CHAPTER 18.1 : New Approach

A/N : A private chapter. Walang XYLA Moment. Pagpahingahin muna natin si Xy-Xy. New names will arouse. Who are they?

 

~~~

Kris' POV

"Good morning Sir!" Bati sakin ng ilang employees. Bahagya lang akong ngumiti't dumiretso sa elevator kasabay ang ilan pang employees. Binati rin nila ako't ngumiti nalang din ako.

 

 

"Waaah~ Teka lang! Wait lang!" May babaeng mabilis na tumakbo't napatingin nalang ako sa sapatos na lumipad at humarang sa elevator para di ito tuluyang magsara.

 

"Woooh~ Buti nakaabot." Sabi niya't sinuot yung sapatos niya't pumasok na. Pumwesto siya sa harap ko't medyo siksikan na kaya medyo madikit ako sa kanya.

 

 

"Hello Daddy-este-Sir? ...  Opo. Andito na po ako sa building, nakasakay na ng elevator at paakyat na diyan sa office niyo. ... Opo." Pagkababa niya ng tawag e saktong nagbukas yung elevator at nauna siyang lumabas at sumunod na ako kasabay yung iba pa.

 

 

"Ay ano ba yan. Ang pangit naman ng painting na 'to." Napahinto ako't tinignan yung painting na nilalait niya. WTF?! Di ba marunong mag-appreciate ng beauty ang babaeng 'to?

 

 

"Hmmm..." Lumingon-lingon siya't ng Makita ako'y namula siya bigla tapos tinuro ako.

 

"O-oh! Kris?! Oh my gosh! Ikaw si Kris di ba?!" Naningkit ang mga mata ko. Kilala niya ko? Pano niya ko nakilala?

 

"Yes I am and how did you know---" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng ambahan niya ko ng yakap. Anong problema ng babaeng 'to?

 

 

"Waaah~ Sa wakas, nameet rin kita! Grabe! Ang gwapo-gwapo mo!" Okay. Masyadong nakakaflutter yun. Inilayo ko siya't nangingislap ang mga mata niyang nakatingin sakin.

 

 

"I'm sorry but, do I know you kiddo?" Unti-unting nawala yung masayang ekspresyon sa mukha niya't napalitan ng pagkaseryoso.

 

"Hindi ako bata. I'm 20 years old at hindi na ako bata!" She said and pout. Gosh! She's cute for a kid.

 

"Yeah right. You're still a kiddo."

 

"I'm not a kid!"

 

"Yes you are." Sabi ko't tinignan siya mula ulo hanggang paa't bahagyang natawa. Tinignan ko siya ulit at namumula ang mukha niya.

 

"Bat ganyan ka makatingin?"

 

 

"Tignan mo nga yang itsura mo. Hello kitty headband, pink hello kitty dress, high socks, pink kitty shoes. Now tell me, aren't you a kid?" I said while chuckling. Siya naman halatang inis na inis na't nakakuyom ang dalawang mga kamao niya sa dress niya. Halatang pinipigilang mainis, hahaha!

 

 

"I'm not a kiddo! I'm a kid at heart but I'm not a kid! I'm already 20 and I'm a lady! And stupid! This is not Hello Kitty! This is Mimmie not Kitty!" She said and turn her back. Napahawak nalang ako sa sikmura ko na tawang-tawa. A kid at heart? Haha. She's still a kid.Inayos ko nalang ang sarili ko bago dumiretso sa office ko.

 

 

"Good morning Sir, pinapatawag po kayo ni President."

 

"Uhh... sige. Papunta na ako." Nilapag ko na yung mga gamit ko't isinuot ang coat ko bago lumabas ng office. Kumatok muna ako sa pinto ni Pres bago pumasok.

 

"Good morning Sir, pinapatawag niyo daw  po ako?" Nakarinig ako ng iyak pero di ko alam san galing yon.

 

 

"Uhh... Oo. Maupo ka muna." Umupo naman ako't panay iyak lang naririnig ko sa office ni Pres. Sino ba yon? Lumapit si President dun sa table niya't sumilip dun sa ilalim.

 

 

"Baby, come out now. I have an important meeting and I need you to go to your place now."

 

"I don't want to go out Daddy! I don't want to go out!" Anak ni President? Dinala niya dito sa office niya? Wow. Mukhang may bata pa palang anak si President Sy.

 

 

"Baby, Daddy would be busy. Gusto mo bang maiwan dito? Wala kang makakasama dito. This is your first day of work, you need to go to your office." O, di pala bata. At mukhang dito magtratrabaho pero bakit nagtatago sa ilalim ng table ni Sir?

 

 

"I don't want Daddy. *sobs* Pinahiya niya ko! I hate him! I hate that man!" Tinignan ako ni Sir at bahagya lang akong ngumiti. Soon he sighed.

 

"Okay. Ipapasundo nalang kita dito sa driver mo. Wag ka munang pumasok ngayon. Umuwi ka muna't magpahinga."

 

