Chapter 2: Nirvana

"I named her after you."

Heaven's POV

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang boses ni Mirage, "Uy Heaven, ok ka na?"

Nakatayo siya sa aking tabi. Napalinga ako sa paligid. Nasa isa kaming kwarto na medyo may pagka-dim yung ilaw. Medyo nahihilo pa ako. Nagbu-blur pa ang paningin ko. Muli akong napatingin kay Mirage at pagtingin ko sa kanya, may katabi siyang mga ano.

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at hindi ko na napigilan — napasigaw na ako, "AHHHH!"

"Uy Heaven! Ano bang nangyayari sa'yo?!"

Nanginginig ako sa kilabot. Nagtindigan na namang muli ang balahibo ko.

"Mirage! M—may ano kasi e. M—may mga anghel sa tabi mo!"

Wala na akong pakialam kung sabihan niya akong baliw. Maniwala man siya o hindi, pero meron talaga. Hindi lang isa, marami sila.

Nakatingin lang si Mirage sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Maya-maya pa ay tumawa siya ng napakalakas. Pati yung mga anghel sa likuran niya ay nagtawanan na rin.

"Oh? B-bakit ka tumatawa?! Nakikita mo rin sila?" tanong ko.

"Oo naman." patuloy pa rin ang pagtawa niya.

Ganun naman pala. Nakikita naman pala niya, e ba't parang okay lang sa kanya?!

"Hindi ba weird? Tingnan mo, may pakpak sila! Hindi sila tao!" at sa halip na matakot ay mas lalo pang lumakas yung tawa niya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa sa mga sinabi ko?

"Ano ka ba Heaven! Empleyado sila dito! Naka-costume lang silang pang-anghel!" sagot ni Mirage na tatawa-tawa pa rin.

Napanganga ako sa sinabi niya, "A-ano?!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at hinawakan ang isa sa mga anghel na empleyado raw. Kinurot ko pa ang isa sa kanila. Napa "aray" naman siya. Hinawakan ko pa ang pakpak nung isa — peke nga. She's right, they're not real angels. Napeke nga ako.

Napahinga ako ng malalim. Nakakahiya pero wala na e nangyari na. Sumigaw ka raw ba naman dahil sa mga anghel na akala mong tunay tapos yun pala peke lang? Paranoid ka na talaga Heaven.

At bago pa ako tuluyang mabaliw, hinarap ko si Mirage, "Teka nga muna, nasa'n ba tayo at bakit may mga gan'yan dito?" tanong ko sa kanya.

"Nandito tayo sa angel shop ng Tita ko. Anything you need na may kinalaman sa mga angels nandito at sila, mga empleyado sila rito. Ganyan ang uniform nila."

Napalinga ako sa paligid, "Ganun? So nasa'n tayo ngayon?" tanong ko pa.

"Nasa shop pa rin. Ito yung room ng mga empleyado. Stay-in kasi sila rito sa shop." Napatango na lamang ako. So that explains it all.

Sabi ni Mirage sa akin, nahimatay raw ako kanina sa labas ng shop kaya dinala nila ako sa loob.

Lumabas na kami ng kwarto at saka naglakad. Ilang minuto rin ang inilakad namin hanggang sa makarating kami sa mismong shop. Sumalubong sa akin ang napakaraming angel stuff — from small to big figurines, paintings, sculptures, chimes, chains at marami pang iba.

"Hi Tita! This is my friend, Heaven and she's looking for an angel doll." pagpapakilala sa akin ni Mirage sa isang middle aged na babae. Ngumiti naman ito sa akin. Sa tingin ko ay nasa early 30's na siya at kahit pa may edad na ay hindi pa rin maitatanggi ang kagandahan niya. She looks so stunning in her white dress. Mukha rin siyang anghel, wala nga lang pakpak.

Nginitian ko siya pabalik. Nakakahiya lang din kasi napaka-fail nung nangyari kanina.

"Ok ka na hija?" tanong niya sa akin.

Tumango ako, "O-opo, ayos na po ako." sabi ko at muli siyang nginitian.

