CHAPTER 6 : Safe

Xyla’s POV

“Don’t! Help! Belinda! Xylo! AHHH!! Wag!! Papa! Mama!”

 

 

“MAMA!” Napasigaw ako sa sobrang takot at paggising ko, parang malalagas ang buto ko at nakita kong nasa kwarto ko silang lahat at nagsilapitan sakin. Agad nakalapit si Suho kaya agad ko siyang niyakap.

 

 

“Wag niyo akong iiwan. Please…” I said and cried again. He brush my hair and hush.

 

“Di ka namin iiwan… dito lang kami.” Umiyak lang ako at mahigpit siyang niyakap.

 

“I’m scared…” I whispered to his ears at naramdaman kong hinigpitan niya rin yung yakap niya.

 

“Don’t be. Walang gagalaw sayo hanggat nandito kami.”

 

“My back… it terribly aches…”I whispered again. Dahan-dahan niya akong inihiga pero di ko parin siya binibitawan.

 

 

“Humiga ka muna at magpahinga.” He said but still not letting go of him. He tried to remove my arms around his neck but I shook my head.

 

 

“Don’t.”

 

 

“Dito lang ako sa tabi mo at di kita iiwan… I promise.” He whispered so I let go of him but hold his hand. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Lumapit naman yung iba at malungkot na nakatingin sakin.

 

“I’m sorry Xy-Xy at hindi ka namin agad naprotektahan.” Xiumin said as he lowered his head.

 

 

“Hayaan mo dahil binigyan ko nang remembrance yung g***ng yon at tiniyak naming sa bilangguan ang diretso niya.” Baekhyun said and I mouthed ‘thank you and I’m sorry.’ Kasalanan ko naman. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sakin ‘to. If only I listen to Xiumin at first pero hindi. I thought trusting others would be okay pero hindi. I tried but I failed. Tama nga siguro ako na hindi dapat magtiwala kahit kanino. Except for this boys.

 

 

“Don’t be sorry. Kami ang nagpabaya kaya nagkaganyan ka.” I smiled bitterly and close my eyes still holding Suho’s hand tight. Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko. I feel too much safetiness around them. They were the last I would give my trust if ever.

 

 

Suho’s POV

Hinawakan ko lang ang kamay niya at hinaplos-haplos ang buhok niya hanggang sa makatulog na siya. Ang prinsesa ko…

 

 

“Tell us, what really happened.” I said. Malabo kasi ang paliwanag nila. Biglang pumasok si Belinda na may dalang pagkain.

 

 

“Oh, tulog parin siya?” Tanong niya.

 

“She already did wake up but fall asleep again.” I said and she just nods. Umupo siya sa kama at pinunasan yung luha sa mata ni Xyla.

 

 

“Alam niyo ba, kayo palang ang kauna-unahang mga lalaking pinagkatiwalaan ni Xyla maliban sa pinsan niya. Noong mga bata palang kami, sinusungitan niya lahat ng lalaki kaya walang lumalapit sa kanya. Pero kayo, sa maikling panahong nakasama niya kayo, parang ramdam niyang safe siya.” I smiled half. Di talaga namin pababayaan ang prinsesa namin.

 

 

“What happened?” Lay ask.

 

 

“Nasa kusina lang ako at nagluluto nang makarinig ako ng ingay kaya lumabas ako at nakita kong buhat siya ng hinayupak na Sir Larry’ng yon at ang sabi, dadalhin daw sa hospital si Xyla dahil masakit ang tiyan. Sabi ko sasama ako but he insist. Palabas na sana sila ng bahay ng bigla siyang kagatin ni Xyla kaya nahulog siya at nakita kong umiiyak si Xyla kaya naman nagduda ako. Pinagbantaan niyang papatayin niya si Xyla pag lumapit ako at binuhat ulit at saktong dumating sina Baekhyun at Xiumin at hinabol sila palabas. At ayon, binugbog ni Baek si Sir Larry habang binitbit naman papasok ni Xiumin si Xyla na umiiyak.” Mahaba niyang sabi. So walang nakakaalam nang buong pangyayari? Ayokong tanungin si Xyla dahil baka hindi niya kayaning alalahanin pa yon. For sure, natrauma na siya.

