CHAPTER 11 : Drunk Princess

Xyla’s POV

Gabi na’t di pa ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong bumaba muna. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig pero pagbukas ko ng ref ay may nakita akong bote at di ko alam kung anong laman non. Kinuha ko yon at tiningnan. Chinese yung nakasulat at wala akong maintindihan. Binuksan ko yon at inamoy. Ang bango! Siguro naman naiinom ‘to. Di naman siguro nila ilalagay sa ref kung lason ‘to di ba?

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng kaunti atsaka ko ininom. Halos malukot ang mukha ko sa lasa. Ang pait! I stick my tongue out. Mapait na mapakla pa. Anong klaseng inumin ‘to? Pero parang nagustuhan ko dahil sa init na gumuguhit sa lalamunan ko at pagtumagal parang tumatamis sa dila ko yung lasa. Nagsalin ako uli hanggang maubos ko na. Hanggang sa kahuli-hulihang patak ay naenjoy ko. I think I should ask Yaya to buy this again.

 

 

*hik* ano ba *hik* ‘to parang sumakit ang ulo ko *hik*.” I shook my head at nanlalabo ang paningin ko ng may maaninag akong pumasok sa kusina.

 

 

“Oh, kanina ka pa diyan?” Tanong niya. Tinitigan ko siyang mabuti. May kakambal pala si Suho? Astig ha? Magkamukhang magkamukha sila.

 

 

“Oh! Suho dear, ikaw pala *hik*. Sino yang *hik* kasama mo?” Kumunot ang noo niya pati yung kambal niya. Wow, pati facial expression parehas.

 

 

“Anong pinagsasabi mo? E tayong dalawa lang ang nandito.” Sabi niya.

 

 

“Haha, pinagloloko mo ba ako? *hik*Lumapit ako sa kanya para hawakan yung katabi niya pero biglang nangatog yung tuhod ko at parang nanghina ako. Buti nalang ay nasalo niya ako agad. Humawak ako sa leeg niya at nginitian siya. Nakahawak siya sa bewang ko. Kumurap-kurap pa ako para tignan siya.

“Ang gwapo mo pala Suho…” Sabi ko at nakita kong namula siya bigla.

 

“Ano bang pinagsasabi mo Xyla? Bakit ganyan ang amoy mo?” Ano bang amoy ko?

 

 

“Ha? Bakit? *hik* Mabaho ba ako? Naligo naman ako ah. Baka bibig mo lang yon. Tandaan, *hik* ang bibig, malapit sa ilong.” I said and giggled. Di ko alam nangyayari sakin. Nababaliw na ba ako?

 

 

“Xyla, it is not me. You smell like…”

 

 

“Suho, Suho, Suho… inaamoy mo ba ako?” I said teasingly and chuckled. I saw him blush even more. Tinitigan niya lang ako at naalis ang titig niya sakin at nabaling sa iba.

 

“What the?! Did you drink that?” He said and pointed out something. I look at what he’s pointing. I giggled.

 

 

“Oh, yun ba? Ang sarap eh. Ano ba yon?”

 

“That’s a Chinese wine Xyla at malakas ang tama non.” Lumapit siya doon sa wine pero hawak parin ako. Ay. Grabe lang. Parang gusto ko ng matulog.

 

“Sh*t! You drink all until the last drop?! D*mn it!” He cusses. I put my index finger to his lips.

 

“Shhh… don’t curse Suho… you’re too kind to say bad words.” I said and hug him tight.

 

 

Suho’s POV

“Suho *hik* ang bango mo.” Jusko. Nangingilabot ako’t nanginginig sa mga sinasabi’t ginagawa niya. Naiilang ako. Ayoko namang samantalahin ‘to dahil lasing siya.

