CHAPTER 2 : Another Day
Xyla’s POV
Ang sakit ng ulo ko. Medyo masakit yung sabunot ng mga babaitang yon. Dumiretso ako agad ng banyo’t naligo at nag-ayos bago bumaba. It’s Saturday at pupunta ako ng Mall para mamili ng gamit ko because, I’m going to be a home-schooled again. Nagpaalam narin naman ako kay Yaya kagabi. Dumiretso ako sa kusina’t naabutan ko silang nag-aalmusal.
“Aalis po muna ako. Bibili lang ng gamit.” Akma akong tatalikod ng tawagin ako ni Yaya kaya humarap ako ulit.
“Magsama ka ng kahit isa lang sa kanila hija.” Tinignan ko silang lahat pero agad din akong umiwas. Medyo naiilang pa ako ng kaunti dahil… parang iba ngayon. Matagal akong nawala’t malay ko ba kung… kung nagbago narin sila kahit na… nakasama ko sila bilang si Laurene.
“Okay then, I’ll take Belinda with me. Dalian mo’t ayoko nang kukupad-kupad.” I said and walk in the sala. Umupo ako with my legs crossed at binuksan ang TV. Napansin ko yung picture frame sa gilid at napahinto ako sandali. Hindi na yung picture naming lahat ang nakalagay doon kundi picture nila kasama si Belinda. Pero yung isa, sila at kasama si Laurene. Nasaan yung kay Xyla? Bakit inalis nila? Ganon na ba nila ako kagustong kalimutan? Parang kelan lang, pinagpipilitan nilang si Laurene si Xyla pero anong nangyari ngayon?
“Sandali lang Xyl at magbibihis ako.” Halata sa boses ni Belinda na masaya siya at tumakbo pataas. Di ko siya pinansin at nanood nalang. Maya-maya konti ay nagdatingan sila at umupo sa sofa pero di ko sila pinansin. Katabi ko si Lay sa kanan ko at sa kaliwa ay si Suho. Di ko sila tiningnan at patuloy lang na nanood habang hawak yung remote at nililipat yung channel pero biglang may humablot non at pinatay yung TV.
Sinamaan ko nang tingin si Lay. Problema nito? Tatayo na sana ako pero hinigit ako paupo ni Suho. Yung totoo? Nang-aasar sila? I cross my arms and didn’t bother to look at them. I just furrowed my brows. I don’t want to talk to them. May biglang humawak sa magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya. I saw Lay looking at me seriously. I averted his gaze but he suddenly pulled me for a hug. Nagulat ako at nakita kong ngumiti yung iba.
“Welcome home, Xyla.” He said. I don’t know what to react. I don’t know if I should hug him back.
“Sali kami!” Nagsilapitan yung iba’t akmang yayakap rin.
“Don’t! Ever try to come. I’m gonna die with suffocation from all of you.”
“I’m ready Xyl.” (Xyl, pronounced as sayl) Rinig kong masayang sabi ni Belinda kaya napakalas ako sa yakap ni Lay at mabilis na tumayo.
“Can I come?” All of them ask. Napaisip ako. Ayokong magbuhat.
“Okay…” I said. Di na sila nagpalit ng mga damit at agad naglabasan. Palabas na sana ako nang biglang may yumakap sakin nang mahigpit mula sa likuran.
“I miss you Lala~”He whispered and my body shivers as I felt his breath hit my earlobe. Nilingon ko siya at halos magdikit ang mga ilong namin. Nagkatinginan kami’t ngumiti siya kaya naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. And as for my heart, it starts pounding uneasily. Oh, Sehun~ Bakit ganito nalang magreact ang puso ko pagdating sayo? Parang gusto kitang sapaking bata ka. Binitawan niya ako agad at agad siyang lumabas ng bahay. Naiwan akong nakatunganga at nagwawala ang puso ko. I chuckled embarrassedly bago lumabas ng bahay.
Nakita ko silang nag-aabang na sa labas at nakahanda na ang mga kotse nila.
“Ooohhh… I miss Snoe so much~” Chen said and hug Snoe.
“Buti pa si Snoe namiss mo.” Sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya agad at lumapit sakin at bigla akong niyakap. How many hugs did I receive this day?
“Syempre mas namiss kita Xyla. Namiss ko yung luto mo. Pwede bang ikaw nalang magluto ulit? Mamamatay na ako sa alat ng luto ni Belinda eh. Daig pa ang dagat sa alat.” He whispered and I chuckled. I hug him back and pat his back. Okay. I admit that I… really miss them.
“Pasalamat ka nalang at nakakakain ka pa.” I whispered to him too at natawa lang siya. Kumalas na kami sa yakap at nakatingin lang samin lahat.
“Uhh… let’s go?” I said and they all nods.