Nakakadala yung awra niya. There is something about her that I cannot explain. Napakagaan niyang kausap. Yung ngiti niya ay punong-puno ng positivity. Yung mga tipong mapapangiti ka na lang kahit bad mood ka.

"Mabuti naman kung gano'n. By the way, I am Kismet. As you know, I am Mirage's aunt."

"Nice meeting you po, Tita Kismet. Heaven po pala." sabi ko at muli akong nalingat sa paligid. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. This place is so peaceful. It's like heaven on earth.

"Mirage mentioned you were looking for an angel doll?" tanong niya sa akin at muli akong napatingin sa kanya. Nakakagaan talaga sa pakiramdam yung awra niya.

"Ah, opo. Yung baby sister ko po kasi ay sobrang hilig sa mga angels." sagot ko at napatango naman siya.

"I see so what kind of angel doll were you looking for?" tanong niya.

What kind? Akala ko basta hitsurang tao na may pakpak ay anghel na ang tawag. May iba-iba pa palang klase ang mga angels?

"Hindi ko po alam e. Ngayon ko lang po nalaman na may iba't iba pa palang klase ng anghel?" sabi ko na may halong awkwardness. I feel so clueless. Dapat siguro ay nag-research muna ako.

"That's not a problem. Come. I'll show you our best sellers and the collections. Baka may makita kang maganda for your baby sister." yaya niya sa akin at saka siya naglakad.

We head to a room na punong-puno ng mga angel dolls. I was in awe. Everything in here looks so amazing. Siguro kung nandito si Sky ay mamamangha rin siya.

Medyo nakakailang lang kasi kada lakad ko ay ang daming anghel ang nakabantay sa akin. Para akong nasa langit sa sobrang dami ng mga taong naka-costume na anghel dito.

Hanggang sa ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang kwarto na parang museum. Naka-display rito ang iba't ibang manika. Itinuro niyang isa-isa ang mga ito at sinabi sa akin kung anong klaseng anghel ang mga ito.

"We have here the angel of love, angel of freedom, angel of friendship, angel of courage, angel of faith, angel of hope..." at sa sobrang dami ng klase ng angel na sinabi ng Tita ni Mirage ay napanganga na lang ako. Akala ko dati kapag sinabi mong anghel, iisang klase lang sila. Ang bawat isa pala sa kanila ay may kani-kaniyang role.

"Pili ka lang dya'n hija and since you are Mirage's friend, I'll give you a discount." she said winking at me. Napaka-light talaga ng awra niya.

"Salamat po." sabi ko at saka sinuri ang mga manika na nado'n. Maging si Mirage ay nagtingin din ng doll na sa tingin niya ay magugustuhan ni Sky. If only I could buy them all, I will ngunit tight ako sa budget at tanging isa lang ang afford ko ngayon.

Sa paghahanap namin, I saw a doll that really caught my attention. Meron itong deep black hair, same color goes with her eyes. Yung lips niya ay dark red and unlike all other angel dolls here, she has ashed wings. Nakasuot din siya ng isang kwintas na may inverted cross na pendant along with her black and red dress.

I grabbed the doll and looked closer to it. It doesn't look creepy at all. Nakakapagtaka lang, of all dolls here, ito lang yung may kulay grayish na pakpak.

"Ah, tita, ito po—ano pong klaseng angel ito?" tanong ko kay Tita Kismet na ngayon ay nag-aayos na ng iba pang mga doll.

"Oh, that one is a dark angel."

"Dark angel?" tanong ko, "..you mean from the dark side? Hindi ba po kapag sinabi mong angel, it means mabait?" dagdag ko pa.

Muling ngumiti sa akin si Tita Kismet at natigil sa ginagawa niya. She's now holding a kerubin doll, "All angels serves a purpose pero hindi lahat ay nananatiling tapat sa purpose na ibinigay sa kanila. Some of these angels break the rules and breaking a rule is considered a sin. And you know what? Ang mga anghel na nagkasala ay pinapatawan ng kaparusahan."

"Parusa? Ano pong klaseng parusa?" tanong ko.