 

 

“Xyla…” Nakikiliti ako sa totoo lang dahil tumatama ang mukha niya sa leeg ko. Pilit ko siyang inaalis pero para siyang lantang gulay na nakakapit sa leeg ko’t nakasandal. Tinignan niya ko bigla at nagpout dahilan para mag-init ang pisngi ko lalo na nung ngumiti siya.

 

 

“Suho… bakit ang gwapo-gwapo *hik* mo?” Saka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko’t hindi ko malaman ang gagawin. Hinaplos niya lang ang buhok ko’t ngumiti saka ako tinitigan at mas lalo pang inilapit ang mukha niya dahilan para magdikit ang mga ilong namin. Shocks! Lord, ilayo Mo siya sakin. Halos maduling na ako pero ipinikit niya lang ang mga mata niya’t ngumiti. Xyla…

 

 

“Suho… I…” I was surprise at parang nahulog na ata ang puso ko’t napisa. Napakurap nalang ako sa ginawa niya. Gaa! She---she just---she just kiss me! Not on the cheeks. Not on the forehead. Not on the nose. Not exactly on the lips but… at the side of my lips. Sh*t!  Agad ko siyang binuhat palabas ng kusina. Baka di ako makapagpigil Gaa!

 

 

“Put me down, Sugo! Put me down!” Aish! Baka mahulog siya. Halos ipadyak niya yung mga paa niya.

 

 

“Hindi Sugo ang pangalan ko Xyla, its SU-HO.”

 

 

“I don’t care! You’re that spicy nuts right, Sugo?” Pagkamalan pa akong mani… Tsk. Matagal bago ko siya madala sa sala dahil nagwawala siya.

 

 

“Oh anong nangyari diyan?” Tanong ni Belinda habang pababa ng hagdan. Nagsilapitan naman yung iba.

 

 

“Ininom yung alak na galing ata sa ref. Sino bang naglagay non doon? Itinabi ko na yon e.”

 

“Sorry… akala ko kasi dapat pinapalamig kaya nilagay ko.” Belinda said. Napangiwi nalang ako.

 

“Marami ba siyang nainom?” Tanong ni Kris.

“Kahit ata patak wala nang papatak don.” I said and they all have twist emotions.

 

 

“Suha! Ibaba mo na ako sabi! Ayoko sayo!” Kanina Sugo, ngayon Suha, anong trip mo Xyla? Nagpupumiglas siya pero di ko siya pwedeng bitawan.

 

 

“Kris! Take me away from this Suha! I don’t like him! He’s so kaasour.” Xyla, kung hindi ka lang lasing… Lumapit naman agad si Kris at kinuha siya sakin.

 

 

“WAAAHH!! I said Kris, hindi kapre!” Sigaw niya at halos mapalayo ang mukha ni Kris sa kanya. Humagalpak naman ng tawa si Belinda kaya sinamaan lang siya ni Kris nang tingin. Nagpipigil lang din kami ng tawa. Kris is so tall kaya di na ako magtataka.

 

 

“I don’t like you too! I want my Lay! Where’s my Lay?! Save me from this monster!” Ang lakas ng sigaw niya. Di naman natigil kakatawa si Belinda at halos maiyak na siya. Agad namang lumapit si Lay kay Kris at agad siyang niyakap ni Xyla and she even giggles. Nakangiti siyang nakatitig kay Lay. Parang nakaramdam ako ng kung ano.

 

 

“Lay~ your hair… I love your hair…” She said and brush his hair.

 

 

“I think you should get her before my hair a---OUCH! Xyla!” Sinabunutan niya bigla si Lay. Sumaklolo naman kami at inilayo siya agad ni Chanyeol.

 

 

“Kahit ba naman lasing siya, buhok ko parin?! Sh*t! Di na ako magtataka if one day, I’m already bald.” He said rubbing his head. Napatingin naman kami kay Xyla na buhat ngayon ni Chanyeol.

“Chan-Chan…” She said and cried.

