CHAPTER 31 : Stuck

Xyla’s POV

“Xytee, do you want me to drive you home?” Tanong ko sa kanya habang pababa kami ng hagdan. Hatak ko yung maleta niya pababa habang bitbit niya si Lala niya. She shook her head.

 

 

“I’ll just wait for my butler.” She said and smiled half. Iniwas ko nalang ang tingin ko. Lumabas na kami ng bahay at naabutan naming nasa labas lahat. Para namang panghabang buhay mawawala si Xytee.

 

 

“Baby, we’ll gonna miss you…” Xiumin and Baekhyun said.

 

 

“Hmmm… I’ll miss you too… all of you.” Tiningnan ko yung mukha ng mga lalaking ‘to. Ganito rin ba sila kalungkot nang mawala ako? Ang pupungay ng mga mata nila.

 

 

“Take care of yourself always.” Suho said to her. Tumango lang si Xytee.

 

“Don’t forget what I’ve told to each of you and what we have talked.” Tumaas ang isa kong kilay. Anong talk-talk yan? May hindi ba ako nalalaman? Tumango lang sila.

 

 

“Mind to share?” I asked but they all shook their heads.

 

“It’s not for you to hear Ate.” Xytee said and soon the car arrived. I look at her.

 

“Call me if you need something or something happened.” Tumango lang siya. I hug her and kiss her head.

 

 

“Good morning princesses.” Bati ni Butler Teal. Bakit ba ganito ang pagbati niya? Kumunot tuloy mga noo nitong mga lalaki.

 

 

“Kuya Teal talaga, alam naman naming mukha kaming prinsesa pero di mo na kailangang sabihin pa yon.” Saad ko’t ngumiti ng alanganin. Kumunot ang noo ni Butler Teal pero binigyan ko siya ng isang tingin kaya’t tumango nalang siya.

 

 

“Uhh… driver ni Xytee… si Kuya Teal.” Pagpapakilala ko sa kanilang lahat. Binati naman nila siya. Buti nalang at madaling madala ‘tong mga luko-lukong ‘to.

 

 

“We need to go Ate.” Tumango lang ako’t ngumiti. Kumaway kaming lahat at papasok na sana si Xytee pero sumulpot si Belinda at tinawag siya.

 

 

“Sandali lang Xytee. May ibibigay lang ako sayo.” Sabi niya habang may hawak na kahon. Nilapitan niya si Xytee tapos nag-aalanganing inabot yung kahon. Tiningnan lang ako ni Xytee at tumango ako. Kinuha niya yung kahon mula kay Bel.

 

 

“Uhh… cookies yan. Ako ang nagbake. Sana magustuhan mo.” May kuto rin ata si Bel at napakamot ng ulo.

 

“Say what you want to say.” Xytee said and we’re just listening to what Bel’s going to say.

 

 

“Uhh… Xytee… I know that I can’t change the past but… I want you to know that I’ll make the present better. Alam kong hindi ko na maibabalik yung dati pero sana… sana mapatawad mo man lang ako.” Malungkot yung boses ni Bel. Natahimik lang sandali. I thought Xytee would ignore her but she didn’t.

 

“If Ate Lala did forgive you… then I will too.” Napangiti ako sa sinabi niya. Sa wakas… Di ko Makita yung reaction ni Bel pero niyakap niya nalang bigla si Xytee at agad din silang kumalas.

 

 

“But remember this Ate Bel… when you hurt my Ate Lala again, there is no more second chance. Chances are given once so don’t ruin it.” Tumango-tango lang si Bel. Xytee look at me and I smiled at her. Ngumiti lang din siya.

“I need to go. Take care all of you and take care of my Ate Lala. I’ll visit if I have more time.” She said and get into the car. Kumaway ako sa kanya’t tuluyan ng umalis yung sasakyan. I sighed. Wala ng problema kay Xytee at Bel… buti naman at kahit papaano ay may natutunan ang kapatid ko dito. Papasok na sana kaming lahat ng bigla nalang umulan. Tumakbo ako papasok kasama si Bel pero naiwan yung iba sa labas.

