CHAPTER 9.9 : KaiLa Moment

A/N : Babala, nakakaubos oxygen ang mga sumusunod na eksena. De, joke lang. Enjoy! :)

 

~~~

Kai’s POV

“WOOOH! Mag strip na yan! Strip! Strip!” Sigaw namin kay Suho.

 

 

“Woooh! Suho babes! Ilabas mo na ang abs mo! Woooh!” Si Bel grabe, pulang-pula na kakairit. Siya kasi nagdare na magstrip si Suho. Naglalaro kasi kami ng truth or dare. E si Suho dare ang pinili kaya ayan.

 

 

“Gosh. Can’t you just keep quiet? Ang iingay niyo.” Saad ni Xy habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa’t nakatutok sa tablet niya. Kasali siya pero parang walang pakealam sa nangyayari. Wala daw kwenta ang larong ‘to pero sumali naman siya XD. Di nalang namin siya pinansin at natatawa naman kami’t naghubad na ng damit si Suho kaya napahiyaw kami.

 

 

“Awoooh! I kennot look at this enimor! Suho! Gowshie gowshie! Ang puti mo! Pashare naman!” Grabe lang magwala si Bel. Parang ngayon lang nakakita ng abs. Pakita ko akin, baka mahimatay siya. Umupo na si Suho’t inikot ulit namin yung bote. Naghiyawan naman ulit sila nung tumutok na sakin yun.

“Woooh! Lagot ka sakin ngayon Kai.” Pagbabanta sakin ni Suho. Ngumisi lang ako.

 

“Truth or dare?” Tanong nilang lahat sakin.

 

“Dare.” Matapang kong sagot.

 

“Magsexy dance ka sa harap ng gusto mong sayawan habang nagstri-strip.” Ay sows. Yun lang pala e. Tumayo ako nang nakangiti.

 

 

“Gosh Kai! Wag mong gawin yan! Mamamatay ako!” Patakip-takip pa ng mata na sabi ni Bel pero may siwang naman sa pagitan ng mga daliri niya. Naiiling naman ako’t nangingiting nilingon si Xy na parang may sariling mundo. Nilapitan ko siya’t tinignan. Kinuha ko yung tablet niya’t tinabi. Soon I move ma body at unti-unting itinataas ang damit ko. Akala ko’y hindi niya ako papansinin pero itinuon niya ang mga mata niya sakin. I smiled at her and bit my lower lip. Ramdam kong pinamumulahan na ako ng mukha dahil nag-iinit ang mga pisngi ko.

Ewan pero parang nagtataka lang si Xy na nakatingin sakin hanggang unti-unti kong naalis yung damit ko’t dahan-dahang gumiling sa harap niya. Para tuloy nahiya ako sa ginagawa ko. Sana pala iba nalang ang sinayawan ko’t hindi siya. Baka maturn-off siya sakin. Pero wala, itutuloy ko na ‘to.

 

 

“K-kai…” Nangilabot ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Napangiti ako lalo habang kagat ang pang-ibabang labi ko.

 

 

“KYAAAH! Jusmiyo! Maghunusdili ka! Wag mong irampa yang butu’t balat mong katawan! Hindi ka sexy!” Sabay takip niya ng mga mata niya. Oh dat poor eyes of yours Xy. Pasensya na’t nabahiran na yan ng kaseksihan ko.

 

 

“YA! KAI! TUMIGIL KA NA!” Sabay akap ni Chanyeol kaya Xy para takpan ito. Nagpout ako. Panira naman ‘tong malaking tenga na ‘to. Gusto lang atang mayakap si Xy.

 

 

“Tama na Kai.” Sabi nila Kris kaya huminto na ako pero di ko na sinuot ulit ang damit ko’t bumalik sa pwesto ko. Tinignan ko si Xy at napangiti ako nung makitang tulad ko, namumula rin ang mukha niya. Haha! No wan can resist ma seksi badi. *wink*

 

Muling inikot yung bote at sakto namang tumapat kay Xy. Naghiyawan tuloy kaming lahat.

 

 

“Ayoko na. Akyat na ako.” Akma siyang tatayo pero hinila siya paupo nila Kris at Lay.

 

“Wag kang madaya. Wag mong iwan ang laro.” Tatakas pa e.

 

“Fine!” Irita siyang umupo’t tinanong namin siya. Di siya nakasagot agad pero mga ilang segundo pa ay sumagot rin siya.

 

“Dare.” I smiled. Ano kayang ipapagawa ko sa kanya?

 

 

Xyla’s POV

Napakawalang kwenta talaga ng larong ‘to. Kung bakit ba naman sumali-sali pa ako dito e halata namang sila lang nag-eenjoy? Haish! Hinihintay ko yung ipag-uutos ni Kai. Kairita. Ang tagal lang.

 

 

“Ano? Matatapos ka pa ba sa pag-iisip, Kai?” Tanong ko. Di pa ako makapagmove on dun sa ginawa niya. Ang birjin kong mga mata, expose na sa kalaswaan ng katawan niya. Shocks. Tapos si Suho, grabe. Ang puti ng katawan niya tapos---XYLA?! Ano bang pumapasok sa kokote mo? Nag-init bigla ang mukha ko. Jusko. Ano ba ‘tong pinasok ko?

 

 

“I dare you to...” Naghintay kami ng kadugtong. Pathrill pa ‘tong lalaking ‘to e. He smiled slyly kaya kinabahan ako.

 

 

“I dare you to sleep with me tonight.”

 

 

*a moment of silence*

 

 

Wha-what did he say again?

“I dare you to sleep with me tonight.”

 

 

“…to sleep with me tonight.”

“…to sleep with me tonight.”

“…to sleep with me tonight.”

 

 

