CHAPTER 8 : A visitor

Xyla’s POV

Ilang araw narin at hanggang ngayon ay medyo masakit parin ang likod ko at hindi gaanong makalakad. Nagsimula na ulit akong maghome-schooled. At kahit babae na ang mga guro ko ay hindi parin ako iniwan ni Baekhyun o kaya ni Xiumin nang nag-iisa sa kwarto. Laging may isang nakabantay sa kanila kaya parang naaalibadbaran yung mga Prof ko pero di kalaunan ay parang nasasanay narin.

 

Gabi na at andito kami halos lahat sa sala at nanunuod.  Si Yaya lang yung nasa kwarto niya. Biglang may kumatok pero walang may gustong tumayo kaya napilitan si Bel na buksan yung pinto.

 

“Xyl, mukhang may bisita ka.” Sabi niya kaya napaharap kaming lahat sa pinto at biglang may pumasok na lalaki… teka… siya yung nakita ko nung nasa balcony ako. Anong ginagawa niya dito? Tapos, may dala pa siyang flowers at chocolates.

 

 

“Sino ka?” Sabay-sabay naming tanong na lahat. Ngumiti lang yung lalaki at nakakadistract yung ngiti niya.

 

“Hi, I’m your friendly neighborhood---”

 

“Spiderman?” We all asked in chorus but he just chuckled.

 

“No, no. I’m Kyle.” Okay? So what if he’s Kyle?

“What do you need?” Biglang tanong ni Tao atsaka tumayo.

“I just want to give this to Xyla.” Napatingin ako sa kanya.

 

“How dyou know my name?”

 

“Uhh… nakita ko kasi yung Auntie niyo sa labas noong isang araw at naglakas loob akong magtanong ang she said, your name was Xyla.”

 

 

Tumayo ako at paika-ikang lumapit sa kanya pero agad na may kamay na pumulupot sa bewang ko. Pagtingin ko, si Kyungsoo. Ngumiti lang siya sakin at inalalayan ako.

 

 

“Are you alright? Anong nangyari sayo?” Tanong ni Kyle.

 

 

“Seriously? Do you think I’m alright even I’m in these situation? At hindi pa tayo close para sabihin ang nangyari.” Napakamot naman siya ng ulo at ngumiti nang kaunti.

 

 

“Uhh… here… for you.” Iniaabot niya sakin yung dala niyang bulaklak at tsokolate. Tiningnan ko lang yon at tiningnan si Belinda. Siya na ang kumuha sa kanya.

 

 

“Alam mo kasi Kyle, Xyla was allergic to these flowers. At kung magbibigay ka nang bulaklak, make it sure that it was Peony and… never give her chocolates dahil hindi rin ito makakain.” Belinda said to him.

 

 

“Bel?” I said trying to stop her. Hindi niya dapat sabihin kahit kanino ang mga paborito ko.

 

“Bakit?” Nagtataka niya namang tanong ni Kyle.

 

“Maraming stock ng tsokolate dito sa bahay at mas mamahalin pa kesa sa dala mo, pare.” Sagot ni Kai and Kyle just smiled a bit.

 

 

“Ano pang kailangan mo?” Tanong ko sa kanya.

 

“Uhh… can I visit here always?”

 

 

“Bakit? May sakit ba si Xy-Xy para bisitahin mo?” Tanong sa kanya ni Xiumin. Oo nga naman. May sakit ba ako para bisitahin?

 

“No. I just thought if I could… get along with you.”

 

“Xyla is home-schooled so she’s busy everyday.” Baekhyun.

 

“May mga free time naman siguro?”

 

 

“5:30am, maliligo na siya. 6:30am, sabay-sabay kaming kumakain. 6:30 to 10am, bonding with us. 10am to 12pm, studying, 12 to 1, lunch, 1 to 6pm, studying again. 6pm to 7pm, dinner, 7pm to 8pm, bonding with us all. 8pm, sleep. 5:30am, wake up. That’s her schedule and it’s always full so she doesn’t have a free time.” Baekhyun said. At talagang memorize na niya ang schedule ko ha?

