Epilogue
Sabi ko noon sa sarili ko, kung sakaling mangailangan man ako ng lalaki sa buhay, ayoko ng permanente. Kasi paulit-ulit lang naman ang nangyayari. Kahit mag-commit ka, ganoon pa rin sila, hindi maiiwasang mambabae.
But cheating is always a choice . . . and so is staying loyal. You have your freedom to choose what you think is good for you kahit pa hindi siya morally accepted para sa lahat. And not because you think it's good for you, it means it's good for everyone.
Tyrone and I had a rocky relationship, and we started bad—worst, actually. Hindi siya romantic setup gaya ng iba. Something na hindi ko rin gugustuhing ikuwento sa iba kung sakali mang ipakuwento ang love story namin. Because after all, we didn't start as lovers with dreams of a better future. We started in an empty place and our goal is to fill that emptiness with love. Unfortunately, we spent our years with hate. Doon lang umikot ang relasyon namin. We were pushing each other's limit hanggang umabot kami sa boiling points namin. Hindi siya ideal. Sobrang toxic.
Something na kung hindi kami kilala nang lubusan, either they will hate Tyrone kasi babaero siya, or they will hate me kasi self-centered ako.
But it's high time for us to stay in one place, with one person. We've already seen each other's worst at hindi ko na alam kung may worst pa bang ilalabas ang mundo para ibangga sa 'ming dalawa ni Tyrone.
That feeling na nakakapagod na ring paulit-ulit naming tinataboy ang isa't isa kahit na umuuwi pa rin kaming dalawa sa iisang desisyon kada bigay namin ng dahilan para hindi nga kami dapat magsama.
Para ngang tiyan. Kapag nasa ibang lugar, namamahay.
I hate Tyrone.
It was easy for me to say I hate him than to say I love him. And I was afraid that if ever I said that, baka bigla na lang siyang mawala kasi parang na-achieve na niya yung goal ng habulan namin.
Everything . . . lahat ng sinasabi niya, lahat ng ginagawa niya na sa tingin ko, sobrang bobo talaga . . . lahat ng 'yon in an instant, it all made sense to me that moment I opened up to him.
"Scam yung translation ni Facebook," sabi ni Jericho habang nag-aayos kami ng mga display pagpasok na pagpasok niya ngayong Monday.
"Bakit mo nasabi?" tanong ko naman habang naglalatag ng sheer cloth panlagay ng accent sa dingding katabi ng mga mannequin.
"Nagpa-translate ako kay Forest n'ong nasa post ng boyfriend mo, malayo pala yung translation ng ibang words. Pangit kausap ng auto-translate hahaha!"
Napapailing na lang ako kay Jericho. Pero totoo rin, ang OA ng translation sa FB. Synonymous naman ang meaning pero ang layo sa exact words na ginamit.
"E di tuloy pala yung kasal n'yo." Napasulyap ako sa kanya habang hinihilera niya yung mga mannequin sa may glass wall.
Hindi ko napigilang mapangiti bago tumango. "Yeah. This time, sure na."
"Sa wakas! O, di ba?" Nagpagpag siya ng kamay saka nagpamaywang habang nakangiti sa 'kin. "Kahit anong punta mo sa malayo, sa kanya ka pa rin pala babalik."
"True. Di ko rin ine-expect. Ang dami ko rin kasing naging fling." Natawa na naman ako nang mahina. "Akala ko nga noong una, kahit ikaw, umasa rin akong baka puwede tayong dalawa. Pero slight lang naman."
"Cinn, alam mo kaya noong una pa lang, nag-warning na 'ko sa 'yo, ganito kasi 'yan . . ." Lumapit siya sa 'kin tapos inakbayan ako. "Na-realize ko lang 'to n'ong nagpakasal ako. Na di lahat ng makikilala mo, siya na. Kasi di naman porke pinagtagpo kayo, kayo na rin yung itinadhana. Hindi ka puwedeng laging mag-rely sa gan'on. Puwede kang kiligin ngayon, pero hindi naman puwedeng puro lang kilig habambuhay. Harsh yung mundo e. May times na walang kilig. May times na wala talaga, lugmok lahat. And what if wala na yung kilig? Saan na kayong dalawa? Di ba? Madaling ma-fall sa tao. Pero madaling magsawa kapag nakikita mo na walang naggo-grow sa inyo."
