.” Ayos na ako kaya binalik ko na yung nebulizer ko.
“Magtricycle nalang po tayo at kami nalang ang magbabayad ng pamasahe niyo.” Sabi ko kaya tumango nalang siya at nagpatiunang maglakad. Naramdaman kong may umakbay sakin.
“Ayos ka na ba?” Tanong ni Creature pero sersyoso na ang mukha niya’t mukhang nag-aalala. Tumango nalang ako. Sumakay kaming tatlo sa isang tricycle habang sa isang tricycle naman sumakay sina Manang Rita at ang anak niya. Sa loob kaming dalawa ni Nerdy at sa labas si Creature.
“Hoy Creature, ayos ka pa ba diyan? Sabihin mo kapag patay ka na ha?” Malakas kong sabi sa kanya at tumawa lang si Nerdy pati yung driver. Hinawakan ko yung laylayan ng damit niya dahil baka mahulog siya. Concerned rin naman ako sa driver. Baka magbayad pa siya pag nahulog si Creature. Huminto rin yung tricycle at bumaba kami sa tapat ng isang maliit na barong-barong.
“Tara, pasok kayo.” Pumasok kami’t nilingon ko yung bahay nila. Yung bubong nila puro may butas na maliliit tapos tarpaulin yung nakatakip sa dingding pero maayos naman kahit papaano yung loob.
“Pagpasensyahan niyo na kung maliit ang bahay namin.” Ngumiti lang kami. Umupo kami sa kahoy na upuan at pinagmasdan si Manang Rita. Yung sala nila, katapat lang yung kusina at yung dining. Nagsimula na siyang magprepare at nanonood lang kami.
“I’ll take a video para hindi natin makalimutan.” Sabi ni Nerdy at inilabas ang phone niya. Pinanoood lang namin si Manang.
“Manang, bakit kailangang, haluin ng haluin?”
“Para pumantay siya’t hindi masunog ang sa baba hija.” Tumango ako’t tiningnan si Creature na nasa likod ko.
“Narinig mo yon? Kaya ihanda mo na yang braso mo dahil sasabak ka sa haluan.” Natawa lang si Manang at si Nerdy samantalang napangiwi si Creature. Naluto na yon at pinahiran niya agad ng margarine. Nagmemelt pa yung margarine tapos langhap na langhap ko yung amoy.
“Uwah! Ang bango! Pwede na po bang tikman yan?” Tanong ng matakaw na si Nerdy habang vinivideohan ang nangyayari.
“Mas masarap ‘to kapag malamig na at may latik na.” Tinabi na yon ni Manang atsaka ulit pumunta sa harap ng lutuan. Pinakuluan niya lang sa medyo malaking pan yung gata at hinintay namin kung anong mangyayari.
“Woah…”I mumbled when it turned to that latik thing. Ganon pala yon. Naluto na yon at ibinuhos niya sa taas.
“Pwede ng kainin niyan.” Binigyan kami ng tig-iisang hiwa ni Manang at sarap na sarap kami sa pagkain.
“Pwede po bang magtake home?” Tanong ni Allaine kaya natawa kaming lahat. Ang takaw talaga. Nagpaalam rin kami kay Manang Rita at may bitbit-bitbit kaming dalawang bilao ng biko. Hapon na’t wala na kaming masakyan kaya naglakad nalang kami. Nakakatakot dahil panay tingin samin nung mga tao.
“Pahinga muna tayo. Ang sakit na ng paa ko.” Umupo ako sandali. Ang layo na ng nilakad namin. Nagsquat sa harap ko si Creature at kinuha ang mga kamay ko’t ipinulupot sa leeg niya ang braso ko.
“Anong ginagawa mo?” Nilingon niya ako.
“Gagabihin tayo kung magpapahinga pa tayo. Umangkas ka na sa likod ko.” Pinaangkas niya ako’t pinabitbit kay Nerdy yung ilang dala ko.
“Pagod narin ako. Paangkas rin ako Khier.”
“Gumapang ka nalang Nerd.”
“Ang sama. Si Xandria, pwede ako, hindi?”
“Alangan namang dalawa kayong bitbitin ko. Anong tingin mo sakin? Bato at hindi nabibigatan? Dito palang kay Hoodlum, ang bigat na, pano ka pa?” Hinampas ko siya sa balikat.
“Payatot ka lang kaya nabibigatan ka.”
“Di mo lang talaga maaming mabigat ka. Ayusin mo nga yang kapit mo’t baka mahulog ka.” Hinigpitan ko yung kapit sa leeg niya.
“Wag masyadong mahigpit. Nasasakal ako.”
“Sabi mo e.” Niluwagan ko yung kapit sa kanya’t humikab. Inaantok na ko’t dapit hapon na. Nauunang maglakad si Allaine habang may nguya-nguya sa bibig niya.
“Hoodlum.” Di ako sumagot at binaon ang mukha ko sa leeg niya. Kunyari, tulog na ako.
“Di mo ba natatandaan?”
“Nagkita na tayo dati.” Nagmulat ako ng mga mata. Nagkita na kami dati? Saan? Kelan?
“Ikaw yung pumasok sa banyo ng mga lalaki dati di ba?” Banyo? Ako?
“Ikaw yung pervert woman na may hinahanap. Natatandaan mo ba?” Teka… wag mong sabihing…
“Ako yung lalaking binosohan mo non.” Tinampa ko siya agad at tumawa naman siya.
“Ang kapal mo. Hindi kita binosohan siraulo! Hinahanap ko lang non yung mga kasama ko.”
“E bat bigla-bigla ka kasing pumapasok. Pano kung iba nakakita sayo non? Baka narape ka pa.”
“Aba naman. So dapat ba akong magpasalamat dahil ikaw nakakita sakin?”
“Siguro? Kasi… gwapo ako.”
“Ang kapal. Sagad yang kakapalan mo.” Bumungisngis lang siya. Kaya pala familiar siya. Sabi ko na’t nakita ko na siya dati e. Tahimik na kaming nakarating dun sa kotse niya. Feeling ko nahigop lahat ng energy ko. Sumandal nalang ako’t pumikit. Inaantok na ako e. Tinignan ko nalang si Nerdy na nakalungayngay ang ulo’t nakasandal sa balikat ko.
Ang g^ga, puro kain lang ginawa’t tulog na. Napatingin ako sa kaliwa ko ng may mabigat na pumatong sa balikat ko.
“Wow. So ginawa niyo talaga akong unan mga hanep kayo?” Walang sumagot. Sinilip ko yung mukha ni Creature at ang halimaw, tulog na rin ata. Tsk. Kahit ako nahahawa narin sa dalawang ‘to. Inaantok narin ako. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa ulo ni Khier dahil mas mataas ang lebel ng ulo niya kesa kay Nerdy.
~~~
A/N :Sorry, ang lame. Inaantok na kasi ako habang tinatype ‘to. Antukin si author~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top