48. After All

When you grew up in a fucked-up household—your mother was a former prostitute who fell in love with her one-time client, believing that, at last, she met a man who will take her out of her misery yet ended up in a much more miserable life; your father was a fucking rich man who made money out of other people's mess and never believed in the concept of monogamy; your own clan was full of gold diggers and only want you because of money, fame, and influence, and willing to throw you in pits of hell once you messed up more than they did in their lives-no one had a right to tell me I should be perfect if I was surrounded by these kinds of people. No one should tell me to do better with my life because I haven't seen a better life ever since I was a kid.

I grew up never believing in happy endings. Na-witness ko sa sariling mga magulang 'yon. Hindi dahil maganda si Cinderella, magiging sila ni Prince Charming sa dulo. My mother was beautiful, alam ng lahat 'yon. Pinakamabenta nga siya club dati. Hindi rin naman siya aanakan ni Daddy kung hindi siya maganda.

At hindi dahil mayaman si Daddy at nagkaanak na siya sa iba, magiging sila na ng naanakan niya.

It's an endless cycle na sa sobrang paulit-ulit, nakakasawa nang unawain. You stayed with a person you thought you love, tapos kapag nagsawa ka na after a few days, or few weeks, or few months, or even few years, maghahanap ka na ulit ng iba kasi na-fall out ka na. Na parang napakahirap maging masaya sa iba kaya hanap ka nang hanap ng iba pa para lang masabi mo sa sarili mo na sa wakas, kontento ka na.

And I've been there before. I've been with a lot men, I've deal with a lot of demons every night, I've spent most of nights taking transient moments with guys who didn't like permanent relationships as well. Hiraman lang ng oras, labasan lang ng init ng katawan, pagdating ng umaga, babalik na lang sa dati ang lahat na parang hindi magkakilala.

I've been there. And borrowing impermanent happiness led me to much miserable life. Spending every night to forget, and every morning to remember.

It's been a month since Ty left the country. Tyrone's birthday is on July 15 and Forest was nowhere to be seen after she sent that gown sa Beijing.

Noong nakita namin ni Jericho yung wedding photo sa main Facebook account ni Tyrone, nagprisinta siyang mag-part-time muna as store assistant sa boutique ko. Sabi ko, baka may trabaho pa siya sa Sip and Drip o kaya sa iba pang establishments. Sabi naman niya, nag-resign na muna siya sa Sip and Drip kasi hindi niya kaya yung layo ng location ng bahay niya tapos work sa boutique ko then sa café. Mabuti raw sana kung nasa Lion pa rin ang opisina ko, mapagsasabay niya ang pag-aayos ng interior ko saka trabaho as crew.

Pumayag naman ako kasi nga wala na naman siyang work. Nag-soft opening ulit ang Cinn D's Creation at nakakatanggap na ulit ako ng mga client for weddings.

First week pa lang, sinabi ko na kay Jericho, doon muna siya mag-stay sa condo ko kasi ang layo talaga ng bahay niya sa boutique. Pumayag naman siya. Pero hindi kami magkasama sa condo kasi kahit na nakita ko na yung wedding photo ni Tyrone . . . mas pinili kong tumira sa bahay nito sa Taytay. Hindi naman ako mag-isa roon kasi kada day off ko, pumupunta yung mga housekeeper na naglilinis ng bahay niya.

Nasa akin ang susi ng bahay. Ako ang unang pinangakuan ng kasal. May agreement na kami. Kung may dapat mag-stay sa bahay ni Tyrone, ako 'yon.

"Ang dami pa ring made to order kahit na nakatapos na tayo ng pito?" reklamo ni Jericho habang nag-aayos ng inventory ng accessories na kadarating lang sa boutique. Kahon-kahon iyon ng mga pearls, rhinestones, embroidered patterns, beads, mga special thread for beading din na in-order ko three days ago. Nakaupo siya sa sofa at nakapatong sa glass table sa harapan niya ang napakaraming items na order ko katabi ng malaking logbook at laptop.

"Mas maganda na ring maraming pending na made to order para hindi tayo nakatunganga lang," sagot ko habang nag-aayos ng schedule para sa mga tailor na magtatabas ng fabric kasi may sampu pa kaming gagawing gown, dress, saka tuxedo. Ako ang bantay ngayon sa counter kaya ako ang tao sa front desk.

"Sana pala dito mo na lang ako inayang magtrabaho dati pa para mas natulungan kita."

Napangiti na lang ako kasi alam ko naman na gusto talaga ni Jericho na sa café magtrabaho o kaya sa restaurant pero mas pinili niya rito sa boutique ko.