 

No one’s POV

Dahil sa nangyari ay walang umalis sa kwarto ni Xyla at binantayan lang nila siya. At kahit may pasok pa at trabaho lahat ay agad umuwi nang marinig nila yung nangyari sa kanya. They really do care and love her.

 

Sehun, *My Lala~ she’s scared. I want to be by her side and hold her hand like Suho does.*

Luhan, *can’t it just be me?*

Chanyeol, *Xandria… kung alam ko lang, binugbog ko na ang hudas na yon para hindi mangyari ‘to.*

Kris, *D*mn that man!*

Kai, *I’ll kill that man if I face him again.*

Suho, *Just sleep peacefully princess… I won’t leave you.*

Kyungsoo, *If only I could lessen your fears.*

Baekhyun, *I would do anything for you just to let those fears away.*

Xiumin, *Andito lang ako Xy-Xy at hindi rin kita iiwan. I will be your knight.*

Lay, *Pagagalingin kita kahit alam kong hindi ko kayang pagalingin yang takot na nararamdaman mo. I will take care of you.*

Tao, *Should I stop from schooling and take care of you here?*

Chen, *Dapat pala hindi nalang ako pumasok at binantayan kita.*

 

 

Xyla’s POV

I woke up again at sa muling paggising ko ay nakita ko si Suho sa tabi ko’t nakasandal sa headboard at natutulog habang hawak ang kamay ko. Yung iba naman, nakaupo sa sofa at natutulog while as usual, Lay was lying on the floor. I smiled half, they never left me.

I remove my hand from Suho’s hand slowly at buti nalang at hindi siya nagising. Sinubukan kong umupo kahit napakasakit ng likod ko. Nagugutom ako at gabi na. Should I wake them up? Pero natutulog sila at mukhang pagod. Tinitigan ko lang sila, napakaswerte ko nga talaga for having them. Bigla nalang kumusot ng mata si Sehun at napatingin sakin. I smiled half at dahan-dahan siyang lumapit sakin. Umupo siya sa kama at nag-aalalang nakatingin sakin.

“I know you’re not okay but… you okay?” Alam niya pero tinatanong niya parin. I shook my head.

 

“My back aches so d*mn.” He smiled a bit.

 

“Do you need anything?” He asked. Mahina lang ang pag-uusap namin para hindi magising yung iba.

“Can you… can you carry me to the bathroom Sehun? I want to pee.” He nods smiling and carry me slowly.

“A-awww…”

 

“Sorry… did I hurt you?”

 

 

“No… it’s just that… I rolled on the stairs and fall on the floor. My back hit the floor two times and it hurts so much.” I said with my eyes forming tears. Try niyong gumulong sa hagdan at mahulog sa sahig, tingnan ko kung di kayo maiyak sa sakit. Nagulat nalang ako nang halikan niya ang noo ko.

 

 

“I hope it could lessen the pain you feel.” Da—da—da—d*mn it Sehun. Parang speaker naman tong dibdib ko na todo kung kumabog. Iniwas ko yung tingin ko at naglakad na siya papunta sa banyo. Binuksan niya yon at pumasok kami. I look at the side at naalala ko yung nangyari kanina kaya napahigpit ako nang hawak sa leeg ni Sehun at itinago ko ang mukha ko sa dibdib niya.

 

 

“What’s wrong?” Di ko namalayang humihikbi na pala ako.

 

“Lumabas na tayo dito Sehun… paCR nalang ako sa kwarto mo o kaya dalhin mo nalang ako sa baba at doon nalang ako magbabanyo.” Di na siya nagtanong at lumabas na kami agad ng kwarto ko. Akala ko sa baba niya ako dadalhin pero binuksan niya yung kwarto niya at infairness naman, naging malinis kesa dati. Binuksan niya yung CR niya at pumasok kami. Now what? Can I stand?

 

 

“Can you stand?” He asked. Para kang tanga Sehun, inulit mo lang yung sinabi ko. Ay! Inisip ko nga pala yon at hindi sinabi. Tumango nalang ako kahit hindi ko alam. Inilapag niya ako at parang kuba akong napahawak sa braso niya. Aish! Paano ako magCCR nang ganito? I looked at Sehun and he’s blushing. Loko nito. Ano naman kayang iniisip niya? Me. Him. Inside the bathroom.

