8. Cold Night


Rest. If ever I needed something so badly yet I couldn't afford it, above anything else, it will always be rest.

Sabi ko, iidlip lang ako. One hour is enough. Kaso biglang tumunog ang phone ko na katabi ng unan at pagsilip ko, nasa alas-onse y medya na ng gabi.

Ang lakas ng ulan sa labas pagsilip ko sa bintana. Halos patay na ang mga ilaw sa mga bahay at ilang establishment na lang ang bukas pa.

"Gising ka na pala."

Napatingin ako sa kaliwag gilid. Saka ko lang napansin na may pinto pa pala roon sa likod ng makapal na kurtina. Akala ko, pader lang. Doon galing si Jericho na nagpupunas ng kamay gamit ang basahan.

"Sabi ko, gisingin mo 'ko," reklamo ko agad.

"Para saan e dapat nga nagpapahinga ka na. Uuwi ka na ba, umuulan?"

Hindi ako uuwi nang ganitong alanganing oras. And besides, sobrang lakas din ng ulan para sumugod ako palabas kahit pa may payong ako. What more ngayong wala?

Sinundan ko lang siya ng tingin. Topless kasi siya at basa nang kaunti ang buhok. Not sure if naligo o nabasa lang ng ulan. Shorts na itim lang ang suot niya, yung pambahay, and he looked like he was about to sleep pero may ginawa lang.

Umupo siya sa may dining chair at kumuha na naman ng yosi roon sa kaha. Napabalik tuloy ako sa kama para maupo.

"I should be persuading you to be my model kaso wala na 'kong energy para makipagtalo today," sabi ko at hinahatak ng sahig ang huwisyo ko. Kahit ayoko, bigla akong natutulala.

"Yung model na muntik nang mang-rape sa 'yo, ayaw mong kasuhan?" tanong niya kaya saglit akong napasulyap sa kanya.

I sarcastically laughed and shook my head. "I can't do that right now. Lion Fashion will handle my cases, and for sure, Tyrone Chen will use that to control me again. Sawang-sawa na 'kong kontrolin ng hayop na 'yon dahil lang kailangan ko siya para linisin ang mga kalat ko."

I was left with no choice. Mahihirapan akong makahanap ng lawyer ngayon na hindi madadamay ang previous cases ko.

"May beer ka ba diyan?" tanong ko na lang.

Nagkibit-balikat siya pero tumayo rin. Sa gilid ng mesa, may maliit na ref doon na binuksan niya. Naglabas siya ng isang Smirnoff doon saka inilapag sa mesa.

"Good." Tumayo na agad ako at lumapit doon. Naghatak ako ng isang upuan at saka ko dinampot ang boteng binuksan niya gamit ang ngipin.

Hindi ako sanay na may kasama nang ganitong oras lalo na kung hindi katrabaho. Madalas din naman, ganitong oras, bagsak na 'ko gawa ng alak. Sadly, hindi pa nakakalasing ang alak na meron ako ngayon.

Dapat nga, sa mga oras na 'to, pinipilit ko na 'tong Jericho na 'to na mag-model for me sa La Mari kaso pagod na ang kaluluwa ko para mamilit ng tungkol sa trabaho. Aayusin ko pa ang kabobohang gawa ng Jomari Lianno na 'yon dahil sigurado akong unang-una niyang irereklamo ang Lion Fashion kung saan ako nagtatrabaho—na alam niya.

Pagkatapos kong lumagok ng isa ng alak, dinampot ko yung umuusok na yosi sa ash tray saka ako humithit ng isa bago iyon ibinalik.

Pabalagbag akong naupo sa upuan at natitigan siya pagbalik niya sa katapat na upuan kung saan ako naupo.

It was my third time here and I haven't seen anyone aside from him.

"Wala kang pasok ngayon?" tanong ko.

"Kaninang umaga, may pasok ako. Tingin mo naman sa 'kin, 24/7 nagtatrabaho?"

"Hindi ka na bartender?"

"Crew ako sa maliit na franchise."

May iba pa palang trabaho 'to maliban sa gumawa ng alak. Pero hindi malaki ang bayad sa mga crew. Wala pang minimum rate 'yon, madalas, bawas pa ng benefits. Paano nabubuhay 'to?

"Single ka?" tanong ko. "Wala ka bang ibang kasama rito sa bahay mo?"

He smirked at me and he preferred drinking his coffee to beer. "Magastos magka-girlfriend kaya ayoko."

Ako naman ang natawa. "That's economical."

