CHAPTER 19 : Away away na く(">.<)ノ
A/N : Gosh! Ayoko kay DO! Ayokoooo~ Pero ang cute niya kasi sa Minnie headband niya.<See attached photo at the side> Awieee~ peyborit ko thi Mickey/Minnie Mouse. Noooo! Nagkakasala ako kay LULU! Ilayo niyo siya sakin! Ilayo niyo si Di-oh Kyungsoo! Ayokong mainlab! Kay Lulu ako! Kay LULU! \(>.<)/
(Tahaha. Wag niyo kong pansinin.) Anyway... *sigh*
Advance Merry Christmas and Happy New Year to everyone! ^_^
~~~
Xyla’s POV
Umalis na’t lahat-lahat ang Prof ko pero wala parin yung mga student sa bahay na ‘to. Alasais na ng hapon a? Nag-extend ba sila? Yung mga may trabaho naman, mamaya pang alas syete ang uwi.
“Xy-Xy, anong ginagawa mo dito sa labas? Medyo malamig na. Ayaw mo bang pumasok na?”
“Hmm… inaantay ko lang yung iba. Di ba dapat ganitong oras andito na sila?” Umupo sa tabi ko si Biik. Nakatukod lang ang mga siko ko sa tuhod ko habang nakapangalumbaba ako.
“Miss mo agad sila?” Tinignan ko siya’t nakatingin siya sakin.
“Hindi. Naninibago lang ako. Wala kasing maingay sa bahay na ‘to.”
“Wala? E pano yung bunganga ni Xiumin? Sa ingay palang nun, kulob na sa buong kabahayan. Buti nga nakatulog yun. Wala tuloy istorbo.”
“Ang sama mo kay Xiumin e parehas lang naman kayong dinaig yung speaker sa ingay niyong dalawa. Tulog lang siya kaya tahimik ka pero pag-gising yon, ay ewan. Mga baliw kayong dalawa.”
“Haha! Grabe naman. Pinapasaya ka lang namin.” Nakangiti niyang sabi’t iniwas ko nalang ang tingin ko’t napatingin dun sa daan at nakita ko yung mga estudyanteng naglalakad.
“Andyan na sila.” Napatingin din si Baekhyun sa kanila. Nagkasalubong ang kilay ko ng may mapansin ako sa kanila. Bakit parang ang tahimik ata nila ngayon tapos, parang ang lalayo ng agwat nila sa isa’t isa? I mean… hindi tulad ng dati na pagparating sila, mga nakangiti’t nag-uusap-usap pa pero ngayon parang iba yung mga aura nila. Tumayo si Baekhyun pero nanatili akong nakaupo.
“Musta skwela?” Tanong ni Biik pero dumiretso pasok lang sina Tao, Sehun, Chanyeol at Chen. Sina Kyungsoo at Luhan naman, akmang papasok rin pero hinila ko yung pantalon ni Kyungsoo saka ako tumingala’t tinignan siya.
“Anong problema?” Tanong ko’t bumuntong hininga lang siya bago ngumiti saka umiling.
“Wala naman.” Sagot niya’t pumasok. Tumayo ako’t umalalay agad si Biik.
“May problema ata mga yon.” Saad niya’t sa Nakikita ko, mukha nga.
Hanggang sa hapagkainan, tahimik lang lahat. Di ko sila tinitignan pero nakakaramdam ako. Something’s up to them.
“An meron? Ang tahimik niyo ata ngayon? Pagod ba?” Tanong ni Bel pero walang sumagot sa kanya.
“Excuse me. Akyat na ako sa taas.” Tinignan ko lang si Tao tapos umalis na siya’t sumunod si Chen tapos si Chanyeol saka si Sehun.
“Akyat narin ako.” Paalam din ni Kyungsoo’t ganon din sana si Luhan pero pinigilan ko siya.
“Hintayin mo ko. Sasabay ako. Akyat na rin po ako.” Paalam ko’t tumayo na. Umakyat na kami’t hindi ako dumiretso sa kwarto ko.
“Stay there Luhan.” I said and knock on the other’s door. Lumabas naman na sila’t bahagya pa atang nagulat ng Makita nila ang isa’t isa.
“Anong problema niyo?”
“Wala.” Akmang papasok si Chanyeol pero nagsalita ako.
“Hindi pa ako tapos magsalita Chanyeol kaya wag mo akong tatalikuran.” Matagal bago niya napagdesisyunang humarap samin.
“Wag niyong ikakaila sa akin dahil kitang-kita ko. Anong problema niyo?” Walang sumagot.
“Anong. Problema. Niyo?”
“Wala ka na don Xandria.”