"Daddy... maganda ba ako?"

 

"Yes of course baby."

 

"Mukha ba akong dalaga o bata, Daddy?" Natigilan sandali si Sir pero bahagyang tumawa't ngumiti.

 

"Of course you're a lady."

 

"Then why he says I'm a kid?!"

 

 

"Woah woah... baby, don't get mad at Daddy. Sino bang nagsabi niyan sayo? Hayaan mo't papagalitan ko. You're a fully grown lady at hindi ka na bata." Natatawa si Sir ng sinasabi yan. Nacucurious tuloy ako kung bata ba o dalaga ang anak niya.

 

 

"Really Daddy?"

 

"Yes, of course baby. Now stop crying and put yourself together. Lumabas ka na diyan." Inalalayan siya ni Sir na lumabas.

 

"Ops, look out for your head baby. Baka mauntog ka." At ng unti-unti ng lumabas yung anak niya'y napanganga ako. A—a—anak ni President yan?!

 

"Wag ka nang iiyak ulit baby okay?" She nods and hugs her Dad. Teka. Kung siya ang anak. Hala! Patay! Baka mamaya masesante ako dahil ako ang---

 

"Hey! Daddy bat andito siya?!" Hala, ito na nga ba ang sinasabi ko.

 

 

"Uhh... pinapunta ko siya dito dahil may pag-uusapan kami sa business namin." Napatayo ako't alanganing ngumiti. Lumapit sila sakin at abo't abot ang kaba ko. Ang sama ng tingin niya sakin.

 

"Baby, you know him right?"

 

"Of course Daddy."

 

"Kris, this is my one and only daughter, Avegail. Avegail, he's Kris, my trusted employee." Ngumiti ako ng alanganin.

 

 

"Ha—hi... Nice meeting you Ms. Avegail." Tinitigan niya lang ako ng masama. Oh Kid, bati tayo ngayon. Wag mo kong siraan sa Daddy mo. Ngumiti siya ng mapanlinlang sakin. Napalunok tuloy ako.

 

 

"Nice meeting you too. Daddy, I think I need to go. Bukas nalang ako magstastart sa trabaho ko't I promise I'll do my work well not as your daughter but as a woman in deed." Nakataas pa yung isa niyang kilay habang sinasabi yan at nakatingin sakin.

 

 

"Okay baby. Uhh... Kris, pwede mo muna bang ihatid sa baba ang anak ko bago tayo mag-usap?"

 

"Uhh... o-opo naman Sir. Tara na po Ms. Avegail?"

 

 

"I'll go ahead Dad." She hug and kiss her Dad before going out. Sumunod lang ako. Ano ba yan. Sumakay na kami ng elevator at kaming dalawa lang. Ang tahimik nga niya't nakakatakot yung katahimikang binibigay niya.

 

 

"Uhh... I'm sorry. Sorry sa nasabi ko kanina." Patingin-tingin pa ko sa kanya ng sinasabi ko yan.

 

 

"Don't worry. Hindi ko sasabihin kay Daddy na ikaw ang nang-inis sakin. Hindi naman ako ganong tao. Hindi ako marunong mamersonal." Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang.

 

"Pero, as of you know, starting tomorrow, dito na ako magtratrabaho. Kaya asahan mo..." Humarap siya sakin na seryoso ang mukha.

 

"Asahan mong hindi ako magiging mabait sayo." Napahawak ako sa elevator wall ng unti-unti siyang lumapit. Kinwelyuhan pa niya ako't pinanlilisikan ng mga mata.

 

 

"Remember the name Mr. Wu. A. VE. GAIL. SY. I'll keep an eye on you. Remember that." Saka niya inayos ang kwelyo ko't ngumisi. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay lumabas siya agad at sumunod naman ako habang nakahawak sa dibdib ko. Tinatakot niya ba ako? Hinatid ko siya hanggang labas at may humintong sasakyan sa harap. Akala ko sasakay na siya pero binalingan niya ako't hinubad ang dalawang sapatos niya't lumapit sakin at ibinigay sakin yon. Anong gagawin ko sa mga sapatos na 'to?

"Keep that. Ito na ang huling kita mo sa babaeng kaharap mo ngayon." Sabi niya't sumakay ng tuluyan. Napatingin ako sa sapatos tapos sa kotseng palayo.

 

"Huli? E bukas, papasok siya di ba?" Ang labo niya naman. Saka... ano bang gagawin ko sa sapatos na 'to?!

 

 

Kai's POV

Grabe. Pagod na pagod na ako. Nananakit na ang batok ko kakatingala dito sa mga workers at sa mga tamang alignment ng every parts ng building.

 

"Lunch time!" Napabuntong hininga ako ng marinig ang salitang yon. Agad kong nirolyo yung blueprint saka naglakad papunta kay Suho.

 

"Suho, tara na't kumain na tayo."

 

 

"Teka lang." Sabay kumpas niya na maghintay ako kaya naman napaupo nalang ako't nangalumbaba. Kausap niya kasi yung isang Architect na masungit. Maganda sana, ang sungit naman. Buti pa si Xy, iba ang kasungitan. Masungit siya pero sweet pero 'tong isang 'to, tadtad ng kasungitan ang katawan. Tumayo ako't lumapit sa kanila.

 

 