Si Tyrone, malay ko kung sampu na ang girlfriend n'on. Parang laging nauubusan ng babae sa mundo. Sa lahat yata ng girlfriend n'on ngayon, ako lang ang hindi n'on mapakawalan.

"Ikaw, mukhang taken ka," sabi niya.

I rolled my eyes and drank my beer. "Gusto siya ng pamilya ko, ayoko sa kanya. Nagpaplastikan na lang kaming dalawa ngayon."

"E di hiwalayan mo na kung di mo naman pala mahal."

Iinom na sana ulit ako pero hindi natuloy kasi inuna ko pa ang pagtawa. "Sa daming beses kong hiniwalayan 'yon, ewan ko ba kung bakit sagad-sagaran pa rin ang kaduwagan niya para hindi bawiin yung engagement namin."

"Baka naman mahal ka."

Ang pait ng tawa ko sa kanya bago siya inirapan. "Walang gan'on. Ilang beses kong nahuling may kahalikan 'yon sa opisina niya. I don't buy that bullshit na mahal niya 'ko kasi imposible 'yon. Natatakot lang siya kasi alam niyang mapakikinabangan pa niya 'ko sa kompanya niya kaya ayaw niya 'kong bitiwan."

Isinubsob ko ang mukha ko sa mesa at ipinatong sa kanang braso ko. Tinulalaan ko ang bote ng beer habang pilit kong inaalis ang laman ng isip ko.

"As much as possible, ganitong mga oras, gusto kong nakakalimot," sabi ko sa bote. "I hate my life. I was trying to do my errands during the day then I want to forget everything later by night. Ni hindi ko nga alam kung gugustuhin ko pa bang magising kinabukasan."

Most of my nights are lifeless and meaningless. I was having a hard time sleeping. Ayoko naman ng sleeping pills. I badly wanted to rest yet I couldn't condition my body to do it for me, kaya pinapagod ko na lang ang sarili ko hanggang bumagsak.

"You know what, dapat magpahinga ka. Binu-burn out mo ang sarili ko."

Nakita ko na lang ang sarili ko na pinatatayo mula sa mesa. Bigla akong tinamad kumilos. Gusto kong matulog pero ayokong gumalaw para makatulog na.

"Puwede bang paggising ko bukas, ibang tao na 'ko? Ayoko nang balikan ang buhay ko."

I shouldn't be doing this sa bahay ng ibang tao, but I don't know. It felt like no one was judging me right now in this place.

I heard nothing from him.

No judgment, no bullshit reasons, no forced statements.

Napabalik ako sa kama at halos matulala lang ako sa sahig pagkaupo ko roon.

"Dumapa ka."

Tinaasan ko siya ng kilay pero sinunod ko rin naman. Hindi ko rin alam kung bakit ko kailangang dumapa pero dumapa pa rin ako. Saglit kong tinakpan ang bandang hita ko kasi wala pa rin naman akong ibang damit maliban sa malaki niyang T-shirt.

"Whoah!"

Nagulat ako nang bigla niyang pasadahan ng kamay ang likod ko. Sakto lang ang diin doon sa bawat paghagod niya at napapikit na lang ako sa sobrang sarap ng pagmasahe niya sa likod ko.

"Fuck, that was good."

Hinawakan niya 'ko sa kaliwang braso at inunat-unat din iyon. Sunod sa kanan. Binalikan niya ang likod ko at parang gumaan ang lahat ng mabigat sa 'kin habang tumatagal.

It felt so good. Hindi ko alam na marunong pala siyang magmasahe.

Papaidlip na sana ako. Napadilat na lang ako kasi bigla siyang huminto.

"Siguro naman, magaan na ang pakiramdam mo."

Ipinaling ko ang mukha ko sa kaliwa para makita siya. Nagpapatunog siya ng daliri habang naglalakad papalapit sa mesa. Pinanood ko lang siyang uminom ng kape sa mug.

"Alam mo, ayokong husgahan ka sa mga desisyon mo sa buhay, pero pag-isipan mong mabuti ang priorities mo." Inilapag niya ang mug sa mesa saka ako tiningnan. "Kahit hindi mo naman sabihin, halata namang sobrang fucked up ng buhay mo. Doon pa lang sa bar, alam ko na. Try mong magbago ng career kasi sinisira ka ng career mo ngayon."

As if ganoon lang kadali ang gusto niya.

Humilata ako at saglit na tinitigan ang kisame.

"Tell me something when the rain falls on my face . . .

How do you quickly replace it with a golden summer smile?"