“Ang tanong ko ang sagutin niyo. Wala akong pakealam kung andon na ako o wala. I want an answer. Uulitin ko pa ba? Anong problema niyo? Anong problema niyo? Anong problema niyo? Anong prob---”
“Ikaw!” Nagsalubong ang kilay ko sa halos pasigaw na sagot ni Chanyeol. Ako? Bakit ako?
“Masyado kang makulit. Yun ang problema.” Sabi niya’t pumasok na. Natameme ako sa sagot niya’t tinignan ko yung iba.
“Nakukulitan rin kayo sakin? Fine. Edi manahimik. Lamunin niyo yang mga problema niyo. Bakit nga ba ako nakekealam e mukhang ayaw niyo ngang ayusin yang mga problema niyo. Sakit kayo sa ulo. Letche.” Tinapik ko yung kamay ni Luhan na dapat ay hahawak sakin at mag-isang pumasok sa kwarto ko’t pabagsak kong isinara yon. Di ko nga naman problema kaya bakit ko proproblemahin di ba? Masama bang mag-alala?! Masama ba?!
Kai’s POV
Tinignan ko lang sila. Bakit parang nag-iiwasan ata silang lahat? Pati si Xy umiiwas rin sa kanila. May hindi ba sila pagkakaunawaan? Bahagya kong siniko si Kris.
“Pansin mo rin ba?” Tanong ko pero tutok lang siya sa laptop niya.
“Wag mo silang pakealaman. Hindi na sila mga bata kaya matuto silang umayos niyan. Wag mo kong guluhin, busy ako.” Yun lang sabi niya’t parang wala na siya sa mundo. Napaka workaholic talaga ng taong ‘to. Kahit na sa bahay na nagtratrabaho parin.Iniwan ko siya dun sa sala’t pumunta ng kusina para sundan si Xy.
“Xy, gust---”
“I don’t need anything.” She said then leave. Sinundan ko naman siya.
“Xy baka k---” Di ko tinuloy yung sasabihin ko nung huminto siya’t tinignan ako ng masama.
“Don’t follow me. I’m not in the mood for your childish things Kai. Go away and find someone who you can follow.” And by that, di ko na siya sinundan.
“Fine. Edi wag.” Irita akong bumalik dun sa sala’t naupo saka pinatong yung paa ko sa mesa’t sa hindi sinasadyang pangyayari ay…
“PACKING SHEET! KAI! WHAT THE HELL DID YOU DO?! UGH! PACK YOU!” Di ko pinansin yung mura ni Kris. Pansin ko yung nagawa ko. Natamaan ko kasi yung laptop niya pagkapatong ko ng paa kaya ayun. Nahulog. Di naman nabasag pero di niya yata nasave yung ginagawa niya.
“AAHH! You’re such a pain in the ass!”
“Sorry. Sorry talaga Kris.”
“Sorry?! Would that sorry can make my entries back?!” Aba! Nagpasorry na naman ako a? Makasigaw naman siya.
“Hindi! Pero wag mo kong sigawan. Nagpasorry na naman ako di ba?”
“Bwisit! Wala ng magagawa yang sorry mo! Peste!” Tumayo siya’t kinuha yung laptop niya’t bago pa siya makalayo ay tinapunan niya ko ng masamang tingin.
“Oo na! Ako na sige! Wag kang mag-alala, babayaran kita!”
“I don’t need your money. I have lots of money. Stay away from me idiot.”
“Same to you too. Chin-ap!” Kala mo kung sinong mayaman. Haba naman ng baba ng loko. Nagpasorry na nga e. Bwisit!
Lay’s POV
“Anong nangyari kay Xyla’t bakit ayaw niyang lumabas?” Tanong ko pero wala silang masagot at nagtitigan lang halos lahat tapos, masamang nag-iwasan. May nangyayari ba dito? Bakit parang ako, si Suho at Bel lang ang walang alam?
“Maging honest nga kayo. May problema ba kayong lahat?”
“Ask them.” Sabay turo nila sa isa’t isa.
“Uhuh! Sabi ko na nga ba’t nag-aaway-away kayo e. Wow! Teka lang a? Maghahanda ako. First time ‘to e.” Segway ni Bel kaya tinignan ko siya ng masama’t nagpeace sign lang siya. Bumuntong hininga ako’t tumingin sa pinto ng kwarto ni Xyla.
“May ginawa ba kayo kay Xyla?” Halos lahat sila tinuro si Chanyeol.
“What did you do to her?” Tanong ni Suho na nakacross arms na’t masama ang tingin.
“I did nothing.”
“You yelled at her.”
“Yeah. You yelled at Lala.”
“A, so ako lang may kasalanan? Hindi ba’t hindi niyo rin naman siya pinapansin nung nagtatanong siya kanina?”
“Wala kaming kasalanan. Kasalanan mo yon.”
