CHAPTER 9.1 : XyHan Moment

A/N : Parang ang tagal kong di nakapag-update… Oh! Mahaba-habang update ‘to :)

 

~~~

Xyla’s POV

“Lu, stop playing with my bracelet.” Bawal ko sa kanya pero patuloy niya lang pinaglalaruan yon. It’s Saturday at kaming dalawa lang ang nasa sala dahil nasa taas yung iba at di ko alam ang ginagawa.

 

“It’s cute and looks pretty in your wrist.” He said smiling. I look at it. Maganda naman talaga ang bracelet na ‘to. I smiled. Mammsie gave this to me and I love it very much.

 

 

“Who gave this to you?” He ask still looking and playing at it.

 

“It was given by the one I love so much.” Bigla niya nalang binitawan yon at nawala ang mga ngiti niya at naging seryoso ang mukha niya. Anong problema?

“The one you… l--love so much?” Kumunot bigla ang noo niya.

 

 

“Yup. It’s from my Mammsie, my grandmom. She gave this to me the day I came back here. That was also the day I spend a little time with her before she go back to Britain.” Nalungkot ako bigla. Namimiss ko na si Mammsie. I wish I can be with her. Bigla ko nalang narinig na tumawa si Luhan so I look at him. Kanina parang nalungkot at nagalit, ngayon, tumatawa? Bipolar?

 

 

“Why laughing like that Lu? Anong nakakatawa?” He just shook his head and bit his lower lip making my face burned up. Iniwas ko kaagad ang tingin ko. Bakit ang hot tignan ni Luhan pag naglilipbite? Bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko and he intertwined it with his. Para tuloy napaso ako sa init ng palad niya. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at tumingin sa kanya but he’s still biting his lip. D*mn it Luhan! Para tuloy gusto kong maihi. Di ko alam bakit.

 

 

“Uhh… I… I w-want to p-pee.” I stammered. What’s with the sudden feeling? He chuckled a little and let go of my hand and suddenly carries me. Napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sakin at ngumiti. Bat ba hilig-hilig ngumiti nito? Naalibadbaran ako sa ngiti niya. (/>_<\)

 

 

“Lu, you’re like an idiot. Stop smiling like that.” I said and averted his gaze.

 

“Bakit umiiwas ka nang tingin? Why not look at me?” He ask while giggling. I felt my cheeks heated even more.

 

“E-ewan ko sayo.”

 

 

“Why stuttering Xyla?” I look at him and his smiling teasingly with his eyes looking at me straightly. Tinampal ko nang mahina yung mukha niya at natawa lang siya nang kaunti.

 

 

“Ibaba mo nalang ako kung mang-aasar ka.” I said but he continued chuckling. Sh*t, Luhan! I bit my lower lip and furrowed my brows. Sasabunutan ko ‘tong babaitang ‘to Makita niya!

 

 

“Lu, baka maihi na ako dito bago mo pa ako madala sa banyo.” I said and he keeps chuckling. Sige lang Luhan, tumawa ka lang. Sasakalin kita kapag di ka tumigil.

 

 

“Okay, okay. Ehem… let’s go.” He said and stop chuckling but still biting his lower lip at halatang nagpipigil siya nang tawa. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa mukha niya ewan ko nalang kung may mukha pa siya pagkatapos.Umakyat na siya nang hagdan habang bitbit ako. Nakatingin lang ako sa mukha niya.

 

 

“If glancing is a crime, nakulong ka na.” He said but still not looking at me. Linya ko yon a? Imbis na umiwas mas tinitigan ko lang siya.

 

 

“I don’t care. As long as you’re the one I glance with, I’m willing to get in jail.” Bigla nalang siyang namula at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sakin. Huh! Akala mo ikaw lang marunong mang-asar Luhan ha? Gaganti ako ngayon. Ngumisi ako’t sinilip ang mukha niyang pilit na iniiwas sakin.

 

 

“Why blushing Lu?” I ask but he didn’t say anything. Nagpipigil pa nang ngiti. Haha. I poke his right cheek.

 

“I’m not blushing Xyla.”

 

“Di daw, eh bakit namumula ka?”

 

“Mainit kasi kaya ganon.”

 

“Ang lamig kaya. Tingnan mo, umuulan sa labas oh at nakasweater ka.”

 

“Nainitan ako bigla.”

 

“Bakit?”

 

 

“Stop asking Xyla and stop poking my cheek.” Natawa ako nang bahagya sa kanya. Narating namin yung kwarto ko at ibinaba niya ako sa harap ng CR. Hindi pa kasi ako gaanong nakakapaglakad at nahihirapan ako.