 

 

“I wanna go home. I want to see my Mammsie. I don’t like here.” Nalungkot ako sa mga sinabi niya. Hindi kaya napipilitan nalang siyang tumira dito? Hindi kaya, pinapakita niya lang na masaya siya kahit hindi? Ang dami na niyang napagdaanan sa bahay na ‘to at hindi na ako magtataka kung isang araw… kung isang araw ay bigla niya nalang kami ulit iwan.

 

“Put me down Chan-Chan! Put me down!” She yelled as she hits Chanyeol’s chest. Ibinaba naman siya ni Chanyeol at nagpagewang-gewang siya’t buti’t nasalo ni Kai.

“Hi, *hik* Kai. Why so *hik* sexy?” She ask and bit her lower lip. Pinamulahan naman ng mukha si Kai. Bigla nalang siyang nagstep as if they were dancing in the sound of a love song. Inalis niya ang kamay ni Kai sa bewang niya at umikot siya’t napabitaw buti nalang at nasalo siya ni Luhan.

 

“Lulu~ you’re so flawless…” She said giggling habang hinihimas ang mukha ni Luhan that makes Luhan blush. Wala kaming magawa kundi tingnan lang siya sa mga pinaggagagawa niya. I clenched my fist. Bakit ba ganito ang epekto ng alak kapag nalalasing?

 

 

“You’re so beautiful Lu. But I’m the most beautiful among us two.” Napatingin kami kay Luhan and he just smiled awkwardly. Belinda’s still laughing so hard. Tinatawanan niya kami dahil sa pinagsasabi’t pinaggagagawa ni Xyla. Xyla keeps giggling horribly. We thought she’ll collapse but she didn’t. Bigla nalang siyang naglakad papuntang pinto habang pagewang-gewang.

 

 

“Where are you going?” We ask. Humarap siya at ngumiti.

 

 

*hik* Partehhh~” Bago pa man niya mabuksan ang pinto ay hinila na siya ni Tao palayo doon at hinarangan naman namin yung pinto.

 

“You let go of me! I don’t want string beans! Ayoko ng sitaw! Alis!” Nagpupumiglas siya at tinampa-tampa ang kamay ni Tao na nakahawak sa bewang niya. Tinulak niya yung mukha ni Tao palayo sa kanya kaya napabitaw naman si Tao.

 

 

“Ba’t ba *hik* ang kulit niyo? *hik*

 

 

“Xyla, matulog ka na.” I said and try to pull her but she yank my hands away and runs to Xiumin. Muntik pa siyang madapa buti’t nasalo agad. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

 

“Xiu…” She tiptoed and hugs Xiumin tight. Mga ilang sandali lang ay hinahagod na niya ang pisngi niya sa pisngi ni Xiumin na parang pusang nagpapalambing.

 

“Why so fluffy cheeks?! I want to bite it!” Akma niyang kakagatin si Xiumin kaya inilayo siya agad ni D.O.

 

“Waaaah! Nakakatakot palang malasing si Xy-Xy!” Xiumin exclaimed as he holds his face.

 

 

“Wahahahaha! Nakakatawa pala siyang malasing.” Walang tigil kakatawa si Belinda. Di na ako magtataka kung malagutan siya ng hininga dahil sa walang sawa niyang pagtawa.

 

 

“Cutie~” She said to D.O and giggle. She encircled her arms to his neck and kiss D.O’s eyes. My heart was rumbling. Xyla, what’re you doing? Maya-maya’y bumitaw din siya’t nilapitan ang kanina pang natutulog na si Sehun. Nagkakagulo na’t lahat-lahat ay tulog parin siya. Napakaantuking bata.

 

“Why didn’t you *hik* wake up my Sehunnie~?” Tinutok niya ang mukha niya kay Sehun.

 

“Sehunnie~ wake up…” She said but Sehun still asleep.