“Ako lang?! Ako lang may kasalanan?! Aba naman Sehun! Kung hindi mo sinira ang project ko, hindi ako mababadtrip ng ganito!” Sabay tayo nila ni Sehun.
“Hoy Chanyeol! Hindi ko sinira ang project mo kaya wag mo kong mapagbintangan! Bakit hindi mo itanong dito sa dalawa na naglalaro’t naghahabulan kanina? Porket ako lang ang dumampot, ako na may kasalanan?!”
“Bakit kami? E si Tao ‘tong habol ng habol at nagwuwushu. Kung di niya ko hinabol, di ko masasagi yang project mo.”
“Aba Chen! Kung hindi mo dinumihan ang uniform ko, hindi kita hahabulin. Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga ka’t nasagi mo project niya?”
“Hoy Tao! Hindi ako tanga! At nahulog ko lang yung project niya pero hindi ako ang talagang nakasira doon! Bakit hindi niyo tanungin si Luhan kung anong ginawa niya?”
“Bakit ako?! Kasalanan ko ba ha?! Alam ko bang andun yung project ni Chanyeol? Alam ko ba? Kung hindi ba naman ako tinutulak-tulak nitong si Do, hindi ko matatapakan yung project niya. At bakit ba? Sinabi niyo bang project ni Chanyeol yon? At sino bang totaling nakasira don? Hindi ba si Dyo dahil hinila niya sa paa ko’t tuluyang nasira?! Kaya wag niyo akong pagbibintangan dahil di niyo alam ang istorya!” Tinignan ko si Do pero tahimik lang siya. Kala ko magsasalita rin siya pero mas pinili niyang wag ng makisali.
“Yun lang problema niyo? O kayo Kai at Kris? Anong problema niyo?”
“Ito kasing ulul na ‘to. Sinipa yung laptop ko. Nawala tuloy lahat ng ginagawa ko at hindi ko pa nasasave.”
“Nagpasorry na rin naman ako di ba? At hindi ko sinipa yun. Nasagi ko. Iba ang nasagi sa sinasadya. At kasalanan ko ba kung tatanga-tanga Karin at hindi maagap sa pagsesave?” At bago pa magkasapakan ang lahat ay pumagitna na kami.
“Dahil lang diyan? Dahil lang diyan kaya kayo nag-aaway-away? Grabe. Di ako makapaniwala sa inyo. Pati si Xyl na concerned lang sa inyo galit narin sa inyo. Now tell me, may mapapala ba kayo diyan sa pag-aaway-away niyo?”
“Tama si Bel. At kayo Kris, di na ba gumana yang laptop mo?”
“Gumagana pa naman.”
“Edi kung ganon, buksan mo’t iopen mo yung huli mong ginawa. May autorecovery diyan for sure. At ikaw naman Kai, kung magpapasorry ka, siguraduhin mong bukal sa loob mo’t wag ka nang manlait pa. At kayo.” Sabay baling ko sa anim na nakatayo’t mga nakatungo.
“Kung concerned sa inyo ang tao, dapat magpasalamat pa kayo. Hindi yung ganyang babalewalain niyo’t sisigawan niyo.”
“Tignan niyo. Ayaw tuloy lumabas ni Xyla sa kwarto niya. Di ba kayo nag-iisip at nag-aalala ha? Halos kagagaling niya lang sa pighati. Wala pang dalawang linggo nang mawala ang lola niya’t imbis na pasayahin niyo siya, binibigyan niyo pa siya ng sakit sa ulo. Mahiya naman kayo sa mga sarili niyo. Ang lalaki’t ang tatanda niyo na. Simpleng bagay, pinapalaki niyo. Pwede namang pag-usapan ng maayos bakit idadaan niyo pa sa init ng ulo?” Suporta ni Suho. Nagkatinginan silang lahat at bumuntong hininga nalang ako.
“Sorry.” Sambit nila isa-isa.
“Tayo nalang ang magkakakampi dito. Wag naman sana kayong mag-aaway-away. Lalo na na mas kailangan kayo ni Xyl sa mga panahong nahihirapan siya.” Sabi ni Bel at tumango-tango ako. Napatingin kami sa pinto ng kwarto ni Xyla ng magbukas yon at nagulat kami ng lumabas sina Xiumin at Baekhyun doon. Kanina pa ba sila doon? Di ko napansin a? Kaya pala walang maingay dito.
“Anong ginagawa niyong dalawa sa loob ng kwarto niya?” Nagtinginan sila.
“Wala. Ano… Lay… pwede mo bang tignan si Xy-Xy?”
“Bakit? May nangyari ba?” Nagtinginan sila ulit at nagbubulungan.
“Hoy. Kayong dalawa. Sabihin niyo nga.” Atat na sabi ni Bel.