 

“Shou---should I help you… pee?” He asked blushing but not looking at me. Naramdaman kong uminit din ang pisngi ko. Wala na bang silbi ang katawan ko ngayon? Pero may kamay pa ako. Umiling ako.

 

“Lumabas ka na. I can handle myself. I’ll call you if I need you.” I said and let go of his hand at humawak sa sink. Tumango naman siya at agad lumabas.

“Andito lang ako sa labas ng pinto.” I heard him said. Lumapit ako sa bowl at umupo. Sh*t! ang sakit ng likod ko pakiramdam ko daig ko pa ang may osteoporosis. Natapos na ako at finlush ko yon at naghugas ng kamay at naghilamos. I look in the mirror at napasigaw ako sa gulat at naout balance pero buti’t nasalo ako.

 

“Sehun! You almost scared me to death.” I said and hold my chest. Akala ko kung ano. Ikaw bang biglang humarap sa salamin at pagtingin mo may matangkad na nakatayo sa likuran mo. Aish!

“Sorry. Ang tagal mo kasi at ang tahimik pa kaya akala ko may nangyari na sayo.” He said and stands me slowly. Humawak ako sa braso niya habang nasa likod ko ang kamay niya. Inabot niya yung towel na nakasampay at dahan-dahang ipinunas sa mukha ko. Kaya ko namang gawin yan Sehun. Hindi pa ako ganap na baldado.

 

 

“Ayan, maganda ka parin.” Namula ako sa tinuran niya at iniwas ang paningin ko. Alam kong maganda ako pero ang di ko maintindihan ay iba ang epekto nang manggaling sa kanya yung salitang yon. Binuhat niya ako bigla kaya napakapit ako sa leeg niya saka kami lumabas ng kwarto.

“Ibabalik ba kita sa kwarto mo?” He ask and we both look at each others eyes pero nauna akong umiwas. Ayoko lang nakikipag-eye-to-eye sa batang ‘to. Nakakilang masyado yung mga titig niya.

“Uhh---I—I want to eat. Gisingin muna natin sila para sabay-sabay na tayong kumain.” Tumango naman siya at pumunta kami sa kwarto ko. Tulog parin sila.

“Sehun… baka nabibigatan ka na sakin… papabuhat nalang ako kay Chan-Chan.” I said but he shook his head.

 

“Ayos lang. Kahit gano ka pa kabigat as long as you’re the one I carry, everything feels so light.” Sabi niya ng nakangiti. Para akong sasabog na ewan. Nakakailan na ba siya? Ginising na namin lahat at sabay-sabay kaming bumaba para kumain. Nilagyan pa nila ng throw pillow ang likod ko para di daw sumakit. Halos subuan na nga ako ni Luhan.

Likod at paa ko lang ang masakit but not my hands. Napapakunot noo pa ako tuwing bawat galaw ng likod ko ay parang nawawarak yung balat ko.Tapos na kaming kumain at nang sinabi kong babalik na ako sa kwarto ko ay halos mag-unahan silang buhatin ako. Nagsukatan pa silang lahat ng tingin samantalang kami namang tatlo nina Bel at Yaya ay nagkibit balikat nalang.

“Xyl, ako nalang ang magbubuhat sayo. Baka kasi di na matapos magsukatan nang tingin ang mga lalaking ‘to.” Sabi ni Bel at nginitian ako at nilapitan. Tatayo na sana ako pero bigla nalang akong binuhat ni Kai at nginitian. Tiningnan niya naman yung iba at ngumisi.

 

 

“Di ba sabi ko sayo Xy, I would love to be your foot even for a life time?” Malakas niyang sabi at di ko alam pero naramdaman kong uminit ang mukha ko at bumilis ng kaunti ang pagpintig ng puso ko. Nakita ko namang kumunot yung noo nang iba. Bel and Yaya just giggled samantalang ako ay parang hiyang-hiya at di ko alam kung bakit. Likod at paa ko lang ang masakit pero mukhang puso’t utak ko ata ang naapektuhan. Aish!

 

 

~~~

A/N: Ahihihihyiiiihieeee! Si Kai ba o si Sehun? Xyla? Isip-isip.

 

Kayo? KaiLa ba o XyHun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top