Namilog ang mga mata ko’t ramdam kong pulang-pula na ng mukha ko.Just what the hell?!

 

“KAI?!” React naming lahat maliban sa kanya.

 

 

“Nasisiraan ka ba?! / Gago ka ba?! /  Tingin mo ba papayag kami?! / Gusto mong mamatay?! / NO!” Kanya-kanyang sabi namin. Umiling lang siya’t namumulang ngumiti ng alanganin.

 

 

“It’s not what you think. Ang ibig kong sabihin, I dare Xy to sleep in my room tonight. Not---not like what you think it is!” Gosh! This guy. Dapat kasi nililinaw niya. Ang pangit kaya nung sinabi niya. Di ko sila pinansin at tumayo na.

 

“Ayoko nang maglaro. Magsitulog na tayo.” Saad ko’t kinuha yung tsinelas ko’t aakyat na sana pero hinarap ko si Kai.

 

 

“Hoy lalaki, dalian mo’t inaantok na ako.” Natulala naman siya’t parang di naintindihan ang sinabi ko kaya nilapitan ko siya’t hinatak paakyat. Nasa harap na kami ng pinto ng kwarto niya’y tameme parin siya’t di makapagsalita.

 

 

“Xyl, sure kang matutulog diyan sa kwarto ni Kai?” Tanong ni Bel.

 

“Lala, you’re not oblige to do it if you don’t want.”

 

“Oo nga Xyla. Wag ka nang matulog diyan. Pumasok ka nalang sa kwarto mo.” Umiling ako.

 

“You’ve done your part without complaining. It would be unfair if I wouldn’t do mine.” Binalingan ko si Kai.

 

 

“Tara na.” Hinigit ko siya papasok ng kwarto niya’t infairness naman ay di ganon kagulo. Maayos naman at may mga nakarolyo lang na cartolina sa mesa niya. Tinignan ko yung kama’t bahagyang napangiwi. Kasya ba kami diyan? Binalingan ko siya.

 

 

“San ako hihiga?” Tanong ko’t napaiwas ulit ng tingin.

“Pwede ba? Magbihis ka nga! Ang sagwa tignan niyang katawan mo.” Kaasar lang.

 

“Sorry. Xy, you sure about this? Pwede ka namang magback-out.” Nilingon ko siya. Buti naman at mukhang nabalik na siya sa katinuan.

 

“I never turn my back to anything. Remember that. Problemahin mo ngayon, kung saan ako matutulog.” Saad ko.

 

“Sa kama ka nalang. Sa lapag nalang ako.” Okay. Nagdive ako agad sa kama niya’t ang bango lang ng unan. Tinabi ko yung tablet ko’t di na siya pinansin pa.

 

 

“Good night.” Saad niya’t di nalang ako umimik. Sarap kayang matulog. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko’t nakita ko siyang humiga sa sahig. Walang kutsyon. Walang unan. Walang kumot. Napabangon tuloy ako’t tinignan siya nang matagal at napatingin rin siya sakin.

“Wag mo kong titigan ng ganyan Xy. Baka matunaw ako.”

 

“Hindi ka hot. Wag kang makapal.” Bahagya siyang natawa. Inayos ko yung unan sa kama’t umurong sa gilid saka humiga.

 

“Dito ka na. Tabi na tayo. Nakakaawa kang tignan diyan.” Sabi ko’t tumagilid at tinalikuran yung direksyon niya.

 

 

“Su—sure ka diyan?”

 

“Sige diyan ka nalang. Mukhang gusto mo naman ata diyan.”

 

 

“De! Naninigurado lang.” Naramdaman kong sumampa siya sa kama’t letche lang. Halos mahulog ako pero naramdaman kong may pumulupot sa bewang ko’t ewan kung paano pero magkaharapan na kami ngayon.

 

 

“Wag kang masyadong lumayo. Baka mahulog ka’t di kita masalo.” Nakangiti niyang sabi’t di ko alam pero may epekto sa akin ang mga salitang yon dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko’t mag-init ang paligid ko. Lumala pa yon nang dumampi ang labi niya sa… noo ko. Napapikit tuloy ako ng sandaling yon at tinignan siya ng makalayo na ang bibig niya sa mukha ko. He smiled making my cheeks burned up more. What’s with me now?

 

 

“Good night Xy.” He said and close his eyes while smiling. He pulled me closer and literally, he’s hugging me. I can’t move my body and I don’t know why. Parang konting galaw ko, mahuhulog ako. I don’t know why but… I close my eyes just like his at isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya. Now I can hear the fast beating of his heart. Gustong-gusto ng tenga kong nakakarinig ng tibok ng puso. As if it’s telling me something. Something that my heart was capable to react.

 

 

~~~

A/N : *speechless* Kai---Kai---Kai’s supa lande!

 

KAI : Comment nalang daw kayo sabi ni otor. Wala daw siyang masabi dahil sa kagwapuhan ko. Grabe. Otor, di ko alam, pinagnanasaan mo pala ako.

 

A/N : Kapal. Di kita type no. Si Lulu ang pagnanasaan ko di ikaw. Tse!

 

KAI : *whisper*(Deny-deny pa.)*receive a hit in the head.*

 

A/N : Lul mo! Narinig ko yon! Wag niyong pansinin si Kai. Malandi yan. Hahahha!

 

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top