CHAPTER 9.6 : XyHyun Moment

Xyla’s POV

“Maayos na ba yang paa mo Ms. Salvador?” Tanong sakin ni Ms. Velasco, my Professor in my four major subjects. Siya ang pumalit don kay Larry. Baka magtaka kayo kung bakit Ms. Salvador ang tawag niya sakin. I was Xandria Salvador in this house, pero alam ng mga Prof kong ako si Laurene but they keep it as a top-secret. I was using my Mama’s maiden name.

 

 

“Ayos na po Ms.”

 

 

“Magaling po yata kaming mag-alaga.” Singit naman ni Biik habang nakaupo sa kabilang sofa. Iningusan ko lang siya at nakinig ulit sa discussion ni Ms. Velasco. Tuloy-tuloy lang kami sa discussions at exams. Ilang araw kasi akong nagpahinga kaya ang dami kong dapat habuling lessons.

 

 

“We’re done. Kaunting chapters nalang at matatapos na natin ang buong book.” She said at tumayo habang dala ang mga gamit niya.

 

 

“Alam niyo na po ba pababa?” Tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya. Nagets niya naman siguro ang ibig kong sabihin.

 

 

“See you next meeting Ms. Salvador.” She said and smiled before leaving my room. Minasahe ko ang sentido ko dahil sobrang sakit. Nabigla nalang ako ng may ibang kamay na humawak doon at pagtingin ko, si Biik pala.

 

 

“Ako nalang. Mukhang pagod na pagod ka kakaaral. Naperfect mo pa lahat ng exams mo. Ang galing mo talaga.” He said and smiled. Ngumiti rin ako at pumikit. Patuloy niya lang na minasahe yon. Nakakastress.

 

 

“Xyla, bakit hindi ka nalang mag-enroll sa Academy kung saan pumapasok sina Chanyeol?” Bigla niyang tanong sakin. Di pwede. Edi malalaman nilang ako si Laurene?

 

 

“Try mong mag-enroll as Upper class. O kaya, sa middle class nalang para pare-parehas kayo.” Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga ano? Bakit hindi ko naisip yon? Kung sa middle class ako mag-eenroll, walang makakahalata at tutal, hindi naman pala gala ang mga upper class.

 

“I’ll try to enroll there for the second sem.”

 

“Mabuti na yon.” He said.

 

 

“Napapagod ka na bang bantayan ako sa araw-araw?” Tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya sa ginagawa niya at umupo. Tiningnan ko siya at nagkatinginan kami.

 

 

“I’m not going to get tired of taking care of you. Gusto ko lang ma-enjoy mo ang buhay ng isang normal na estudyante. Hindi tulad nung nandito ka lang sa bahay, nakakulong ka lang at hindi ka nag-eenjoy. Masayang mag-aral ng normal kaya itry mo tutal, this is your last year in college right?” I nod. Natry ko naman maging normal student kaso nga lang, nakakatamad talagang pumasok lalo na dahil ang daming mga surot sa paligid na laging nakamasid sa bawat kilos mo. Pero kung magiging middle class student ako, siguro naman, wala nang bubunto’t at magkakagulo sakin.

 

 

“Tinatamad kasi akong magsuot ng uniform. Paulit-ulit nalang. Nakakatamad ding bumyahe ng matagal at nakakatamad makinig sa discussions ng mga guro kung alam mo narin naman ang itinuturo nila.”

 

 

“Alam mo… para ka talagang si Laurene.” Nabigla ako. Oh shoot! Nasabi ko na nga rin pala sa kanila ‘to. Aish! So careless Xyla! Ngumiti nalang ako ng pilit. Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.

 

 

“Andito lang kami… andito lang ako para suportahan ka.” He said and kiss my head. Ngumiti nalang ako at niyakap siya pabalik. Pansin ko, ‘tong mga lalaking ‘to, hilig mangyakap at manghalik. Siguro dapat magtayo ako ng business saka ko sila ihahire. Free hugs and kisses from ma boys. XD. Baka bumenta pa yung business ko di ba?

 

 

“I know.” I said. Kumalas din siya agad sa yakap at nginitian ako. I smiled half at napatingin ako sa leeg niya. I pulled out the necklace that’s hidden on his shirt at inilabas yon. I saw the necklace I bought for him when I got to Paris. I smiled.

 

 

“Isinuot mo na pala.” I said and he smiled shyly.

 

 

“You don’t need to hide it. Ano naman kung biik ang pendant niyan? As long as you keep being my Biik, you should be proud to wear it. Ikaw lang ata ang nag-iisang biik ko.” I said and he chuckled with his face turned a little bit red.

Baekhyun’s POV

“You don’t need to hide it. Ano naman kung biik ang pendant niyan? As long as you keep being my Biik, you should be proud to wear it. Ikaw lang ata ang nag-iisang biik ko.” I blush and chuckled to what she said. Hinawakan ko ang pendant non at tinitigan. I flip it over to see what’s engave on it. ‘Biikhyun ng buhay ko’. Mas lalo akong namula.

“You’re so red Biik.” She said and giggled. I look at her shyly at napatayo. Nagwawala ang puso ko at di ko alam ang gagawin. Baka mamaya, hindi ko mamalayan, tumalon na papunta sa kanya ng hindi ko alam.

“Uhh… naalala ko, may nakalimutan nga pala akong gawin. Maiwan na muna siguro kita.” Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin kasabay nun ang biglang pagkabog ng dibdib ko.

“Bago ka umalis, pwede bang pakiligpit muna yung pinagkainan mo?” Natawa ako bigla. Haha… akala ko naman kung ano. Tumango naman ako at niligpit yung kinainan ko. Lalabas na sana ako ulit pero tinawag niya ulit ako.

“Hmmm?”

“Pwede bang… pwede bang samahan niyo ako ni Xiumin kapag nag-enroll ako? Wala akong alam sa pag-eenroll dahil iba ang nag-eenroll sakin. Nasubukan ko nang pumasok sa normal class pero papasok nalang ako diretso dahil enrolled na ako. First time kong mag-eenroll kaya di ko alam ang gagawin. Di ko naman pwedeng istorbohin sina Chen dahil pare-parehas kaming mag-eenroll kung saka-sakali.” Napangiti naman ako.

“Basta ikaw, kung gusto mo ako pa magbayad ng tuition mo.” Natawa naman siya bigla.

“I don’t need to be your scholar. Kaya ko namang gastusan ang sarili ko kaya Physical help nalang ang hihilingin ko.” I chuckled and nods. Lumabas na ako ng tuluyan sa kwarto niya. Hinawakan ko ulit yung pendant at muling tiningnan. I will be your forever Biik, Xyla… kahit meron ka nang iba, handa akong maging Biik mo habang buhay…

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top