“Hey, go inside all of you!” I yelled but they all shook their heads. Don’t tell me maliligo sila sa ulan? Biglang tumakbo palapit samin si Kai at hinawakan ang kamay naming dalawa ni Bel.

“Tara, let’s play in the rain.” Sabi niya sabay hatak samin pero humawak ako sa gilid ng pinto.

“No! I don’t want to play in the rain! I don’t want to get sick!” I screamed but he keeps pulling me.

“Ayoko rin hoy! Aalis pa kami ni Auntie! Ayoko nang maligo ulit!” Sigaw din ni Bel habang nakahawak sa bewang ko. Tuloy lang sa paghila si Kai.

“Tara na!” Sigaw niya pero umiling lang ako.

 

 

“Hell no! Let go of me Kai or I wouldn’t talk to you forever!” Bigla nalang siyang bumitaw kaya nakahinga ako nang maluwag. Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin.

 

 

“Sige, diyan nalang kayo… baka magkasakit kayo.” Sabi niya’t tumakbo palapit sa iba pa. Bumuntong hininga nalang ako’t umupo sa harap ng pinto. Tumabi naman sakin si Bel. I just watched them jumping while enjoying the not-so-hard pouring of the rain.

 

 

“Ang saya nila ano?” Tiningnan ko si Bel at nakangiti lang siya habang pinagmamasdan sila. Tiningnan ko sila ulit at tumango nalang ako. Niyakap ko ang binti ko’t pinatong ang ulo ko sa mga tuhod ko.

“Ikaw ba, masaya ka na ngayon?” Tanong ko sa kanya pero patuloy ko lang silang pinapanood at natatawa ako ng konti dahil nagsasayaw pa sila.

 

“Oo naman… nakuha ko na kasi yung dalawa kong kahilingan… isa nalang…” Nilingon ko siya’t nagkatinginan kami. Kumunot ang noo ko.

 

 

“What’s your last wish?” Umiling lang siya.

 

 

“Hindi pwedeng sabihin dahil baka hindi matupad.” Sabi niya’t ngumiti nalang at ibinalik ang tingin niya sa harap.

 

 

“Hoy! Tama na yan! Pumasok na kayo’t baka magkasakit kayo!” Sigaw ko pero di nila ako pinansin at mukhang enjoy na enjoy sila sa ginagawa nila. Napailing nalang ako sa mga isip batang mga lalaking ‘to na tuwang-tuwang naliligo’t naglalaro sa gitna ng daan. Parang ngayon palang nakaexperience ng ulan.

 

---

“Po? Hindi na naman kayo makakauwi ng isang linggo? Bakit?” Tanong ko kay Yaya na kausap ko sa kabilang linya.

 

 

“Bagyo? Baha?” Bumangon ako’t sinilip yung balcony. Ang lakas ng hangin sa labas tapos ang lakas din ng buhos ng ulan. Umupo ako sa kama ko’t pinaandar yung TV.

 

 

“Sige Ya, mag-iingat nalang kayo ni Bel. Text or call me if something happened. Ako na pong bahala dito. … Okay, okay… Bye.” Pinatay ko na ang phone ko’t nanood lang.

 

 

‘Pinapayuhang wag lumabas ng mga kabahayan ang lahat dahil sa malakas na hangin at buhos ng ulan na dala ni bagyong Yolie. Karamihan sa mga lugar ngayon ay inabot na ng baha at inilikas na sa mga…’Pinatay ko na agad yung TV at humiga sa kama ko. Nilingon ko ulit yung balcony at ang lakas talaga ng hangin. Feeling ko, matatangay ako kapag sinubukan kong lumabas diyan. Ang ganda ng sikat ng araw kaninang umaga tapos bigla nalang umulan at hindi ko man lang alam na may bagyo pala. Bumangon ako’t bumaba. Maghahanda nalang ako ng hapunan namin. Naabutan kong bakante yung sala. Walang katao-tao. Nagkibit balikat nalang ako’t tumungo sa kusina at nagbabakasakaling andon si Kyungsoo’t nagluluto pero wala rin akong nakita kahit anino ninoman.