“I’m riding with Xyla/Lala/Xandria/Xy/Xy-Xy” Sabay-sabay nilang sabi kaya napakunot ang noo ko sa kanilang lahat.
“Are you crazy? Baka abutin tayo nang apat na taon bago makarating sa mall dahil flat na ang gulong. Bel, will ride with me and…” I look at them as if they were praying that I should pick them. Tiningnan ko silang lahat.
“Sorry guiz, better luck next time. I just want to be with these people because I never been bond with them for a long time. But don’t worry, next time, isasakay ko kayo. Hop-in Kai, Tao and Kris.” Nagulat naman silang lahat at natuwa naman yung tatlo. Yes, hindi ako nagkaroon ng time na makabonding yung tatlo kaya sila muna ngayon. Nalungkot naman yung iba. Sumakay na kami sa kotse at ang ingay lang nung dalawa.
Nagdrive na ako papuntang mall at kasunod ang mga kotse nila Suho at Lay.
“Where have you been all this time Xy?” Tanong sakin ni Kai. Tiningnan ko siya sa salamin.
“May inasikaso lang ako at pinuntahan ko ang lola ko sa Britain kaya hindi ako agad nakabalik.” Tatango-tango naman sila.
“Akala namin nandito ka lang sa Pilipinas at ikaw yung nakasama namin.” Kumunot ang noo ko. Hindi ako pwedeng magpahalata.
“Paano mangyayari yon eh dalawang buwan akong nasa Britain?”
“Ganito kasi yon, may nakilala kaming kamukhang-kamukha mo at kaugali mo at kaboses mo pa.”
“Talaga? Then that’s good. Kaya pala mukhang hindi niyo ako namiss nang husto.” Aish! Bakit ba nila inoopen yan?
“Wag ka nang magtampo. Sobrang namiss ka nga namin. Halos iyakan ka na nga araw-araw ni Sehun eh.” Napapreno ako bigla. Sehun’s crying because of me?
“Ba’t huminto ka?” Bakit nga ba ako huminto?
“Uhh… ano… may pusa atang dumaan.” Palusot ko’t pinaandar nalang yung kotse. We arrive at the mall at agad silang nagsibabaan.
“Ano bang bibilhin mo Xandria?” Tanong sakin ni Chanyeol habang naghahanap ako ng mga libro.
“Books and materials I’m going to use for my home-schooling.” Kumuha ako ng mga libro at ibinigay sa kanya. Yung iba nagkanya-kanya din nang hanap. Si Belinda lang at Chanyeol ang nakasunod sakin.
“Economics, Accounting, Finance, Business… Business Management ba ang course mo?” Tanong niya at tumango lang ako.
“Parehas pala kayo ni Laurene.” Napahinto ako sa pagkuha ng libro. Paanong hindi kami parehas eh ako rin si Laurene? Umalis nalang ako doon sa book section at kumuha ng iba ko pang gagamitin at dahil marami nang hawak si Chanyeol ay kay Belinda ko ibinigay. May basket naman kasi pero di nila naisipang kumuha. Aish!
“That’s it.” I said. Halos kumunot ang noo nila.
“Ito lang ba ang bibilhin mo? Baka gusto mo pang dagdagan.” Sabi ni Chanyeol. Halos lahat kasi sila ay may mga hawak na at karamihan sa mga yon ay akin. Tumango nalang ako at nagtungo sa counter. Nagulat pa yata yung kahera dahil sa dami nang bibilhin ko. Nagbayad na ako agad at lumabas na kami ng bookstore.
“San tayo niyan? Uuwi na ba tayo?”
“Hindi. Maggogrocery pa tayo. Nakakahiya naman kasi sa ref niyo, parang nilantakan ng langgam. Bukod sa tira-tira, halos wala nang laman.” Natawa naman sila pero nagpatiuna ako sa paglalakad kasunod si Belinda.
“Xy-Xy, I want this! I want this!” Parang Nakikita ko si Xylo kay Xiumin. Napakaadorable nila masyado kaya nakakaasar. Kinuha ko sa kamay niya yung chocolates at ibinalik.
“Wala sa list ko ang chocolates.” Meron na kasi sa bahay, yung binili ko sa kanila galing Paris. Masyadong marami yon kaya hindi ko na kailangang bumili. Ilang oras din naming inikot yung supermarket hanggang sa magbayad na kami.
“What the heck? Kahit pagsama-samahin natin ang mga pera nating dala, hindi kakasya yun sa dami nang pinamili natin.” Sabi ni Kris. Para siyang tangang hindi alam ang gagawin. Agad kong nilabas yung credit card ko at ibinigay don sa cashier. She’s the same cashier na umasikaso rin samin dati. Mukhang namumukhaan niya pa yata kami.
“Thank you Ma’am and Sirs, comeback again.” Masaya niyang sabi at itinulak na nila yung cart.