 

“SEHUN!” Sigaw niya sa tenga nito at dahil sa pagkabigla ay nagheadbump silang dalawa at napalakas yon kaya napaupo siya sa sahig na hawak ang noo niya. Samantalang si Sehun ay nakahawak rin sa noo niya at walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

“Lala~?” Nagtatakang tanong ni Sehun. Later on we heard sniffing turned to sobs.

 

“I hate you Sehun! I hate you!” She said between her sobs. You’re crying again. She stood up leaving Sehun puzzled. Tumakbo siya bigla kay Baekhyun at niyakap ito.

 

 

“Sehun hurt me, Biik.” She said while sobbing and Baekhyun just pat her back. Akala namin matitigil na siya pero di pa pala.

 

 

“Get your hands off me! I want my Biik, not you. You smell like a pig!” We all chuckled a little except for Belinda who’s laughing hysterically.

 

“Naligo ako Xyla. Ang bango ko kaya, amuyin mo pa oh.” Palapit siya kay Xyla pero paatras naman siya at biglang nagtago sa likod ni Chen.

 

 

“Chen, get that pig out of my sight. He’s so… scary~”

 

 

“Xyla, I’m not a pig! I’m your Biik but not a pig!” Tumawa nalang kaming lahat maliban sa lasing naming prinsesa at sa tinatawag niyang pig.

 

 

“Xyla, com’on. Ihahatid na kita sa kwarto mo.” Sabi sa kanya ni Chen at tumango naman siya kaya agad din siyang binuhat ni Chen. Bakit napakamasunurin niya kay Chen? Kala namin ayos na pero nakakaisang step palang sa hagdan si Chen ay nagpabitaw naman siya kaya binitawan siya at agad tumakbo sa pinto.

 

 

“XYLA! Don’t come out!” We all yelled. Pagbukas niya ng pinto, sumilay ang pagmumukha nung Kyle. Anong ginagawa niya dito at gabing-gabi na?

 

 

“Uhh… I heard loud screams kaya akala ko ano na nangyayari. Are you alright Xyla?” Napakunot ang noo ko.

 

 

“Kyle!” Masaya niyang bati dito at agad niyakap kaya lalong sumama ang tingin ko. Yakap agad? Yakap agad?!

 

 

“Xyla, amoy----SH*T!” He curse kaya nagulat kami. Maya-maya konti ay kumalas sa kanya si Xyla kaya lumapit kaming lahat.

 

 

“Oooohh… What’s that unpleasing smell?” Kai ask. Napatingin kaming lahat kay Kyle. WAHAHAHAHAHA! Nasukahan pala siya. WOoooh!! Ang galing mo talaga princess!

 

 

“Kyle, ang baho mo, try mong maligo minsan ha?” Xyla said as if she’s not drunk. Pumasok siya sa loob at lumapit kay Sehun.

 

“Sehun are you okay? Your forehead is red.” She said and touches it.

 

“Sh*t!” Nabaling ang atensyon namin kay Kyle.

 

 

“Sorry dude, mukhang ikaw ang napili ng aming prinsesa. Just keep it as a simple remembrance. Oh, pano, tulog na kami.” I said and lock the door leaving him outside dumbfounded. Nag-apir naman kaming lahat at nagpigil ng tawa.

 

 

“Sehun… I want to sleep.” Xyla said and start yawning. Sinandal pa niya ang ulo niya sa dibdib ni Sehun. He just look at us.

 

“Carry her upstairs. Mukhang di na papalag yan.” He nods and carries her. Nakasunod lang kami sa kanila.

 

“Sehunnie~ I’m sorry.” She said and suddenly kiss Sehun’s forehead and put back her head in his chest.

 

 

“Xyla, you owe me a sorry too. Hindi ako PIG!” Humagalpak nalang kami ng tawa dahil kay Baekhyun. Looks like our princess isn’t capable in drinking.

 

Narating na namin yung kwarto niya kaya agad siyang inihiga ni Sehun at kinumutan.