"The punishment is given by the judge of heaven. Yung iba tinatanggalan ng pakpak — the fallen angels, at yung iba naman ay ipinapatapon sa kadiliman — the dark angels."

Muli akong napatingin sa dark angel na hawak ko. All this time, I thought all angels were good — hindi pala. Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapatanong sa sarili ko. Bakit naman pipiliin ng isang anghel ang sumuway at magkasala? Is there even a valid reason for doing so? Ibinalik ko na yung dark angel doll na hawak ko, "Why would you sin?" I asked. Akala mo naman ay sasagutin ako ng manika na 'yon.

Natigil ang pag-iisip ko nang marinig kong magsalita si Mirage, "Heaven, may napili ka na bang doll para kay Sky? This one looks nice oh." napalingon ako sa gawi niya. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko ang hawak na doll niya. Nakasuot ito ng isang mahabang dress na may design na bulaklak at paru-paro. Rosy cheeks at kulay silver-white ang buhok nito. Kagaya ito ng palaging ikinukwento sa akin ni Sky.

"That's pretty! Magugustuhan ni Sky 'yan." sabi ko at iniabot sa akin ni Mirage ang doll na hawak niya. Kinuha ko naman ito.

"You're coming home with me." sabi ko sa manikang hawak ko at hinaplos ang buhok nito.

"Good choice, that one's the angel of protection." sabi ni Tita Kismet sa akin, "Ito na ba ang kukuhanin mo?" she asked.

"Opo." sabi ko at iniabot sa kanya ang manika.

Ibinabalot na ni Tita Kismet ang aking binili. Muli akong napatingin sa paligid and wondered, do angels really exist? Naalala kong muli yung nakita ko kanina sa aksidente, totoo ba yun o namalikmata lang ako?

"Here." sabi ni Tita Kismet sa akin at saka iniabot ang paper bag.

"Salamat po."

Lumabas na kami ni Mirage ng shop. Nakatingin lang sa amin yung ibang empleyado na anghel na nasa labas. Naalala ko na naman yung nangyari kanina — nakakahiya naman talaga.

"Sige hijah, sa uulitin." sabi ni Tita Kismet nang maihatid niya kami palabas, "Mirage, ikamusta mo na lang ako sa Mommy at Daddy mo. Balita ko may business trip sila sa isang linggo?"

"Yes Tita, sabihin ko po kina Mom and Dad." sagot ni Mirage.

"Ingat kayo." sabi ni Tita Kismet.

"Kayo rin po." sabi ko at bumalik na sa loob ng kanyang shop si Tita Kismet. Sumakay na rin kami ni Mirage ng bus pauwi.

Nakatingin lang ako sa may bintana ng bus habang hawak ko yung angel doll na binili ko para kay Sky. Ilang sandali pa ay bumaba na si Mirage sa tapat ng subdivision na tinitirhan niya at naiwan akong mag-isa.

Nadaanan ko pang muli yung pinangyarihan ng aksidente kanina. Totoo nga ba o guni-guni ko lang ang lahat? Hanggang sa nakarating ako sa bahay na yun lang ang nasa isip ko.

Nakaabang si Sky sa labas ng pinto at napangiti siya nang matanawan niyang parating ako, "Ate Heaven!" sabi niya at nagtatakbo palapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Napaka-sweet talaga ng kapatid kong ito, "Where's my doll ate?!" excited na tanong niya.

"Here." iniabot ko sa kanya yung doll niya at mas lalo pa siyang natuwa nang mabuksan niya ito.

"Yay! Ate, it's so beautiful! This looks like one of those angels in my dreams! Ipapakita ko 'to kay Mommy! Mommy! Mommy!" nagtatakbo siya papunta kay Mommy na tanaw kong nasa living room.

Sumunod ako kay Sky at doon namin naabutan na nanonood si Mommy ng balita habang nagsusulsi.

'Tinataya ng pag-aaral na 52,000 matatanda taun-taon ang mamamatay dahil sa sobrang init sa buong rehiyon pagsapit ng 2050s, halos 8,000 pa ang mamamatay sa diarrhea sa South Asia, at 10,000 dahil sa malaria at dengue sa Asia. Sa ibang balita naman, isang agricultural group ang nag-ulat sa posibleng kakulangan sa pagkain sa huling bahagi ng taon, ito ay bunsod ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.'