"Kumusta pala yung hearing sa annulment mo?" tanong ko kasi Friday na bukas, sa Monday yata, may court hearing na naman sila.

"Sabi ng kapatid mo, kaya naman daw pilitin yung ex ko na pumirma. Siya na raw ang gagawa ng paraan."

Napahinto ako sa pagta-type at sinilip agad siya. Duda ako sa huli niyang sinabi.

Alam ba niya kung gaano kadelikado si Archie kapag nagsasabi na 'yon ng siya na ang gagawa ng paraan?

I don't trust Archimedes de Chavez. Para siyang 2.0 version ni Daddy. Mabait sana pero pakitang-tao lang. Mabuti sana kung si William ang humawak ng kaso, madadaan pa sa maganda-gandang usapan. O kung legit ngang bayarang escort ang dating asawa ni Echo, isang suhol lang ni William, tapos na 'tong kaso. But Archie is on a different spectrum of evilness na hindi ko alam kung dapat bang maging proud ako sa kanya bilang kuya ko or not. Basta gusto ko siya bilang abogado pero ayoko sa kanya bilang kapatid-though, ayoko naman talaga sa kanilang lahat, actually.

"Tingin ko nga, matatapos na 'tong kaso ko kay Alleli. Baka puwede ko nang mabawi yung anak ko. Nagpa-file na rin yung kapatid mo ng permanent restraining order na pipirmahan na lang pagkatapos ng hearing."

I want the best for Jericho as well. I mean, it's been four months since I met him at sobrang bait niyang kaibigan. He wasn't asking for anything kung tutuusin, at ako na ang nagprisintang manghingi ng tulong kay Archie para sa kaso niya sa dati niyang asawa.

Sobrang concern niya sa 'kin, pero hindi ko maramdaman at hindi rin niya ipinararamdam na concern siya kasi gusto niya 'ko romantically, o gusto niya ng pera ko, o ng katawan ko.

That was the best thing about him for me. He knows his boundaries.

"Dinner tayo mamaya sa Jacky's," alok niya.

"Sure. Libre mo ba?" biro ko.

"KKB tayo, ikaw boss dito e. Ako'y obrero lamang."

Natawa na lang din ako. "Kuripot mo talaga. Sige, go sa KKB."

Ganoon palagi ang buhay ko sa loob ng isang buwan. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho sa boutique, buong araw akong sasamahan ni Jericho, kakain kami ng dinner (na kanya-kanyang bayad) maliban na lang sa day off naming dalawa.

Ayaw niya 'kong pinapapunta sa bar kaya lagi siyang nag-aaya ng dinner. Tapos siya rin ang naghahatid sa 'kin sa Taytay pauwi. Pinapahiram ko sa kanya ang kotse ko every day. Sabi ko nga, para hindi na siya magko-commute.

Iniisip nga ng iba, kami na. Ayoko ring mag-explain kung bakit ganoon ang setup namin ni Echo. But between us, alam naming pareho na hindi talaga kami puwede. We can be best friends nang hindi na nanghihingi ng iba pa aside from that. Sa kanya na rin mismo nanggaling na ayaw niya ng commitment plus nirerespeto niya pa rin yung decision ko na hintayin pa rin si Tyrone kahit na nakita na namin yung wedding photos.

Unti-unti, nagsisimula ulit ako. Mabilis tumabo ang fashion industry. Meron at merong papalit sa lahat ng mawawala. Yung branch ng Lion Fashion na iniwan namin ni Tyrone, kitang-kita ang naging impact ng pag-alis namin. Hindi na ang branch na 'yon ang top performing branch ng Lion. Sobrang laki ng ibinaba ng sales nila after Tyrone Chen left the management. Almost three months pa lang siyang wala pero nag-down ng negative 34 percent ang sales nila-which hindi hahayaan ni Tyrone kung siya ang boss doon.

Pero ginusto ito ng Lion. Ginusto ito ni Tyrone. And that was the reason why sobrang dami kong natatanggap na voice message from main branch sa line ni Tyrone sa bahay niya. Tumatawag sila to give him a huge offer para lang makabalik. Sabi ko nga sa sarili ko, sana lakihan pa nila para nga makabalik na siya.

Mahigit isang buwan na, wala pa rin siya sa bahay.