Natatawa na lang ako sa kanya at mahina siyang sinampal sa pisngi. "Hindi ka na-fall sa 'kin?"
Bigla siyang ngumiwi na parang diskumpiyado pa sa tanong ko. "Nanghihinayang lang ako sa ganda mo tapos lasinggera ka lang. Sabi ko sa sarili ko, kawawa naman 'to, alukin ko nga ng usapan. Siguro kapag nag-inuman tayo, humihilik na 'ko, nanghihingi ka pa ng isang bote ng vodka."
"Ang kapal!" Lalo ko siyang natampal nang malakas.
"Hahaha! 'De, seryoso, hindi naman ako na-fall. Nakita ko lang na gusto mo ng kasama. Hindi ako nai-in love sa patay ang mata. Para akong may kasamang zombie kapag kausap kita e."
"Insulto ka talaga, 'no?"
Si Jericho lang ang kilala kong sa sobrang sarcastic ng bibig, hindi ko na masabi kung nagbibiro ba o nagsasabi lang ng totoong opinyon niya.
"Gusto ko sa babae, yung buhay, siyempre. Yung kapag kinausap mo, masasabayan mga trip mo, gan'on."
"Mga tipo ni Forest, gan'on. Ang landi n'yo ngang dalawa. 'Kairita kayo sa mata."
Bigla niyang dinuro ang mukha ko habang pigil na pigil siya sa pagngiti.
Sabi na. Mga malalandi.
"Cin."
Sabay pa kami ni Jericho na lumingon sa may pintuan ng boutique. Kapapasok lang ni Tyrone doon. Nakasuot siya ng casual royal blue shirt na naka-tuck in sa khaki pants na ipinares sa vintage leather slip-ons.
"Uy! Morning!" masayang bati ni Jericho saka sumaludo kay Tyrone habang akbay-akbay pa rin ako.
"Tumawag si Tita Daisy, pinapupunta tayo sa hacienda before lunch."
"Talaga?" tanong ko agad. Hindi pa kasi tumatawag sa 'kin. Napapunta agad ako sa may reception desk para i-check ang phone ko. And yes . . . there's a missed call from Tita Daisy. And wait, may text din pala kay Tyrone saying dadaan siya sa boutique after niyang ihatid sa Rockwell si Yue. Ngayon kasi ang dating ng asawa ni Yue sa Pilipinas at doon sila sa business center magkikita.
"Wala ka bang bantay rito sa boutique?" tanong ni Ty bago sumulyap kay Jericho. "Ikaw lang ba ngayon?"
"Sabi ni Forest, dadaan siya mamaya after lunch. Pero nandito naman yung mga tailor, makakausap ng mga client kapag may dumaan."
"Alright." Tumango lang si Tyrone saka inalok ang palad para palapitin ako sa kanya. "Come on. Traffic sa SLEX, ayokong magbabad sa kalsada nang ganito kainit."
I rolled my eyes and smirked. "Fine. Arte." I pat Echo's back to say goodbye. "If may importanteng client na naka-address sa 'kin, tawag ka agad."
"Sure, ma'am!" Dinampian niya 'ko ng halik sa tuktok ng ulo bago ako pinalapit kay Tyrone. "Ingat kayo sa biyahe!"
Life has never been nice to me since I was a kid. Tinanggap ko nang gagaguhin lang din ako ng buhay gaya ng ginawa nito sa buong pamilya ko. Pero sa mahigit tatlong dekada ng buhay ko, minsan sa isang pagkakataon, umasa ako. Na baka lang . . . baka sakaling hindi ako magaya sa mama ko . . . na hindi ako makatagpo na gaya ng daddy ko.