"Uhh, so dapat ito ganito?"

 

"Oo para mas magmukhang matibay yang parteng yan para hindi bumigay."

 

"So dapat sinasabi natin 'to kay Kai."

 

"O, narinig ko pangalan ko."

 

"Pinag-uusapan lang namin ni Aizha kung anong gagawin sa part na 'to." Sabay turo ni Suho sa part sa blueprint.

 

"Hmm... paano ba?"

 

"Mamaya nalang tayo mag-meeting ulit Suho. Lunch na. Mauna na ako." Iniiwasan ba ko ng sungit na 'to? Akma ko siyang lalapitan pero ang bilis ng pangyayari.

 

 

"AHHH!" Napasigaw siya't buti nalang at maagap ko siyang nahapit. Pewh. Muntik na yon. Tinignan ko yung safety helmet niyang nahulog sa baba. Buti nalang at hindi siya ang nahulog. I look at her. Pulang-pula yung mukha niya.

 

 

"Ayos ka lang ba? Sa susunod, mag-iingat ka. Hindi pa matibay ang tinatapakan mo't wag kang mag popointed heels dito sa site." Itinayo ko siya ng maayos at inalis ang safety helmet ko't isinuot sa ulo niya.

 

 

"I don't need this. Isuot mo nalang yan." Sabay bigay niya sakin pabalik nung helmet.

 

"Haaay! Wag ka ngang pasaway!" Isinuot ko sa kanya yon at tumalikod na kaya wala na siyang magawa.

 

"Tara na Suho. Nagugutom na ako."

 

"Teka lang, Aizha, ayaw mo bang sumabay na samin?" Lumingon ako't nakita siyang nakatayo parin doon at bahagyang mapula ang mukha.

 

"Uhh... ano..."

 

"Tara na. Wag ka nang mahiya." Sabay hatak sa kanya ni Suho at bumaba na kaming tatlo't dumiretso sa karinderya.

 

"Manang, tatlong kanin akin saka, itong torta't sinigang. Salamat." Sabi ko't tinignan ang katabi kong nakatingin lang sa mga pagkain.

 

"Huy, anong sayo?"

 

"Huh? Uhh..."

 

"Di ka sanay kumain sa karinderya no? Mayaman ka kasi. Maselan siguro panlasa mo?" Sabay tingin sa mukha niya't nagwalk out lang siya.

 

"Patay ka diyan. Bakit mo ba sinabi yon?" Tanong ni Suho. Tinuro ko ang sarili ko.

 

"Bakit? Anong ginawa ko? Sinasabi ko lang ang totoo."

 

"Kausapin mo yon at humingi ng pasensya. Baka magalit yon." Nagkamot ako ng ulo't sinundan siya sa labas.

 

"Uy. Aizha. Sorry nga pala dun sa nasabi ko. Di ko sinasadya."

 

"Ayos lang. Totoo naman e."

 

"Hmm... tara na. Baka gutom ka na. Kumain na tayo."

 

"Wag na. Nawalan na ako ng gana. Saka, maselan ang panlasa ko sa mga hindi mamahaling pagkain." Eh? Galit na ba siya niyan?

 

"Wag mong damdamin yung sinasabi ko. Nagtatanong lang naman ako kanina."

 

"Hindi. Okay lang. Bumalik ka na don." Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

 

 

"Huy. Tara na. Sige ka, magugutom ka diyan." Sabay hawak ko sa braso niya pero iwinasiwas niya lang ang kamay ko't ng humarap siya'y namamasa ang mga mata niya't galit ang mukha niya.

 

 

"Pwede ba Kai?! Wag kang makulit okay?! Kapag ayaw ko, ayaw ko kaya wag mong ipinipilit ang di ko gusto! Kung gusto mong kumain, kumain kang mag-isa mo!" Sabay walk out niya na naman. Kahit kailan talaga yung babaeng yon naknakan ng kasungitan. Ng umulan ata, sinalo niya lahat.

 

 

"Bahala ka! Sino bang magugutom! Arte mo!" Sigaw ko't bumalik na. Bahala siya diyan. Kanino bang tiyan ang magugutom? Di naman akin a. Tss.

 

"O, asan na si Aizha?"

 

"Ayun, umalis na."

 

"Humingi ka ba ng paumanhin?"

 

"Oo. Pero ang arte e. Bahala siya diyan."

 

"Haay naku! Di talaga kayo magkasundong dalawa."

 

"Kasalanan ko ba kung mas magaling ako't ikinaiinis niya ang presensya ko?"

 

"Ang hilig mo kasing mang-asar kaya laging galit sayo."

 

"Di kaya. Spoiled lang talaga yung Martez na yun porket siya yung anak ng big time boss natin e."

 

"Hoy. Marinig ka diyan baka isumbong tayo."

 

"Yaan mo nga."

 

 

~~~

A/N : Sino ang mga epal sa storya? May idea ba kayo? What's their part in the story?

Sino pa ang mga susunod na epalers sa story?

Medyo familiar ba ang mga names sa ilan sa inyo? *smirk*

Surprise outcasts will be pull, out of the box.

Abangan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top