 

 

“Sa labas lang ako ng kwarto mo. Call if you need anything.” He said at patakbong lumabas. Anyare don? Aish! Pumasok nalang ako sa banyo na ngingiti-ngiti. I don’t know why I felt weird feelings these past few days.

 

 

Luhan’s POV

I get out of her room as fast as I can. Napasandal ako sa pinto niya and I chuckled. That girl always makes my heart beats oddly. I hold my chest. Stupid heart! Bakit nagwawala ka kapag kasama ko siya? I messed my hair and smiled.

 

“LUHAN!” Bigla nalang ako nakarinig nang sigaw mula sa loob ng kwarto niya kaya agad akong pumasok. Dumiretso ako sa pinto ng banyo. I tried to twist and push it but there’s something or maybe someone barging it.

 

 

“Xyla, are you okay?” Bumukas nang kaunti yung pinto at sumilip siya.

 

 

“Anong nangyari? May masakit ba sayo? Ayos ka lang?” Sunod-sunod kong tanong but she just shook her head. I sighed. Buti naman.

 

 

“Lu…” She called so I look at her.

 

“Can you---can you…”

 

“Can I what?”

 

“Can you---Aish! Nandiyan ba si Belinda?”

 

“Di ba umalis siya kasama si Auntie?” Napafacepalm siya. Ano bang problema niya?

“Ugh. D*mn  it.”I heard her mumble and look at me shyly.

 

“Bakit, may kailangan ka ba?” Natahimik siya sandali at parang nahihiya.

“Pwede bang ano… pakuha ng ano…” She said and bit her lower lip. Aish!

 

“Tell it straightly Xyla.” Parang naiinis ako. Baka kasi napapano na siya ayaw pa niyang sabihin.

 

 

“CANYOUGETMESOMEUNDERWEARSHORTSANDNAPKINONMYCLOSET?!SH*T, D*MN IT!” Yung mura niya lang ata naintindihan ko. Ano bang sinabi niya? Kumunot ang noo ko at iniisip yung sinabi niya. Can you get me… und… I look at her and she’s blushing terribly. I chuckled.

“Wag mo akong tawanan Luhan! Nakakaasar ka! Lumabas ka na nga lang o kaya buhatin mo yung closet palapit dito at ako nalang ang kukuha!” Sigaw niya atsaka isinara nang malakas yung pinto. I heard her cussing inside. Natawa nalang ako.

 

 

“Wait, kukuha na ako.” I said and go to her big walk-in closet. It was one big closet with three separated parts. Agad bumulaga sakin yung mukha ko. Puro salamin sa loob at may isang couch. I tried sliding the first part and all I’ve seen was shoes. From heeled to flats and there are cool big shoes with different colors. Daig pa ako. Ako nga, kaunti lang ang sapatos sa closet ko. Yung second part naman, puro bags. From pouches to hand bags to shoulder bags to backpacks. Girls will always be girls. Yung huling part, it was like a big cabinet. Binuksan ko yon at nakita ko yung sandamak-mak niyang mga damit.

 

 

“Woah… Ganito ba talaga kapag babae?” Ang ayos tingnan. She’s so tidy with her things. Kumuha ako nang pambahay niyang short. Saan ko ba hahanapin yung ano niya? Sinara ko yung cabinet dahil mukhang puro damit at mga pants and shorts lang ang nandoon. Nakita kong maraming drawer yung cabinet. Siguro mga sampo. Binuksan ko yung isa at puro accessories lang ang nakita ko. Yung pangalawa naman, puro pampaganda. At yung iba ay caps, socks, handkerchiefs, towels, etc… binuksan ko yung pangatlo sa huli and there I saw it. I sighed and blushed. Ano bang kulay ang kukunin ko? Napakaplain naman ng underwear niya. Wala man lang bulaklak haha. Bahala na nga. Kinuha ko yung kulay pink at isinara yon. Binuksan ko yung isa pang drawer at nakita ko yung mga napkins. Kumuha nalang ako ng isang pack bago lumabas.

 

 

“Xyla, ito na yung mga pinapakuha mo.” I said and knock on the bathroom door. Bumukas yon at nakita ko siyang nakasilip at parang naiirita.

 

 

“Bakit ang tagal mo? Did you enjoy peeking on my ‘private’ things?” She said irritably and I sighed.

 

 

“Natagalan ako dahil di ko alam san nakalagay yung mga pinapakuha mo.” Napayuko naman siya at napatingin sa hawak ko. Iniabot ko sa kanya yon at hinablot niya bigla at isinara agad yung pinto. Naiwan akong nakalahad ang mga kamay. Haha.

 

 

“THANK YOU!” I heard her yelled inside. Aish! Napangiti nalang ako at napahawak sa batok ko. Hinintay ko nalang siya sa labas ng banyo habang nakangiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top