“Si Laurene!” Bigla akong napaharap sa kanila. Akala ko sa akin sila nakatingin pero nang tingnan ko ang tinitingnan nila ay nakita ko yung isang brand na ineendorso ko. Teka… ito yung kinuhanan ni Kuya Terrence ah. Nakapaskil yung larawan kong malaki sa stall at suot-suot ko yung white backless dress. Napalunok ako. Ito yung time nung awkward shot namin ni Sehun.
“Tara, pasok tayo~” Hinila ako bigla ni Belinda at sumunod yung iba pero naiwan yung iba sa labas. Binati kami ng mga saleslady pero di ko sila pinansin at tiningnan yung mga larawan na nakalagay sa loob. Andon din yung mga kuha nila Chen.
“Hey, look… hindi ba si Sehun yon?” Tiningnan ko yung tinuro ni Belinda at nakita ko yung malaking frame sa taas na nakasabit at yun yung kuha namin na kulang nalang ay magdikit ang mga labi namin. I blush. Ang ganda ng kuha pero… Aish! Nararamdaman ko tuloy yung pakiramdam ko noon.
“Bagay pala kayo ni Sehun ah.”Bulong sakin ni Belinda. Sinamaan ko lang siya nang tingin. Kung umasta naman siya as if na parang close na kami ulit.
Lumabas na ako at iniwan ko sila sa loob. Naabutan kong bumibili ng ice cream cake si Xiumin kaya naman nilapitan ko siya. Kahit kailan, ang takaw talaga.
“Ate, isa ngang chocolate flavor.”
“Make it 14 and large size.” I said at humarap naman sakin si Xiumin.
“Xy-Xy, para sakin lahat yon?”
“Wag kang feeler, para sa ATING lahat.” Pinandiinan ko yung atin para malaman niya. Katakawan niya talaga. Ang tagal kong nawala pero matakaw parin talaga siya. Agad namang naibigay yung order namin at siya yung nagdala nung iba samantalang kinain ko na yung akin.
“Let’s go. Walang kasama si Auntie sa bahay at gabi na.” Nagpatiuna na ako sa paglalakad at sumunod lang sila. Agad kaming umuwi nang bahay at pagdating namin doon ay naghahanda na nang hapunan si Yaya.
“Auntie, we’re home!” Masaya nilang sabi. Nagsiupuan sila sa sala at aakyat na sana ako nang may malimutan ako. Nakita ko si Belinda na nakaupo sa sofa at katabi yung iba.
“Belinda, I need to talk to you… alone.” I said and got up on stairs and go straight to my room. Sumunod naman si Belinda.
“Lock the door.” Nilock niya naman yon at lumabas ako sa balcony at lumabas rin siya. “Anong---” I cut her off.
“Don’t speak, just listen. First of all, I hate you. Second, I hate you more and third, I hate you most. You’re the most hated person I could ever have.” I slapped her left cheek so hard at namula agad yon.
“That’s for ‘almost’ letting me killed and for being a liar.” I slapped her right cheek hard. “That’s for slapping me when I was Laurene.” Umiyak siya bigla but she’s not making a sound. Niyakap ko siya nang mahigpit at agad din akong kumalas.
“That’s for being my friend when we were little.” I kiss her left cheek. “That’s to lessen the pain.” I kiss her right cheek. “That’s for waking me up.” I kiss her forehead. “That’s for giving you my trust again.” I wipe her tears away.
“And that’s for telling you that I can be a shoulder you can lean on.” Bigla niya akong niyakap at humagulgol na siya nang iyak.
“I’m sorry Xyla. I’m sorry.” She said between her sobs. Ang higpit nang yakap niya. I just pat her head.
“I didn’t mean to leave you. I was just so scared that time and... Mahirap mang aminin pero natakot ako sa Papa mo kaya nagawa kong magsinungaling. Natakot ako na baka parusahan niya ako at ang pamilya ko dahil iniwan ko ang anak niya sa kamay nang mga kidnapper na yon.”
“Shhh… masyadong masakit yung ginawa mo Bel. Alam mo bang takot na takot ako tuwing maaalala ko yon? I was so scared and you almost let me killed.”
“I’m so sorry… patawarin mo sana ako.”
“Alam mo bang bukod sayo ay wala na akong naging kaibigan dahil natatakot ako na baka gawin din nila sakin ang ginawa mo? Natatakot akong magtiwala dahil natatakot akong iwan at lokohin ulit. Matagal maghilom ang sugat ng panahon pero… Namimiss ko lang ang nag-iisang best friend ko… I forgive you now, Bel.” Mas lalong humigpit ang yakap niya. I hug her back at agad din kaming kumalas. Sisinghot-singhot pa siyang tumingin sakin.
“Can we start all over again?” She asks and I nod. Inabot niya ang kamay niya sakin.
“Hi, I’m Belinda Manalang.” Kinuha ko yung kamay niya.