“Napasarap ata ang tulog nila dahil malamig ang panahon.” Nagsaing nalang ako at nagluto ng ulam. Hinanda ko rin yung mesa at umakyat para tawagin sila. Kinatok ko lahat ng pinto nila pero wala man lang lumabas kahit isa. Kinatok ko ulit lahat ng pinto nila.

 

 

“Gising na… kakain na tayo ng hapunan.” Sabi ko habang kumakatok pero wala man lang sumasagot kaya’t naisipan kong buksan yung pinto ng kwarto ni Kris. Nakita ko siyang nakahiga at nakakumot. Ang ganda naman ng kwarto niya.

“Kris… wake up, it’s time for supper.” Sabi ko pero hindi man lang natinag kaya nilapitan ko siya’t niyugyog.

“Kris… gising na… kain na tayo.” Di niya ako pinansin at binalot lang ng mabuti ang sarili niya. I sighed and cross my arms. Ano, papapilit pa siya? Bahala siya. Tumalikod na ako’t lumabas ng kwarto niya, nagbabakasakaling bumangon na siya pero wala…

 

“Aish!” Pumasok ako ulit sa kwarto niya’t nilapitan siya.

 

 

“Kris, tumayo ka na diyan.” Sabi ko pero parang wala lang siyang naririnig. Inalis ko yung kumot na nakatakip sa kanya pero bumaluktot lang siya.

“Kris ano ba? Nagbibingi-bingihan ka ba?” Tanong ko pero tinalikuran niya lang ako. Kinuha ko yung kamay niya para hilahin sana pero nagulat nalang ako nang maramdaman kong malamig yon at nanginginig siya.

“Kris… are you okay?” Tanong ko’t umupo sa tabi niya. Di siya sumagot. Hinarap ko siya sakin at hinawakan ang noo niya. Feeling ko mapapaso ako dahil sobrang init niya.

“Gosh! You’re sick. Sabi ko naman kasi sa inyo na sumilong na kayo kanina. You’re deaf kaya ayan, nilalagnat ka tuloy.” Naku! Kung wala lang sakit ‘to, makakarinig ng sermon ‘to. Binalik ko yung kumot niya at sinuklay ko yung buhok niya. Tumayo ako’t lumabas ng kwarto niya para puntahan si Lay. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya’t pinihit ko nalang ang door knob at pumasok. Naabutan kong nakahiga si Lay sa kama niya’t nakatalukbong din ng kumot. Sarap na sarap ata sa pagtulog ‘to.

 

“Lay… Lay…” Tawag ko pero hindi man lang gumising. Nilapitan ko siya’t umupo ako sa tabi niya. Tinampa-tampa ko ng mahina yung braso niyang natatakpan ng kumot.

“Lay, wake up… Kris needs your help. He’s sick.” I said but he didn’t answer.

“Lay…”

 

 

“Xyla… it’s… too cold…” He mumbled as he pulled his blanket upwards to cover his neck. Nilapit ko ang kamay ko sa mukha niya’t hinawakan ko ang noo niya. Inalis ko kaagad yon.

 

 

“The hell Lay! You’re sick too?!” Halos pabulong pero pasigaw kong sabi. Paano ‘to? Paano si Kris kung may sakit din ang doctor sa bahay na ‘to? Aish! I need to call others. Patakbo akong lumabas ng kwarto niya’t kinatok yung iba pero wala man lang lumabas. Sinugod ko yung kwarto ni Luhan.

“Lu! Wake up! I need your help!” Sigaw kong sabi’t nilapitan siya’t inalog pero nagbalot lang siya ng katawan. Don’t tell me… I hold his forehead.

“D*mn it! Pati ba ikaw?” Sumasakit ang ulo ko. Lumabas ako ng kwarto niya’t chineck yung mga natitira pa. Parang gusto kong masiraan ng bait.

 

“Ugh! Why you’re all sick?! Do I need to call 911 now?!” Letche! Bakit ngayon pa silang lahat nagkasakit kung kailan may bagyo’t ako lang mag-isa dito?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top