"Grabe na talaga ang mga balita ngayon. Mukhang pinaparusahan na tayo ng Diyos." sabi ni Mommy nang makapasok kami. Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamany, "Oh Heaven, late ka na nakauwi." sabi niya at saka ako nagmano.

"Opo Mommy, may dinaanan pa po kasi ako." paliwanag ko.

"Ano?" tanong niya at napatingin siya kay Sky nang magsalita ito.

"My beautiful angel doll, Mommy!" tuwang-tuwang sabi ni Sky.

"Oh, oo nga pala. Patingin nga." sabi ni Mommy kay Sky. Iniabot naman ito ni Sky kay Mommy, "It's beautiful like you baby Sky." Mom said na mas lalong ikinatuwa ni Sky.

"Ate, mommy, I will name her Nirvana!" sabi ni Sky sa amin.

"Bakit naman Nirvana?" I asked.

"Kasi diba ate, Nirvana is heaven too, I named her after you." paliwanag ni Sky sa akin.

I pat her head, "Ikaw talaga."

Nilaro lang ni Sky yung angel doll niya. Si Mommy naman ay nagpatuloy lang sa pagsusulsi. Paakyat na sana ako nang marinig kong muli ang balita sa TV.

'Isang kinse anyos na bata ang nasagasaan ng bus bandang alas onse kaninang umaga. Ayon sa mga saksi, patawid daw ito kasama ang kanyang nanay nang mahagip ito ng bus. Narito ang buong balita.'

Napaurong ako at tumingin sa TV.

Nakita ko ang pinangyarihan ng aksidente. Nando'n ang nanay nung bata habang iiyak-iyak sa sinapit ng kanyang anak. Isinakay ng medics yung bangkay ng bata sa stretcher.

'Ang anak ko. Ibalik niyo ang buhay ng anak ko.'

Mas lumapit pa ako sa aming TV. Muling nag-focus ang camera sa nanay nung bata.

'Anak!'

Bakit ganun? Wala — wala akong makita.

"Heaven, ano bang ginagawa mo d'yan sa harapan ng TV? Konti na lang at papasok ka na sa loob." puna sa akin ni Mommy nang siguro ay hindi na niya makita yung pinapanood niya.

"Ah, tinitingnan ko lang po kung saan gawa itong TV natin. Homework po namin." pagpapalusot ko.

"Ganun ba? Sige't ibibigay ko sa'yo ang kahon niyan mamaya. Baka kailanganin mo pati ang manual. Mabuti't naitago ko."

Napangiwi na lang ako, "T-thank you Mommy." sabi ko at natapos yung balita na wala akong nakita ano.

Umakyat na rin ako at pumasok sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit at nahiga sa kama ko.

Isa lang naman ang gusto kong masiguro — yun ay kung totoo nga ba ang mga nakita ko o hindi at sa wakas, panatag na ang loob ko at makakatulog na ako ng mahimbing.

Napahinga ako ng malalim, "Tama, namalikmata lang ako kanina. Wala talaga akong nakitang anghel." sabi ko at saka pumikit.

***

SABADO at maaga akong gumayak. May group study kasi kami nina Mirage sa bahay ng isa naming kaklase. Kasalukuyan akong nakasakay sa bus at hindi tulad nung isang araw na traffic ay napakabilis ngayon ng biyahe. Maalwan ang daloy ng trapiko at linis na ang daan.

"Oo, papunta na ako. Malapit na." sabi ko kay Mirage sa kabilang linya at ibinaba ang tawag. Sabi niya kasi ay ako na lang daw ang hinihintay nila.

Ilang sandali pa ay nakarating din ako sa tagpuan namin, "Sorry, late ba ako?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

"Hindi naman, maaga lang talaga kami, tara?" sabi ni Melody, class president at first honor sa klase namin.