After so many years of faking ourselves every time na kaharap namin ang mga Echague, ngayon lang kami nakatapak ni Tyrone sa hacienda na hindi kami pumuntang naiinis sa isa't isa. Na hindi ko siya sinasabihang kumalas na sa engagement naming dalawa. Na hindi niya sinasabi kina Tita Daisy na balewalain na lang ang mga stolen photos na hawak ko para ipakitang babaero siya.
Ang taas ng sikat ng araw, sobrang liwanag sa paligid, ang bango ng daan ng mga sampaguita sa garden kasama ng mga bougainvillea. Sa malayo pa lang, naka-ready na yung mahabang mesa tapos kitang-kita agad si Lola Ning na naka-Filipiñana pa.
This is my clan. And behind these people's smile are power, arrogance, and superiority. Mukha lang silang mga simpleng tao sa iisang mesa. Nagtatawanan, nagkakapalitan ng achievements, nagpapayabangan, sinasabi sa isa't isa na mas magaling sila kaysa sa isa. And that made an Echague a pure Echague.
"Tyrone! Welcome back!"
Tita Daisy was fond of Tyrone since day one.
The perfect son for the reckless daughter of Proserpino de Chavez III. Kung makasalubong si Tita Daisy, parang si Tyrone ang anak ni Daddy at parang wala ako sa tabi. She even cupped Tyrone's cheeks and kissed them both sides.
"How are you? How's your trip?"
"Okay lang po, Tita Daisy. It's just family affairs. Hindi ako makapagbakasyon kasi urgent call."
It was a dangerous call pero hindi man lang niya mabanggit sa pamilya ko. He's still keeping everything in him kapag bad news ang topic.
"Come on, hija. Naghihintay si Lola mo sa 'yo." Nginitian lang ako nang matipid ni Tita Daisy at hindi talaga ako binati nang maayos.
Okay lang, wala rin naman akong balak makipagplastikan sa kahit sino sa kanila.
Dumeretso agad ako kay Lola Ning habang isa-isang binabati ni Tyrone ang mga tiya at tiyo ko na parang siya ang kadugo nilang lahat.
"Hi, Lola Ning."
"Hija . . ." I really love Lola Ning's smile. It wasn't that kind of smile for her favorite grandchild, but a wicked smile of an evil witch who knows she already has a good tea to drink. "Ikakasal ka na ba?"
Matamis akong napangiti sa kanya. "We're already planning for the wedding, 'La. Next month na ang kasal. I want you to see me on my wedding dress."
She cupped my chin and looked at me in the eyes. "Is he the best one for you, hija?"
"He's one hell of a rich man, enough to take this hacienda from your kids, Lola Ning. Hindi ako papayag na mga sugarol mong anak ang magbenta ng lupa mo rito na pinaghirapang ibigay sa 'yo ni Daddy." Hinawakan ko ang mabuto at maugat niyang kamay at idinampi ko iyon sa pisngi ko. "I'll make your Filipiñana gown for my wedding, 'La. After that, dito na 'ko uuwi sa hacienda, kami ni Ty ang maghahawak ng abaka farm mo. Walang ibang makikinabang sa mga ari-arian mo kundi tayo lang. Hindi ang mga anak mo, hindi ang kung sino man."
I always know how to bring that wicked smile of Lola Ning na masasabi kong proud na proud siya sa 'kin.
"That's my child."
My clan never believe in the concept of true love. And being the best never equates to being the one who loves the most. It will always be the one who's powerful and influential. And that's what they only want to hear. Not any emotional shits. Since none of them cares if I love Tyrone or not.
The lunch started in exact noon. Mahaba ang mesa na 30-seater. Wala pa ang mga kapatid ko rito since Monday at mga nasa trabaho. Ang dumating lang ay yung mga palamunin ng pamilya at mga umaasang maaambunan ng kaunting grasya matapos magsugal nitong nakaraang weekend.
"So, tuloy na ang kasal next month?" tanong ni Tita Dahlia na sa wakas, hindi na nagsalita tungkol sa pagiging lawyer ni Daddy na dapat ako rin.
"Yes, Tita," sagot ni Tyrone.