May natirang peklat pa rin ng nangyari sa 'kin mula noong April at naghilom naman na ang sugat. Pero may brace pa rin ako sa lower teeth para pumantay ulit ang ngipin ko sa right side. Puwedeng naghilom na 'to, pero may mga sakit sa katawan akong nararamdaman na hindi ko alam kung paano pagagalingin kasi hindi ko alam ang gamot.

Saturday, day off ko, at gaya ng mga umaga kapag wala akong trabaho, sikat ng araw ang gumigising sa 'kin mula sa bintana ng kuwarto.

Sinusuot ko ang mga dress shirt ni Tyrone. Siguro, nagiging possessive lang ako sa mga bagay na feeling ko, akin naman dapat. Gusto kong pagbalik niya, at kung sakali mang bumalik siyang may kasama nang iba, proud ko pang sasabihin na itong mga damit na 'to, nasuot ko na.

Umaasa pa rin akong babalik siya. Kung magiging kabit man ako gaya ni Mama, wala na 'kong pakialam. I know, ang tanga ko para maghintay sa lalaking hindi ko alam kung babalikan pa ba 'ko matapos niyang hindi magparamdam, pero siguro ganito rin ang naramdaman ni Mama noon kay Daddy.

Yung hope na baka kapag nag-stay siya, may babalik sa kanya . . . kahit na kung tutuusin, wala naman talagang nakabalik kahit gaano pa siya katagal na umasa.

Another day, and I was washing the dishes after my lunch when I heard the door opened. Ang ine-expect ko, yung pina-deliver kong cookies para sa meryenda. Pero sa may dining area pa lang, napako na 'ko sa kinatatayuan ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko na hindi ko alam kung bakit parang sa tagal kong naka-stay rito, ngayon ko pa naramdaman na nasa maling bahay ako.

"Jiao, nǐ xíng nǐ shàng a." (Jiao, kung kaya mo, gawin mo.)

"Yue, you know him. Wǒ jué de tā zuò de bú gòu hǎo." (Tingin ko naman, di niya ginawa ang makakaya niya)

Pumasok mula roon sina Tyrone, wala halos pinagbago ang mukha niya noong huli ko siyang nakita. At siguro, nagkita na sila ng hairdresser niya kasi nakapagpagupit na siya. Kasama niya yung cute na babaeng chinita na nakasuot ng pink floral dress.

Ang inosente ng mukha niya. Parang kapag sinigawan ko, biglang iiyak.

Siya ba yung ipinalit niya sa 'kin?

"Oh! zài zhè!" (Nandito siya!)

Kahit si Tyrone napahinto sa paghatak ng mga maleta nila pagkakita sa 'kin. Yung ngiti niya sa babaeng kasama niya, nawala naman-gaya ng tipikal na nangyayari kapag nakikita ko siya kasama ng mga kabit niya.

"Hahaha! Hello, hello!" Ang saya-saya pa ng babaeng kasama niya nang tumakbo palapit sa 'kin. Napahinto ako sa paghinga nang bigla niya 'kong niyakap.

"Yue, bié dòng," Ty said seriously, and I didn't understand a single thing he said.

Paghiwalay sa 'kin ng tinawag na Yue ni Tyrone, kitang-kita ko kung gaano kalawak ang ngiti niya sa 'kin na para bang matagal na kaming magkakilala. My gosh, can I push her far away from me?

"It's nice to meet you!" she said in her cute Chinese accent. "I love your designs! I bought two of your winter collections last 2016!"

"Oh. Nice." I glanced at Tyrone who was taking all their baggage inside the bedroom beside the great room. And what shocked my system was the golden ring on his finger.

So ito nga . . . sila nga . . .

"Jiao has been talking a lot about you! Thank you for making my wedding gown. I love it!"

"You enjoyed your wedding?" I asked using my lesser sarcastic tone.

"Absolutely! Jiao gave me my dream wedding." She held my hands and her eyes glittered while I slowly lost mine. "I'm so excited to see yours! My husband and I will be there!"

Excited to see mine? Paano niya nasasabi 'to habang gusto ko nang sampalin ang mukha niya?

"Yue, take your rest."

Ang sama ng tingin ko kay Tyrone paglabas niya ng blangkong kuwarto sa kabila.

"Can I talk to her first? Pleaaaase!" Yue didn't let my hand go kahit na gusto ko na siyang ibato sa bintana. Nag-puppy eyes pa siya na talagang ikinairita ko kaya marahas kong binitiwan ang kamay niya saka ko hinarap si Tyrone.

"Bakit hindi ka tumawag?" seryosong tanong ko. "Bakit hindi mo sinabi sa 'king dadating ka?"

"Cin . . ."