Naglakad na siya at sinundan namin siya. Napagdesisyunan naming sa bahay nila kami mag group study dahil na rin sa nabanggit niya na walang magbabantay sa Lola niya. May tiga-alaga ito ngunit day off nito tuwing Sabado at Linggo at dahil si Melody na lang ang kasama nito sa buhay ay hindi niya ito pwedeng basta na iwan.

Mula sa tagpuan ay walking distance lang ang bahay nina Melody. Bukod kay Mirage na lagi kong kasama, nandito rin sina Kiss at si Winter.

"Have you heard the news, may bago raw na mag transfer sa school?" sabi ni Kiss sa amin.

"Sino naman?" tanong ni Winter.

"Di ko kilala pero I heard na matalino, gwapo at mayaman daw." sagot ni Kiss sa kanya.

"Ang alangan naman niya mag transfer, kalagitnaan na ng school year ah." puna ni Mirage. Patuloy lang ang usapan nila habang ako naman ay nakikinig lang.

"Ang alam ko nakita yun ni Melody last week nung nag-entrance exam yung guy sa school at ka-year natin siya. Diba Melody?" sabi pa ni Kiss. Napatingin naman kami kay Melody.

"Yes, ka-year natin siya." sagot ni Melody sa kanya.

"Talaga? So gwapo ba?" excited na tanong ni Winter sa kanya.

"Hmm, hindi ko kasi alam ang standard at criteria niyo kung gwapo ba sa inyo ang isang tao o hindi." sagot niya sa amin.

"Sabagay, magkakaiba tayo ng taste. I-describe mo na lang siya amin." sabi pa ni Kiss.

Napaisip naman si Melody sa sinabi ni Kiss, "Uhmm, paano ba? Hmm, let's just say na mala-anghel yung hitsura niya."

"By mala-anghel you mean mukhang mabait?" tanong ni Mirage.

"Yes, mukha siyang mabait but at the same time ay misteryoso." sagot ni Melody sa kanya. Nagtanguan na lamang sila.

Tuwing makakarinig ako ng topic about angels ay kinikilabutan ako. Siguro ay dahil na rin sa nangyari sa akin nung nakaraang araw.

"So saang section siya?" tanong pa ni Winter.

"Hindi ko pa sigurado e. If the rumors were true at matalino talaga siya, malamang na sa section natin siya mapapapunta." sagot ni Melody.

Ilang sandali pa ay tumigil na rin si Melody sa paglalakad, "Andito na tayo." sabi niya sa amin nang makatapat kami sa isang malaki at medyo old style na bahay. Pumasok kami dito at bumungad sa amin ang mga antigo na gamit sa loob ngunit gayunpaman ay masasabi mo talagang na-maintain ito ng maayos. Naglibot pa ang aking mga mata sa paligid. May mga painting din na nakasabit sa dingding.

Sa di kalayuan ay isang matanda ang nakaupo sa rocking chair malapit sa bintana at —

"Ayun ang lola ko." sabi ni Melody ngunit nakatingin lang ako diretso hindi roon sa matanda kundi sa katabi nito.

Unti-unting nanginig ang tuhod ko. Ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan.

"Lola, mga kaklase ko nga po pala." pagpapakilala ni Melody sa amin.

Naglakad sila papunta sa Lola ni Melody habang ako naman ay naiwan sa aking kinatatayuan. I want to follow them but my fear won't let me. Hindi talaga ako makagalaw.

"Hello po." bati nila sa Lola ni Melody at nilingunan naman sila nito.

"Sila po sina Kiss, Winter, Mirage at Hea—?" nang mapansin ni Melody na wala ako sa tabi nila ay napalingon siya sa aking gawi. Pati sina Kiss, Winter at Mirage ay gano'n din.

"Heaven?" tawag ni Melody sa akin.

Muling ibinaling ni Lola yung atensyon niya sa kanina pa siguro niyang kausap.

Nakakapanlunok. Buhay ang diwa ko pero hindi lang talaga ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa matanda at dun sa kausap niya, ngayon ay nagtatawanan na sila.

"Halika Heaven, wag kang mahiya." anyaya sa akin ni Melody.

Hindi naman sa nahihiya ako. Hindi lang talaga ako makalapit dahil may ano.