"Saan n'yo balak magpakasal?"
"Sa San Sebastian, dito malapit sa munisipyo," sagot ko.
Napasinghap silang lahat sa sinabi ko.
"Pero maliit lang ang simbahan dito, Cinnamon," kontra agad ni Tita Daisy. "I-reserve natin ang kasal sa St. Joseph, mas malaki ang—"
"Sa San Sebastian o walang church wedding," mahigpit ko nang putol kay Tita Daisy. "We can book our wedding sa Vietnam. Kami naman ang gagastos dito."
"Cinnamon, hassle kung pupunta pa kami ng ibang bansa."
"Puwede kayong hindi sumunod. O kaya magpakasal na lang kami ni Tyrone sa huwes, wala rin namang pinagkaiba. Kami naman ang ikakasal kaya kami rin ang magdedesisyon. Unless, kung gusto n'yong sa St. Joseph, kayo ang gumastos ng kasal namin, hindi rin ako tatanggi."
Kumontra agad si Tita Dahlia. "Nasa 'yo ang lahat ng pera namin, kami pa ang pagagastusin mo."
"Then stop giving suggestions na hindi rin naman kayo ang magpapaluwal ng pera. Simple lang naman, you agree with our decision o walang a-attend ng kasal ko. Ako ang masusunod o magkakalimutan nang kamag-anak ko kayo. Ako ang may hawak ng properties ng mga Echague, may karapatan ako kung sino ang titira sa haciendang 'to at kung sino ang hindi. Sana malinaw sa lahat 'yon. Kung kukuwestyunin n'yo ang mga desisyon ko, kausapin n'yo si Archie, palalayasin ko na rito ang lahat ng tatanggi sa plano ko."
And at that very moment . . . naging sobrang tahimik ng mesa pagkatapos ng mga salita ko.
There I saw Lola Ning's beaming smile at me—like how she used to smile every time I did something great for her eyes.
I always want to be you, 'La. I can extend my devil's horn for my own gain just to see your proud smile.
After my wedding with Tyrone, that will only means na makukuha ko na ang lahat ng mana ko kay Daddy according na rin sa last will and testament niya. Na ilalabas lang ng mga abogado at ng bangko kapag naging Chen na rin ako.
And this mansion . . . this grand and pride of the south . . . everything will be mine.
"Hey!"
Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa 'kin papasok sa maliit na kuwarto sa dulo ng hallway. Walang ibang naroon kundi storage room na may bintanang sinasarhan ng pulang kurtina. Bumangga agad ang likod ko sa pader na katabi ng pinto habang pigil na pigil ako sa paghinga.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang nakikita ko mula sa maliit na siwang ng kurtina si Tyrone na seryosong nakatingin sa mga mata ko.
"Nababaliw ka na ba?!" singhal ko agad kasi sabay palo sa balikat niya. "Akala ko, kung sino na."
"I don't want a church wedding," he said in his serious and commanding tone.
"Ayoko rin, actually."
"Can we attend for the seminars next week sa Manila?"
"Next week na agad? Ang dami pang aayusin papers natin."
"Fuck those papers, I can marry you today."
Pinigil ko ang pagngiti ko habang nakatingin sa mga mata niya. And hell, he was serious as fuck.
He took my hands and he gently placed that around his neck before he wrapped his arms around me.
"I hate your family," he whispered and lightly kissed my lips.
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pangiti. "Yeah, I hate them too." I kissed him back and he bit my lower lip to tease me.
I chuckled a bit and my hands ran down to his chest.
"Aren't you gonna regret marrying me? May oras ka pa para umurong," I whispered in his lips while I held his leather belt to pull him near my body. Damn, the heat of this room was turning me on.
He grinned at me and ran his hands on my back until he reached the zipper of my dress beneath my nape. "You can't change my mind, Cinnamon. You're already mine."
And I guess, I will always be his.
Life may always fuck us up, and we're just the bitch enjoying the pain and pleasure it gives.
But yeah, if life fucks you hard . . . just moan.
♥♥♥ The End ♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top