“Ano kasi… ayaw ipasabi ni Xy-Xy pero kasi ano…”
“Ano?!”
“InatakesiyangasthmaniyaDisiyamakahingakaninaButinalangmahiligkamingmaeavesdropatngpasukinnaminsiyasakwartoniyanakabulagtanasiya’tnaninikipangdibdibKayanamantinulungannanaminsiya’tsinaksakannunginhalerniya.”Mabilis nilang pagkakasabi’t hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa’t sinugod ko ang kwarto niya’t di ko siya nakita sa kama pero… nakita ko siyang nakaupo dun sa sahig sa pinto ng balcony niya.
Nagulat nalang ako nung halos matulak ako’t pagtingin ko, yung iba pala na gusto rin siyang Makita. I hush them all at naglakad ako palapit kay Xyla.
“Malamig. Bat andito ka?” Di siya lumingon at niyakap lang ang tuhod niya. Umupo ako sa tabi niya’t tinignan siya.
“Sabi nila Xiumin, inatake ka raw. Ayos ka na ba?” Tumango siya’t tahimik lang din. Di ko Makita ang mukha niya dahil nakatakip sa mga braso niya.
“Xyla…” I didn’t hear her respond kaya nanahimik nalang ako’t nilingon yung mga nasa pinto’t sinesenyasan nila akong kausapin siya. Binalingan ko ulit si Xyla.
“Kumain ka na ba?” Tango lang din ang natanggap kong sagot.
“Galit ka ba?” Tanong ko’t dun palang siya humarap sakin at bakas sa mga mata niyang umiyak siya’t parang nadudurog ang puso ko.
“Bakit naman ako magagalit? Wala akong karapatang magalit. Wala akong karapatang mangulit. Wala akong karapatan dahil ako lang naman si Xyla na kasamahan niyo sa bahay na ‘to. Wala akong karapatang mangealam. Pero…” Narinig kong suminghot-singhot siya.
“May karapatan akong mag-alala. Di ba? L-Lay? Kasi… kasi part kayo ng pamilya ko. Pamilya na tayo dito di ba? Halos ilang buwan na akong naninirahan dito’t nasasanay na ako sa inyo. Nasasanay akong mabait kayong lahat sakin pero hindi ako sanay na may nagagalit sakin.” Tumawa siya ng pilit at pinunasan ang mga mata niya.
“Lagi nalang kasi ako ang nagagalit at nalimutan kong may karapatan din pala kayong magalit. At yun ang hindi ko napaghandaan dahil nasanay akong lagi kayong nakangiti at iniintindi ako kahit pabago-bago ang mood ko. Hindi ko expect na masakit pala yung malaman kong naiinis na sila sakin kasi ang akala ko, hindi kayo marunong mainis pero nalimutan kong tao rin pala kayo’t may kanya-kanyang attitude at hindi lang ako ang ganon. Nasaktan ako kasi hindi ko akalaing lalabas yung inis mismo sa inyo.” Panay punas niya nalang sa mata’t mukha niya ng hindi nakaharap sakin. Binalingan ko yung mga nasa pinto’t mga nakatungo na silang lahat. I look at Xyla at pinat ko nalang ang ulo niya.
“Walang nagagalit sayo Xyla. Sabihin nalang natin na natyempohan mong mainit ang mga ulo nila kaya ganon ang naging balik sayo. Pero di sila galit Xyla. Hindi sila kailanman magagalit sayo dahil iba ka.” Tumingin siya sakin at hinawakan ko ang mukha niya’t pinunasan ang mga luha niya. I smiled half.
“Nasasabi mo lang yan. Hindi naman ikaw sila.” Ang hirap niya talagang pagexplainan minsan.
“Xyla/Lala/Xandria…” Napatingin kami sa likuran at doon ay nakita namin yung mga may sala na malungkot na nakatungo. Binitawan ko yung mukha niya’t ngumiti ako. Tumayo ako’t iniwan sila.
“Anong sabi ni Xyl?” Tanong ni Bel at ngumiti lang ako ng malungkot. Pinanood lang namin sila’t nagsiluhuran yung anim at niyakap siya. Akmang lalapit si Kai pero pinigilan namin.
“May kasalanan rin ako sa kanya.” By then, binitawan namin siya’t nakisali sa kanila.
“What did she say?”
“Nabigla lang siya. Nabigla siya’t di niya inasahang mababackfire siya sa inis ni Chanyeol kanina. Nag-aalala siya kaya ganon at hindi niya expect na ganon ang magiging labas ng pag-aalala niya.” Tinignan namin sila’t mukhang bati-bati na sila. Ito palang ang kauna-unahang nag-away away ng ganito ang lahat. Buti nalang at mayroong isang Xylang concerned. :’)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top