Napansin siguro ni Melody yung kanina ko pang tinitingnan kaya nalingat siya sa gawi ng Lola niya.

"Ah, pagpasensyahan mo na si Lola. Ganyan talaga siya, para laging may kausap pero wala naman. Sabi ng mga kapitbahay namin ay epekto lang daw siguro ng pagtanda."

Gusto kong lumapit sa kanila but I can't. Both of my legs were shaking and I was stuck frozen. Hindi ko pa rin talaga kayang lumapit.

"Heaven?" pagtawag pa ni Mirage sa akin ngunit hindi ko na siya nagawang tingnan pa. Natatakot ako. Totoo ba itong nakikita ko?

There's a creature beside Melody's Lola at mas lalo pang tumindig ang balahibo ko nang tingnan ako nito at ngitian. Hindi naman ako puyat pero, ano na naman itong nakikita ko?

"Heaven?" muli nilang tawag sa akin. Maging ang Lola ni Melody ay lumingon na rin sa gawi ko.

"Hija, halika." anyaya nito sa akin but I shook my head. Hindi ko kaya.

"Hala! Ang putla ni Heaven!" nag-aalalang sabi ni Winter at nagmadali silang lumapit sa akin. Naiwan naman si Lola at yung kausap niya sa may bintana.

"Heaven okay ka lang?" hinawakan ako ni Kiss sa noo at sa leeg. "Wala ka namang lagnat ah." sabi pa niya.

Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa anghel na kasalukuyang nakatingin din sa akin. Nakakaloko ang napakagandang ngiti niya. Hindi. Hindi ito totoo — hindi talaga! 'Napaparanoid ka lang Heaven.' pangungumbinsi ko sa sarili.

Pumikit ako at mumulat muli. Tiningnan kong muli yung gawi nina Lola pero walang pinagbago. Nando'n pa rin talaga ang nilalang na kausap niya at nakatingin pa rin ito sa akin.

Nakakapanlamig. The chills this creature is giving me is on a different level. Kulang na lang ay matanggal ang lahat ng balahibo ko sa aking balat! Nakakapangilabot. Totoo ba talaga itong nakikita ko?!

"Heaven!! Ikuha niyong tubig si Heaven!" nag-aalalang sabi ni Mirage nang mapansin niya sigurong nanginginig na ang buo kong katawan.

"OMG. Is she having a panic attack?" tanong ni Kiss.

Iniupo nila ako sa sofa saka binigyan ng tubig. Nakatingin pa rin ako sa anghel na nasa may bintana. Magkausap na ulit sila ni Lola ngayon at muli ay nagtatawanan na naman sila. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Heaven okay ka lang ba?" tanong pa ni Melody.

Rinig ko ang kanilang sinasabi pero hindi ko pa rin magawang makapagsalita. I can't believe this. I'm seeing an angel again.

Hanggang sa nagpaalam na yung anghel do'n kay Lola. Kumaway ito at tumayo na sa may pasamano ng bintana. Lola smiled at him and waved back. Nilingunan din ako nung anghel at kinawayan ako.

I didn't know where I got my courage to stand pero napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita kong paalis na siya. Nilingunan niya pang muli si Lola bago siya bumwelo ng paglipad at kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ay ang paglisan nito.

Nagtatakbo ako papunta sa may bintana at tumingin sa kalangitan. Hindi ito totoo! Panaginip lang ang lahat ng 'to.

Nakatingin lang ako sa may labas trying to figure out kung saan nagpunta yung anghel ngunit wala na akong naabutan except sa isang puting balahibo na tumama sa mukha ko — dala siguro ito ng hangin. The feather is glowing na tila ba ay nababalot ito ng mahika, this can't be.

"Umalis na siya." sabi ni Lola.

"Ano siya?" I asked at tumingin siya sa akin.

Itinuro niya ang hawak kong balahibo, "Anghel." sabi niya and slowly closed her eyes.

Muli akong napalunok. Totoo ba?