 

 

“Then, I’ll join by the time you bond.”

 

 

“Didn’t you heard it? I said, it’s OUR bonding time.” Pinandidiinan talaga ni Biik sak kanya yun. Hahaha… anong nangyayari sa kanila?

 

 

“Then, Saturday or Sunday will do.” He said and smiled. Napatingin ako sa kanila.

 

“Uhm… Saturday will be my rest day. Sunday will be our whole day bonding.”

 

“Sa lahat ba ng oras magbabonding kayo? Hindi ba kayo nagsasawa?”

 

“No.” We all said in chorused.

 

“Maybe atleast I visit here.” He said and smiled. Makulit siya, as in.

 

 

“Mukhang kailangan na nating matulog. Matutulog na kami, baka gusto mo nang umuwi?” Tanong sa kanya ni Kai. Ngumiti lang siya ulit sakin.

 

“I’ll see you around Xyla. Nice meeting you.” He said and get out of the house. I sighed.

 

“Ang kulit niya. Ang sarap batukan.”I heard Kyungsoo mumble.

 

“Uhh… Xyl, anong gagawin ko dito sa bulaklak at chocolates?” Tanong ni Belinda.

 

“Just keep it.” I said and she smiled.

 

“Okay.” She said and got upstairs. I yawn. Inaantok na nga ako.

 

 

“Antok ka na?” Tanong ni Kyungsoo so I nod. Bigla niya nalang akong binuhat at kumapit ako sa leeg niya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at rinig ko bawat pagpintig ng puso niya. Umakyat na siya sa hagdan kasunod yung iba. I close my eyes and  suddenly… I fall asleep.

 

 

Kyungsoo’s POV

That Kyle… gusto atang ligawan ang Xyla ko. As if. In his face. Ang dami ko na ngang kakumpitensya dito sa loob, makikisali pa siya. Tsk. Binuhat ko na si Xyla paakyat sa kwarto niya at sumunod naman yung iba. Tiningnan ko siya at nakasandal lang siya sa dibdib ko at nakapikit. Mukhang tulog na yata. I leer… she’s so cute every time she’s asleep. Aakalain mong napakapayapa niya at walang problema. Ibinaba ko siya agad sa kama niya at kinumutan. I look at her for seconds atsaka na tumayo at lumabas nang kwarto niya at pumasok na sa kwarto ko.

Nakita ko yung paper bag na ibinigay niya noong dumating siya kamakailan lang. Till now, hindi ko pa Nakikita ang laman non. Kinuha ko yon at umupo ako sa kama ko. Nakita kong may nakasulat sa card. I flip it and read.

‘To my Cutie Kyunggie~’ I smiled. She never fails to make me smile. In her own simple acts, mapapangiti ka nalang. Binuksan ko yung paper bag at may maliit na kahon sa loob. Seryoso? Ang laki nang paper bag at maliit na kahon ang laman? Hindi naman ganon kaliit na kasing liit nang lalagyan nang singsing. Malaki-laki rin naman pero mas malaki talaga yung paper bag. Kinuha ko yung kahon at itinabi yung paper bag. Ano kayang laman nito? Binuksan ko yon at nakita ko yung laman.

Kwintas siya na silver at panlalaki na may pendant na owl. Kinuha ko yon at tinignan. I flip it at nakita kong may nakaengrave sa likod.

‘My one and only, Cutie Kyunggie’ Mas napangiti ako. Agad kong isinuot yon. Hindi ko na aalisin sa leeg ko ‘to. I’ll be proud to wear this always.

 

 

 

~~~

A/N : Kyle as Shin Won Ho of CROSS GENE! Awiiiie! Welcome to NOBMEOP Won Ho bebe~♥

 

Kelan daw lilitaw si Myungsoo? Huehuehue~ Abangan niyo nalang kung talagang may Myungsoo sa storya. (^>♥<^)

NEXT CHAPTERS : MOMENTS. Kaninong Moment ang gusto niyo?♥

Till next updates~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top