I stole a glance at him and I saw him connecting his phone's Bluetooth to a small speaker.

"Tell me something when I'm feelin' tired and afraid

How do you know just what to say to make everything alright?"

Malakas pa rin ang ulan sa labas. Pumapasok ang lamig sa may bintana. Ang sarap ng pakiramdam ko matapos niyang imasahe ang katawan ko.

Maybe after so many years of draining myself, this was the first time I felt like I was lying in a soft bed. Softer than my bed kahit pa hindi ganoon kaganda ang quality ng mattress.

"I don't think that you even realize

The joy you make me feel when I'm inside your universe . . ."

Was that even possible? I was starting to feel comfortable in this place. More comfortable than anywhere else I've been into.

Napapikit ako. Pakiramdam ko, ayaw mawala ng hagod ng kamay niya sa likod ko. Parang lahat ng stress ko sa katawan, inalis niya mula sa loob.

"You hold me like I'm the one who's precious

I hate to break it to you but it's just the other way around . . ."

Mariin akong pumikit at inisip lahat ng mga bagay na dapat kong kalimutan muna. Ang angkan ko, ang trabaho ko, si Tyrone, lahat ng mga kinabubuwisitan ko.

Isang gabi lang, gusto kong kalimutan muna silang lahat.

"Ipahinga mo na 'yan. 'Wag kang puro trabaho."

"You can thank your stars all you want but I'll always be the lucky one . . ."


♥♥♥


It was still raining when I woke up. Malamig kasi at makikisuyo sana akong magpatay ng fan. Sad to say, walang nakabukas na fan. Galing sa bintana ang lamig. Madilim pa rin. Pag-check ko sa phone, 3:54 na.

I glanced at my right side and saw Jericho sleeping beside me.

Usually, nasa panic mode dapat ako kasi wala naman akong sinabing tabihan niya 'ko, pero hindi ako nag-react. May nakaharang na unan sa pagitan namin. Nakakumot pa rin naman ako habang nakatakip lang siya ng kulay asul na towel. He was crossing his arms and he was lying on his back. Hindi ganoon kalaki ang kama niya, but the size was enough for the both of us.

Now, I was so sure that he was definitely a good man. I didn't hear him complain last night. He was accomodating kahit na hindi ko siya kinulit sa tunay na pakay ko.

I wasn't sure right now if I would be forcing him to be my model. I began to reconsider La Mari.

Do I really need to join that?

Or was there any way to bring Petunia down?

Maybe there are ways aside from La Mari, and I should be thinking about those ways right now.

Itinukod ko ang siko ko sa kama at ipinatong ang pisngi ko sa palad saka ko tinitigan nang maigi ang hulma ng mukha ni Jericho.

Sa dami ng magagandang mukha sa catalog, I wouldn't see his face as something I would notice that instant. Although he really looked good and masculine, his physique is eye-catching. Ladies will drool over his body for sure.

I was going to touch the tip of his sharp nose when he caught my left hand in the air. I gasped for a moment pero nabawi ko rin para hindi obvious ang gulat ko.

Dahan-dahan siyang dumilat at tumingin agad sa 'kin nang may namumungay na mga mata.

"Di ka ba makatulog?" tanong niya, at basag na basag ang boses niya. And if ever there was a chance, I might play his voice on repeat. Kung sakali mang may mga naikama na 'to before, paano natatagalan ng mga babae na hindi pansinin 'tong lalaking 'to?

"Wala ka bang extra blanket?" tanong ko. "Hindi ka ba nilalamig?"

Nagbuntonghininga pa siya na parang nakakainis ang tanong ko. Basically and obviously, wala siyang extra blanket, pero baka lang may magagamit siya para hindi ako lamigin. Wala pa rin naman akong ibang damit, in case nakakalimot siya.

"Demanding ka rin, 'no?" Ibinaba niya ang kamay ko at inalis ang unan sa pagitan naming dalawa. Inangat niya ang kumot na nakabalot sa 'kin at pinangkumot din niya.

"Hey!" Napatili na lang ako nang bigla niya 'kong hatakin banda sa tiyan at inilapit sa kanya.

Nakita ko na lang ang sarili kong pinandidilatan ang dingding habang nakaharap doon. Biglang uminit sa loob ng kumot habang nakayakap ang braso niya banda sa baywang ko.

"Wala akong extra blanket. At kung magde-demand ka pa na malamig dito. Sisiguraduhin ko nang maiinitan ka na sa susunod kong gagawin. Kaya kung puwede lang, matulog ka na, hmm?"

Oh no.

You fucking don't.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top