Nilapitan ako ng mga kaklase ko, "Heaven, ano 'yang hawak mo?" tanong nila at ipinakita ko sa kanila ang puting feather na hawak ko. Ngayon ay parang normal na bahalibo na lang ito. Hindi na ito nagliliwanag.

"Ah, balahibo lang siguro yan ng kalapati. Ok ka na ba? Ano bang nangyari sa'yo kanina? You're acting weird. Hindi ka namin makausap ng matino." sunod-sunod na tanong ni Melody.

"Huh? W-wala. Nahirapan lang ako huminga, inatake na naman siguro ako ng asthma. Sorry." depensa ko. Alam ko namang kahit sabihin ko sa kanila ang totoo ay hindi nila ako paniniwalaan.

"Sure ka?" tanong ni Mirage, ang bestfriend ko.

Ayoko ng madagdagan pa ang mga kasinungalingang lumalabas sa bibig ko kaya tumango na lang ako.

"Sige, Heaven ah. Magsabi ka kapag hindi ka okay. Nag-aalala kami sa'yo." sabi pa ni Melody sa akin.

"Pasensya na kung nag-alala kayo." sabi ko sa kanila.

"Tara dun tayo sa kwarto ko." yaya ni Melody sa amin, "Nagpapahinga na kasi si Lola, baka magising natin siya kapag dito tayo nag-ingay."

Sumang-ayon kaming lahat kay Melody at naglakad na kami papunta sa kwarto niya. Napalingon pa ako sa may bintana sa salas kung saan ko nakita ang nilalang na 'yon at muli ay napatingin ako sa balahibong hawak ko, imposible talaga.

Nang makarating kami sa kwarto ni Melody ay pumwesto na kami. Sina Kiss at Winter ay naupo sa kama niya habang kaming tatlo naman nina Mirage ay naupo sa sahig. Nag-umpisa na rin kaming mag-aral.

Sa totoo lang ay hindi ako makapag-concentrate. Naiisip ko pa rin kasi yung nakita ko kanina. Paano kapag nakakita ulit ako ng ganun?  Anong gagawin ko? Matutulala na naman ba ako at mamumutla? Palagi na lang ba akong matatakot?

Hanggang sa natapos ang group study namin na halos 'yon lang ang naglalaro sa isipan ko. Hindi ako masyado nakapag-focus sa pag-aaral.

Hapon na nang makaalis kami sa bahay nina Melody. Sina Kiss at Winter ay sabay na umuwi habang kami naman ni Mirage ang nagsabay.

"Heaven okay ka lang ba talaga?" tanong niya sa akin habang naghihintay kami ng bus.

"Ha? Okay lang ako. Bakit naman hindi." I said, faking a smile. Ayaw kong mag-alala siya sa akin.

"Talaga? Mukhang hindi e." tanong niya ulit. Nakakaramdam siguro siya na hanggang ngayon ay balisa pa rin ako.

"Oo naman. Promise. Okay lang ako." pangungumbinsi ko sa kanya at hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Heaven, if there's something bothering you, I'm always here ha. I'll listen." sabi niya.

Napangiti naman ako, "Thank you." sagot ko at pinisil yung ilong niya, "Cheesy mo."

"Aray naman. Pero di, seryoso. Nag-aalala lang ako. Weird mo kasi the past few days." best friend ko talaga siya. Napapansin niya lahat.

"Don't worry about me. I'm fine. Sasabihin ko naman sa'yo e pag may bumabagabag sa'kin." I know lied pero ayaw ko na rin yung nag-aalala siya sa akin.

"Sabi mo 'yan ha."

Nakakunot pa rin ang noo niya. Para bang hindi siya kumbinsido. Do I really look not okay to her?

"Oo nga."

Naputol ang usapan namin nang dumating na ang bus. Sumakay na kami. Naunang bumaba si Mirage habang ako naman ay inabot na ng dilim bago nakauwi.

Dumiretso ako sa aking kwarto at humiga sa aking kama. Nakatingin lang ako sa kisame. Hindi pa rin talaga mawala sa aking isipan ang anghel na nakita ko.

Kinuha ko ang balahibong nakasipit sa libro ko.

Do angels really exist?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top