“I’m Xandria Laurene Grayson, nice meeting you Belinda.” I said and we shook our hands.
“Can you be my friend?” She asked me. I smiled… a real one.
“Even best friends if you like.” Muli niya akong niyakap at natawa nalang ako.
“Ganon mo talaga siguro ako namiss ano? Panay ang yakap mo.” She chuckled and soon let go of the hug. Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na kami sa kwarto ko. Kinuha ko yung gunting sa drawer at sinaksak ko siya nang ilang libong beses, pero joke lang yon. Inalis ko yung tape sa malaking kahon na nakatabi sa kwarto ko at binuksan ko iyon. Kinuha ko yung ilang paper bags at yung dalawang box ng chocolates at ibinigay sa kanya.
“Itong tatlong paper bags, kay Yaya yan. At yung natira, sayo lahat.”
“Si-sigurado ka? Akin lahat ‘to?”
“Ayaw mo? Madali naman akong kausap.” Aagawin ko na sana ulit sa kanya pero nilayo niya lang. Natawa naman ako. Bigla niya ako ulit niyakap.
“Naninigurado lang ako.”
“Go ahead and try it all.” Ngumiti siya at tinungo namin yung pinto. Pagbukas ko, kumunot ang noo ko nang sumilay ang mga mukha nila.
“May kailangan kayo?” Tanong ko pero tiningnan lang nila si Belinda.
“Umiyak ka? Bakit parang namumula yang mga pisngi mo?” Tanong ni Kai sa kanya.
“I was---” I cut her off. “I slapped her at ako ang nagpaiyak sa kanya.” Namilog ang mga mata nila at tiningnan lang ako ni Belinda.
“Go on Bel at isukat mo na lahat ng yan.” Tumango naman siya at nilagpasan silang lahat. Pumasok ako sa kwarto ko but I keep the door open to let them go inside. Umupo ako sa kama ko at hinintay ang sasabihin nila.
“What did she do at sinampal mo siya?” Lay asked. I cross my arms and raise one of my brows.
“There are a lot of things na hindi kailangang ipaalam. Besides, it’s just between me and Belinda at labas na kayo doon.” Tumayo ako at lumapit sa kahon. I squat at kinuha ang mga pasalubong ko sa kanila.
“Xiumin, come here.” Lumapit naman siya agad at inabot ko sa kanya yung isang box ng chocolates at isang paper bag na may lamang big glasses at shades. Kinuha ko rin yung ibang paper bags at boxes ng chocolates at binigay sa kanilang lahat. Hindi pare-parehas ang mga laman non. Kay Tao, dahil napansin kong mahilig siya sa bags ay bag ang binili ko para sa kanya. Si Chanyeol naman, dalawang caps ang binili ko and so on and so forth.
“Xy-Xy, bakit isang box lang ng chocolates samantalang ang dami pa niyang nasa kahon?”
“Why so demanding Xiu-Xiu? Pang stock ‘to dahil alam kong matatakaw kayo at baka maubos niyo agad yang mga yan. But don’t eat too much para hindi mahirapan si Lay na mag-alaga sa inyo. Mahirap na at magkadiabetes pa kayo.” I said and stood up. Umupo ako sa kama ko at hinubad yung jacket ko at yung cap at inalis ang sapatos ko at itinapon kung saan-saan. Humiga ako at lumingon sa kanila.
“Ano, may kailangan pa kayo?” Biglang pinulot ni Luhan yung sapatos ko at kinuha naman ni Chanyeol ang cap ko at kinuha ni Chen yung jacket ko.
“Anong gagawin niyo diyan?” Ngumiti sila nang nakakaloko.
“Amin nalang ‘to ha?” Kumunot ang noo ko. Bigla nalang silang tumakbo palabas kaya naman hinabol ko sila pero pinagsarhan nila ako ng mga pinto at narinig ko silang tawa nang tawa.
“Ugh! That’s mine! Ibalik niyo yan, hoy!” Kinalampag ko yung mga pinto nila at pinihit pero ayaw nilang buksan. Sinipa ko nalang yung mga yon at asar na asar na tumingin sa pinto ng kwarto ko. Sakto namang nagsilabasan yung iba na ngingiti-ngiti. Nakakairita. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Kyungsoo.
“Welcome home.” He said and hug me before going into his room. Napangiti ako. Nakakamiss naman palang tumira dito sa bahay ni Yaya. Namiss ko silang lahat… sobra…
~~~
A/N: Yey! Bati na sina Bel at Xyla!
Nagseason 2 na pero wala paring nagpoportray sa karakter ni Belinda. Wala akong maisip grabe. Si Suzy nalang din kaya? Hahaha! Adik lang kay Suzy?
Ano kayang susunod na mangyayari sa susunod pang mga araw ni Xyla? Abangan…
Till next updates!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top