"Why? Are you mad? What's happening?" Yue innocently asked. "Jiao?"

"Yue, go to your room. Cin and I need to talk."

"Hmmp!" Yue pouted and pulled me near her. Nagulat ako kasi bigla siyang nanghatak para lang bulungan ako. "I know Jiao is a grumpy man, but don't worry. If that devil did something bad, we'll poison him later. I got you, dear." Then she let go of me and smiled as innocently as she could. "Okay!"

"You're what?" pahabol pang tanong ko habang nagkakandirit siya papasok sa kuwartong para sa kanya. "Hey! What are you saying?"

"Tara muna sa kuwarto."

"Sandali, hindi pa kami tapos mag-usap! Ano ba?!"

Hinatak na niya 'ko papasok sa master's bedroom. At hindi lang sa master's bedroom, dumeretso kami sa walk-in closet niya at ni-lock 'yon.

Kung anong kunot ng noo ko, ganoon din ang kunot ng noo niya.

"Isang buwan, Ty, wala kang paramdam, tapos babalik ka rito na wala man lang pasabi? Sana man lang kahit text o call! You can chat me any time, pero wala!"

"Let me explain, okay?"

"Dapat lang!"

Nagsisimula nang manginig ang labi ko habang pinipigil kong maiyak.

Alam kong isang buwan lang 'yon . . . pero alam ba niya kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko sa isang buwan na 'yon?

"Yue will stay here for the meantime."

"Sino siya? Ano mo siya?" Nakailang hawi ako ng luhang sunod-sunod na pumatak sa pisngi ko.

"It's a long story-"

"I don't fucking care!"

He sighed deeper and massage his temple. Frustrating ba ang usapan? Ganoon ba kahirap sabihin ang totoo?

"Yue is my half-sister."

Sa isang iglap, biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko at napaatras ako hanggang sa glass cabinet sa gitna ng closet.

"She's a political activist and she was detained for two months sa Daxing District. Kinailangan ko siyang i-bail out kasi disowned na siya ng mga Chen, and that was too dangerous kasi ide-detain din ako at di ko alam kung makakabalik ba 'ko agad . . ." Ang lalim ng buntonghininga niya habang nakatingin sa ibaba. ". . . mino-monitor kami ng government that time. Mahirap makipag-communicate outside the country kasi ite-trace nila lahat ng connections namin. Actually, hindi pa dapat ako makakauwi rito, but her husband compromised our security. Nag-agree ang mga Chen na magpakasal siya sa anak ng state councilor to bail her out. We have an agreement na dito muna siya sa Pilipinas to avoid her cases sa Beijing regarding district protests. I can't leave her like that, Cin. Alam kong maiintindihan mo 'ko. Sorry kung iniwan kita nang walang paalam. Alam ko kasing manghihingi ka ng tulong kina Archie kapag nalaman mo ang nangyayari sa pamilya ko."

Tahimik na lang akong umiyak habang nakatitig sa kanya.

Sana sinabi niya. Sana ipinaliwanag niya nang maayos. Sana kahit kaunting clue man lang, nagbigay siya . . .

"I can't call you kasi nasa police station ng Daxing ang phone ko after the wedding. Wala akong communication for two weeks. Sorry."

"Si Forest . . .? Hindi ba kayo nagkita?"

"Forest was detained as well. Magkasama kami so . . . she was my part-time lawyer. Nakauwi na rin naman siya, magkakasabay kami."

Kaya ba kahit si Forest, hindi ko rin ma-contact?

Bakit ba kasi hindi nila sinabi?!

Napaupo na lang ako sa sahig habang humahagulhol.

"I'm fine. We're fine, don't worry."

Naramdaman ko na lang na niyakap niya 'ko habang hinahagod ang likod ko. Doon ko iniyak lahat ng bigat sa dibdib ko sa balikat niya.

"Sorry for making you wait." I felt a warm kiss planted on my temple. "I miss you."

"Akala ko, kasal na sa iba . . . nakakainis ka . . . Nakakainis ka!" Paulit-ulit ko siyang pinalo sa dibdib para ilabas lahat ng galit ko sa kanya.

"Sabi ko naman sa 'yo, di ba, hindi magbabago ang desisyon ko, pakakasalan pa rin kita."

After all those years na iyan ang mga salitang ikinaiinis ko sa kanya . . . hindi ko alam na aabot kami sa puntong 'yan din ang salitang gusto kong marinig para masabi kong ako pa rin talaga.

Na ako lang . . . wala nang iba.

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top