 

 

“Ayos na siguro siya.” Kai said and we were about to get out of her room when we notice that she got up in her bed. Akala ko ba matutulog na siya? Hawak niya lang yung ulo niya at agad tumayo. Sinundan namin siya ng tingin at mabilis na tumakbo sa banyo habang hawak ang bibig niya. Later on, we heard her vomiting kaya napasugod kami agad sa banyo. Naunang pumasok si Lay at sumunod ako habang naiwan sa labas yung iba.

 

 

“Sige lang Xyla, isuka mo lang lahat.” Lay said as he rubs her back. Napaupo nalang siya sa sahig na parang lantang gulay. I get her towel and wipe her mouth. She holds her stomach.

 

 

“Ang sakit ng tiyan ko.” Sabi niya at biglang tumayo habang nakapikit at hinawakan ang laylayan ng damit niya. She pulled it up revealing her navel. Oh dear. What the heck is she doing? Agad naming hinawakan ni Lay ang magkabila niyang kamay at ibinaba ang damit niya. Nag-init tuloy yung pisngi ko.

 

 

“Ano ba?! Mainit, gusto kong maligo!” She said irritably. Napakamot nalang ako ng ulo. You’re a temptation Xyla.

 

 

“Okay, okay. Took a bath at sa labas lang kami.” I said and we both got out and we heard a loud pours of water coming from the shower. I sighed.

 

 

“Ba’t iniwan niyo siya sa loob?” Tanong ni Kai.

 

 

“She’s taking a bath, what do you want us to do, watch her?” I said and I felt blood rush to my cheeks and they are all a bit crimson.

 

 

“Inaantok na ako. Di pa ba tapos maligo si Xyla? Kanina pa siya doon ah? 30 minutes na ang nakakalipas oh.” Sabi ni Belinda. Ang tagal niya nga. I saw Kai put his ears on the door.

 

 

“The shower’s still open.” He said.

 

 

“Aish! Puntahan ko na, baka mamaya nakatulog na pala habang naliligo yon.” Belinda said and walk inside the bathroom. Maya-maya konti ay lumabas din siya.

 

“I need someone to carry her out. Nakatulog nga siya.”

 

“She’s been in the water for too long. Baka nilalamig na yon.”

 

 

“She’s trembling, actually. Sinuotan ko na siya ng bathrobe. Pabuhat nalang at papasok sa walk-in closet niya para mabihisan ko siya.” Tumayo naman kaming lahat at nagkatinginan.

 

 

“Ako nalang ang magbubuhat.” Luhan said at wala na kaming nagawa ng pumasok na siya sa loob ng banyo at paglabas niya ay bitbit niya ang nanginginig na prinsesa na basang-basa ang buhok. Kumulob sa kabuuan ng kwarto ang amoy ng shampoo niya siguro. Dinala na siya ni Luhan sa loob ng closet at agad din itong lumabas at nilock ang pinto. Naghintay pa kami ng ilang sandali hanggang lumabas na si Belinda.

 

 

“Looks like she needs her doctor.” She said and we all eyed to Lay. Nagmadali naman kaming pumasok.

 

 

“Medyo mainit siya.” Sabi ni Lay at kumuha ng towel’t ipinunas sa basa niyang buhok. Natapos ng punasan ni Lay ang buhok niya at agad siya nitong binuhat palabas at inihiga sa kama niya at agad itong lumabas. Umupo ako sa kama niya at kinumutan siya. Dumating din agad si Lay at inasikaso’t pinainom din ng gamot at lumabas na din kami ng kwarto niya.

 

 

“She so weird. Next time, i-ban na natin ang alak dito sa bahay.” Kris said and we all laugh. Naalala ko tuloy yung mga pinagsasabi niya’t pinaggagagawa niya kanina. I’m thinking how would she react kapag nalaman niya lahat ng yon. Namula ako bigla’t napahawak sa parteng nahalikan niya. Hindi man sakto pero… siya ang first kiss ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top